***
Kasalukuyan akong naririto sa Valencia de Estrito. Gabi na't walang katao-tao kaya naman laking pagtataka ko sa 'king sarili kung bakit ako nandito.
Taimtim ko lamang na pinagmamasdan ang malawak na karagatan, kasabay ng preskong hangin na dumadampi sa 'king balat.
Nang mapalingon ako sa kanang bahagi ng aking kinatatayuan ay natanaw ko ang isang babaeng nakasuot ng puting bestida, kasama niya ang isang lalaking napaka-ginoo kung titingnan. Sa mga sandaling oras na 'to ay pinagmamasdan ko lamang sila, hindi ko alam kung bakit habang nakikita silang magkasama ay may galak sa 'king puso.
Ito ba ang rason kung bakit ako napadpad dito ng ganitong oras? Para pagmasdang ang dalawang nilalang na nag-iibigan? Ganitong oras ay natutulog ako dapat sa kwarto ko sa loob ng Residencia Palace de Valencia pero bakit nga ba 'ko nandito?
Lalo pang lumawak ang ngiti sa 'king labi nang makita ang dalawang nilalang na magkayakap. Doon ay bigla ko na lamang naramdaman na parang may kakaiba.
Hanggang sa tuluyan nilang bitawan ang isa't isa at doon ay kusang namuo ang kirot sa 'king dibdib, pero bakit?
Bigla na lamang kumulog ng napakalakas dahilan para mayakap ko ang sarili ko't mapagpasyahan na bumalik sa palasyo't baka hinahanap na 'ko nina Señora at Señor.
Akmang tatalikod na 'ko nang magawi muli ang tingin ko roon sa dalawang nilalang. Laking gulat ko nang makitang may kasama silang mga guwardiya sibil at…
isang hari at reyna.
Tama ako. Sa pustura pa lang ng kanilang pananamit kahit pa malayo ay tanaw ang katotohanan. Hanggang sa may nagpaputok ng baril at doon nagsimula na ang ingay mula pag-iyak ng babaeng naka-bestidang puti.
"Isang kalapastanganan ang ginawa mo!"
"Iuwi ang prinsesa! Dalhin ang bastardong lalaki na 'yan sa palasyo't 'wag hayaang makatakas!"
Nanlaki ang mata ko sa 'king mga narinig. Kaya naman dali-dali akong tumakbo sa may gilid ng halaman at doon nagtago. Patago ko sana silang pagmamasdan ngunit pagsilip ko ay wala na sila.
Walang katao-tao.
Hanggang sa maisipan kong bumalik na muna sa palasyo. Nang ihakbang ko ang aking paa ay halos mapatalon ako nang sumulpot bigla sa harap ko iyong…
iyong babaeng naka-bestidang puti kanina.
Saglit kong naramdaman ang awa nang makitang namumugto ang mga mata niya pero nanatiling nakangiti ang labi nito.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Por favor, ven conmigo."
(Please, come with me.)
Hinila niya ang kamay ko at saka kami naglakad ng sabay.
Teka saan niya ba 'ko dadalhin?
"Excuse me? Who are you?" I asked.
Imbis na sagutin ang tanong ko ay tiningnan niya lang ako. Iyong tingin na may gustong sabihin pero piniling 'wag na lang magsalita.
Hanggang sa tumigil kami sa tapat mismo ng dagat. Humarap siya sa 'kin at dahan-dahang hinaplos ang pisngi ko. Doon ay pinakawalan niya ang isang ngiti
at ipinikit niya ang mga mata ko.
Ilang segundo lang ang lumipas ay iminulat ko na ang mata ko at laking gulat nang mapagtantong wala na siya. Nagpalingon-lingon ako sa gilid pero wala akong nakitang babaeng nakaputing bestida. Na saan na ba 'yon? Bakit bigla siyang nawala?
Hanggang sa maisipan kong bumalik na sa palasyo.
Ngunit nang magawi muli ang tingin ko sa kanang bahagi. Doon ay unti-unti kong natatanaw ang isang lalaking malabo ang mukha. Naglalakad ito palapit sa 'kin, palapit nang palapit ay mas lalong nagiging malinaw ang itsura niya hanggang sa…
Alford?
Ang pintig ng puso ko ay 'di maawat sa sobrang bilis kaya naman dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya. Nang sandaling makarating ako sa tapat niya ay hindi agad ako nakapagsalita. Kusa na lamang tumulo ang luha sa 'king mata sa hindi maipaliwanag na rason.
"Alford…" hinaplos ko ang kanyang pisngi at...
***
PANAGINIP NA NAMAN.
Napabangon akong hingal na hinga mula sa panaginip kong iyon. Kilabot ang tanging namumuo sa damdamin ko ngayon. Masyadong nakatataas ng balahibo ang mga senaryo.
Hindi ako makapaniwala dahil ang senaryo sa panaginip ko ay wangis sa kwentong nabasa ko sa libro.
Ang pintig ng puso ko'y 'di na naman maawat sa pagkabog. Hindi rin ako maaaring magkamali dahil ang blur man sa panaginip ko ay nagpakita at malinaw ang mukha nito na siya si Alford.
Shit! Bakit gano'n?
Si blur man at Alford ay iisa?
Bakit ko rin ba napanaginipan ang senaryong nabasa ko sa libro?
Bigla na lang tuloy akong napaisip kung dapat bang ipaalam ko na kay Alford ang tungkol sa panaginip namin na parehong-pareho.
Ilang minutong kong pinag-iisipan ang bagay na 'yon. Hanggang sa naisip kong sabihin na ang totoo kay Alford.
Bigla na lang tumunog ang phone ko at aagd nag-notif ang message ni Alford.
"Goodmorning, Ferreira. May importante lang akong aasikasuhin, tapos pwede na tayong magkita. Just wait for my call, okay?"
From: Alford
Iyon lang ang message niya?
Isa pa, paano na 'to? How can I convince him? Na makipagkita sa 'kin ngayon din? Bakit pa kasi ngayon pa siya nagkaro'n ng appointment? Sayang dahil hindi ko pa masabi ang dapat niyang malaman.
Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Mama Carol.
"Ferreira, mabuti gising ka na," bati nito at saka dali-daling ni-lock ang pinto.
Bakit parang hindi maganda ang aura niya?
"Bakit po? May nangyari po ba?" tanong ko.
Umupo siya sa tabi ko dahilan para mapabangon ako.
"Anak, narinig ko ang pagtatalo ng mag-asawa at Nazario... dahil sa 'yo."
Nang sabihin niya 'yon ay bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba.
"B-bakit naman po ako ang dahilan? Dahil po ba sa... p-pag-alis ko palagi?" iyon lang kasi ang nakikita kong rason para mainis sa akin sina Señor at Señora.
"Iyon nga anak." bakas sa mukha niya ang dismaya at lungkot
"Isa pa, anak, narinig kong isasabak ko sa isang model agency nina Señora at Señor pero hindi pumayag si Nazario."
Bakit naman kaya?
"Hindi po pumayag si Nazario? Pero bakit po?" pagtataka ko.
"Iyon lang ang hindi ko masasagot, anak. Hindi ko alam ang rason pero alam kong mayro'ng dahilan." huminga siya ng malalim.
"Naawa ako sa binatang iyon. Sunod-sunuran siya sa mga magulang niya. Palibhasa'y puro pera ang pinagtutunang pansin ng mag-asawa at wala silang pakialam sa nararamdaman ng anak nila. Maswerte ka pa rin, Anak. Dahil kahit hindi mo kasama ang Mama mo ngayon ay hindi siya nagkulang sa 'yo." matapos kong marinig 'yon ay may kung anong kurot sa 'king dibdib ang namayani.
Tama si Carol, sa kabila ng lahat ay maswerte ako sa 'king Ina dahil ang pagmamahal at pag-aaruga niya mula pa man nang isilang ako hanggang kasalukuyan ay hindi matutumbasan. Nakalulungkot isipin na kahit napakayaman ng buhay ni Nazario sa piling ng mga magulang niya ay siya namang may puwang sa buhay niya, at 'yon ay ang pag-iintindi.
"Na saan po ba si Nazario ngayon, at sina Señora?" tanong ko.
"Kanina lang ay na sa music room si Nazario. Rinig na rinig ko ang pagtugtog niyo. Gano'n ang binatang iyon, sa tuwing napagsasabihan o 'di kaya'y may dinaramdam ay dinadaan niya sa musika." nakaramdam ako ng lungkot sa mga narinig ko.
"Sina Señora at Señor naman ay umalis kani-kanina lamang bago ka magising," sambit niya.
"Salamat po sa information, Mama Carol. Kailangan ko po talaga malaman 'yan. Mag-aayos na po muna 'ko para mapuntahan agad si Nazario," tugon ko.
"Osya, anak, hintayin mo lang siya. Lumabas kasi siya kanina bago kita puntahan dito ang kaso lang, hindi ko alam kung saan siya nagpunta." napatango na lang ako.
Agad na nagpaalam si Mama at Carol at lumabas ng kwarto ko. Dali-dali naman akong bumaba ng kama at saka nagligpit.
Mishka Point of View
Kasalukuyan akong naririto sa labas ng palasyo, inaantay sina Mama at Papa. Alas seis pa lamang ng umaga nang umalis sila kasama si Kuya.
Habang naghihintay ay bigla na lamang akong nagulat nang may magtakip sa mata ko.
"Hmmmp!"
Maya-maya lang inalis niya ito at napagtanto kung sino ito...
"Carlito?"
"A-anong ginagawa mo rito?!" gulat kong tanong.
"To see my baby!" sinunggaban niya 'ko ng yakap dahilan para maalarma ako
"C-carlito... wait lang! Baka dumating sina Mama at Papa. Hindi nila tayo pwedeng makita," tugon ko at saka inilibot ang paningin sa paligid.
Hinigpitan niya pa lalo ang yakap sa 'kin dahilan para lalo akong hindi makawala, "I miss you, Mishka. Sobrang busy mo this past few days, hindi mo ba 'ko na-miss?"
Hinampas ko siya sa likod dahilan para matawa siya, "Hahaha just kidding, amor. By the way, I have something for you."
Mabilis niya 'kong binitawan. Hinilan niya ang kamay ko papunta sa lugar na tago at medyo malayo sa tapat ng palasyo. Doon ay inabot niya sa 'kin ang isang paper bag. Nang buksan ko ito't kunin ang laman nito ay agad tumambad sa 'kin ang isang box ng chocolate at letter.
"Wow! Ang sarap nito, thank you!" hinalikan ko siya sa pisngi.
"Sandali! Hindi tayo pwedeng magtagal dito. Mas okay na magkita na lang tayo kagaya ng dati. Doon sa malayo rito at wala sila. Don't worry, pwede tayo mamasyal tomorrow, okay?" I said
Hinawi nito ang buhok ko at saka hinaplos ang pisngi ko, "Sure baby, see you tomorrow. Tawagan na lang kita bukas before lunch."
Maya-maya lang ay bigla kaming nakarinig ng kotseng palapit sa kinaroroonan namin.
Oh no!
"Ayan na sila! Sige na, Carlito. Magkita na lang tayo bukas. I love you!"
I am about to run but he grabbed my arms.
"I love you, Mishka," he said, closing the gap between our lips.
Mabilis akong tumakbo papunta sa tapat ng palasyo habang si Carlito ay mabilis na tumakbo papasok sa kanyang kotse at agad itong pinaandar
Ferreira Point of View
Matapos kong kumain at maligo kanina ay sakto namang nakatanggap ako ng message kay Alford.
Hindi muna raw kami magkikita ngayon, pero kung sakaling matapos ay agad niya 'kong pupuntahan.
Napaka-wrong timing ngayong araw. Bakit ngayon pa? Kung kailan gusto ko nang sabihin ang totoo na pareho ang panaginip namin ay saka pa kami hindi nagkita.
Sandali akong napatulala. Napakaganda ng palasyong ito pero ang mga kwento sa nakaraan ay masyadong masalimuot. Hindi ko akalaing sa mga nagdaang pamamalakad ng mga namuno rito ay pare-parehong dumanas sa miserable at masasakit na pangyayari.
I suddenly felt the pain.
Sa kalagitnaang ng malalim kong pag-iisip ay bigla na lamang akong nakabuo ng isang ideya.
Alam ko na!
What if humingi ako ng sign? Sign na magpapatunay kung si Alford at blur man ay iisa? Hindi naman siguro masama na gawin iyon.
Matapos kong mapagdesisyunan ang bagay na 'yon ay agad akong umakyat pabalik sa kwarto ko.
***
Isang babaeng nakabestidang puti ang nakatayo sa dagat. Natatanaw ko siya rito mula sa kinatatayuan ko sa gilid ng mga halaman.
Madilim ang paligid at tanging buwan lang sa kalangitan ang nagsisilbing liwanag.
Nang makita ko siyang humakbang ay bigla akong nakaramdam ng kaba.
Sandali, bakit parang wala siya sa sarili? Lulunurin ba niya ang sarili niya?
Mabilis akong naglakad palapit sa babaeng nakasuot ng bestidang puti at nang maitapak ko na ang paa ko sa tubig gaya niya ay bigla itong huminto sa paglalakad.
"Kung may bumabagabag sa 'yo ay maaari mo 'kong sabihan."
Laking gulat ko nang humarap siya ng dahan-dahan at lumuluhang humakbang palapit sa 'kin.
"Por favor, sálvame..."
(Please, save me...)
Te lo pido por favor, Ferreira..."
(I'm begging you please, Ferreira...)
"Usted debe tener los ojos abiertos y prestar atención."
(You still need to keep your eyes open and be mindful.)
"Está justo ahí... Nos mira a todos."
(He's right there... He's watching you.)
Napalunok ako sa mga sinabi niya dahil lahat 'yon ay nauunawaan ko ang kahulugan. Anong dapat kong gawin?
At anong ibig niyang sabihin sa "He's right there... He's watching you?"
Bigla na lamang umiyak ng napakalakas itong babae sa harap ko habang nakatakip ang mukha niya gamit ang sariling palad. Bawat pagtangis ay may katumbas na kirot sa 'king dibdib.
Sino ka ba?
Maya-maya lang ay halos 'di ako makagalaw nang humarap siya sa 'kin at...
dugo ang luhang inilalabas nito sa kanyang mata.
Sh*t!
Hinawakan niya ang balikat ko at mariing sinabi...
"¡El poder del sueño es más grande que el paso!"
(The power of the dream is greater than the past!)
Sh*t! Anong ibig niyang iparating?
"¡El poder del amor es mayor la maldición del sueño."
(The power of love is greater the curse of the dream!) sigaw niya.
Lalong kumabog ang dibdib ko.
"¡El poder de la maldición es mayor que el aguijón de la muerte!"
(The power of curse is greater than the sting of death!)
Ang sumpa ng panaginip?!
Maya-maya lang ay unti-unti siyang hinigop ng tubig papunta sa karagatan. Bigla na lamang naging kulay pula ang dagat dahilan para makaramdam ako ng takot.
Kumulog ng napakalakas kasabay ng matinding kidlat dahilan para mapayakap ako sa 'king sarili. Isama pa ang malakas na hangin na sumasabay sa mga tunog na nakakikilabot. Dagundong ang kabog ng aking dibdib.
Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng pagluha. Hindi ko mawari kung bakit. Hindi ko rin alam kung bakit nanatili ako rito sa dagat na purong dugo. Para bang isang magnet na kahit anong pilit ay hindi ko magawang ihakbang ang paa ko palayo. Ano bang mayro'n sa dagat na ito't bakit hindi ako makaalis? Isama pa ang mga katagang binanggit ng babae kanina.
Sino ba siya?
Anong papel niya sa buhay ko?
***
Sh*t! Isa na namang panaginip?
Hingal na hingal akong napabangon at laking gulat ko nang makita ang orasan.
Alas nueve na ng gabi?!
Bigla kong naalala na ala cinco panlang ng hapon nang matulog ako. Pero bakit ang tagal ng tulog ko? Dahil sa panaginil na 'yon?
Dali-dali akong nag-ayos at nagmadaling lumabas ng kwarto.
Sa kagustuhang walang makakita sa 'kin ay patago akong lumabas.
Habang naglalakad papuntang Valencia de Estrito ay agad kong tinext si Alford na magkita kami ngayon din. Wala na 'kong pakialam kung anong rason niya basta magkita kami at masabi sa kanya ang tungkol sa panaginip na pareho kami.
KASALUKUYAN akong nakatayo rito sa Valencie de Estrito.
Alam kong isang kahibangan na humiling at magpaniwala sa mga senyales pero hindi ko naman ikamamatay kung susubukan ko ito.
Baka tama ang sinabi ng babae sa panaginip ko, na nariyan lang siya't binabantayan ako. Sa linyang iyon ay si Alford ang na sa isip ko. Kaya naman ngayon ay itutuloy ko ang isang hiling. Sa oras na dumating si Alford ngayon ay paniniwalaan ko ng siya at si blur man ay iisa lang.
Habang nakatitig sa karagatang patuloy sa pag-alon ay ramdam ko ang kakaibang lamig. Ang hangin na dumadampi sa balat ko ay 'di ko mawari kung bakit nagdudulot ng kirot. Kasabay ng tinig mula sa alitaptap ay naririto ako, umaasang makita ang lalaking hinihintay ko.
Kung anong nararamdaman ko ngayon ay gano'n din sa panaginip ko.
Normal lamang sa mga tao na humiling at maghintay na matupad ang kahilingang iyon pero alam kong hindi basta kapani-paniwala kung idadaan ko sa senyales ang kasagutan sa tanong ko.
Alford, please... show up.
Sa kalagitnaan ng aking paghihintay ay bigla na lamang akong nakarinig ng yapak ng paa sa bandang likuran ko.
"Pinag-alala mo 'ko, Ferreira."
Paglingon ko ay..
Nazario?
Sh*t! H-hindi si Alford ang dumating...
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa 'kin, "I'm sorry, Ferreira. I know I'm not supposed to interfere but I can't let you here alone. Bakit ka ba kasi lumabas ng ganitong oras? Alalang-alala ako sa 'yo kaya sinundan kita."
Sandali kaming nagkatitigan at sa mga oras na 'to ay naramdaman ko ang mabilis na pintig ng puso ko.
"Hindi ka rin nag-r-reply sa mga text ko. Kanina pa kasi kita hinihintay."
Bigla kong naalala na kagabi niya pa pala ko inaya na lumabas. Bigla na lang nawala sa isip ko.
Nang tinitigan ko si Nazario sa mata ay kusang nabago ang pananaw ko.
Ang paniniwalang si Alford at blur man ay iisa, ngayon ay para bang...
naglaho na.