Kash's POV
"Doc. Kash, andyan na po si Ma'am Lores." Napatingin ako sa nurse na lumapit sa akin tsaka tumayo na ako sa upuan.
"Thanks." sabi ko rito.
3 days have passed simula nung makita kong may kasamang babae si Kylan, at hindi ko pa rin iyon maalis sa isipan ko kahit na anong untog ko pa sa ulo ko.
Nasa may ground floor ako kasalukuyan ngayon dahil naghihintay ang dati nang pasyente ko para sa test results nya..
Napatingin naman ako sa may gawi ng pharmacy clinic at nakita ko si Kylan na nakikipag-kwentuhan sa mga nurse na babae.
Rinig na rinig ko pa yung tawanan nila..
Lumapit naman ako sakanila at sinigawan, "Mag-trabaho kayo imbis na magkwentuhan!" Tss. Nagmumukha tuloy akong KJ na doktor.
"Eh Doc. Kash, wala namang problema kung magbre-break muna diba?" sabi ng isang nurse sa akin,
Bumuntong-hininga ako.
"Tama si Doc. Kash, bumalik nalang tayo sa pagtra-trabaho." Ngiting sabi ni Kylan sa mga babaeng nurse,
"Haa? Pero hindi mo pa natatapos yung kinu-kwento mo!!" sabi nung isang nurse,
"Abangan niyo nalang sa susunod." Sabay kindat ni Kylan sa mga babae.
Pumayag naman yung mga nurse at umalis na sila ng tahimik..
Tumingin naman ako ng masama kay Kylan, "hoy. Hindi ka nagtra-trabaho para makipag-landian." Sa inis kong tono..
"Wala namang masama kung makipag-usap ako diba? Tsaka, wala rin kaming ginagawa ngayon eh. May dalaw ka ba Kash? Bat parang ang init ng ulo mo?" Namula ako sa itinanong niya tsaka ko siya hinampas ng hawak kong papel..
"B-Bumalik ka nalang sa trabaho!" pagkatapos ay naglakad na ko paalis..
Napa-facepalm ako..
Kash Trinidad ano bang problema mo?
Wala namang masama sa ginagawa nila diba? Wala namang rule dito sa Ospital na bawal makipag-kwentuhan pag walang ginagawa..
Naiinis ako.
Naiinis akong isipin na nung nakita kong nakikipag-kwentuhan si Kylan sa mga babaeng yun bigla nalang akong nakaramdam ng selos.
Tinignan ko yung test result na hawak ko..
Nakita ko rin si Ma'am Lores na naghihintay at nakaupo sa isang sulok..
"Ma'am Lores?" tumingin ito sa akin,
"D-Doc! K-Kamusta po yung resulta?" tumayo ito at sinalubong ako..
"Heto.." binigay ko sakanya yung test result na hawak ko..
Binasa niya ito at ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng pagkasaya..
"I-Ibig sabihin okay na Doc?!!" tanong nito sa akin..
Tumango ako at ngumiti sakanya..
Tumalon-talon ito sa tuwa.
Kaka-undergo lang niya ng operasyon nung isang linggo at mukhang nagiging maayos na ang lagay niya ngayon. Ang health test ay para suriin kung makakapag-trabaho pa ba siya o hindi na.. lumabas naman sa resulta na malakas pa siya kaya pwede pa.
***
6:47 PM
Bumuhos ang hindi inaasahang napakalakas na ulan..
Nakatayo lang ako sa may exit ng Ospital at pinapanood yung mga nagsisi-takbuhang taong ayaw mabasa..
Wrong timing.
Sana naman umulan ka kung kailan nakauwi na ako.
Siguro magtatapos na ang panahon ng tag-tuyot. Nararamdaman ko na ang lamig eh..
"Doc. Uuwi na kayo?" tanong sa akin ng isang nurse,
tumango ako, "Oo eh. Kaso wala akong dalang payong."
Tumawa naman yung nurse, "ang malas mo naman Doc." Ipamukha ba naman sakin?
Sabi ni Bianca kani-kanina lang umuwi si Kylan nung hindi pa bumubuhos ang ulan..
Okay diba? Hindi manlang ako hinintay.
I guess magpapa-ulan nalang ako, tutal matagal na rin akong hindi nakaligo sa ulan.
///
"K-KASH?!! A-Anyare sayo?" tinignan ko naman ng masama tong lalaking kaharap ko,
"Hindi ba obvious?" sagot ko sakanya habang basang-basa yung buong katawan ko pati buhok..
"Halika! Pumasok ka muna."
"Natural papasok ako, unit ko to eh."
Umupo agad ako sa upuan kahit basang-basa ang suot ko, kinuhanan naman ako ni Kylan ng twalya..
"Ako na ang magpupunas sayo.." hindi ako nakaimik nang punasan niya ang buhok ko gamit ng twalyang hawak niya..
"A-Ako nalang.." hinawakan ko yung twalya pero inalis niya yung kamay ko..
"Ako na." tinuloy niya ang pagpunas, "ako ang may kasalanan kung bakit ka naulanan. Baka magkasakit ka pa.."
Tahimik lang kaming dalawa habang pinupunasan niya ako..
Ano bang gagawin ko?
P-Pakiramdam ko.. gusto ko siyang yakapin..
"K-Kylan, magpapalit muna ako." Tumayo ako sa pagkakaupo at nagtungo sa kwarto ko..
Pagkatapos magpalit ay pumunta na ako sa dining table..
Ano bang iniisip mo kanina Kash? Nababaliw kana ba?
Wag mo sabihing, bumalik na ang nararamdaman mo sakanya?
NO WAY! HINDI YON MANGYAYARI.
Eh bakit gusto mo siyang yakapin kanina?
S-Siguro dahil.. nilalamig lang ako.
"Kash, kain na tayo." Na-realize ko nalang na nakahanda na yung pagkain sa mesa..
Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko, "B-Ba't parang andami naman atang nakahanda? May birthday ba?" tanong ko..
Tumawa naman si Kylan, "para sayo yan Kash. Narinig ko kasi na success yung operasyon ng pasyente mo, kaya umuwi agad ako para mag-luto."
W-Whhhaaaatt?
Kaya pala hindi niya na ko hinintay.
"S-Salamat.." kinuha ko na yung kutsara..
"Ba't namumula ka Kash?"
Nagulat ako sa tinanong niya, "H-Hindi ako nagbblush no!"
Nabigla ako nang hipuin niya ang noo ko, "K-Kash! Ang init mo.."
EH? ANO DAW?
"May sinat ka! Tch! Kasalanan ko to."
AKO? MAY SINAT?
AFTER 1,000,001 YEARS?!!
"P-Pero hindi naman masakit ulo ko.." sabi ko rito,
"Kumain kana Kash para makainom kana ng gamot." sabi nito sakin,
"g-gamot?"
"Oo, may gamot ka naman diba?"
Natahimik ako..
"W-Wag mo sabihing wala kang gamot?" patuloy lang akong tahimik nang tanungin niya iyon..
"No way? For real?"
"Eh m-matagal na kasi akong hindi nagkakasakit kaya hindi ko inisip b-bumili ng gamot.." paliwanag ko..
Narinig ko siyang bumuntong-hininga, "I guess bibili nalang ako sa labas.." tumayo si Kylan sa kinauupuan niya,
"P-Pero hindi ka pa tapos kumain." sabi ko sakanya,
"Ayos lang. Mas importante yung gamot mo.." ngumiti siya sakin tsaka pinagpatuloy na ang paglalakad..
"W-WAG! WAG KA UMALIS!" Nagulat ako nang isigaw ko yon.
KASH! ANO BANG SINASABI MO?!
Bibili lang siya ng gamot! Hindi naman siya aalis ng walang paalam tulad dati diba?
"Bakit Kash? May problema ba?"
"M-Malakas pa ang ulan kaya.. ku-kumain ka muna." sabi ko sakanya.
Ilang segundo pa kaming nakatayo at bumalik na ulit siya sa pagkakaupo..
Itinuloy na muli namin ang pag-kain..
"Kailangan mo agad uminom ng gamot dahil baka lumala pa yan.." sabi niya,
"a-alam ko." sagot ko pagkatapos ay sumubo na ng pagkain..
Ito ang pinaka-ayaw ko kay Kylan. Simula palang tina-trato niya na akong parang bata, masyado siyang nag-aalala sakin, masyado rin akong dumedepende sakanya..
Parang wala rin akong pinagbago after 5 years.
***
"Sigurado ka bang okay ka lang mag-isa?"
"I told you I'm fine!"
"Sige, kung ganon.. bibili na ko ng gamot mo." Pagkatapos ay lumabas na siya sa kwarto ko..
Ugh.
Bakit ba sunod-sunod ang kamalasan ko?
Nakahiga ako dito sa kama ko habang nakapatong sa noo ko ang isang malamig na towel..
Kanina halos hindi ko maramdaman ang sintomas pero pagkatapos ko maligo bigla nalang uminit ang pakiramdam ko..
This sucks..
Pina-plano ko pa naman sanang ayusin ang papers ng mga pasyente ko. Tapos nakalimutan ko pang sabihin sa assistant ko na kailangan niyang humingi pa ng maraming stock for medication.. tss.
Bumuntong hininga ako..
Wag mo munang alalahanin yun Kash, kelangan mo agad gumaling.
Dahan-dahan kong ipinikit ang mata ko para makapagpahinga..
///
""Kash, gising." Iminulat ko ang mata ko nang marinig ang boses ni Kylan,
"h-huh..?" Inalis ko yung towel sa noo ko at dahan-dahang bumangon...
"Eto, inom kana ng gamot." Pagkatapos ay binigay niya sakin yung isang tableta..
"a-anong gamot to?" tanong ko habang pinupunasan yung mata..
"Edi gamot para sa laganat. Inumin mo na, pharmasist ako kaya alam ko kung anong gamot ang binibili ko."
"tss.." sinubo ko na yung tableta..
Inabot sakin ni Kylan yung isang basong tubig..
Naalala ko bigla yung nangyaring nalasing ako..
Bakit mo inaalala yun ngayon Kash?
As if naman hahalikan ka niya ulit.
Kinuha ko na yung baso ng tubig tsaka ininom..
Binalik ko na yung baso at humiga na ulit sa kama..
"pwede ka nang matulog, s-salamat." Sabi ko sakanya..
Anong gagawin ko..
Hiniling ko na sana..
halikan niya ulit ako.
***
Kinaumagahan..
"Oo, sige.. pasensya na po talaga." Pagkatapos ay in-end call ko na at binaba ang cellphone ko tsaka pinikit na muli ang mata ko.
"Mauna na ko Kash! Wag mo kakalimutan yung gamot mo tsaka yung pagkain nasa ref, ipainit mo nalang kasi gagabihin ako ng uwi ngayon!" sigaw ni Kylan..
"H-HA?!!!" napabangon ako sa kama at dali-daling naglakad papuntang sala kahit nanghihina pa ako..
"K-Kyla—" bago ko pa masambit yung buong pangalan niya ay sinara niya na yung pintuan at tuluyan ng umalis.
Yung lalaking yun..
To think na once again, mag-isa nanaman ako dito sa unit ko.
Bumuntong hininga ako..
Who cares..?
Mag-isa ka naman dapat talaga diba?
It's just that..
..biglaan nalang ako nalungkot nung umalis siya.
Napahawak ako sa ulo ko..
Hindi dapat ako palakad-lakad ngayong nagkasakit ako. Kelangan ko agad magpahinga..
Masyado nang mabait ang boss ko para pagbigyan akong um-absent sa ganitong panahon..
Dahan-dahan akong nag-lakad pabalik sa kwarto ko nang biglang tumunog ang telepono..
*ring ring*
WHAT THE...
Sino bang tumatawag sa telepono ng ganitong oras? Umagang-umaga nang-iistorbo..
Wait, baka sa Ospital.
Si Kylan lang naman tsaka yung sa trabaho ko ang nakaka-alam ng telephone number dito..
Lumapit ako sa telepono at sinagot ito..
"He—" babati na sana ako nang unahan ako ng kabilang linya..
["Hello Kylan? Si Pam ito,"] pinagpawisan ako nang marinig ang boses ng isang babae..
Kylan..?
["Gusto ko sanang makipag-kita ulit sayo ngayon.."] nanginig ako sa hindi malamang kadahilanan..
For some reason, hindi makagalaw ang paa ko sa kinatatayuan nito..
["Hindi kasi naging malinaw yung pag-uusap natin nung nakaraan, pero kung ayaw mo sige okay lang.."] Natuyo ang lalamunan ko habang pinapakinggan ang boses ng babaeng nasa linya..
["..Kylan? Hello? Nandyan ka pa ba?"]
["Ky, sumagot ka naman oh."]
Ky..?
T-Tinatawag ng babaeng to si Kylan sa nickname niya..
["Ah.. uhm.. hihintayin ko nalang yung tawag mo sa—"] binabaan ko na ito bago pa niya maituloy ang sasabihin niya..
Kumakabog ng napakalakas ang puso ko..
Sino siya?
Bakit kilala niya si Kylan?
Bakit niya alam ang number ng telepono dito sa unit ko?
Anong pag-uusapan nila?
S-Siya ba yung babaeng nakita kong kasama ni Kylan noon?
Andami kong gustong tanungin..
Pero hindi ko alam kung paano malalaman ang sagot.
===