Chapter 22. The Truth behind the Book

2973 Words
Alford Point of View Nang matauhan ako ay bumitaw rin ako sa pagkakayakap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing magkayakap kami ni Ferreira, lahat ng negatibong bagay sa utak ko ay nagiging bula. Nagsimula na kaming maglakad ngayon papunta sa ibang part na hindi pa namin napupuntahan. Ngayon na lang din ulit ako nakapunta rito, andami na palang nagbago, mas naging bago at nadagdagan ang mga disenyo, dekorasyon at iba pang magagandang view. Pero ang mga dating nandito. ay 'di pa rin nawawala. Tahimik kaming naglalakad, nasa likod ako ni Ferreira. Mas gusto ko kasi na pinagmamasdan ko siya habang nakikita kung gaano siya kasaya. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang sinabi ko kanina, hindi ko na lang muna sasabihin ang ibig sabihin no'n. Her smile is my strength. So I won't let anyone hurt her. I'll make sure every inch of her life will be safe. "Alford, bigla kong naalala 'di ko pala alam ang lugar na 'to pero pinangungunahan kita sa paglalakakad, sorry ah?" sambit niya. "Sorry for what?" I asked. "B-baka kasi maligaw ako tapos sayang sa oras kung hahanapin mo 'ko," sambit niya. "Bakit ka naman maliligaw? Kung sa 'yo lang ako nakatingin." "Sinusundan kita, kaya 'wag kang mag-alala." nakangiti kong sinabi. Sh*t! Kumabog na naman ng napakalakas ang dibdib ko. Bakit ba kasi napaka-direkta ng dila ko kung magbitaw ng salita sa kanya. Parang ako pa ang namula sa mga sinabi ko. "Thank you," nakangiti niyang sinabi. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa dulo. Isang Museum na ngayon ko lang nakita, siguro ay bago lang ito. Pero bakit parang luma ang style? Ferreira Point of View Kasalukuyan kaming nakatayo ni Alford sa tapat ng Museum. Anong klaseng museum naman kaya ito? Museum lang kasi ang nakalagay sa itaas. Maya-maya ay may biglang nagsalita paglingon namin ni Alford ay isang matandang babae na sa tingin ko ay nasa quarenta pataas ang edad. "Hindi ko alam na may mga kalahi ako na makikita rito," sambit niya. Teka, Pilipina siya? Obvious naman kakasabi lang niya at isa pa ay nag-tagalog sya. "Paumanhin, 'di ko inaasahang marinig ang usapan niyo kanina, sa totoo lang ay napakasarap niyong pagmasdan," nakangiti niyang sinabi. Bigla naman kaming nagkatitigan ni Alford. "Oo nga pala, ako si Carmen Silang, Mama Carmen na lang ang itawag niyo sa 'kin. Ang museum na nasa harap niyo ay pag-aari ng Mama ko at ako ang taga pamahala ngayon habang wala siya. Kasalukuyan pa itong inaayos, pero kung gusto niyong pumasok ay ililibot ko kayo," sambit niya. Hilig ko talaga ang museum kaya kahit 'di niya tanungin ay gusto kong pumasok sa loob. Inaya ko si Alford, alam ko naman na hindi siya tatanggi. Bagong knowledge din para sa 'min 'to at isa pa ay nakakatuwa dahil makaluma ang dadatnan namin sa loob. Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag may mga nalalaman ako tungkol sa nakaraan, hindi ko alam kung bakit pero interesado talaga ko sa mga lumang bagay o maging pangyayari kahit pa minsan ay masakit marinig. Pagtapak ko pa lang sa loob, bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ang bumabalot ngayon sa 'kin, pero dahil ako ang nagpasya na pumasok rito ay paninindigan ko. "May lahi po ba kayong espanyol o purong pilipina?" tanong ni Alford kay Mama Carmen. "Purong pinay ako, hijo maging ang papa at mama ko. Kaya lamang ako naririto ay dahil sa kultura ng pamilya ko, at 'yon ay ang pagsunod sa yapak ng mga nakatatanda sa 'min. Iyon kasi ang kapalaran at papel namin sa buhay, ang patuloy na pahalagahan ang mga makalumang bagay na binalewala noong nakaraan." sambit ni Mama Carmen. Bakit gano'n? Parang iba ang dating sa 'kin ng mga sinabi niya. "Ibig sabihin po ba ay mayroon din pong magmamana sa mga ginagawa niyo?" tanong ni Alford. "Tama ka, hijo. Patuloy lamang magpapasalin-salin ang kinagisnan ng angkan ko sa bawat henerasyong magdaraan. Ngunit ang lahat ay nakasalalay sa kamay ng isang taong nakatakda na magmana. Magiging matagumpay lang ang misyon ng isang tao kung nasa tama direksyon ito. Pero kung magpapatalo siya sa mga balakid at problema, sa huli ang minana niya ay masisira," sambit ni Mama Carmen. Ang lalim ng sinabi niya pero bakit habang sinasabi niya 'yon ay sa 'kin siya nakatingin? Patuloy kami sa paglalakad, napakaraming bagay ang naririto. Lahat ay nakapaloob sa malalaking estante na salamin at may mga kanya-kanyang description, taon kung kailan naisagawa ang bagay na 'yon at kung kailan natagpuan. Mga lumang silya, frame at kung anu-ano pa. "Alam niyo ba na ang kadalasang gamit na nandito ay galing pa sa pamilya na namuno sa Valencia Palace noong ikalabing-apat at ika-dalawamput apat na henerasyo," sambit ni Mama Carmen habang naglalakad kami. Napatingin lang sa akin si Alford kasabay ng isang ngiti. Sh*t! Bigla kong naalala 'yong kwentong nabasa ko tungkol kay Prinsesa Zerina. Dahil ang panunungkulan ng hari at reyna sa kwentong iyon ay noon pang ika-labing apat na henerasyon. Pero ang ika-dalawamput apat na henerasyon ay 'di ko alam. "Bakit sila lang po? Nasan po ang mga gamit ng ibang pamilya ng ibang henerasyon?" pagtataka ko. "Sa ibang museum naka-display ang mga 'yon, hija. Kaya nandito ang mga gamit na 'yan dahil ang mga nagmamay-ari niyan sa panahon ng kanilang pamumuno ay hindi naging matagumpay, kaya't ibinasura at hindi pinahalagahan. Ang iba rito ay hindi gaano nagamit, ang iba ay matagal nang natagpuan pero hindi nabigyan ng pagkakataon na ilabas," sagot ni Mama Carmen. Tahimik kaming nakikinig ni Alford habang ang matanda ay patuloy sa pagsasalita. "Kung 'di niyo maitatanong, ang pamamalakad sa Valencia Palace noong ikalabing apat na henerasyon ay masyadong strikto, hindi makatarungan ang trato ng hari at reyna sa anak nila. Bukod pa riyan ay maagang namatay ang anak nila at pagkatapos ay sumunod din ang hari at reyna, maging ang mga tao sa loob ng palasyo ay binawian din ng buhay," sambit niya. Sh*t! Tugmang-tugma ang mga nabasa ko sa sinabi ni Mama Carmen. Kailangan ko pa magtanong sa kanya para malaman ang mga nakaraan at ang totoo. "Malas po ba ang pamilya nila?" kusa na lang lumabas sa bibig ko ang tanong na 'yon. "Hindi ko kabisado ang buong kwento, pero ang sabi sa 'kin ni Mama ay masyadong masalimuot ang pinagdaanan ng dalaga bago ito mamatay." lalo tuloy kumabog ang dibdib ko. "Namatay po ba si Prinsesa Zerina o nagpakamatay?" tanong ko. Gusto kong makasiguro kung totoo ang story na nabasa ko. "Alam mo ang pangalan niya?" hala bakit ko nasabi? Napatingin sa 'kin si Alford na para bang gusto rin niyang magtanong. "Ahh… n-nabasa ko lang po sa isang libro," sagot ko. Bigla tuloy akong kinabahan. "Talaga ba? Aba, nakatutuwa ka naman, buti na lang pala ay isinulat ito ng Mama ko," sambit niya. So ibig sabihin, Mama rin niya ang nagsulat ng kwentong 'yon? "Pwede po bang malaman ang name ng Mama niyo?" pagbabakasakali ko. 'Pag tama ang nasa isip ko, hindi ko palalampasin pa ang pagkakataon na malaman kung totoo nga ba ang mga nabasa ko. "Lineah Silang ang ngalan niya, siya ang nagsulat ng istoryang pinamagatang "La maldición del amor 1497", iyon ang nabasa mo 'di ba?" sambit niya. Sh*t! Halos lumaglag na ang puso ko sa mga narinig ko. Lineah ang nakasulat sa librong nabasa ko, hindi ako pwedeng magkamali dahil siya nga 'yon. "Pwede pa po ba kayong magkwento tungkol kay Prinsesa Zerina?" tugon ko. "Pasensya ka na hija, kaunti lang ang nalalaman ko sa kanya. Ang aking Ina ang maraming alam tungkol doon. Mukhang interesado ka sa buhay niya, nakatutuwa ka naman," nakangiti niyang sinabi. Kung alam niya lang ay halos mabaliw ako sa kwento ng librong iyon simula nang mabasa ko ay tumatak na ito sa isip ko. Kaunting bagay lang na konektado sa kwentong iyon ang magpaalala sa 'kin ay halos hindi na 'ko mapakali. "Uhmm… pwede po bang magkwento pa kayo kahit ano po." Maya-maya ay biglang nagsalita si Alford. "Ano po ang papel na 'to Mama Carmen?" Tanong ni Alford na ngayo'y nasa kabilang hilera ng salamin siya nakatayo. Lumapit kami ni Mama Carmen sa kanya. "Ang papel na 'yan ay isang liham. Mula sa prinsipeng iniibig ni Prinsesa Zerina. Nakasulat 'yan sa wikang Espanyol pero ang nasa ibaba ay isinalin ng Mama ko sa wikang Tagalog." ang kabog sa dibdib ko ay hindi pa rin nawawala. "Bakit hindi mo subukang basahin hijo?" sumang-ayon naman si Alford Mahal kong Prinsesa Zerina, Sa paglubog ng araw ay muli akong maghihintay sa ating tagpuan sa Renó de Valencia. Nasasabik akong makita muli ang 'yong mapupungay na mata at maamong mukha. Hindi na 'ko makapag-antay na mahawakan muli ang 'yong mga kamay, habang nakaupo at nagmamasid sa bituin kasabay ng pagdama sa simoy ng hangin. Lubos na nagmamahal, Prinsipe Narciso Habang binabasa 'yon ni Alford ay parang may kung anong turnilyo ang bumabaon sa 'king dibdib. "Ibig po bang sabihin ay nagpapadala lagi ng letter si Prinsipe Narciso kay Prinsesa Zerina?" curious na tanong ni Alford. "Oo hijo, sa kasamaang palad ay 'yan na lang ang natitirang liham," sagot ni Mama Carmen. "Pwede po ba malaman kung saan ang Renó de Valencia?" tanong ko. "Hindi niyo alam ang Renó de Valencia?" pagtataka ni Mama Carmen habang nakatitig siya sa 'ming dalawa ni Alford. Napailing naman kami ng sabay. "Ang Renó de Valencia ay ang kilala ngayon bilang Valencia de Estrito." halos malaglag ang panga ko nang banggitin niya 'yon jusmiyo! Seryoso ba 'yon? Bakas din sa itsura ni Alford na nagulat siya. "Matapos ang isyung naganap sa pamilya ni Prinsesa Zerina ay napakaraming masasalimuot na nangyari. Una ay ay digmaan sa pagitam ng Spain at England na natapos lamang noong taong 1545. Taong 1612 naman ay nagkaroon ng malakas na bagyo at tsunami sa Valencia. Ang Renó de Valencia ay umangat ng napakataas at nagbigay pinsala sa mga kabahayan at ari-arian ng mga taong naninirahan doon. Muling nabuksan ang Renó de Valencia ngunit pinalitan ang pangalan nito sa katawagang Valencia de Estrito, ito ay nangyari sa tulong ng reyna na si Guadalupe Miran at ang hari na si Julio Felipe. Sila ang namuno noong ika-labing limang henerasyong pamamalakad sa Valencia Palacio," mahabang paliwanag ni Mama Carmen. Bigla tuloy akong napaisip. Kaya ba kumirot ang dibdib ko noong unang punta ko sa Valencia de Estrito, dahil may masalimuot na karanasan ang lugar na 'yon? Pero bakit sa dinami-dami ay ako pa ang nagkakaganito? Ako nga lang ba ang nakararanas ng kakaibang sitwasyon na 'to? Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa may isang bagay ang nakapukaw ng aking atensyon. "Mama Carmen, ano po ang bagay na 'to?" tanong ko kaya naman lumapit siya habang si Alford ay nasa kabila at nagmamasid din. "Iyan ang tinatawag na Diyamanté Sipít na pag-aari ni Prinsesa Zerina. Ibinigay sa kanya 'yan ni Prinsipe Narciso, nakakatuwa dahil hanggang ngayon ay naririto pa ang gamit na 'yan," sambit ni Mama Carmen. Ang bagay na 'yon ay 'di nabanggit sa kwentong nabasa ko. Siguro nga ay marami pa 'kong hindi nalalaman. "Saan niyo po nabili ang lahat ng nandito, Mama Carmen?" biglang tanong ni Alford. "Dalawang lugar ang pinagbibilhan at pinagkukuhaan ko ng mga 'yan. Ang Antic Madrigal, pero kadalasan at halos lahat ng naririto ay nanggaling sa Mercadó el Antiguo." Hala! 'Yon ang nakasulat sa Van na dumaan sa tapat ng palasyo noong unang punta ko rito. Nandoon ako sa terrace that time tapos biglang dumaan 'yong Van at ang nakasulat ay Mercadó el Antiguo. Andami ko pang gustong itanong pero nanatili na lang akong kalmado at nag-iisip. Nagpatuloy kami sa paglalakad, ilang oras din ang ginugol namin sa loob ng Museum kaya naman naisip na naming umuwi ni Alford. Pero bago 'yan ay may isang bagay na ipinahabol si Mama Carmen. "Hija, hijo kung sakaling may tanong ka o may gusto ka pa na malaman ay 'wag kang magdalawang isip na bumalik dito. Darating ang Mama ko sa susunod na linggo, sigurado akong masasagot niya ang mga katanungan mo," sambit niya na siyang nagpangiti sa 'kin, at siya ring nagpakaba. "Maraming salamat po Mama Carmen," tugon ko. Ganoon din si Alford. Hapon na kaya napagdesisyunan namin ni Alford na umuwi na muna. Nandito na kami sa kotse at kasalukuyang nagbibiyahe. Hanggang ngayon ay palaisipan sa 'kin ang mga nalaman ko kay Mama Carmen. Totoo nga ang kwentong nabasa ko tungkol kay Prinsesa Zerina. Kaya pala ang bigat sa pakiramdam. Unang tungtong ko pa lang sa palasyo at Valencia de Istrito ay mabigat na ang dibdib ko, 'yon pala ay may nangyaring masalimuot sa nakaraan. Patuloy lang sa pagmamaneho si Alford, hindi ko alam ang nasa isip niya habang nasa loob ng museum kanina, isa lang ang napansin ko at 'yon ay parang ang lalim ng iniisip niya mula pa kanina, pagkatapos ay biglang natutulala sa mga gamit na naka-display sa museum. Sa kalagitnaan ng aming biyahe, finally kinausap niya na 'ko. Inabutan ako ng isang paper bag ni Alford, pagtingin ko ay may laman na mcdo. "Matagal ka na ring 'di nakakakain niyan, kaya nagpabili ako kanina kaya Lenard, pero nasa museum tayo kanina kaya pinadiretso ko na sa loob ng kotse," sambit niya. "Thank you," nakangiti kong sinabi. Ang sweet naman. "Sino pala si Lenard?" curious kong tanong. "Iyong body guard ko mul-" "May body guard ka? Ikaw ah 'di ka nagsasabi sa 'kin ang sosyal mo pala," natatawa kong sinabi. "Hindi, uhmm… what I mean is kakilala ko mula bata," sambit niya. Bakit bigla niyang binawi? "Akala ko talaga body guard mo," tugon ko. Nabalot ng katahimikan ang ilang minuto at maya-maya lang ay… "Naalala mo ba 'yong araw na binigyan mo 'ko ng Mcdo sa Hospital?" tanong ni Alford. "Oo naman, 'di ko makakalimutan 'yon. Kung alam mo lang, hinabol pa kita para lang itanong ang pangalan mo pero ang bilis mong nawala sa paningin ko." hala nadulas ako jusmiyo! "So hinabol mo pala 'ko?" aba nang-aasar pa siya. 'Yong mga ngiti niya, bakit gano'n, ang sarap pa rin pagmasdan. "So hinabol mo nga 'ko?" taong niya na may halong pang-aasar at ngiting may ibang ibig sabihin. "OO KASI GUSTO KITANG MAKILALA," mariin kong sinabi habang nakatitig sa mga mata niya. Sh*t! Namumula ang pisngi niya. Feel ko tuloy pati ako ay namumula na rin. Hindi ko alam bakit direkta kong sinabi 'yon, basta ang alam ko lang ay totoo ang sinabi ko at ayokong itanggi. Lumipas ang ilan pang minuto, sa wakas ay nandito na kami sa gilid ng Valencia Palace. Nagpaalam na 'ko kay Alford at ganoon din siya. Pagkababa ng kotse ay agad akong naglakad papunta at papasok sa palasyo. Pagkarating sa loob ay dahan-dahan akong naglakad, aktong aakyat na 'ko pero… "Ferreira." paglingon ko ay si Señora pala. "Good evening, Señora," bati ko sabay yuko ng kaunti. "How's your day?" tanong niya. Bakit gan'on? Sa pananalita niya ay para siyang nang-iinsulto dahil umalis ako kanina. "By the way, I just want to remind you na sa mga susunod na araw ay mas magiging busy ka na sa company natin. Aside from that, may isang model agency na gusto kang ku-" "Mama!" Pagtingin ko ay si Nazario. Nagmamadali itong lumapit sa 'min at saka niya hinila ang braso ko. Pero bakit? "Esa no es la solución Mamá, tienes que ser paciente," sambit ni Nazario. Pero teka, anong ibig sabihin no'n? Bakit parang may ayaw ipaalam sa 'kin si Nazario kaya pinigilan niya si Señora? Biglang nag-walked out si Señora. Hinila naman ako ni Nazario at nagtungo kami sa second floor. "Nazario, ano 'yong sinabi mo kanina? 'Di ko kasi naintindihan," tugon ko aabay bitaw sa kanya. "Ahhh… nothing." "Pero bakit mo pinigilan si Señora? May gusto kasi siyang sabihin sa 'kin about sa model agency pero 'di niya naituloy." pagtataka ko. "Uhmm… gusto kasi niya na isabak ka agad sa model agency so ang sabi ko, 'wag muna… Yes 'wag muna kasi…" "Kasi?" "I know you're tired. Medyo nagmamadali kasi si Mamá kaya ang sabi ko sa ibang araw na lang," sambit niya. Napatango na lang ako at ngiti kay Nazario. Parang hindi naman 'yon ang dahilan, ano nga ba? "Mukhang kumain kayo ng kaibigan mo sa mcdo ah. Well, I hope you had fun today… with him." nakangiti sinabi ni Nazario habang nakatitig sa 'kin. "By the way… for you." sabay abot sa 'kin ng isang paper bag na may lamang pagkain. "Ay, nag-abala ka pa. Thank you!" nakangiti kong sinabi. "I'll just go back to my room. Have a lovely evening. Pero kung gusto mo nang kausap, I'm available. Always." sambit niya kasabay ng isang malawak ma ngiti. "Sure." nginitian ko ito. Tumalikod na si Nazario at nagsimulang maglakad pero maya-maya lang ay huminto siya. "About pala sa kaibigan mo, hindi niya kailangan mahiya sa 'kin. He can trust me, I can be his friend," sambit niya bago tuluyang naglakad palayo. Jusmiyo! Hindi naman gay si Alford, aba mema lang 'yong sinabi ko kanina, ayoko ring ipaalam sa kanila ang tungkol kay Alford. Papasok na 'ko sa kwarto pero natigilan ako dahil nakita ko na naman si Laura na nakamasid sa 'kin habang nakatayo siya sa malapit sa hagdan pababa. Hindi ko talaga siya maintindihan, bakit gano'n siya kung makatitig ay parang may malalim na kahulugan. Aktong lalapitan ko siya pero mabilis siyang tumalikod pababa sa first floor. So weird. Alford Point of View Kalahating minuto pa ang lumipas bago ako nakarating sa aming palasyo. Saktong papasok na 'ko nang bumungad bigla sa harap ko si Mama. Lumapit ito sa 'kin at masama ang tingin. "Alford, ¿Dónde has estado?" (Alford, where have you been?) "Te hemos estado llamando." (We've been calling you.) "Así que, ¿adónde fuiste? (So, where did you go?) sunod-sunod niyang tanong. "Somewhere," I replied. "Con quién?" (With whom?) tanong niya. Dire-diretso lang ako sa paglalakad at 'di ko na lang sinagot ang tanong niya. 'Pag nandito talaga ko sa bahay, walang kabuhay-buhay ang itsura ko dahil 'di ko magawang ngumiti. "Alford, !te lo estoy pidiendo!" (Alford, I'm asking you!) mariin niyang sinabi, 'di ko namalayan sinundan niya pala 'ko "Mamá, I just went out with my friend." tugon ko. "You sure? Don't ever lie to me again, Alford. I know you." "Do you think I haven't noticed? You'd been busy since you came back here. So what's keeping you busy these days?" Tumigil ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya, "Mamá, I just went out with my friend? What's wrong with that?" "Is that true?" panghihinala niya. "Ofcourse, are you doubting me?" "I just want to make sure. Wala naman masama ro'n." titig na titig siya sa 'kin na halatang naghihinala. "You don't have to Mamá. I'm doing my job the best I can do. And I have a lot of stuff to do, kaya abala ako sa labas. Hindi naman sa negosyo lang iikot ang buhay ko. So please, stop doubting me na para bang wala akong nagawang tama," I said. Bigla niya 'kong nilapitan at naka-crossed arms pa, "What do you mean?" "Alford, I'm not doubting you or what. I just want to make sure that yo-" "I know," matipid kong sinabi at saka na dumiretso sa itaas. Alam kong bwisit na naman siya sa 'kin, iniwan ko ba namang gano'n ang usapan. Alam ko ang tinutukoy niya. Ayaw niyang maulit ang nangyari noon, pilit akong nakipagkita sa babaeng hindi ko dapat lapitan. Pero ngayon, ayokong maulit 'yon, ayoko muna. Sa totoo lang ay parang 'di ko kaya na malayo kay Ferreira. Hangga't may panahon para makasama ko siya, handa akong maglaan ng oras sa kabila ng sitwasyon. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at nagpapahinga. Sumagi sa isip ko ang mga nalaman namin ni Ferreira sa Museum, parang may kakaiba. Kinda weird. Seriously. Bakit halos lahat ng nalaman ko ay maihalilintulad sa kwento no'ng Prinsesa Zerina. Hahanapin ko ang librong tinutukoy ni Mama Carmen o kaya ay ipakukwento ko na lang kay Ferreira, tutal nabasa niya na pala 'yon. Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto, iyon pala ay si Mishka. "Que necesito verlo…" (I need to see him…) bungad niya sa 'kin. Halata sa itsura niya kung gaano siya ka interesado sa Carlito na 'yon. Napabangon ako sa kama at saka umupo. "Lo siento, no puedo convencerlo. Pero no te preocupes, No les diré nada sobre ti y Carlito." (I'm sorry, I can't convince him. But don't worry, I won't tell them anything about you and Carlito.) Ngiting tagumpay at kagalakan ang bumalot sa itsura ni Mishka nang sabihin ko 'yon. Bigla naman niya 'kong niyakap. "Gracias hermano! Te lo agradezco mucho. He estado luchando con esta." (Thank you brother! I really appreciate it. I have been struggling with this.) Hindi ko alam, bigla na lamang nagbago ang pananaw ko. Kahit kailan ay hindi ko mapipigilan ang kaligayahan ng sarili kong kapatid, kung ako nga ay sumasaya sa taong alam kong hindi maaari, siya pa kaya? Hindi ko na lang muna ipaaalam lahat kina Papa at Mama. Alam kong kahit si Mishka ay nahihirapan, dahil pati sariling kaligayahan niya ay 'di niya kayang abutin dahil sariling magulang namin ang humahadlang at ang mga taong walang kaalam-alam. Maya-maya lang lumabas na si Mishka at ako ay muling nagpatuloy sa pagpapahinga. Ferreira Point of View Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at nagpapahinga. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Napapaisip tuloy ko, kumusta kaya si Mama? Sana ayos lang siya at walang sakit. Agad kong kinuha ang diary o ang notebook na bigay ni Mama at saka isinulat ang mga nangyari sa buong araw. Halo-halong emosyon pero saya ang nangingibabaw. Lalo na kanina sa Quierra Jardin at Museum, paulit-ulit tuloy nag-flash back ang lahat sa utak ko. Naisipan kong tumayo at lumabas sandali, gusto kong makausap si Mama Carol. Paglabas ko ng kwarto ay dumiretso agad ako sa baba. Napahinto ako dahil sa ingay na nagmumula sa sigaw ng isang babae, hinanap ko kung saan ito nanggaling at sa aking paglalakad ay nakita ko si… Señora. Patuloy niyang sinisigawan at pinagagalitan si Laura, pero sa anong dahilan? Akala ko ay 'di gano'n si Señora. Habang nakatingin ako sa kanya, kitang-kita ang tunay niyang pagkatao ay lumabas din. Mas lalo akong nagulat nang sampalin niya ng malakas si Laura. Sh*t! Napahawak tuloy ako sa bibig ko. Hindi ko alam kung lalapit ba 'ko o ano. Baka kasi sabihan ako ng bida-bida at pakialamera. Patuloy pa rin sa pagsigaw si Señora, spanish ang lenggwahe kaya hindi ko maintindihan. Muli niyang sinampal si Laura na siyang ikinagulat ko at mas lalo kong nakita ang tunay na kulay ni Señora. Sa likod ng mga ngiti at mahinahong pananalita, ang tulad niya pala ay masyadong mapanakit. Mas pinili ko na lang na umiwas at 'wag na lumapit doon. Bumalik agad ako sa kwarto ko at nahiga. Hindi ako makapaniwala sa inasal ni Señora dahil hindi tama ang ginawa niya. Kahit pa nagkamali ang isang tao ay hindi dapat gano'n ang parusa. Bukas na bukas ay kakausapin ko si Mama Carol, at pati si Laura ay susubukan kong lapitan na hindi pinaaalam kina Señora at Señor. Lalong sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari ngayon. Napakaraming bumabagabag sa isip ko, pagkatapos ay napakahirap pang sagutin ng mga tanong sa isip ko. Pinikit ko na ang mga mata ko at piniling matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD