Lumipas ang ilang sandali, natigilan kaming dalawa habang magkaharap ang mukha namin pareho.
Para bang automatic ang lahat ng nangyari, na kahit 'di sabihin ay kusa na lang kaming naglalapit. Ang halik na 'yon na kahit hindi itanong ay alam na ang kahulugan. Ang mahigpit na yakap na kahit 'di ko itanong ay isa lang ang kasagutan at 'yon ay ang parehong naming nararamdaman. Ang saya na kahit sino ay hindi basta matutumabasan.
Naglakad kami ng sabay sa tabing dagat at sa pagkakataong ito ay magkahawak ang aming kamay.
Alford Point of View
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin ang salitang kanina'y binanggit ko. Nagmistulang robot Ang buo kong pagkatao at habang yakap ko si Ferreira ay wala akong ibang maramdaman kundi saya. Ang saya na inakala kong 'di ko na mararamdaman, ngayon ay muli kong naranasan.
"Ang ganda talaga noh?" sambit ni Ferreira habang nakatingala sa langit.
"Oo sobrang ganda," nakatitig lang ako sa kanya. Para kasi siyang bituin sa kalangitan, hindi nakakasawang pagmasdan.
Muli na namang nagtama ang mata namin sa isa't isa.
Ang mga sandaling iyon ay hindi ko malilimutan. Ang mga ngiting nagdudulot sa 'kin ng kakaibang saya, ang yakap na sa 'kin ay nagpapakalma
"Hatid na kita sa palasyo," pag-aaya ko.
Gabi na rin kasi at sigurado akong hinahanap na siya roon.
Agad kamimg sumakay ng kotse at nagsimula ng magbiyahe.
Ferreira Point of View
Ngayon ko na lang ulit naalala ang tungkol sa palasyo, ang mga nalaman ko kay Mama Carol, gustuhin ko man na ikwento kay Alford ay natatakot akong masira ang kasiyahan namin. Mas okay na sigurong 'di ko muna i-topic ang tungkol doon.
Habang nasa biyahe wala kaming ibang ginawa kundi magkwentuhan at tawanan.
Sa sobrang saya ay 'di ko namalayang kailangan ko na pala bumaba.
"Nandito na tayo? Ang bilis naman," sabay simangot ko.
"Gusto mo bang bumalik ulit tayo ngayon sa Valencia de Istrito?" pagbibiro niya na ikinatawa namin pareho.
Nagpaalam na 'ko sa kanya, gano'n din siya, pero bakit gano'n? Parang ayoko pa umuwi, ayoko pang humiwalay sa kanya pero kailangan.
Dumiretso na 'ko sa gate at laking gulat ko dahil bumungad sa harap ko si Señora.
"Señora, good morning p,." bati ko na ikinagulat niya.
Jusmiyo! Gabi na pala ngayon.
"I'm sorry Señora, I mean.. good evening," tugon ko at umiling namn ito sa harap ko.
Jusmiyo, lamunin na lang sana ako ng lupa sa kahihiyang sinabi ko.
"Hija, nasa Pilipinas ka pa ba?" pagbibiro niya na hindi ko alam kung biro nga ba o pang-iinsulto.
"By the way, where have you been?" she asked me.
"I just went out with my friend," diretso kong sagot.
"Again?" taas kilay niyang tanong. Bakit parang 'di niya gustong umalis ako?
"Yes…why?" pagtataka ko.
"Nothing. Napapansin ko lang na napapadalas ang pagkikita niyong dalawa. Why don't you just invite him? Para naman makilala namin siya." isang ngiti ang kanyang pinakawalan. Iyong ngiting may ibang gustong iparating.
"Uhmm... next time, Señora."
"I just wanna remind you, we will be having an appointment tomorrow morning. One of the largest and most successful model agency interested in using you as a clothing catalogue model and magazine cover," nakangiti niyang sinabi.
Bakit gano'n? Ayoko talaga 'yong way ng pagngiti niya, para kasing hindi totoo.
"Sure, Señora," sagot ko na nakangiti.
Tuluyan na siyang umalis sa harap ko at ako naman ay papasok na sa loob.
Wala pa man ako sa hagdan ay napahinto na 'ko sa paglalakad dahil narinig ko na may kausap si Señora. Lumingon ako sandali at 'di nga 'ko nagkakamali dahil may kausap siya. Pinagmasdan ko itong babae at napagtanto ko na siya 'yong secretary ng board of directors ng company na nag-sponsor sa 'min. Siya ay si Alex Herrero.
Ano naman kayang pinag-uusapan nila.
Oo nga pala, bigla kong naalala na 'yong Alex Herrero na 'yan ay hindi lang basta secretary, siya rin iyong nag-aasikaso ng mga papeles sa tuwing may aayusin o babaguhin sa isang dokumento o kahit ano pang personal na detalye ng isang tao gaya ng birth certificate at iba pa. Bakit kaya siya nandito? Siguro ay may pinaaasikaso si Señora sa kanya.
Maya-maya ay mas nagtaka ako dahil may isang lalaki ngayon na lumapit kina Señora at Alex Herrero, sino naman kaya ang lalaking iyon?
Agad silang naglakad at dumaan sa gilid ng terrace, hindi ko alam kung bakit naisip oo na sundan sila. Palihim ko silang sinusundan, hanggang sa makarating sila sa dulo ng terrace, mayroong hagdan paakyat sa second floor. Nagkamali ako, akala ko ay pupunta sila sa second floor pero dumiretso lang sila sa pinakadulo ng first floor. At agad naman silang pumasok sa isang silid na nasa dulo. Mabilis akong lumakad para sana pakinggan sila hanggang sa makarating ako sa tapat ng pintong nakasara kung saan sila pumasok.
Itinutok ko amg tainga ko sa gilid ng pinto, baka sakling may masagap akong impormasyon, hindi kasi maganda ang kutob ko sa kilos nila kanina. Para bang may pag-uusapan sila na bawal ipaalam sa iba.
Shit! Puro spanish naman 'yong mga punagsasabi nila, jusmiyo 'di pa man din ako gano'n ka-fluent kaya ang hirap intindihin. Patuloy ako sa pakikinig hanggang sa may maintindihan ako.
Jusmiyo! Narinig ko ang pangalan ko do'n ah! Mayroon pa 'kong isang narinig, ano raw? R-roberto at… C-camila?
Teka! Bigla kong naalala, magkapatid ang dalawang 'yon. Ang mga magulang nila ay sina Felipé Maurino at Olivio Gretha na namuna noong ika-dalawamput tatlong henerasyon. Sila nga ba? Sure ako sila 'yon, napaka-imposible naman kung hindi dahil ang pangalan ng mga binanggit nila ay may kinalaman dito sa palasyo.
Pero bakit pati ako ay nabanggit?
Oh ayan na! Pati pangalan ni Nazario naririnig kong binabanggit nila.
Maya-maya ay nagulat ako sa aking narinig.
"Camila! The process has gone on for over 2 years. Is it not enough?"
Sino naman si Camila? Bakit kanina pa nila binabanggit 'yon?
"I know, Doctor Lorenzo. Will you just give me enough time to think more about the deal," giit ni Señora.
Sh*t!
So siya ang Camila na tinutukoy nila?
"Dios mio Camila! We already give you a lot of time. If you can't give a great deal of credence to us, I will make sure that you will lose everything. Your money, success and even your power!" sambit ni Alex Herrero, alam ko ang boses niya.
"I just can't wait to see her face at time the truth is revealed," muling sinabi ni Alex Herrero.
"So, don't mess with us… Camila. If you want to continue the legacy of this palace, don't break our deal," dagdag pa ni Alex Herrero.
"Or else… we will tell to Ferreira how you try so hard to hide everything about her and to his father," sambit ni Doctor Lorenzo.
Sh*t!
Tama ba ang narinig ko? Anong ibig sabihin ng mga salitang sinabi nila?
"Or else… we will tell to Ferreira how you try so hard to hide everything about her and to his father."
Kilala nila ang papa ko? Sino? Hanggang ngayon ah naguguluhan ako. At isa pa, bakit Camila ang tawag nila kay Señora? So it means 'yong lalaki na kasama nila sa loob ay si Doctor Lorenzo, 'yon ang narinig ko.
Maya-maya ay narinig kong nagtatalo sila at bumalik na naman sa spanish ang salitamg ginagamit nila. Agad akong nagtago sa gilid, buti na lang ay may lugar na pwedeng pagtaguan.
Ilang minuto lang ay lumabas na silang tatlo. Nakasilip lang ako habang sila ay naglalakad palayo.
Pinatagal ko muna ng ilang minuto bago ako tuluyang lumakad at bumalik sa loob ng palasyo.
Jusmiyo, hindi ako maka-get over sa mga narinig ko. Anong dapat kong malaman tungkol sa 'kin at sa papa ko?
Nagpatuloy ako sa paglalakad, parang kanina lang ay ang tamis ng bawat ngiti ko ngayon naman ay 'di na maipinta ang mukha ko dahil sa labis na pagtataka.
Sa wakas ay paakyat na 'ko sa kwarto.
Maya-maya…
"Ferreira, there you are!" nagagalak na sambit ni Nazario na ngayo'y nasa tabi ko.
Akala ko kung sino.
Tumingin ako sa kanya ng nakangiti, "Yes?"
"Pwede ba kita ayaing kumain?" pag-aaya niya.
"Please…"
Sh*t!
Busog pa 'ko paano na 'to? Andami ko pa naman iniisip ngayon.
"Sure, just wait for a minute," tugon ko.
I had no other choice kaya pumayag na 'ko, tutal maghapon na 'kong nasa labas kaya maglalaan ako ng oras sa kanya para naman ma-feel niya ang presensya ko.
Agad akong umakyat sa kwarto at inilagay sa 'king kama ang panda na binigay ni Alford. Dali-dali ko ring siyang tinext at sinabi na gabi na lang kami magkita dahil aalis kami ni Señora, buti na lang ay pabor iyon kay Alford.
Dumiretso na 'ko sa cr para maghilamos.
Finally, tapos na 'ko.
Paglabas ko ng cr ay naabutan ko si Mama Carol na nag-aantay sa 'kin.
"Mama Carol, nandiyan po pala kayo. Kumusta po kayo?" tugon ko.
"Ayos naman ako, ikaw ba?" tanong niya.
"Ayos lang din po ako," nakangiti kong sagot, naalala ko na naman 'yong kanina jusmiyo!
"Mukhang napapadalas ang pag-alis mo Ferreira at bakit parang kakaiba ang ngiti mo ngayong gabi?" nakangiting tanong ni Mama Carol. Bakit parang nabasa niya 'yong nasa isip ko?
"Gusto kong makilala 'yang kaibigan na lagi mong kasama, sino ba siya?" dagdag pa nito na halatang interesado.
Paano ko ba sisimulan ang pagkwento kung mismo ako ay 'di makapaniwalang may first kiss na?
"Ahh… sa susunod po Mama Carol, ipakilala ko po siya sa inyo," nakangiti kong sinabi.
Umupo ako sa kama.
"Ferreira, may gusto lang sana 'kong sabihin. Narinig kong nag-uusap sina Señora at Nazario kanina, medyo nagkakataasan kasi sila ng boses. Hindi ko naman matukoy ang pinag-uusapan nila o pinagtatalunan," malungkot na sinabi ni Mama Carol.
Mukhang 'di ko dapat tanggihan na kumain kasama si Nazario ngayong gabi, baka madagdagan ang stress niya.
Pero, nagtalo nga ba kanina sina Señora at Nazario? Kung oo, ano naman kaya ang dahilan?
"Ano naman po kayang pinagtatalunan nila? 'Di bale inaya niya po ako mag-dinner ngayon, pababa na rin po ako," tugon ko.
Kahit pa napakarami ko ng iniisip ay ayokong biguin si Nazario. Bakit ba naman kasi kada uuwi ako rito sa palasyo ay may panibago akong balitang nasasagap.
"Osya kumilos ka na, kanina ka pa inaantay no'n dahil palinga-linga siya sa terrace. Pagkauwi pa lang dito ay hinanap ka na niya," bigla tuloy akong na-pressure.
Bakit ba kasi ang bait at napaka-caring sa 'kin ni Nazario?
"Mama Carol may gusto po sana 'kong sabihin sa 'yo." lumapit ako sa kanya at mahinang nagsalita.
"Kanina po kasi ay may dalawang kausap si Señora at narinig ko po na sa oras na hindi tumupad si Señora sa napag-usapan nilang tatlo ay ilalantad nila ang katotohanan tungkol sa 'kin at sa Papá ko. Hindi ko po maintindihan, kahit ako po mismo ay walang alam sa tunay kong ama," tugon ko habang patuloy na nagtataka.
"Gano'n ba Ferreira, 'wag ka mag-alala at gagawa tayo ng paraan para malaman kung ano man ang ibig sabihin nila ro'n. Huwag ka lamang magpapahalata kay Señora at Señor para hindi ka niya paghigpitan," sambit ni Mama Carol na siyang nagpagaan ng loob ko.
Tuluyan nang lumabas ng kwarto si Mama Carol habang ako ay nanatili rito sa kwarto.
Sa kabila ng mga bagay na gumugulo sa isip ko ay hindi ko pa rin malilimutan ang tungkol sa 'min ni Alford. Napahawak na lang tuloy ako sa labi ko at ang ngiti ay kusang gumuhit.
Matapos kong mag-ayos ay bumaba na agad ako.
Maya-maya
"Shall we?" paglingon ko ay si Nazario pala.
Ngumiti naman ako.
Sabay kaming naglakad papunta sa labas. Pagkararing namin sa terrace ay dumaan kami sa hagdan kung saan kami dumaan noon papunta sa music room.
Wala akong ideya kung saan kami kakain. Akala ko ba ay dinner pero bakit hindi sa loob mismo? May kainan din ba rito sa pupuntahan namin?
Nakarating kami sa third floor, grabe ang laki talaga nitong palasyo.
"We're here!" pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa 'kin ang isang set up ng 1 table with 2 chairs. Sa lamesa ay may mga pagkain at wine. Ang buong paligid ay kumikintab dahil napapaligiran ito ng red petals at ilaw na purong puti ang kulay, kung titingnan ay larang christmas light ang dating pero hindi dahil mas maganda ito.
"Para sa 'yan?" tanong na alam kong walang sense, obvious naman na hapag kainan pero bakit ang romantic ng dating?
"Dinne,." nakangiti niyang sagot.
Napatango naman ako. Sana nga ay dinner lang talaga.
"Shall we?" pag-aaya niya.
Tuluyan na kaming pumasok sa loob, inalalayan niya 'ko mula sa pag-upo hanggang sa paglalagay ng wine ay siya ang gumagawa para sa 'kin.
Jusmiyo! Nagtataka na 'ko ah.
"Birthday mo ba ngayon?" tanong ko na ikinatawa niya sabay umiling sa harap ko.
"Para saan 'to?" pagtataka ko.
"For you." Nakangiti niya sagot.
Muntik na 'kong masamid sa sinabi niya.
"Ba't ako?" tanong ko.
"Gusto ko lang na maging memorable ang bawat araw mo rito sa palasyo. You're special for me, don't you know that?"
Hindi ko alam ang dapat kong isagot sa mga sinabi niya.
"I really appreciate your effort, pero okay na 'ko kahit simpleng dinner lang. Hindi na kailangan ng bongga, pero salamat pa rin sa 'yo." nakangiti kong sinabi.
Parang iba kasi ang atmoshere 'pag ganito ang set up ng dinner. Parang dinner date ang dating sa 'kin.
Nginitian ko siya at habang kumakain kami ay napatingin ako sa kwintas na suot niya, dahilan para maalala ko ang kwintas na binigay niya sa 'kin, iyon ang pinaabot niya kay Mama Carol. Pero paano ko isusuot 'yon kung mayroon na 'kong kwintas na galing pa sa special na tao.
"Thank you pala sa necklace." nakangiti kong sinabi
"You like it?" tanong niya.
"Oo naman, ang ganda. Siguro sa next week ko na siya susuotin para may sub dito sa kwintasko."
Nakangiti kong sinabi at nginitin naman niya 'ko pabalik. Baka isipin kasi niya na 'di ko man lang nagustuhan. Ang totoo niyan ay 'di ko alam kung kailan ko isusuot ang binigay niya. Timing pa kasi na kwintas ang bigay niya sa 'kin gano'n din si Alford.
Patuloy lang kami sa pagkain
.
"So, how's your day?" tanong niya bago lagukin ang isang baso na may wine.
Naalala ko na naman 'yong kanina sa 'min ni Alford. Automatic tuloy akong napapangiti.
"Great!" malawak na ngiti kong sinabi.
"Can I ask you a favor?" tanong niya.
Napaisip tuloy ako, ano naman kayang klaseng favor ang gusto niya?
"Can we go on a date?" halos mabulunan ako sa sinabi niya. Ano raw? Date? Nako po hindi maaari!
"I'm sorry, nabigla ata kita." sabay abot ng glass of water sa 'kin.
Ininom ko ito at kumalma naman ako.
Napaka-direkta niya kasi magsalita, nakabibigla masyado.
"A-anong klase d-date ba?" nauutal kong tanong.
"Just a friendly date, don't worry. 'Wag kang ma-pressure, I just wanna spend my day with you tomorrow, that's all." nakangiti niyang sinabi.
Kumalma na rin ako, buti naman.
"Basta hindi aabot ng gabi ah?" paninigurado ko dahil magkikita kami no'n ni Alford.
"Yeah, sure," nakangiti niyang sinabi.
Napaisip tuloy ako kung tama ba na pumayag ako?
Biruin mo nga naman dalawang lalaki makakasama ko bukas sa labas, hindi ba 'ko masama sa part na 'yon? Hindi naman siguro dahil wala akong ibang intensyon kay Nazario.
Well, stop na. Si Alford lang naman ang gusto ko, si Alford lang walang iba.
Habang kumakain ay panay tingin siya sa 'kin, naiilang tuloy ako.
"Ferreira…" napalingon ako sa kanya.
"Am I ugly?"
"No, bakit mo naman natanong 'yan?" kuryosidad kong tanong.
"Just want to hear an answer from you. 'Pag niligawan ko kaya 'yong babaeng gusto ko, sasagutin kaya niya 'ko? Do you think it's possible?" seryoso niyang tanong.
I don't like the way he looks at me. Parang may kakaiba na hindi ko maipaliwanag.
"Yes it is, malakas ang dating mo sa isang babae. Imposibleng 'di ka niya magustuhan pabalik." iyon na lang ang tangi kong nasabi.
"But appearance doesn't matter when love is true, right?" seryoso niyang tanong.
Tumango naman ako.
"Are my standards enough to be treated well? Let me know your answer, Ferreira," seryoso ang mga titig niya.
Hindi ko alam ang susunod kong sasabihin, bakit niya tinatanong ang gano'n sa 'kin?
"Ferreira?" pagtawag niya sa pangalan ko, dahilan para matauhan ako.
"Alam mo Nazario 'pag nagmahal ka, lahat ng standard o basehan mo sa isang tao balewala."
"Kahit gaano ka pa kabuti o kasama, 'di 'yon counted sa nararamdaman mo."
"Love is an abstract. It cannot be define by looks or personalities. When someone loves you more than anything, tanggap ka niya ng buo. 'Cause love is more than just a feeling."
Kusa na lamang lumabas ang mga 'yon sa bibig ko.
"I knew it, thank you," nakangiti niyang sinabi.
"Your future husband would be so lucky to have you." ngumiti ako't nanatiling tikom ang bibig at baka saan pa mapunta ang usapan.
Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa matapos ay hinatid na niya 'ko sa kwarto.
"Get ready for tomorrow, have a sleepwell, Ferreira." ngumiti siya sa 'kin bago tuluyang lumakad.
Nakakakonsensya ang desisyon ko na pumayag sa gusto ni Nazario. Pero kasi, nakaka-offend naman kung tatanggi ako. Napakabait niya sa 'kin at gentleman. Aba, baka wala akong kamakay-malay na iba na pala ang iniisip niya sa tuwing magkasama kami.
Sabagay, as a friend lang naman at bilang partner sa negosyo. Oa lang siguro ako mag-isip
Maya-maya ay kinuha ko ang notebook na bigay sa 'kin ni Mama at doon ko nilahad ang mga nangyari sa!'kin sa buong araw, kung mababasa ni Mama ang nakasulat dito for sure buong araw 'yon matutuwa at aasarin ako magdamag kay Alford. Sana nga ay ayos lang siya sa Pilipinas.
Matapos kong magsulat ay muli akong naghilamos at pagkatapos ay diretso na 'kong nahiga sa kama. Ang bawat sandali kanina sa 'ming dalawa ni Alford ay 'di pa rin nawawaglit sa isip ko. Ang unang halik na 'yon ay 'di ko malilimutan, ang mga yakap na nagpapagaan ng aking kalooban at sa bawat paghawak niya sa 'king kamay ay ramdam kong 'di ako nag-iisa.
Hindi man nawawaglit sa isip ko ang mga narinig ko sa pag-uusap nina Señora, Alex Herrero at Doctor Lorenzo, hindi ko pa rin maitatanggi ang katotohanan na ako ay masaya dahil sa isang salitang nagpapaulit-ulit sa 'king tainga.
"Te amo mucho, Ferreira."
(I love you very much, Ferreira.)
Masyado nga sigurong mabilis para sa iba perk bakit ang nararamdaman ko'y para bang higit pa sa balong malalim.
Ang salitang iyan na binanggit ni Alford ay 'di ko malilimutan. Para bang isang hele sa aking pagtulog. Hanggang sa tuluyan na ngang bumagsak ang mga mata ko.