Chapter 2

1672 Words
Kash's POV Pabagsak akong umupo sa sofa. Kakatapos ko lang maligo't napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga nangyari ngayon. To think na si Kylan pala ang bagong pharmacist, hindi ko iyon inaasahan. 5 years na wala kaming koneksyon sa isa't isa tapos ngayon.. Pumikit ako't naisip ang mga nangyari buong araw. Sumasakit ang ulo ko. Okay lang naman sa akin ang maka-trabaho siya sa iisang Ospital, iyon nga lang ay nadi-distract ako sakanya. Ayaw ko namang mahaluan ng personal affairs ang trabaho ko.  Mabuti pa rito sa condo unit ko, nakakapag-isip ako ng maayos at makakapagpahinga pa. Ito ang first time na naramdaman ko ang sobrang pagod sa trabaho. Tapos bukas ay itutuloy ko pa ang pagtuturo sakanya ng mga dapat gawin. I'm going to be physically and mentally tired, kailangan ay makatulog ako ng maayos ngayon. *Ding-Dong* Napamulat nalang ako nang marinig ko ang tunog ng doorbell. (?) Andaming question mark sa utak ko.. sa akin ba iyong tumutunog? Nang hintayin ko ulit para malaman kung saakin nga ba ay tumunog muli ito sa pangalawang beses, kumunot naman ang noo ko dahil alas-diyes na ng gabi. Tinatamad naman akong tumayo sa sofa at tinungo ang pinto.. Narinig ko nanaman ang tunog ng doorbell sa pangatlong beses.. "Andyan na!" may halong inis kong sabi. Sino ba kasi ang mambubulabog ng ganitong oras? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Naka-rubber shoes ito, naka-black pants, naka-leader jacket, may hawak itong bag, at pagtingin ko kung sino ay.. "Good evening Ka! Puwedeng mag-stay muna dito?" narinig kong bati niya sa akin. Padabog kong sinara ang pinto at tsaka napatulala habang nanlalaki ang mata. Namamalik-mata ba ako sa nakita ko? Nasobrahan ba ako sa gulat dahil nagkita ulit kami ni Kylan na ka-trabaho ko na ngayon para makita ko siyang nakatayo sa harap ng pintuan ko? Imposible. "Kash! Uy! Pleasee!" narinig kong sabi nito.  Hindi, totoo nga. Binuksan ko ulit iyong pinto at kunot-noo ko siyang tiningnan, "at puwede bang malaman kung bakit?" tanong ko sakanya, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. "Uh.. uhm kasi.. nasunog yung apartment na tinitirhan ko.." nakangiting sagot niya, Naningkit naman ang mga mata ko,  "dito pa talaga?" nagtatakang tanong ko. "Kasi.. tutal magkatrabaho naman tayo at matagal nang magkaibigan.." nang sabihin niya iyon ay may naalala ako.. "W-Wait! T-Teka.." naguguluhang sabi ko, "h-hindi ba.. kasal kana?" Oo tama! Kasal na siya e. "H-Ha?" gulat na sabi niya na ikinabigla ko, "kasal? Ako? Ano bang kalokohan yan Ka? I'm too young to get married!" napanganga nalang ako sa sinabi niya. Oo nga.. May point siya ron. Pero hindi yun yung problema! Hindi kakayanin ng utak at puso ko kung kasama ko siya rito. Pagod na pagod na ako, bakit ba puro kamalasan ngayong araw? Huminga ako ng malalim. Kalma.. kailangan kong kumalma! Tiningnan ko siya ng masama, "sorry Mr. Alvarez pero hindi kita matutulungan sa iyong problema." kalmado kong sabi sakanya.. "Ha? Bakit?" tinatanong pa ba iyon?  "Dahil kailangan ko ng time and space for tranquility." sagot ko naman, "Time? space? Hindi ba't malaki naman itong kwarto mo? Kung yun lang naman ang problema eh sige, ako na magluluto, maglalaba, maglilinis, ako na gagawa lahat ng gawaing bahay." nagulat ako sa sinabi niya. Ano kamo? Siya na magluluto? Bumibili lang ako ng pagkain sa labas dahil hindi ako marunong magluto. Maglalaba? Ayos, hindi rin kasi ako naglalaba dahil busy ako masyado kaya pinapa-laundry ko nalang ang mga damit ko. Maglilinis? Aba eh lagi nalang kasi akong nagpapapunta ng maglilinis dito, at ang mahirap pa eh baka manakawan ako. Tapos binabayaran ko pa sila. Kung papayag akong patirahin dito si Kylan, tipid pa. Yun nga lang..  Napapikit ako habang inaalala ang nakaraan. Hindi ko na rapat pang alalahanin iyon dahil sigurado akong kinalimutan niya na yun. Iminulat ko ang mga mata ko, "at? Hanggang kailan ka rito?" tanong ko, "Uhm, siguro dalawang buwan lang. Pag nakahanap na ako ng bagong apartment, aalis na rin ako.. Wag ka mag-alala babayaran naman kita." Napabuntong hininga ako, binuksan ko ng maluwag iyong pinto.. I guess it's okay. Pansamantala lang naman..  "No need to pay me, okay na sa akin kung ikaw ang gagawa ng mga gawain.." I told him. Tutal may pinagsamahan naman kami, isa pa siya ang laging first ko. First playmate, First friend, first best friend, first crush, first love, Maging first na karelasyon ko. Siya rin ang dahilan ng first heartbreak ko. I guess hindi ko naman kailangang magpaka-bitter sakanya. It was all in the past. Pumasok na siya sa loob at sinara ko na ang pinto, "Sabi ko na nga ba Kash, kahit na hindi na kayo nagsa-sama ng pamilya mo ngayon wala pa ring magbabago sa mga mayayaman." Habang inililibot ang paningin sa malawak na tinitirhan ko. "Kylan, sipag at tiyaga ko 'to," tumingin ako sakanya, "nga pala, paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" "Tinignan ko sa Ospital.." sagot niya. Too bad for me at naging ka-trabaho ko pa siya tapos ngayon roommate? What the. Dumiretso ako sa pinto kung saan naroon ang malaking higaan ko, "ikaw na bahala rito, inaantok na ako." pagkatapos ay binagsak ko na ang katawan ko sa higaan at sinakop ito. "Uh okay, kumain kana?" narinig kong tanong niya, ngunit sa sobrang antok ay hindi ko na siya nasagot.  Parang sasabog ang utak ko dahil sa mga nangyayari. Unti-unti akong napapikit at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. *** Nagising ako dahil sa lamig, mukhang napalakas ata ako ng lagay ng temperature sa aircon.  Pinunasan ko ang mata ko't tiningnan ang aircon at nakita kong 20 degrees ang temperature nito. Tumayo ako sa hinihigaan ko't ginawang 24 degrees ang temperature. Papikit-pikit pa akong bumalik sa hinihigaan ko't kinumutan ang sarili ko.. Pagkahiga ko ay napataas nalang ako ng isang kilay nang may maramdaman akong kamay sa batok ko. Pagtingin ko sa tabi ko ay nakita ko si Kylan na natutulog habang ang kaliwang kamay niya ay naging unan ko.. Paminsan-minsan ay hindi ko siya maintindihan.. madalas kapag natutulog siya sa apartment ko noong college pa kami gusto niya lagi ako katabi. Syempre ako naman ay okay sige payag ako, masama kayang tumanggi sa grasya! Minsan tuloy ay napapaisip ako, may iba pa kayang nararamdaman si Kylan sakin? Hahahahaha! Imposible. Dahil kung oo, sigurado hindi siya makikipag-break sa akin nung high school kami.  Nakakamatay ang umasa. Kaya minsan ay sapat na sa akin iyong nasa tabi ko siya't magkaibigan lang kami. Yun nga lang, sa tuwing may magiging girlfriend siya lagi akong brokenhearted kahit alam ko namang hindi rin sila nagtatagal nung mga gf niya. Hindi mapapalitan ang pagmamahal niya sa mga babae't sa akin. Ang pagmamahal niya sa akin ay bilang isang kaibigan lang, no more no less. Habang sa mga babae naman ay iba.. minamahal niya sila ng hindi bilang isang kaibigan kundi may deep meaning pa roon sa pagmamahal niya. Nakakainggit. Pero hindi ko siya matiis..  Kahit masama siya, sa tingin ko ay kailangan kong manatili sa tabi niya. Naaalala ko pa yung first time na nagkausap kami, nursery ako noon ganoon din siya. Wala akong kaibigan dahil sa takot ang mga batang makipaglaro sa akin dahil mukha daw haunted house ang mansion na tinitirhan ko na matatagpuan pa malapit sa gubat. Doon sa lugar namin, lagi akong makikita na naglalaro mag-isa sa may ilog sa kagubatan. May dala-dalang stick habang kinakausap ang sarili.. minsan nga ay napagkakamalan akong may sira sa tuktok, pero ginagawa ko lang naman iyon dahil wala akong kasama maglaro. Ini-imagine ko nalang na may kalaro ako.. Ang pag-iimagine ko nagwakas noong makita ko si Kylan.. Naglalaro rin siya mag-isa sa may tubig sa ilog.. nakita ko siyang binababad yung kamay niya sa tubig at kumukuha ng mga bato.. Tapos nung makita niya ako.. sumaya ako nang ngumiti siya sa akin.  Simula nun ay araw-araw na kaming naglalarong dalawa sa may ilog, kahit na pag-uwi ko pinapagalitan ako dahil sa sobrang dungis okay lang dahil first time kong magkaroon ng kalaro. Hanggang sa isang araw, hindi na pumunta doon si Kylan sa lagi naming tagpuan. Nalungkot ako dahil araw-araw ko siyang hinihintay doon para maglaro.. Hanggang sa.. dumating yung araw na nakita ko siya kasama ng marami pang batang naglalaro. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan sila ng palihim habang naglalaro mag-isa.. as usual na hawak-hawak ang isang stick. Naisip ko na.. 'Ahh.. syempre mas pipiliin niyang makipaglaro sa maraming bata kaysa sa isa lang..' Nang tumuntong ako ng kindergarten, nagulat nalang ako nang maging ka-klase ko siya. Akala ko hindi niya na ako maaalala, pero nabigla ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Para akong nagkaroon ng maraming laruan dahil sa tuwa.. hindi ko akalain na magiging kaibigan ko siya't magiging ka-close to the point na doon na siya natutulog sa bahay namin. Sabay kaming kumakain, naglalaro, naliligo, natutulog, hanggang sa sabay na rin kami lumaki. Sabi ko sa sarili ko, okay lang kahit wala na akong maging kaibigan basta nariyan siya. Pero biglaan nalang siyang nagkaroon ng maraming girlfriend nung nag high school kami.  Wala nang laro, wala nang sabay, marami na ang nagbago. Pero mabuti nalang at kaibigan pa rin ang turing niya sa akin.. iyon lang ang hindi nagbago. Hindi ko alam na tumulo na pala yung luha ko sa gilid ng mata ko habang pinagmamasdan siyang tahimik na natutulog. Masama talaga siyang tao.  Pero hindi ko alam kung bakit nga ba mahalaga siya sa akin. *** 7:17 A.M Nagkakape ako't kumakain ng pandesal habang binabasa ang schedule ko ngayon sa trabaho. Usually, lagi akong nag bre-breakfast sa isang cafe pero dahil nandito na nga si Kylan, siya na ang naghahanda ng mga kakainin. "Mga madaling araw na ako makakauwi kaya wag mo na ko ipagluto mamayang gabi." Bilin ko sakanya habang patuloy pa ring binabasa ang schedule ko. "Ah okay. Pag-uwi ko lilinisin ko na rin itong kwarto mo, andami kasing papel na nakakalat." Sabi naman nito sa akin, "Do what you like."  "Sabay na tayong pumasok ngayon tutal ka-trabaho na kita." Ngiting maluwag niyang sabi sa akin. "Sure." Maikling sagot ko.. "Nga pala," napatingin siya nang magdagdag ako ng salita, "puwedeng sa iba ka nalang matulog? Nasisikipan ako."  Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko, "Ha?! Nagbibiro ka ba? Alam mo namang komportable ako pag katabi kita diba?"  I twitched, "pwes ako hindi komportable. Alam mo namang maraming germs ang kumakalat diba?"  "AHA! So sinasabi mo ngang may bad bacteria ako ganoon ba yon?"  "Mahirap na.. Baka mamaya magkasakit ako." I told him directly. "Kelan ka pa nagkaroon mysophobia?" sarkastikong sabi niya,  Inirapan ko siya,  Mas mabuti nang hindi tayo magkatabi, baka lumala pa ang nararamdaman ko para sayo. ===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD