Chapter 4

1728 Words
Kash's POV Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Naramdaman ko ang kirot na nang-ga-galing sa ulo ko. Para itong pinupukpok ng martilyo sa sobrang sakit. Huminga ako ng malalim tsaka lumingon-lingon sa paligid ko. Anyare? Di ko maalala. Nalasing ata ako kagabi tapos inuwi ako ni Doc. Evan dito sa bahay tapos pinagbuksan kami ni Kylan ng pinto at inalalayan niya ako maglakad. Pagkatapos nun, dumiretso kami sa kwarto ko tapos pinainom niya ako ng tubig. Pinainom ng tubig!? Napa-facepalm ako nang pumasok sa isipan ko yung imahe naming dalawa ni Kylan na naghalikan para lang sa isang tubig. Kash Trinidad, huwag kang magpapadala sa nangyari okay? Aksidente lang yun! Walang ibang meaning sa ginawa ni Kylan.. Oo tama, wala nga.. Wala nga ba? Delikado 'to Kash! Pag nag-isip ka pa ng nag-isip ng kung ano-ano sigurado akong di magtatagal magkakaroon ka ulit ng feelings para dyan sa kaibigan mo! TCH!  Mabagal akong tumayo sa kama ko, grabe pala yung epekto talaga nung ininom ko. Hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako maglakad.. Grabe.. bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Bakit ako nininerbyos? T-Titignan ko lang naman si Kylan kung anong ginagawa nya tsaka wala naman talagang nangyaring espesyal. Nang tuluyan na akong makalabas sa kwarto ko, lumingon-lingon ako para tignan si Kylan pero wala akong ibang nakita kundi ang mga gamit lamang na nasa loob ng unit ko.. Hindi ko nararamdaman ang presence ni Kylan.. Ang tahimik.. "K-Kylan?" tawag ko sa pangalan niya para malaman ko kung nandito ba siya pero katahimikan lang ang narinig ko.. "K-Kylan? Nandito ka ba?" naglakad ako papuntang kusina pero wala siya doon.. Hindi ba dapat nagluluto siya ngayon? Hindi kaya..? Napapitlag ako nang may pangyayaring pumasok sa isipan ko.. Hindi man ako makapaglakad ng maayos, tumakbo ako papunta sa may pinto kahit na madapa na ako..  "Tumawag ba sayo si Kylan?" "Hindi ko siya ma-contact.." "Balita ko magpapakasal na sila nung girlfriend nya.." "Umalis ba siya nang hindi nagpapa-alam sayo?" "Wala kaming naging communication for 5 years.." "Nawala nalang siya ng parang bula." Tumulo ang luha ko sa hindi malaman na kadahilanan,  binuksan ko ang pinto at nabigla ako nang lumantad sa harapan ko si Kylan.. "Kash? O-Okay na ba ang pakiramdam mo?"  Napapikit ako.. Bakit guminhawa ang pakiramdam ko nang makita ko siya sa harapan ko? "Ayos ka lang ba? Masama pa ba ang pakiramdam mo? Bakit ka umiiyak?" hinawakan niya ang magkabilang braso ko.. Bakit nga ba ako umiiyak? Natatakot ka pa rin ba pag iniisip mo yung nangyari? 5 years ago, iniwan ka ni Kylan nang hindi nagpapa-alam at sumama sa girlfriend niya.. Natatakot kang maulit muli iyon hindi ba? Pinunasan ko ang luha ko.. "S-San ka pumunta?" tanong ko.. "Bumili ako sa grocery, wala na kasing pagkain.." nakita ko yung hawak niyang paper bag.. Ang tanga mo Kash, bumili lang siya sa grocery store tapos ikaw umiiyak na parang bata.. ang tanga mo talaga! "Tara Kash, pasok na tayo. Siguro nagugutom kana kaya ka umiiyak dyan.."  "Leche." Pagkatapos ay pumasok na kami sa loob.. /// Habang kumakain ng agahan.. "Bakit mo pala kasama yung lalaking yon kagabi?" narinig kong tanong ni Kylan, "Hindi niya ba sinabi sayo na nag-inuman kami?" sagot ko. "Pero mukhang hindi naman yon makakapag-katiwalaan." tumingin ako ng masama kay Kylan, "FYI, doctor yun sa ospital na pinagtra-trabahuan naten."  "eh ano naman? Isa pa, bakit ka pa makikipag-inuman dun eh pwede naman dito sa unit mo?"  "Hindi ba't sinabi ko na sayo na wag nang mangi-alam?" pagkatapos ay tinuloy ko na ang pag-kain.. "tss.. masama ba magtanong?" Uminom ako ng tubig at tinignan sya.. "Matagal ko nang kaibigan si Evan. Kilala ko na siya.." Kumunot naman ang noo ni Kylan nang sabihin ko iyon, "kelan pa? Ba't parang hindi ko siya kilala?" "stop acting like you're my dad. Hindi naman pwedeng lahat ng kaibigan ko ipakilala ko sayo diba?"  Simula nang mawala ka Kylan, si Evan na lagi ang nakakasama ko at ibang-iba siya sa'yo. "Okay sige. Nga pala, nilipat ko na yung mga gamit ko sa extra room." sabi niya, "dapat lang. Doon ka naman dapat talaga matulog."  "Kash bakit parang nagbago kana? hindi ka naman ganyan ka-sunget dati ah." DAHIL YON SAYO. NAIINIS AKO SA TUWING NAKIKITA KITA AT NARIRINIG YANG BOSES MO!  "Lahat ng tao nagbabago Kylan." sabi ko sakanya. "pero parang hindi na ikaw yung dating Kash na kilala ko. Hindi na ikaw yung kaibigan ko.. ibang-iba ka na.." padabog akong tumayo sa kinauupuan ko.. "Wala kang karapatang sabihin sakin yan Kylan. Bakit? Nasan ka ba sa buong limang taon? Kasama ba kita? Nandito ka ba? Wala hindi ba?"  Mga ilang segundo kami nagtitigan.. Tch. Hindi manlang siya guilty na iniwan nyang mag-isa at walang paalam yung matagal nang kaibigan niya.. Naglakad na ako paalis.. "Tapos kana? Ligpit ko na to." sabi nya. "K!" sigaw ko. *** Bumuntong-hininga ako ng malalim na malalim. Sunday kasi ngayon at day off ko, samantalang si Kylan sabi niya may pasok siya ngayon.  Umalis na siya kani-kanina lang.. nang hindi ini-explain sakin yung kiss na nangyari. Siguro nga para sakanya wala lang yon. Pero to think na malinis itong unit ko ngayong weekend. Usually kasi maalikabok ito at marumi, inayos niya pa yung mga nakakalat dito sa kwarto ko.  Tumayo ako at tinignan ko yung extra room..  Kahit na suplado ako pagdating sakanya, concern pa rin ako sa tinutulugan niya. Baka mamaya masyado tong masikip o kaya naman ay maalikabok para sakanya.. dito ko kasi tinatambak yung mga hindi ko na ginagamit na gamit. Tumingin-tingin ako sa paligid,  hindi naman masyadong masikip. Siguro naman ay komportable na siya dito.. Tumingin ako sa may higaan at may nakita akong naka-stapler na papers doon.. Tinignan ko kung anong laman nito at nakita kong documents pala ito ng mga pharmacists.. siya ba ang in-charge dito?  Tinignan ko yung date at nakita ko yung date ngayon. Hoy. Don't tell me nakalimutan nya to? Kung minamalas ka nga naman. Dapat pala hindi na ako pumunta dito sa kwarto niya.. Di bale nalang. Wala naman akong magawa ngayon kaya ihahatid ko nalang ito sakanya.. /// PAKSHET. ANG INEEETT!!! Naka-casual na damit lang akong pumunta dito sa ospital. Hindi ko alam na ganito pala kainit ang panahon sa labas.. lagi kasi akong nasa loob ng office pag umaga. Pumasok na ako sa loob ng Ospital.. Napalingon naman halos lahat ng staff sa akin..  "g-good morning Doc. Kash. May appointment po ba kayo ngayon?" tanong sa akin ni Zen, isa sa mga nurse.  "ah wala. May ide-deliver lang ako.." sagot ko sakanya. Pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa may pharmacy clinic.  Narinig ko namang nagbubulungan yung mga nurse.. "Kelan pa naging delivery boy si Doc. Kash?" "Ang cute nya kaya!" Hindi ko alam na malakas pala pandinig ng mga nurse dito. Pumasok na ako sa loob ng pharmacy clinic at nakita kong mag-isa si Bianca.. "D-Doc. Kash! Ano pong kailangan nyo?" Kung maka-react parang nakakita ng multo ah. "Bakit mag-isa ka lang? Nasan si Kylan?" tanong ko. "Ah, umalis po muna siya saglit. Importante daw po pero sandali lang." San naman kaya pumunta yung lalaking yun? "Ganun ba..?"  Tumango naman siya, "Hihintayin niyo po ba siya? Mga ilang minuto nalang po siguro nandito na siya." "Ah hindi na.." inabot ko sakanya yung dala kong documents, "ito, paki-bigay nalang sakanya. Nakalimutan niya kasi.." "Ah, okay po." kinuha naman niya yung documents.. "Mag-ano po kayo ni Kylan?" napataas naman ako ng isang kilay nang tanungin niya iyon.. "..bakit mo natanong?"  "kasi po kasasabi niyo lang na nakalimutan niya ito.. ibig sabihin magkasama kayo sa iisang bahay.. tapos po naka-casual na damit lang po kayong pumunta dito." Nabigla ako nang sabihin niya iyon.. Shemay. Nakalimutan ko yun ah.. "Ah.. eh.. mag-pinsan kami." sabi ko sakanya. "ganun po ba? Bakit po magka-iba kayo ng apelyido?" "Ah.. kasi.. ano.. sa mother side ko siya. Oo." Halata ba ko? Hindi kasi nila pwedeng malaman na sa iisang bahay lang kami nagsasamang dalawa. Baka kung anong maisip nila.. ..o ako lang yung nag-iisip? "Kaya pala pareho kayong gwapo Doc.."  "Ahehe.. salamat. Sige una na ko." Pinag-pawisan ako ng malamig dun ah. Lumabas na ako sa Ospital at huminga ako ng malalim para makaihip ng sariwang hangin.. Naglakad na ako para makakuha ng taxi.. Pero walang dumadaan. Aish! Lilipat nalang ako sa iba baka dun may sasakyan pa.. Naglakad ako papunta sa ibang pwesto banda sa may gilid ng Ospital.. Palingon-lingon ako kung saan-saan para makahanap ng masasakyan Lingon sa kanan. Lingon sa kaliwa. Lumingon din ako sa likod ko pero wala akong nakitang iba kundi isang lalaking bumibili ng inumin sa drinks machine.. ..Lalaking bumibili ng inumin sa drinks machine? Lumingon ulit ako dito at nakita ko si Kylan na kinukuha yung isang can ng cola sa drinks machine.. Aba! Pano niya nagagawang bumili ng inumin sa oras ng trabaho? Ito ba yung sinasabi niyang importante!? "Hoy Kyla—" tatawagin ko na sana siya nang makita kong umupo siya sa bench katabi ng isang babae at binigay dito ang inumin na binili niya.. Nagtago ako sa may malapit na pader.. Sinilip ko sila.. Sino yung babaeng kasama niya..? Nakita kong tumatawa silang dalawa. Eh so ano naman?!  Pakialam ko ba kung sino yang babaeng yan? Pero sino nga ba kaya yung babaeng yun? Ate niya ba? Hindi eh! Wala kayang Ate yan si Kylan so ibig sabihin.. girlfriend niya? Oh eh ano ngayon? Pabayaan mo na sila Kash!  Kahit ano pang sabihin ko sa sarili ko, talagang hindi maalis yung paa ko dito sa tinatapakan ko.. It's no use Kash! Hindi mo rin naman maririnig ang pinag-uusapan nila! Pero may kakaiba talagang atmosphere sa paligid nung dalawa eh! Yung feeling ng mga mag gf/bf. Bumuntong hininga ako.. Ano bang pakialam ko? Ano bang kinaiinisan ko? Yun bang.. umalis si Kylan sa oras ng trabaho? o yung makita yung sinasabi niyang "importante"?  Kash, tigilan mo na ang pag-iisip.. Kaibigan ka lang naman talaga ni Kylan eh.. Wag kang assumero!  Para sakanya, WALA lang yung kiss na yon. *** Naka-upo ako buong magdamag sa sofa.. Nanonood ng TV, tinitignan ang oras, balik sa panonood ng TV, tapos titingin ulit sa orasan.. Parang tanga lang. Bakit mo ba siya hinihintay Kash?! Argh. Tinignan ko yung orasan.. nakita kong 7:15 PM na. Sakto namang bumukas yung pintuan ng unit ko.. Nakita ko si Kylan.. Bakit ka ba nininerbyos Kash? Umakto kang walang nakita kanina! "Kylan, may importante ka bang ginawa ngayon?" KASH NAMAN! BAKIT KO BA YUN BIGLANG NATANONG! ANG TANGA MO TALAGA KASH! "Huh? Um.. Wala naman. Bakit?" sagot nito sakin habang tinatanggal yung sapatos niya. "Wala wala." sagot ko sabay ibinaling sa iba yung tingin.. Sus! Kahit kailan talaga Kylan, napaka-sinungaling mo at napakasama. "Sabi ni Bianca pumunta ka daw doon sa Ospital para ibigay yung documents.." Tumango ako, "umalis din ako kaagad." Oo tama.. Umalis din ako kaagad nang makita yang "importanteng" gagawin mo! "Ah ganun? Thanks ha. Kumain kana ba?" tanong niya.. "Obvious ba? Alangan namang magluto ako siguradong sunog tong unit ko." Sarkastiko kong sabi sakanya.. Ngumisi siya, "anong gusto mo kainin?" "Kahit ano." "May pagkain bang kahit ano?" Tinignan ko siya ng masama, "Gusto ko ng oven roasted chicken with country vegetables in a reduced honey dijon glaze over long grain white rice." "Sabi ko nga! Magluluto nalang ako ng fried chicken." Pagkatapos ay dumiretso na siya sa kusina.. Pumasok sa isipan ko yung imahe nung babaeng kaninang nakita kong kausap nya.. Napa-facepalm nalang ako.. Ang ganda nung babae.. Mukha talaga silang mag couple. Sino kaya siya? ===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD