
Minsan sa buhay ng tao hindi mo alam kung sinong
makakapitan mo sa oras ng kagipitan ,Isa si jamilla sa
mga taong walang matatakbuhan dahil nung namatay ang kanyang mga magulang sakit ay wala na siyang kamaganak na magkakalinga sakanya bukod sa malayo ang kamaganak niya sa probinsyang tinitirhan dahil ang mga ito ay nasa cebu at sila naman ay nasa probinsiyang nang bulacan
Simula nang mamatay ang mga ito sa edad niyang 22 ay natuto siyang makipag sapalaran sa buhay, nagtatrabaho siya para sa sarili niya dahil wala nga naman siyang aasahan na ibang tutulong sakanya kundi ang kaibigan niya na simula pa nang pagkabata kasama na siya itong lumaki ,hindi sila nakatapos
parehas dahil na rin sa wala naman silang pera na lang tuition kaya minabuti nalang nila mag trabaho sa isang mall bilang staff
Umabot naman silang 3 years sa pag tatrabaho kahit napaka arte nang kanilang manager doon gusto na nga nila humanap ng iba pero
wala silang oras para maghanap ng hiring kasi bukod sa maaga silang pumasok sa trabaho hassle pa kung
isisingit nila
