Chapter 6

1353 Words
Kash's POV "Kash, bakit hindi mo kinain yung pagkain na iniwan ko?" Naalimpungatan ako nang marinig ang boses ni Kylan, Hindi ko siya sinagot sa tanong niya, nasa kama lang ako nakahiga't nakaharap sa ibang direksyon.. "Ibig sabihin ba hindi ka manlang kumain ng lunch at dinner?" tanong niya ulit. Peste tong lalaking to! Ang ingay-ingay 11 na ng gabi. "Wala kang paki sa gusto kong gawin." Simpleng sagot ko sakanya, "Anong walang paki? Paano kung mamatay ka dyan? Sasabihan mo pa rin ba akong walang paki?"  "Hindi naman ako namatay diba? Kaya wag kang OA. Iwan mo na ko.."  "KASH!" nagulat ako nang sumigaw siya, "ano bang problema mo? Doktor ka pero hindi mo manlang inaalala yang sarili mo?" Hindi ko siya sinagot.. "Wag mo sabihing pati gamot mo hindi mo ininom?"  Napapikit nalang ako ng mariin, Ang rason kung bakit ako nagkakaganito ngayon ay dahil sa tawag kaninang umaga.  ["..Kylan? Hello? Nandyan ka pa ba?"] Tawag ng isang babaeng naghahanap kay Kylan at inaalok itong magkita ULIT sila. H-Hindi naman ako galit dahil sa hinahanap niya si Kylan, g-galit lang ako dahil binigay ni Kylan yung telephone number ko sa hindi ko naman kilala. Kaya hindi ako kumain ng lunch at dinner dahil sa pag-iisip, ang ginawa ko lang ay ang uminom ng tubig. Ni hindi nga ako uminom ng gamot, nandito lang ako nakahiga buong magdamag sa kama ko.  "Bumangon ka dyan at kakain tayong dalawa." Utos sa akin ni Kylan, Pero hindi ako nagsalita o bumangon.. Nakikinig lang ako sa mga sermon niya sa akin kahit binging-bingi na ako. Ang masaklap pa doon ay.. Langhap na langhap ko ang amoy ng pabangong pambabaeng nanggagaling sakanya. "Kash, nakikinig ka ba sakin?" Nabigla ako nang hinila niya ako't iniharap sakanya pero agad din akong humarap sa ibang direksyon.. "Bakit ka umiiyak Kash?"  "Hindi ako umiiyak gago."  "Eh ano yung tubig sa mata mo? Laway ba yan?"  "Ayoko nang marinig yang boses mo Kylan kaya umalis kana."  Nang sabihin ko iyon ay hindi ako nakarinig ng anumang tugon galing sakanya. "Ano bang problema mo Kash? Para ka namang babae eh!"  Putek ka Kylan! Kahit kelan talaga hindi mo parin ako maiintindihan.  "Hintayin mo ko Kylan, ilalampaso na talaga kita pag hindi ka pa umalis dyan."  Sa ngayon ay ayoko munang marinig ang boses niya at ayoko munang maramdaman ang presensya niya. Gusto kong mapag-isa, naiinis parin ako sakanya hanggang ngayon. "Takte naman Kash oh!"  Umuwi siya ng dis-oras na ng gabi habang may amoy pa ng babae sakanya. Ano ako tanga para isiping nanggaling nga siya sa trabaho? "Pag bilang ko ng tatlo at hindi ka parin umalis dyan, sa labas kita patutulugin." Babala ko sakanya ngunit hindi ko pa rin siya naramdamang umalis.. "Isa." Nakatayo parin siya hanggang ngayon sa loob ng kwarto ko.. "Dalawa." Putek na yan! Ayaw talaga umalis. "TATLO." Bumangon ako't humarap sakanya tsaka sinabing, "sa labas ka ng unit matutulog. Pag sinabi ko, totohanin ko talaga."  Nagulat nalang ako nang sumampa siya sa harap ko at tinulak ako pahiga tsaka kinulong sa dalawang braso niya. Natakot ako dahil sa titig niya sakin.. "Hindi talaga kita maintindihan Kash. Kung ano man yang iniisip mo o kung ano man yang kinagagalit mo! Basta ang iniisip ko lang yang kalagayan mo ngayon. Kaya wag mo kong ipag-mukhaing tangang sinusuyo ka dito para lang makainom ka ng gamot dahil ayoko sa lahat ay ang ginagago ako!"  Hindi ko nagawang makagalaw, Hindi ko nagawang maka-react manlang, O ang sumagot pabalik sakanya. Umalis na siya sa pagkakasampa saakin at tumayong muli.. "Papainitin ko yung pagkain mo. Sa labas na ko matutulog." Pagkatapos ay umalis na siya.. Naiwan akong nanlalaki ang mata. Hindi ko akalaing gagawin niya iyon. Hindi ko pa siya nakitang magalit ng ganoon maliban nalang pag may kaaway siya. Hindi niya pa ako kailanman tinaasan ng boses kundi ngayon lang... Kaya hindi ko mapigilang mapaiyak. Bobo ka pala eh. Iiyak ka kahit ikaw lang din naman ang may kasalanan. Ang bobo ko nga talaga, *** Nang lumabas akong nanghihina sa kwarto ko, nakita kong nag-iwan nga ng mainit na pagkain si Kylan sa lamesa. Nandoon din ang gamot ko.. Nung tinignan ko naman ang labas ng unit ko ay wala siya doon.. Dalawa lang ang nasa isip ko kung saan siya tumuloy. Maaaring sa bahay ng ibang kaibigan niya o kaya naman ay sa hotel. Kasalanan ko ito.  Kung hindi ko lang sana siya sinuway kanina.  Kung hindi ko lang sana inisip pa yung tawag. Kaya kailangan ay humingi ako ng tawad sakanya.. Oo tama, humingi ng tawad. HUMINGI NG TAWAD?!?!?!?!?!?! WAIT! Teka.. sandali lang! Ang hirap naman ata nun diba? Isa pa, hindi ako yung tipo ng taong nauunang humihingi ng tawad. Siguro kaya nainis siya kanina dahil na rin sa ugali kong ganito. For sure, hate na hate for a million times niya na ako ngayon.  At mukhang hindi pa rin bumababa ang lagnat ko. *** "Good Morning Doc. Kash!" Nagumingiti lang ako sa mga nurse na dumadaan at bumabati sa akin. I ended up going to work.  Kahit na hindi pa ako magaling, at pakiramdam ko ay hihimatayin na ako sa kahit anumang oras.  Gumising pa ako ng maaga at hindi na rin nakapag almusal dahil sa gusto kong mag sorry ngayon kay Kylan. "Okay ka lang ba Doc. Kash?" tanong sakin ni Doc. Evan. Tumango ako, "okay lang ako." "Pero hindi ka mukhang okay. Balita ko may lagnat ka, napaka-rare naman ata nun."  "Kaya nga eh.." maikling sagot ko. "So bakit ka pumasok ngayon?" "T-Tinatanong pa ba yan? S-Syempre dahil gusto ko magtrabaho." "Weh? Hindi mukhang trabaho ang nasa isip mo ngayon. Tsaka, kanina ka pa putlang-putla. Sigurado ka bang okay ka lang talaga?" Itong si Evan naman oh! Tanong pa sige!  "Sabi nang okay lang ak--" Nabigla ako nang hilain ako ni Doc. Evan sa tabi dahil sa mali na pala ang dinadaanan ko. "Kailangan mo nang magpahinga. Nakakatakot eh, parang matutumba kana."  Bumuntong hininga ako.. "N-Nandito ba si Kylan..?" tanong ko. "Hm? Si Kylan Alvarez? Bakit mo natanong?" "M-May kailangan lang kasi akong sabihin sakanya." "Eh diba nagsasama naman kayo sa iisang unit?" Napa-facepalm nalang ako sa sinabi ni Doc. Evan.. "Basta.. Kailangan ko na talaga siya makausap." "Ang alam ko nag leave siya for 3 days." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Doc. Evan.. "For 3 days?"  Tumango naman ito bilang sagot, "hindi ko alam kung ano yung reason. Diba magkasama kayo? Hindi mo rin ba alam yung dahilan?"  Napakagat nalang ako sa ibabang labi dahil sa inis.. Hindi kaya mawawala nalang ulit siya ng parang bula gaya dati? Hindi pwede! Hindi ko papayagan yung lalaking yon. Bwisit siya!  Pag nawala ulit siya.. Siguradong.. Siguradong.. Susugurin nanaman ako ng mga babae niya't itatanong kung anong nangyare sakanya!!!!!!!!!! Pero bago yun.. Nakalimutan kong uminom ng gamot ko. Kaya blurred yung paningin ko. "Uy! Kash! Okay ka lang? Kash!" I passed out.. Once again. *** Napamulat ako dahil sa ingay na naririnig ko. "Sabi nang iwan niyo muna kame!" Nabigla ako nang marinig ang boses ni Kylan.. Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan nito.. Nagsilabasan ang mga taong kanina'y nandito sa loob ng kwarto.. ..kwarto? Nang suriin ko ang paligid, nandito pala ako nakahiga sa higaan ng mga pasyente dito rin sa Ospital. ..So ako naman ngayon ang pasyente. Nakita ko si Kylan na naglalakad papunta sa akin, "Kash, gising kana pala." Nakikita ko palang siya ay gusto ko nang sabihin ang salitang sorry. "Tinawagan ako ni Evan kaya pumunta agad ako dito." Guminhawa ang pakiramdam ko sa sinabi niya, "K-Kylan.. s-sorr---" bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay inunahan niya na ako.. "Sorry Kash!" Nabigla ako nang mag sorry siya, "Kung hindi lang sana ako nagalit sayo kagabi siguro hindi mangyayari to," hinawakan niya ang kamay ko, "nung pumunta ako kanina sa unit at nakitang wala ka, grabe ang pag-aalala ko. Mabuti nalang at pinaalam sa akin ni Evan kung nasaan ka.."  Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong iisipin ko,  "Kapag may nangyaring masama sayo, hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin, "sorry Kash. Sorry.." Gusto kong umiyak, Gusto kong matawa, Gusto kong mainis, Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Gusto sana kitang tanungin Kylan, Bakit ikaw lagi ang nauunang mag sorry? Bakit kailangan mong humingi ng tawad kahit ako naman talaga ang may kasalanan? Bakit hindi mo manlang ako pagsalitain? Simula palang nung una.. "Sorry Kash, I can't go out with a guy after all." Pero kahit na nalulungkot ako sa mga oras na ito.. Hindi pa rin maaalis na gusto kong ngumiti at patawarin siya. Dahil pakiramdam ko, hindi ko na talaga kakayanin pag nawala pa siya ulit. Kahit na masama siya, Kahit na binigay niya sa hindi ko kilalang babae yung number ng telepono ko, Kahit na amoy pabango pa siya ng babae, Hindi pa rin maaalis na siya nga ang Kylan na kaibigan ko.. ..at ang Kylan na minahal ko. ===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD