Kash's POV Pumasok ako sa loob ng isang ramen shop. Pagtapak na pagtapak ko rito ay bumilis agad ang t***k ng puso ko. Marami ang nasa loob na kumakain. Halos occupied lahat ng table, dumiretso ako sa counter at mayroong staff doon na nagbabantay. "Um, si Aling Marcy?" tanong ko rito. "Nasa loob nagluluto," sagot nito sa akin, "Tugs! Isa pa nga dyang pork ramen!" Sigaw nito tsaka tumingin sa akin, "umupo ka. Anong order mo?" Umiling ako, "no no. Uh, may gusto ko lang tanungin kung may nag-iwan ba ng sulat dito na lalaki." "Huh? Sulat?" Nag-isip siya, "anong klaseng sulat?" Tanong nito. "E-Ewan ko hindi ko ma-describe." I said. Paniguradong sulat nanaman ang iniwan ni Kylan sa lugar na ito. Geez. That guy. "May naaalala akong nag-iwan ng sulat. Hindi ko alam kung saan niya

