ZILLENE MADRIGAL NAGISING ako ng makaramdam ng pagyugyug. Nang imulat ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang nagtatakang mukha ni Kuya Magnus. Napabalikwas ako ng bangon at hinarap siya. Parang isang malayang alon na bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi dahilan upang pamulahan ako. "Why are you sleeping here?" kunot ang noong tanong ni Kuya Magnus. "You should sleep in your room." "O-Okay lang po ako dito, Kuya Magnus." Matapos ang nangyari kagabe ay dito ako sa sofa natulog, alangan naman kasing samahan ko si Kuya Sa kuwarto nito. Hindi naman maari iyon lalo dahil sa nangyari kagabi. Wala naman talaga akong balak na matulog sa sofa ng condo nito. Pumunta lamang ako dito kagabe dahil hindi ko makayanan kung magi-istay pa ako sa kuwarto niya. Naupo ako dito kagabe upang mag-i

