Kash's POV
Late na ng gabi nang makauwi ako sa condo ko.
Pagbukas na pagbukas ko palang ay naka-abang na si Kylan sa loob..
"Saan ka pumunta Ka?" tanong nito, mukhang kanina pa siya naghihintay.
"D-Dyan lang." sagot ko. Ayokong ipaalam sakanya na nagkita kami ni Claud at siya the whole time ang pinag-uusapan namin..
"Dyan lang? Eh mas late ka pa dumating kaysa sa akin eh." Sabi naman nito. Naglakad naman ako papuntang kwarto ko at nang madaanan ko siya'y nakaamoy nanaman ako ng pabango ng babae..
You dare to lecture me and yet here you are covered with a woman's perfume.
"Wala kang paki kung anong ginagawa ko okay?" I told him directly..
Paniguradong pabango iyon ng ex niyang si Gen. Yung babaeng pinalit niya sakin nung mag break kami, tss..
Sinundan niya ako nang pumasok ako sa kwarto ko, "may paki ako dahil ako ang kasama mo dito. Isa pa, kaibigan mo ko Kash."
HA! Kaibigan? Kaibigan nanaman?
Tinignan ko siya ng masama, "bukas nalang tayo mag-usap dahil inaantok na ako." sabi ko rito at tuloy-tuloy na humiga sa kama ko ng hindi nagpapalit ng damit..
Pumikit na ako dahil antok na antok na talaga ako..
Lumapit si Kylan sa akin, "magpalit ka muna bago ka matulog.."
Hindi ko siya pinansin at tuloy parin ako sa pagtulog..
Nang maramdaman kong may nagtatanggal ng butones ng damit ko..
Pagmulat ko ay..
Napabangon ako, "a-anong ginagawa mo!?" nawala yung antok ko sa ginawa ni Kylan.
"tinatanggal yung damit mo." sabi naman nito.
"b-bakit mo tinatanggal? Manyak ka ah!" sigaw ko dito't pulang-pula yung pisngi ko..
"H-Ha? Eh sinabi ko naman sayong tanggalin mo muna yan bago matulog. Hindi ba't ayaw mo madapuan ng bacteria? Maligo ka kaya muna!" Sabi naman nito..
"Paki mo ba kung gusto ko na matulog!?" Sigaw ko dito't tinignan yung damit ko na kalahati na yung butones na nakabukas..
Binalik ko na ito sa pagkaka-butones..
"Teka! Magpalit ka na nga muna kasi!" sabi naman nito na tila pinipilit ako..
"Bakit ba gustong gusto mo na magpalit ako ha?! Talaga bang gusto mo makita tong katawan ko ng ganon?! Oh ayan!" tinanggal ko yung damit ko at tinapon ito sa sahig kaya half naked na ako ngayon..
Nagulat naman ako nang makita si Kylan, nakatingin siya sa ibang direksyon habang tinatakpan yung bibig niya't namumula yung pisngi..
Doon ko lang napansin kung ano yung ginawa ko..
Ano bang ginagawa mo Kash!? Bakit ka ba naghuhubad sa harap ng gagong to!?
Tila umiikot-ikot yung isip ko at di ko alam yung gagawin.
Awkward..
Tumingin si Kylan sa akin at umupo sa tabi ko habang ina-avoid kong magtama yung paningin naming dalawa..
Hinawakan niya yung braso ko't uminit yung pakiramdam ko..
"Anong.. ginagawa mo?" tanong ko rito ng hindi nakatingin..
Tumayo siya't hawak parin yung braso ko, "tumayo kana diyan, sabay tayo maligo."
"H-HA!?!?!?!?!?!" Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya't nakita kong seryoso yung ekspresyon niya..
"Matagal na tayo hindi nagsasabay maligo." Sabi nito't tumingin naman ako sa iba..
Hinila niya yung braso ko pero ayokong umalis sa higaan..
"Hindi ka parin nagbabago. Ang bata mo parin kumilos." Sabi niya't nanlaki nalang yung mata ko nang buhatin niya ako..
"T-Teka! Anong ginagawa mo!? Ibaba mo nga akong gago ka!" Sabi ko rito habang sinusuntok-suntok siya..
"Ang gaan mo." Hindi niya ako pinakinggan at ibinaba niya ako sa loob ng banyo..
Sinara niya yung pinto't nakita ko siyang hinubad yung damit niya..
"T-Teka! S-Seryoso ka!?!" Hindi makapaniwalang sabi ko sakanya at nahagip ng paningin ko yung abs niya.
Buti nalang malaki itong banyo ko dahil pag masikip 'to, mahirap gumalaw at paniguradong hihimatayin ako dahil sa lalaking to.
"Mukha ba akong nagloloko?" nakangising sabi nito.
Makalipas ang ilang minuto..
Nakaupo ako sa mainit na bathtub kaharap itong si Kylan..
Yakap yakap ko yung binti ko. Ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan..
Tahimik lang kami dahil sino ba naman ang makaka-imagine ng dalawang lalaki na parehong may trabaho't sabay maligo.
"Siguro mga grade 6 pa tayo nun nung huli tayong naligo ng sabay." Narinig kong sabi niya.
Pumikit ako't isinubsob yung mukha ko sa binting niyayakap ko ngayon. Hindi ako makapagsalita, wala akong lakas magsalita.
Tumawa siya, "hindi mo naman kailangang mahiya. Halika, sasabunin ko yung likod mo." Tila pinapalapit niya ako sakanya.
"Manahimik ka. Hindi na tayo bata okay?" sabi ko rito.
"Pero nakakamiss yung dati nating ginagawa." Sabi niya't bumuntong hininga..
Oo nga..
Kung pwede ko lang sanang ibalik yung mga oras na iyon.
Yung malaya pa kaming dalawa..
Ginagawa yung mga bagay na mga bata lang ang nakakagawa..
"Alam mo ba Ka, andaming nagbago sa mga dati nating ka-klase." Tumingin ako kay Kylan..
"Yung iba, may pamilya na. Yung iba, wala paring trabaho at yung iba naman sobrang yaman na." Kwento niya sa akin ngunit hindi iyon ang gusto ko malaman..
Gusto ko sanang malaman kung..
Anong nangyari sakanila ni Gen.
"Si Gen.." nagulat ako nang bigkasin ni Kylan yung pangalan ng babaeng iniisip ko, "buntis siya't gusto niya ako maging ninong." Sabi nito habang nakangiti..
Hindi ako nakapagsalita..
"ang saya saya niya nung magkita kami. Sabi niya, thankful daw siya sa baby niya." pinagmasdan ko lang si Kylan habang nagkwe-kwento, "masaya nga siguro magkaroon ng anak.."
Nang sabihin niya iyon,
Doon ko na-realize kung gaano ako katanga.
Oo nga..
Imposible para sa aming dalawa..
Dahil hindi kailanman pwedeng magkaanak ang lalaki.
"Kylan.." tawag ko sa pangalan niya't tumingin siya sakin..
"..gusto mo ba magkaanak?" tanong ko sakanya..
Natahimik siya ng ilang segundo at sinagot din ako ng nakangiti, "masaya maging magulang."
Iyon ang isinagot niya sa akin..
Hanggang sa nabalot na kami ng katahimikan.
***
Lumipas ang ilang araw..
Sa Ospital..
It turns out na binawi ni Kylan yung pag-leave niya ng 3 days.
Hindi ko naitanong sakanya kung para saan ba yun. At natatakot ako kung anong isasagot niya..
Naaalala ko pa rin kasi yung phone call..
Phone call galing sa isang babae na inaalok siyang makipag-kita ulit dito.
But nevermind that..
I sighed, bakit ba lagi kong iniisip si Kylan!?
May mga bagay din na kailangan mong isipin Kash Trinidad..
Tulad nung pasyente mong kailangan na operahan bukas..
O kaya naman yung mga nurse na nagkukumpulan doon sa area na yun.
Nagkukumpulan?
Lumapit ako dahil parang nagkakagulo yung mga grupo ng nurse doon..
"Excuse me, anong nangyayari dito?" tanong ko sa isang nurse..
"Ah.. Doc. Kash, pinag-uusapan po kasi namin yung magaganap na trip ng mga staff ng hospital." nakangiting sagot naman nung babae..
Trip..?
"trip?" tanong ko..
"Opo Doc. Hindi niyo pa po ba alam?" Umiling naman ako, isang sign na wala akong ideya sa sinasabi niya..
"Ah, nag meeting po kasi nung mga nakaraang linggo at mukhang may mangyayaring trip for medical workers ngayong buwan." Paliwanag niya..
Nakaraang linggo, ibig sabihin nung nagkasakit ako. Kaya siguro hindi ko alam yung pinagsasasabi nitong nurse.
"trip? Hindi ba yun makaka-apekto sa trabaho?" tanong ko..
Ngumiti naman yung nurse, "hindi po dahil mahahati po sa iba't ibang batch yung mga staff."
Nagugulahan parin ako kaya pina-explain ko sakanya yung mga mangyayari..
Naka-post din sa board ng hospital yung mga batches, at days nung trip. Looks like ginawa 'to para makapag-relax yung mga staff ng hospital.
Mahahati sa 5 batch ang bawat staff ng Hospital para sa trip.
3 days para sa first batch hanggang fifth batch.
Nang makita ko ang list ng batch ng mga Doctor, nasa 4th batch ako't saktong kasama ko sa list si Doc. Evan.
Ibig sabihin, makakapag-bakasyon kami ng 3 days sa isang lugar kasama ang mga kapwa doctor na ka-batch namin.
Mabuti naman at naisipan nilang gawin 'to.
Nang tignan ko naman yung mga batch list ng pharmaceutical department, nakita ko yung pangalan ni Kylan na nasa 4th batch din.
Coincidence?
So ganon?
Pero matagal pa kami makakapagbakasyon..
Next next week pa.
Siguro ngayon, nagbabakasyon na yung mga nasa 1st batch.
At balita ko it's either sa mountains o kaya sa beach yung pupuntahan.
Sigurado ba sila dito? Eh sa dinami-dami ba naman ng dumadaan na bagyo sa Pilipinas, matutuloy pa kaya tong trip na to?
Di bale na, hindi pa dapat ako nagiging kampante ngayon dahil marami pa akong aasikasuhin.
***
Umuwi ako sa unit ko mga 8 PM. Nandoon na si Kylan, naabutan ko siyang nagluluto.
"Ka! Wait lang ah, malapit na rin 'to maluto." Sabi niya..
Nag-ayos naman ako't umupo..
Naalala ko nalang bigla yung trip, "Kylan, sasama ka ba sa trip?"
"trip?" tanong niya..
"Oo, diba may trip yung mga staff sa Hospital?" sabi ko rito..
"Ah yun ba? Ayoko sumama, may mga gagawin pa ako eh."
Gagawin..?
"ano namang gagawin mo?" tanong ko,
"some random things.." sagot niya.
So wala siyang balak pumunta..
Ano kaya kung hindi narin ako pumunta?
Pero teka. Ano bang iniisip ko!?
Hindi porket hindi siya pupunta, hindi narin ako pupunta no.
Pupunta ako! Bahala siya kung ayaw niya sumama!
"eh ikaw? Pupunta ka ba?" tanong niya..
"of course. Ayokong makulong lang dito kasama ka.." sagot ko sakanya.
Tumawa lang siya..
Pinagmasdan ko siya habang naghahain..
Ano kayang.. iniisip niya sa mga oras na 'to?
===