Chapter 7

1348 Words
Kash's POV Matapos ang madramang pangyayaring iyon, bumalik na ulit kami sa dati.  Hindi pa ako masyadong magaling pero pinagpatuloy ko na ang pagtra-trabaho ko. "Kash, kilala mo pa ba si Gen?" tanong ni Kylan habang naglu-lunch kami sa isang cafe malapit sa Ospital.. Sa pagkakaalala ko.. Pumasok ang imahe ng magandang babae sa isipan ko. Hindi ko makakalimutan yung babaeng iyon. Nang mag-break kami ni Kylan nung high school pa kami, siya ang pinalit niya. Tch. Why did he bring up her name now? "Oo, ka-klase natin sya diba?" sagot ko rito nang hindi pinapaalalang ex niya ito. Tumango siya, "nagkita kami nung isang araw. Sabi niya may reunion daw na magaganap bukas, tayo-tayong magkaka-klase noong high school pa tayo."  "Oh tapos?" maikling tugon ko, "what I'm trying to say is.. Sasama ka ba?" napatitig naman ako kay Kylan, "Are you kidding me? Busyng busy ako dahil sa mga schedule ko, wala na akong time para pumunta sa mga reunion na yan." Erm, that's not it actually. Ayoko kasing makita muli ang mga ka-klase ko, as you can see.. loner ako pagdating sa klase, si Kylan lang ang nakakausap ko at yung iba kong kaibigan ay nasa ibang section. Isa pa, karamihan sa mga babaeng ka-klase namin ay naging girlfriend na ni Kylan. Kaya, bad memories lang ang maidudulot ng mga yun para sakin. "Sumama ka na, pupunta rin kasi ako. Hindi mo ba sila nami-miss?" This guy.. Bakit ko naman mami-miss yung mga yun? As if! "Sabi ko, may trabaho pa ko at baka mag overtime pa bukas! Mabuti ikaw maaga ka makakauwi dahil hindi ka doktor at minsan-minsan lang mag duty."  "Pero pwede mo naman isingit diba?" Tinignan ko pa ng masama si Kylan, "No means no. Kung pupunta ka, bahala ka."  Bumuntong hininga si Kylan at uminom, "kung magbago ang isip mo, pumunta ka nalang dito ng mga 8 PM." Sabay lapag niya ng isang papel sa mesa. Hindi ko ito kinuha dahil wala naman talaga akong planong pumunta doon. Tsaka, paniguradong gabing-gabi na sya makakauwi.  *** Nang sumunod na gabi.. Saktong 8 PM natapos ang trabaho ko.  Sigurado akong pumunta na si Kylan doon sa reunion, pero sorry siya dahil wala talaga akong balak sumama kahit hindi ako mag overtime. Naramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko.. Calling +639*********.. Answer. Cancel. Sino kaya to? Sinagot ko yung tawag, "Hello?"  ["Hello Kash?"] Teka, namumukhaan ko yung boses. "Uh sino to?" ["Si Claud to."]  Nanlaki ang mata ko nang sabihin ng nasa kabilang linya yung pangalan nya.  "C-Claud?! Saan mo nakuha number ko?" ["Kung may koneksyon ka, malalaman mo agad ang mga bagay-bagay."] Wow.. hindi parin siya nagbabago. "Oh? Napatawag ka?" ["Wala, gusto ko lang mangamusta. Masama ba?"] "A-Ah, ang unusual naman. Masipag kana ba ngayon?" tanong ko sabay tawa. ["Ewan. Tara kita tayo."] "Huh? Seryoso? Osige, saan ba?"  *** Nasa Anacho Diner kami ngayon, isang restaurant kung saan ay pag-aari ng pamilya ko. Kaharap ko si Claud na nakasandal at nakaupo na parang prinsipe habang umiinom ng juice. "Inom ka muna." Sabi nito sakin, Medyo ang awkward lang.  Kaibigan ko si Claud simula high school, pero hindi kami magka-klase. Kilala siya bilang isang tamad, pero matalino dahil ang galing dumiskarte sa pag-aaral. Madalas siya mag skip ng klase, o kaya matulog habang nagka-klase pero ang taas parin ng grades niya. Hanggang college magkakasama parin kami at iba pa naming ka-tropa, pero nang grumaduate na ang bawat isa sa amin, nawalan na kami ng komunikasyon. Uminom naman ako gaya ng sinabi niya,  "Balita ko doktor kana." Sabi nito sakin, Tumango naman ako, "ikaw? Ano nang pinagkaka-abalahan mo ngayon?"  "Hm. Ako? Employee lang ng isang telecom pvt ltd." Pinagmasdan ko lang si Claud dahil malaki rin ang pinagbago nito sa appearance, Mukha na siyang masipag at pormal ngayon. Hindi tulad ng dati na kung saan-saan nalang namin siya makikitang natutulog. "Wag mo naman ako titigan." Nang sabihin niya iyon ay tumingin ako sa iba, "Kamusta na pala si Kylan?" tanong nito sakin, Bumuntong hininga ako, "After 5 years na walang balita, wala parin siyang pinagbago." "Nagpakita na rin siya sayo.. huh?"  Hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni Claud dahil sa binulong niya lang ito.. "Hindi ko pa rin nga alam kung bakit nawala nalang siya ng biglaan." "Gusto mo ba malaman kung bakit?" Napatingin ako kay Claud nang sabihin niya iyon, Ilang segundo kaming nagtitigan tsaka uminom ulit si Claud, "May balita ka pa ba kina Chace at Bryce?" Biglaan nalang siyang nag change topic. "Wala na nga eh." maikling sagot ko. "Nagpakasal na yung dalawang yun." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "D-Di nga?"  "Well, hindi ako sigurado. Pero paniguradong nagbabalak na yung dalawang yun."  Si Chace ay isa sa mga kaibigan ko simula highschool, magkatulad sila ni Kylan na napakalapit sa mga babae, yun nga lang ang pinagkaiba nila ay mas may puso si Kylan kaysa sakanya. Hindi nga namin inaasahan na pagtungtong ng college, makikilala niya si Bryce at mai-in love dito. Pareho pa silang lalaki, pero hindi imposible iyon dahil mukhang anghel si Bryce na halos mapagkamalan na siyang babae. Naiinggit nga ako sa love story ng dalawang yun. "Kash.." naalimpungatan ako nang tawagin ni Claud ang pangalan ko.. "..mahal mo pa rin ba si Kylan?"  Pinagpawisan ako ng malamig dahil sa tinanong niya.. Napangiti nalang ako ng hindi ko inaasahan, at umiling ako. "Paano mo nalaman?" tanong ko, "Madali akong makapansin ng mga bagay-bagay. Or I must say.. masyado kang halata." Bumuntong hininga ako,  "nag-bago na ang lahat Claud. Kinalimutan ko na siya matagal na." Hindi ko alam na nahalata na pala ni Claud ang nararamdaman ko kay Kylan.  "Kash, noong high school tayo.." napatingin ako kay Claud.. "naging kayo ni Kylan hindi ba?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napayuko ako.. P-Paano niya nalaman? P-Pati ba naman iyon.. ..alam niya? "P-Paano mo..?"  "Naglalakad ako nung uwian na at akala ko ako nalang mag-isang estudyante ang naiwan sa school dahil sa nakatulog ako. Pero nakita ko kayong dalawa ni Kylan sa labas ng school na sabay na naglalakad, magkahawak ang kamay at biglaan ka nalang niyang—" "Wag mo na ituloy Claud!" bumuntong hininga ako at inihilamos ang palad ko sa mukha ko dahil sa sinasabi ni Claud.. "Oo, tama ka. Naging kami ni Kylan pero wala ding nangyari. Tapos na yon okay? Ayoko nang maalala pa ulit yon." Sabi ko sakanya, "..pero nung makita ko kasi kayo non, ang saya-saya niyong dalawa. Dinuduyan niyo pa yung magkahawak na kamay niyo, at parang wala kayong pakialam kung may makakita man sa inyo." "Dati na iyon Claud. Please wag mo na ulit ipaalala." pinikit ko ang mata ko at isinandal ang ulo ko sa upuan. "Bakit ayaw mo ipaalala?" Iminulat ko yung mata ko.. Bakit nga ba? Bakit nga ba ayaw kong ipaalala..? Bakit nga ba ayaw kong maalala..? Umayos ako ng upo at huminga ng malalim, "walang kwenta kasi iyon kaya mas mabuti pang hindi na ulit balikan. Diba? There's no way na mag wo-work out ang isang relasyon kung hindi ka naman mahal ng partner mo. Right?" I told him, "Paano mo naman nasabing hindi ka mahal ni Kylan?" "P-Paano? Hindi naman siya makikipaghiwalay kung mahal niya ako diba? Ang sabi niya, hindi niya kayang makipag-date sa lalaki." Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang boses ko habang sinasabi ito kay Claud. "Ganun ba? Sige, isipin mo na ang gusto mong isipin." Sabi nito sa akin tsaka uminom na muli ito. +FLASHBACK+ Sabay kaming uuwi ngayon ni Kylan, masaya ako dahil hindi ko na siya nakikitang nakikipag-landian sa mga babae simula nang maging kami. Nang makalabas na kami sa gate ng school, hindi ko maiwasang tumingin sa kamay ni Kylan.. I keep on thinking, sana magkahawak kami ng kamay. "Hm? Bakit?" nabigla ako nang tanungin ako ni Kylan, Namula naman ang pisngi ko, "a-ah kasi.. y-yung.. k-kamay.." Nahihiya akong sabihin na gusto kong hawakan ang kamay niya. Ngumiti siya at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko't idinuyan ito habang naglalakad kami. Halos hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa pakiramdam ko, ayos lang kung ngayon na ko mamatay. Nakayuko lang ako habang naglalakad dahil pulang-pula na ang pisngi ko.. Nararamdaman ko naman na nakatingin si Kylan sa akin, "W-Wag ka tumingin.." sabi ko sakanya, "Hm? Bakit?"  "Ngh.. k-kasi.." "Kash, tignan mo ko." "A-Ayoko.." "Dali na! Bibitawan ko kamay mo pag hindi ka tumingin sakin." Nag-alangan ako nang sabihin niya iyon kaya agad akong tumingin sakanya kahit mulang-mula na ang pisngi ko.. Nagulat nalang ako nang halikan niya ako sa labi ng ilang segundo pagkatapos ay hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.. Mas lalo pang pumula ang buong mukha ko sa ginawa niya.. Iyon ang first time na hinalikan niya ako. We were like an idiot couple. Not minding if someone saw us. ===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD