Final Chapter 43: Tagpuan 3rd Person's Point of View Napakataas ng sikat ng araw, ito ay tirik na tirik at tanghaling tapat. Kagaya noong bata pa sina Kash at Kylan, ganitong oras din sila naglalaro sa loob ng kagubatan na napapalibutan ng maraming puno. Rinig na rinig ang agos ng tubig sa maliit na ilog. Napakatanda na ng lugar na ito subalit hindi pa rin napapalitan ang kapaligiran. Matayog pa rin ang mga puno na nagbibigay ng silong sa mataas na sikat ng araw. Kash hears the sound of dry leaves everytime he steps on them. Dahan-dahan siyang naglalakad patungo sa nag-iisang puno ng acacia na nakatayo malapit sa umaagos na ilog. Dala-dala niya ang hawak niyang sulat sa kanyang kamay na galing pa sa eskwelahang kanyang pinuntahan. Tahimik ang paligid, tanging ang ihip lang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


