ZILLENE MADRIGAL "PANGINOON, salamat po sa pagkaing handog niyo sa aming hapag. Sana po gabayan niyo kami sa araw-araw. Yun lang po, Papa God. Amen," pagdarasal ko at nag-sign of the cross pa. Nang imulat ko ang mata ay ang seryosong mukha ni Kuya Magnus ay na unang sumalubong sa akin. Hindi ito nagdarasal kundi nakatangin lang sa ginagawa ko. Pinamulahan tuloy ako ng pisngi dahil sa tingin nito. Sino ba naman kasing hindi mamumula kung ang isang tulad ni Kuya Magnus ang tumingin sa iyon ng ganon. "K-Kain na po, tayo," yaya ko rito. Feeling ko masyado na 'kong malandi. Kung ano ano na lang ang pumapasok sa utak ko na hindi maganda. Hindi naman nagsalita si Kuya Magnus at nagsimula rin magsandok ng pagkain nito. Pinanood ko siyang gawin iyon, inaantay ang magiging reaksyon nito sa lut

