ZILLENE MADRIGAL "A-ANO PONG ginawa mo rito?" Hindi ko alam kung saan ko kinuwa ng lakas ng loob na itanong iyon sa kabila ng nangangatog ang tuhod ko dahil na sa harapan ko ito. Kinakabahan ako sa presensiya niya at the same time nagtataka rin sa kung anong dahilan kung naririto siya ngayon sa loob ng restroom ng girls. Walang kahit anong sagot ang lumabas sa mga labi ni Kuya Magnus. Seryoso ang mga mata nito habang nakatingin ng deretso sa akin. "A-Anong ipinunta mo rito Mayor? N-Naligaw ka yata. Restroom ito ng mga babae at hindi para sa mga lalake." Umayos ako ng tayo at matapang siyang hinarap. Ayokong magmukhang mahina sa harapan niya. Ayokong ipakitang subrang laki ng apekto nito sa akin. Tama na ang isang gabing kasama ko siya para lang mabalik ako sa ulirat. "I'm not stupi

