Chapter 1

1407 Words
Kash's POV Matapos ang walong taon na pag-aaral ay sa wakas naka-graduate na rin ako. Nagkaroon pa ako ng Medical Degree kaya ngayon ay isa na akong ganap na doctor. Matagal din ang 8 years no. Yung mga kaibigan ko naka-graduate na samantalang ako ay nag-aaral pa rin. Pero dahil gusto ko talagang maging doctor, lahat kakayanin ko matupad lang ang pangarap ko at heto na nga.. natupad na. Kash Trinidad ang full name ko, 25 years old at independent na. Isang taon na akong gynecologist o doctor ng mga sexualeproductive anatomy ng mga babae. Nakakatawa man ay para sa akin, normal lang ang makakita ng private part nila, hindi ako kinakabahan at walang pumapasok na kahit anumang malisya sa isipan ko pag sumusuri na.  Sa mata man ng mga tao na mali sa akin ang pagiging gynecologist okay lang, dahil iyon talaga ang gusto ko, hindi dahil sa gusto kong makakita ng v****a kundi dahil marami pa akong gustong matutunan sa kanila. May mga pasyente akong nahihiyang bumukaka sa harap ko, syempre ako naman ay todo bigay sakanila ng advice, lahat gagawin ko para lang mapabuka ko sila. Syempre, matatawag ko bang doctor ang sarili ko kung hindi ko manlang masuyo ang pasyente ko? Isa pang ginagawa ko para hindi sila mahiyang ibuka ang kanilang mga binti..  Sinasabi kong "bakla ako kaya huwag ka mag-alala.." Napapa-facepalm nalang ako sa tuwing naaalala iyon.. (Syempre wala akong magagawa dahil ito ang pinili kong gawin diba?) Pero hindi ko ikakaila na totoo iyon.  Bakla talaga ako. Wala sa mukha ko o sa kilos ko pero totoo, lalaki ang gusto ko kaysa sa babae. Hindi ko sinasabi sa mga kaibigan ko dahil parang hindi nila ako matatanggap natatakot ako ipaalam sakanila ang totoo. Pero may isa akong kaibigan.. Nagkagusto siya sa kapwa niya lalaki at in the end naging sila kahit na imposible.  Naaalala ko pa sila, silang mga kaibigan ko simula noong high school pa hanggang sa mag college. Ano na kayang ginagawa nila ngayon? Simula kasi nang gumraduate sila ay hindi na kami muling nagkita-kita pa. Nagtungo na kami sa iba-ibang landas. Biglaan nalang pumasok sa isipan ko ang isang mukha ng lalaki.. Gwapo, matangkad, pero masama siya. Masama siya para sa akin pero kaibigan ko siya simula pagkabata. Siya ang dahilan kung bakit ako na-attract sa kapwa ko lalaki, noong high school ay sinabi ko sakanya ang nararamdaman ko at tinanggap niya.. Pero wala pang dalawang linggo ay nakipag-break na siya sa akin. Sabi niya, imposible para sakanya ang makipag-date sa lalaki. Nagalit ako, nainis, pakiramdam ko pinaglaruan niya lang ako at pinaasa sa loob ng isang linggo. Pero di nagtagal ay pinatawad ko siya, sabi ko babalik kami sa pagiging magkaibigan at ita-tratong walang kahit anu mang nangyari sa aming dalawa. Kakalimutan namin ang naging relasyon namin, ang date kung kailan naging kami, at yung mga memories na ginawa namin sa loob ng isang linggong naging kami. Pumayag siya sa sinabi ko. At kinalimutan na ang lahat ng iyon tsaka bumalik muli kami sa pagiging magkaibigan na parang walang nangyari. But I.. I can still remember all of it. Iyon lang kasi yung masayang alaala naming dalawa para sa akin, sa loob ng isang linggo ay naranasan ko maging masaya kasama siya.. yun nga lang nagwakas agad-agad. Kaya pinilit ko nalang ang sarili kong huwag magpakita ng anumang emosyon kapag nariyan siya. Simula nang grumaduate siya ay hindi na muli kami nagkita. Ilang taon na ba? 5 years na. 5 years na ang lumipas at hindi ko na siya muli pang nakita. Hindi, hindi siya nagpakita sa akin.  Siguro ay sawa na siyang makita o makasama ang isang tulad ko. Ang huling dinig ko sakanya ay balita ko.. magpapakasal na siya sa girlfriend niya. Umiyak nga ako nang malaman ko iyon, naglasing pa ako. Kahit na sabihin ko sa sarili kong.. "bakit ba ako umiiyak eh wala namang magagawa to," di pa rin ako tumigil sa pag-iyak. Siya lang kasi yung taong nakapag-pasaya sa akin ng todo-todo. Sinubukan ko siyang tanggalin sa isipan ko. Nakipag-date ako sa mga lalaking gaya ko.. nakahanap ako ng 38 years old, may mataba, may payat, may kalbo, may mahaba ang buhok, may adik, may foreigner, pero wala eh. Yung mga taong iyon wala. Pero salamat sakanila ngayon ay nakakalimutan ko na rin ng kaunti iyong lalaking iyon. *** Sa isang malaking pribadong Ospital ako nagtra-trabaho. Malaki ang suweldo rito sa akin at nakatira na ako ngayon sa isang malaking condo. "Good morning Doc. Kash!" bati sa akin ng mga nurse na nadaraanan ko, ngumingiti naman ako sakanila. "Doc. Kash!" napalingon ako nang marinig kong may sumigaw ng pangalan ko, nakita ko si Doc. Evan na tumatakbo papalapit sa akin. "Oh? ang aga-aga natakbo ka." sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya at mukhang pagod na pagod, ito namang si Doc. Evan ay isang Orthopedist, siya ang tumulong sa aking makapasok dito sa Ospital at alam niya na rin ang tungkol sa sikreto ko. "Darating ngayon ang bagong papalit kay Sanny sa Pharmaceutical department. Ikaw ang in-assign ni boss na in charge sa bago." paliwanag nito na ikinagulat ko.. "Ha? eh kailan daw ba darating?" tanong ko, "Kanina pa nandoon sa tapat ng Pharmacy Clinic sa ground floor." sagot niya, "Ngayon na?" gulat kong sabi, "eh may appointment pa ako kay Mrs. Terese, didiretso na nga sana ako roon eh." paliwanag ko sakanya.. "G-ganun ba? hindi ba puwedeng mamaya na yan?" tanong niya sakin, umiling naman ako dahil kailangan ko na talaga masuri ang babaeng iyon, "sige dalian mo nalang pagkatapos ay pumunta ka agad doon okay?" tumango naman ako tsaka tumakbo na papunta sa pupuntahan ko. *** Matapos ang isang oras na pagsusuri sa pasyente, it turns out that meron itong HSV, hindi ito nagagamot pero puwede itong ma-kontrol. Nag-alcohol naman agad ako't naghugas ng kamay, ayoko kasing madapuan ng anumang bacteria ang palad ko, kailangan malinis ako maging sa katawan kaya lagi akong may bagong gloves na isinusuot dahil iyon naman talaga ang tama.  Napalaki nalang ang mata ko nang maalala ang susunod kong gagawin..  Nag elevator agad ako papuntang ground floor at tumakbo agad-agad papunta sa Pharmacy clinic. May nakita akong nakaupong babae sa labas roon at nilapitan ko siya, "excuse me miss, kayo ba ang bagong pharmacist?" tanong ko rito. "Ah hindi po ako. Baka po iyon? Kanina pa kasi siya narito eh." tinuro niya ang likuran ko't lumingon naman ako.. Nakatalikod ang taong kanyang tinuturo. Mukha ngang ito ang papalit sa pharmacist na nag-quit na. "Excuse me? ikaw ba ang bagong pharmacist?" tanong ko rito at lumingon ito sa akin.. "..ah, ako nga." sagot nito nang may ngiti sa labi.. Nanlaki naman ang aking mga mata nang makita ko ang mukha nito...  "gusto mo i-try?" "Hindi ko pa na-try makipag-date sa lalaki eh kaya wala pa akong experience hahahaha!"  "..pero kung ikaw ang partner Kash, hindi malabo para saking maging tayo.." Nakita kong nanlaki ang mga mata nito, "..Kash? I-Ikaw ba yan?"  "I can't go out with a guy after all." "Let's... Break up." Para akong pinako sa kinatatayuan ko habang naaalala ang pangyayaring iyon.. Ang lalaking nasa harapan ko.. "Ikaw nga Kash!" masayang sabi nito, "dito ka pala nag tra-trabaho.." sabi nito sabay tinignan ang bawat bahagi ng lugar.. "masaya ako dahil magkakatrabaho tayong dalawa!"  Masaya ka..? Sorry pero ikaw lang ang masaya.. Gusto na kitang kalimutan, ayaw na kitang makita.. Pero bakit.. "Kash? A-Anong problema? Bakit ka umiiyak?" ...Bakit hindi mapigilan ng mga luha kong kumawala? Pinunasan ko ang luha ko nang mapagtanto kong umiiyak na pala ako, "hindi, puwing lang 'to." palusot ko sakanya.. "Ganun ba? Pero di ko talaga akalaing makikita kita dito.." nakangiti niyang sabi, "masaya ako dahil magkakatrabaho tayong dalawa.." No..  Wag.. Wag kang umasa Kash, siguradong may asawa na siya. Pero hindi pa rin nagbabago iyong mukha niya, naroon pa rin ang tinatawag na gwapo. "Ganun ba? Pwes ako hindi ako masaya. Paniguradong sakit ka lang sa ulo!" sabi ko sakanya. "Hindi! Nagbago na ako!" natawa nalang ako sa isipan. Nagulat ako nang iabot niya ang kamay niya.. Tinitigan ko naman ito, "ano yan?" tanong ko. "Pagkakamay. Mahalaga to pag bago ka sa pinapasukan mo.." sabi niya sa akin. Inabot ko naman ang kamay niya't nakipag kamay sakanya. Pagkatapos niyon ay kinuha ko agad ang alcohol na nasa bulsa ng white coat ko atsaka pinaliguan ang palad ko rito.. "Grabe ka naman." sabi niya sa akin. "Wala kang magagawa dahil naging ganito na ako." sabi ko sakanya. "Wala namang bad bacteria itong kamay ko.." sabay tingin niya sa kaniyang palad na sa totoo lang ikinatawa ko. Pero.. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o magiging masaya? Ngayong makakasama ko siya sa pinagtra-trabahuan ko. Hindi ko alam..  kung kailan malapit na siya mawala sa isipan ko.. tsaka siya ulit darating. Hindi ba't ang unfair naman ata? Ngayon ay hindi ko na alam kung para saan itong mabilis na t***k ng puso ko. Kylan Alvarez. Gugulo na ulit ang buhay ko ngayong nandito ka na. === #PoundingHeartKK  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD