Kash's POV
"Uh.. Um.." Napatingin ako sa likuran ko.
Isang lalaking halos ka-edad ko lang..
Nagulat ako dahil siya yung batang lalaking palagi kong nakikitang naglalaro kasama ng mga kaibigan niya..
Ngumiti sya sa akin at naramdaman kong lumakas ang t***k ng puso ko.
"Hi! Ako si Kylan, ikaw?" Parang may miracle na nangyari noong araw na iyon..
Inabot nya sa akin ang kamay nya..
And before I knew it, I'm already holding his warm hands.
Napamulat ako ng mata ko..
Napahawak nalang ako sa sentido ko ng hindi inaasahan.
"Uhm, Doc. Nandito na po yung pasyente nyo." narinig kong sabi ng assistant ko.
Shit. Hindi ko akalaing makakatulog ako sa gitna ng trabaho..
"Pasensya na," umayos ako ng upo, "bakit hindi mo ako ginising?" hinilot ko yung ulo ko.
"Mukhang pagod po kasi kayo Doc." Sagot nito..
"Hindi importante 'yon, nasa oras tayo ng trabaho." Inarrange ko na yung mga papel na nasa table ko ngayon. "Papasukin mo na yung pasyente." sabi ko sakanya't tumango naman sya.
Lately hindi na ako nakakatulog ng maayos.
Hindi ko alam kung anong nagiging sanhi nito pero dati hindi naman ako ganito.
I'm getting tired more often. Natatakot ako na baka maka-apekto ito sa trabaho ko..
I looked at the calendar on my right side..
Bumibilis na ng bumibilis ang oras. Malapit na ring mag-december..
Tumingin na ako sa pasyente at nag focus.
***
Nagpunta ako sa Pharmacy Department nang lunch time na..
"Where's Kylan?" tanong ko kay Bianca. Gulat na gulat naman ako nitong tinignan..
Para syang nakakita ng multo, "w-what?" I asked..
"Kayo pala yan Doc. Kash. Wag naman kayo basta-basta pumapasok.." Bumuntong hininga sya at napahawak nalang sa dibdib nya =.=
"Oh sorry." I apologized..
Tinignan muli ako nito, "Doc. Kash kayo ah.. May kasalanan po kayo sakin.." Sabi nito na ipinagtaka ko..
"Anong kasalanan?" curious na tanong ko.
Nag grin sya, "tungkol po sa inyong dalawa ni Kylan.." she said.
Pinagpawisan naman ako ng malamig, tungkol sa amin ni Kylan? May bad feeling ako dito.
Hindi kaya, nalaman nya na dati kaming may relasyon ni Kylan? At ipagkakalat nya sa buong Ospital? At pag nangyari yun paniguradong magkakaroon ng bad rumors at madudumihan ang reputasyon ko bilang isang gynecologist!
Tumawa si Bianca na mas lalo ko pang ikinabigla, "Doc. Kash bat parang nerbyos na nerbyos yung mukha niyo?" tumatawang sabi nya't na-conscious naman ako sa expression ko..
"H-Hindi ah.." Sabi ko rito.
Relax Kash. Relax..
"Sabi niyo po kasi sakin dati na mag-pinsan po kayo ni Kylan." Ngumisi siya't may nakakalokong tingin sa mata nya..
Don't tell me..?
"Well well well. Sabi po kasi sakin ni Kylan na hindi daw kayo magka-mag anak dahil best friends daw po kayo since birth kaya naguluhan po ako kung ano ba talaga.." Paliwanag nito..
"Ah.. Err.." Iyon nalang ang tanging lumabas sa bibig ko.
"So Doc. Kash, ano ba talaga?" Lumapit ito sakin at tinitigan ako..
"Ah.. Tungkol doon, wala kasi ako sa sarili ko nung sinabi ko yun sayo. Magkaibigan talaga kami ni Kylan." Malinaw na sabi ko sakanya.
Lumayo na sya sa akin, "Hm.. Ganun pala. Hindi ko alam na lumilipad din pala yung isip niyo minsan Doc. Kash." tumawa ito.
"Hehe.. Err.." Napatingin nalang ako sa iba. Phew!
"Kung hinahanap niyo po si Kylan, nag lunch na po sya kasama yung ibang mga nurse." Sabi nya't napatango nalang ako.
Lumabas na ako sa Pharmacy Dep.
Tss.. Yung lalaking yun..
Paniguradong nakikipag-landian nanaman sya.
Bumuntong hininga ako..
Sinabi nya sa akin kanina na sabay kaming kakain tapos ngayon ako pa yung nga-nga?
Tch.
Napa-crossed arms nalang ako't napakagat ng ibabang labi..
Sya talaga yung klase ng lalaking hanggang salita lang.
Habang naglalakad sa hallway ng Ospital ay napatigil ako nang makasalubong ang lalaking number one na ayokong makita ngayon.
Tumingin ako kay Kylan ng masama at tuloy-tuloy lang na naglakad..
"Kash.." Hinawakan niya yung kamay ko bago ko pa sya malagpasan.
Tinignan ko sya, "Where's your respect?"
"Ah.." natawa sya, "Doc. Kash.." pag-iiba nya..
"Baket?" inis na tanong ko.
"Nauna na akong kumain pero sasamahan parin kita." Sabi nya't tinanggal ko ang pagkakahawak nya..
"No thanks. Busog ako, ayokong kumain." I continued on walking but he followed me..
"Pero Kash, hindi ba sabi mong kakain kana't hindi magpapalipas?"
"Correction, ikaw ang nagsabi 'non." Sabi ko sakanya habang patuloy pa ring naglalakad.
"Heto nanaman ba tayo Kash?" this time, sumeryoso na yung tinig nya.
Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sakanya..
Napasimangot ako't sumikip ang dibdib ko..
"Ayokong sumasabay ka sa iba. Nagseselos ako.."
...
HELL. No way I'm going to say that.
Huminga ako ng malalim, "kakain ako pero ayokong kasama ka. Kung gusto mo, sa babae ka nalang sumama dahil tutal gusto mo naman makipag-landian diba?" Ngumiti ako ng napaka-bitter sakanya tsaka iniwan sya..
Applause..
Iyon ang mga words ng nagseselos Kash..
Nagseselos? AKO? Hindi ako nagseselos, NAIINIS ako.
Naiinis ako sa tuwing hanggang salita lang sya.
Pero in-offer nya namang sabayan ka Kash. Hindi mo naman tinanggap dahil sa eiffel tower na pride mo..
TEKA. TEKA. Bakit ba ako nakikipag-argue sa sarili ko!? AGH.
Baliw ka talaga Kash..
***
Pag uwi ko mag-isa sa unit ko..
Wala akong naabutang Kylan..
Ang tanging nakita ko lang ay isang pagkain na nakahain sa mesa at note na nagsasabing..
'Mauna ka nang kumain Kash, may importante kasi akong pupuntahan ngayon.'
Importante..
"Ah, umalis po muna siya saglit. Importante daw po pero sandali lang." Pumasok iyong imahe sa isipan ko kung saan nakita kong may kasama si Kylan na babae doon sa may bench malapit sa Ospital.
Napa-facepalm ako.
You can't be serious..
Tumakbo ako paalis ng unit ko't bago ko pa malaman kung anong ginagawa ko ay nakalabas na ako sa building ng condo ko.
My mind's not working..
I can't think of anything anymore.
Ang nasa isip ko lang ay ang hanapin si Kylan.
But for what..?
After I found him what will I do?
It's still the same, right? Kash Trinidad.. you're the most foolish human I've ever seen.
You know you're going to be hurt but still here you are..
Why are you running like an idiot if you don't have any feelings for him?
Why do you still act like a brat even though you know it yourself --- that you can't afford to lose him.
Don't deny it Kash..
Which is your true feelings?
I stopped thinking as I look up to the skies above..
I need to end this.
I need to stop chasing him.
I'll end up getting hurt..
all over again.
It feels tight, hindi ako makahinga..
Huminga ako ng malalim.
Hindi ko alam na lumabas ako ng walang sapatos. I'm still on my socks.. ang baduy tignan. Really.. what are you doing Kash you stupid.
Stupid, stupid..
Stupid..
Suminghot ako..
Stupid..
Why...
Why am I crying?
Pinunasan ko yung luha kong kusang tumulo nalang out of nowhere.
These annoying tears, doesn't have any permission to fall.
But I can't control them. Mayroon din kaya silang utak? Or maybe they are just deaf, they are not listening to me at all.
Kash. Stop thinking of idiotic things. Bumalik kana sa unit mo..
I walked back..
But still, I can't stop turning my head around.
Kung makikita ko ba sya.
Bumalik na ako sa unit ko't tinitignan ako ng mga nadadaanan ko as if I'm a suspicious person.. Hindi naman ganun kasama tignan yung medyas ko no.
Sinarado ko na yung pinto..
Kailangan kong kumain at i-relax ang utak ko.
Simula nang dumating si Kylan, I became outrageous. As if my world revolves around only at him..
When I.. only have a small place in his world.
***
"Kash.." dahan-dahan akong napamulat ng mata..
"Lalamigin ka pag natulog ka dito sa sofa.." Naririnig ko ang boses ni Kylan..
When I finally opened my eyes..
"Halika.." Binuhat niya ako sa kanyang kamay at inilipat sa higaan ko..
"Hinintay mo ba ako?" Tanong nya habang inaayos yung buhok ko..
Hindi ko sya sinagot..
I'm glad..
Hindi sya amoy pabango ng babae.
Ngumiti sya,
"Let's sleep together, Kash."
===