Chapter 3

1861 Words
Kash's POV "Dito naka-stock yung mga implants or patches. Natapos na natin puntahan ang sections ng antibiotics kaya.." chineck-an ko na yung Implants or patches at antibiotics sa hawak kong papel, "kung sakaling hindi mo mahanap kung saan naka-stock yung ibang medicines, itanong mo nalang kay Bianca tutal siya naman ang lagi mong makakasama." tumingin ako kay Kylan dahil kanina pa sya hindi nagsasalita.. Nakita ko siyang nakatitig sakin. "Bakit?" "Wala, napapansin ko kasing nadadag-dagan ang pagiging seryoso mo."  "Of course Mr. Alvarez, isang pagkakamali ko lang pwede na kong matanggal kaya pwede ba tandaan mo yung mga sinasabi ko?" "yessir." Ngumiti sya sakin. Sa totoo lang, kanina pa ko hindi makahinga ng maayos dahil dito sa lalaking 'to. Pakiramdam ko nasa isang masikip na lugar kami at init na init na ko kahit malamig. Kung maka-titig kasi sakin wagas.. sinusubukan ata akong tunawin nito. "Tawagin mo lang ako pag may problema ka o kaya naman magtanong-tanong kana lang." sabi ko sakanya't tumango naman sya, "dito na nagtatapos ang pag gguide ko sayo, puntahan mo ko sa office ko sa 3rd floor kung may kailangan ka sakin." Naglakad na ko paalis at sumunod naman sya sakin. "Kash, matatagalan ka ng uwi mamaya hindi ba?" Napatigil ako sa paglalakad ng ilang segundo.. "Yes." I answered, pagkatapos ay tinuloy na ang paglalakad. "Hindi ba't maaga makakauwi ngayon ang mga doktor dahil Saturday? Saan ka pupunta?"  "Hindi mo na kailangan malaman, okay? Gawin mo na lahat ng gusto mo, pero ayokong mag-cross ka ng line," sabi ko sakanya with an annoyed tone. "Nag-aalala lang naman ako.." Huminga ako ng malalim, "hindi mo na kailangan mag-alala, I chose to be independent dahil ayokong dumedepende sa isang tao. Malaki na ko Kylan." Natahimik siya mga ilang segundo.. "Hihintayin nalang kita mamaya.." sabi nya. "Bahala ka."  *** 7:41 P.M Lumabas na ako sa office ko at nakita kong nag-aabang si Doc. Evan. "Doc. Evan."  Ngumiti sya, "you don't need to be polite. Tapos na ang trabaho naten, let's go?" tumango ako. Nag agree akong lumabas kasama si Doc. Evan ngayon, matagal na rin kasi kami hindi nakakapag-kwentuhan.  Kaibigan ko siya at nagtapos din siya sa university kung saan ako nag-aral. 4 years ang agwat ng taon naming dalawa kaya ngayon ay 29 years old na sya. Alam niya ang tungkol sa pagiging bakla ko pero hindi niya ako nilayuan, sa katunayan nga ay naging mas close pa kaming dalawa. Nakapagtataka siguro. Isa kasi siyang bisexual. Nakipag-date narin siya sa mga lalaki before kaya hindi na bago sakanya ang ganitong bagay. --- Nasa Ivridse bar kami ngayon, dito kami madalas umiinom at tumatambay dalawa. Umupo na ako sa stool ganoon din sya. "Oh! Doc. Evan, Doc. Kash! Tagal ko kayong di nakita ah!" nakita ko si Aron, siya yung bartender na madalas na nagse-serve samin. "Alam mo na, busy lagi sa trabaho eh." sabi ni Evan. "So.. anong gusto nyo? May bago kami ngayon na napaka-sarap! Makakalimutan nyo pangalan nyo dito!" wika ni Aron. "Vodka parin ang akin, ikaw Kash?" napatingin ako kay Evan.. at binalik ang tingin kay Aron,  "Ano bang bago?" tanong ko. "Aunt Roberta! 3 oz. Vodka, 1 oz. Brandy, 1.5 oz. Gin, 2 oz. Absinthe, at 1 oz. Blackberry Liqueur! Masarap to promise!" Malalasing ata ako sa mga sinabi nya. "Sige, i-ttry ko." sabi ko, "Kung ganon, isang Vodka at isang Aunt Roberta! Sandali lang ito.." pagkatapos ay umalis na si Aron, "Uy Kash, mukhang makakalimutan mo nga yung pangalan mo mamaya. Sure ka ba? Baka hindi kana makalakad nyan.."  "Don't underestimate me Evan, isa pa.. Gusto ko rin magpaka-lasing ngayon." I told him.. "Bakit? May problema ba? Kaya pala napaka-rare naman atang yayain mo ko." Bumuntong-hininga ako.. "Alam mo ba yung kinuwento kong kaibigan ko at first love ko?"  Tumango siya, "..what about him?"  "Siya yung bagong pharmacist na in-assign na i-guide ko." Nanlaki yung mga mata niya, "ibig sabihin.. siya yung..?"  "Yes." Bumuntong hininga ako, "..so what's bothering you? Hindi ba't wala ka nang feelings sakanya?"  "yun nga eh. I'm unsure.." "What makes you unsure?" he asked, "Nandito na yung order niyo, one Vodka and one Aunt Roberta! Enjoy drinking.." sulpot bigla ni Aron, "thanks." Sabi ni Evan dito at umalis na ang bartender.. Saktong nag-vibrate naman yung cellphone ko, kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nag-message.. Pagtingin ko ay isang unknown number.. From: +63********** Message: Ka, anong passcode ng unit mo?" Kilala ko na agad kung sino. Pati ba naman contact number ko alam nya? "Sino yan?" tanong ni Evan, "Si Kylan.." sagot ko, "yung bagong pharmacist?"  tumango ako, "tinatanong nya kung anong passcode ng unit ko."  "para saan naman?"  "he's now living with me." I told him then I sighed, "what? Ibig sabihin may feelings ka pa para sakanya?"  Tinignan ko naman si Evan ng masama, "kaya nga hindi ako sure eh, pwedeng bumalik ang nararamdaman ko sakanya anytime dahil sa nasa iisang ospital kami at magkasama pa kaming naninirahan sa isang bubong."  "then how? Paano nangyaring magkasama kayo titira sa iisang bubong?"  "wait, text ko muna to." Pagkatapos ay ni-reply-an ko na si Kylan.. To: +63********** Message: 2417.  Pagkatapos ay pinower off ko na yung cellphone ko dahil baka mamaya may mag text o tumawag pa.  Binalik ko ang tingin ko kay Evan, "pagkatapos malaman na nasa iisang place lang ang pinagtra-trabahuan naming dalawa, tinignan nya yung address ko pagkatapos ay tinanong ako kung pwedeng makituloy dahil nasunog yung apartment na tinitirhan nya."  "Then why did you let him?"  Hinawakan ko yung isang glass ng in-order ko at tinikman ito.. Napakunot naman ako ng noo, "ang tapang naman nito.." Pagkatapos ay tinuloy ko yung pag-inom, at na-realize na medyo masarap. "Pinayagan ko siyang mag-stay dahil sa naisip kong hindi ko naman kailangang magpaka-bitter sakanya. Kaibigan ko pa rin naman sya at may pinagsamahan pa rin naman kami.." sagot ko kay Evan. "Alam ko pero.. siguro hindi mo lang nahahalata, alam kong may natitira ka pang feelings dyan sa first love mo."  Nasamid naman ako nang sabihin nya iyon at natawa, "patawa ka. Masama syang tao, hinding-hindi mababalik yung pagmamahal ko sakanya.. i think."  Tumawa naman si Evan at uminom na rin ng in-order nyang Vodka, "you know Kash.. I guess now is the right time to say this.."  "Ano yun?" tanong ko, "Don't let your guard down. Nung una akala ko epekto lang 'to nung ex ko pero.. ngayon malinaw na sakin.." napataas ang isang kilay ko,  "I like you Kash." "I like you Kash." "Hahaha! Loko ka Evan, halata namang nagsisinungaling ka eh." Sabi ko sakanya at tinuloy ang pag-inom. "How did you know?" he asked, "Doctor Evan, 4 years na tayong magka-kilala. Syempre nakikita ko na sayo kung totoo ba yang sinasabi mo o hindi.." I told him. "As expected," sabi niya't ngumisi tsaka uminom muli. "Ano kayang balak mo at sinabi mo sakin 'yon? Hindi mo ko maloloko Doc. Evan."  "It's a secret.. but damn ang galing mo, nakita mo agad na nagsisinungaling ako."  "Hahaha! I've been observing things up until now. Hindi masasabi ng isang tao na gusto niya ang isang tao ng diretsahan.. mag-aalangan pa itong sabihin sa isang tao ang nararamdaman niya." Sabi ko at tuloy-tuloy uminom.. "Pano mo naman nasabi? Dahil ba sa naranasan mo narin sabihin sa isang tao ang nararamdaman mo?" Napatigil ako ng ilang segundo sa sinabi niya. Tumango ako ng dahan-dahan.. "..at binalewala niya yung nararamdaman ko. Hindi niya inisip na masasaktan ako. He agreed just to kill time." Tumingin ako kay Evan, "sabihin mo na sakin kung anong pina-plano mo nung sabihin mong may gusto ka sakin.." "Secret nga diba?" ngumisi naman ako at uminom ulit.. "makakaya ko naman magtago ng sikreto eh.." I told him. "Okay sige pero wag ka magagalit," tumango ako. "Plano ko sanang pag-selosin yang kaibigan mo, malay mo may feelings din siya sayo." Nagulat ako sa sinabi niya't tumawa, "hindi ko akalain na mag thi-thirty kana at nag-iisip pa rin ng ganyan! imposible! Hinding-hindi sya magse-selos pagdating sakin, alam mo bang pag nag-lalaro kami, ako lagi ang talo? Ako lagi ang nagseselos kapag may kasama siyang babae.. at kung ako naman may kasamang iba, okay lang sakanya." sabay inom ulit.. "then, it's a shame. Hindi niya pala alam na may kaibigan siyang napaka-cute na nagka-gusto sakanya." Tumawa lang ako at tumingin kay Doc. Evan, "h-huh?" pinkit-pikit ko yung mata ko ng mariin.. "K-Kash? Okay ka lang? Lasing kana ata.."  "Nahihilo ako.."  sumasakit ang ulo ko! Tsaka hindi ko na rin masyadong marinig yung ingay.. n-nanlalabo na mga mata ko. Huh..? A-anong.. nangyayari? "K-Kash!"  Hindi ko namalayan na nawalan na pala ako ng malay. *** "Argh. Kainis naman kasi si Aron, dinagdagan pa ng ingridients alam namang ang tapang na nga ng timpla tss..."  Unti-unti kong iminulat ang dalawang mata ko at medyo masakit pa rin ang ulo ko.. Lumilipad ba ko? Pinikit-pikit ko yung mata ko at nakita ko yung likod ni Doc. Evan. "Evan..?"  "Oh? Gising kana?" "Anong.. ginagawa mo..?" "Binubuhat ka sa likod ko.."  Tinignan ko.. Oo nga. Nakakahiya s**t. "Pwede mo na ko ibaba, makakapag-lakad naman ako.." "Hindi pwede, mas lalong sasakit ang ulo mo. Hindi ka naman mabigat kaya sumandal ka lang.." sabi niya sakin at hinayaan ko na siya.. "Anong.. oras na?" tanong ko.. "1 na ng madaling araw.." "Ahh.. mukhang napatagal tayo.."  "Okay lang. Nung mahimatay ka kasi hindi muna kita binuhat dahil baka mas lalong sumakit ang ulo mo. Iuuwi na kita sa unit mo.." "Thanks." bumuntong hininga ako at pumikit muli't natulog.. *** "Kash, andito na tayo." Nagising na ako nang marinig ang tunog ng doorbell pati ang boses ni Doc. Evan.. nahihilo pa rin ako. Nagulat ako nang biglang bumukas ng marahas yung pinto ng unit ko at nakita ko si Kylan na napatitig.. Nang mapagtanto ko na naka piggy back ride pa pala ako kay Doc. Evan ay.. Umiwas ako ng tingin. "Ahh.. ikaw ba yung kasama ni Kash? Nakainom kasi siya ng marami kaya nalasing siya." Nakita kong nakatingin ng masama si Kylan sa gawi namin.. Nakakatakot talaga kahit kelan tong lalaking to. "Hindi ko alam kung anong pangalan mo at wala akong pake kung sino ka basta ibaba mo na si Kash at ako na bahala sakanya." Waw, pang-eskwater talaga kung makapag-salita tong gago. "Kash, kaya mo na bang tumayo?" tanong sakin ni Doc. Evan.. Tumango ako, "salamat, pwede mo na ko ibaba.." Pagkatapos ay ibinaba niya na ako at medyo nawalan pa ko ng balance tumayo buti nalang at nasalo nila akong dalawa. "Pwede ka nang umalis. Ako na bahala kay Kash." Sabi ni Kylan kay Doc. Evan. Ba't parang may dark atmosphere ata dito? "Sige," tumingin sakin si Doc. Evan, "Kash.. next time ulit." Tumango ako dahil half-drunk parin ako hanggang ngayon.. "Wala nang next time!" sabat naman ni Kylan.. Ngumiti si Doc. Evan sakin tsaka umalis na. Inalalayan naman ako ni Kylan tumayo at pumasok na kami sa loob ng unit ko.. "p-paki punta nalang ako sa kwarto ko.." nahihirapan kong sabi dahil hindi pa ko makagalaw ng maayos.. Grabe pala ang epekto nung in-order ko kanina. "Mukhang hindi ka pa ayos Kash, ikukuha kita ng tubig.." sabi niya matapos akong ilapag sa kama.. Humiga agad ako dahil parang pinipiga itong utak ko at sinusuntok itong ulo ko sa sobrang sakit.. gusto ko lang matulog.. Pumasok si Kylan dala ang isang baso ng tubig.. "Ka.. eto oh inom ka muna.." Dahan-dahan kong hinawakan yung baso at muntikan ko na nabitawan buti nalang hawak pa iyon ni Kylan kundi basang-basa na siguro ako ngayon..  "wala ka pa atang lakas.." pagkatapos ay nilapit niya sa bibig ko yung baso. Binuksan ko na yung bibig ko para uminom nang biglang ilayo niya yung baso.. "Mukhang hindi mo pa kaya." sabi niya na ipinagtaka ko..  Nabigla ako nang inumin niya yung tubig at lumapit sakin at pinainom yung tubig gamit ang bibig niya.. Napapikit ako dahil sa hindi ako makahinga.. *dug-dug. dug-dug.* ..sinabayan pa ng sobrang lakas na t***k ng puso ko at naguguluhan kong utak.. Matapos ako halikan ng ganun katindi sa hindi ko malamang kadahilanan nawalan na ako ng malay.. "Kash! O-Okay ka lang?!" Sinong magiging okay sa ginawa mo? Tangina ka. ===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD