Alas siyete pa lang ng umaga nang magising ako.
Bumungad sa 'kin si Mama Carol.
"Magandang umaga sa 'yo, Anak, ito ang pagkain mo," sambit niya.
"Magandang umaga rin po," tugon ko at saka umupo sa kama
"Hinintay ko lang na magising ka, kumain ka na ah. Ipinagbilin ka sa 'kin nina Seńor at Señora dahil pumunta sila ngayon sa Royal Residencia de Madrid at hapon pa ang uwi nila," sambit niya.
"Gano'n po ba. Si Nazario po na saan?" pagtatanong ko.
"Kasama rin siya. Hays, naaawa nga 'ko roon sa binatang iyon dahil lagi na lang siyang dinidiktahan."
"Lahat ng ginagawa niya ay kontrolado at ang bawat pasya ay nakadepende sa kanyang mga magulang," sunod-sunod na sinabi ni Mama Carol. Mas lalo tuloy nagising ang diwa ko sa mga sinabi niya.
"Napansin ko nga rin po. At masasabi ko po na maswerte ang mamahalin ni Nazario," tugon ko.
"Pero alam mo ba simula noong dumating ka rito ay mas naging palangiti na si Nazario," napatingin tuloy ako kay Mama Carol at ngumiti na lang dahil 'di ko alam ang dapat pang sabihin.
"Osya kumain ka na riyan. Muntik ko na malimutan, ipinabibigay sa 'yo 'to ni Nazario." inabot sa 'kin ni Mama Carol ang isang maliit na kahon.
Pagbukas ko ay tumambad sa 'kin ang isang gold necklace with letter F pendant.
"Woah ang ganda!" pamamangha ko.
Jusmiyo, ngayon ko na lang ulit naalala na ang necklace ni Alford ay na sa 'kin pa rin pala. Mamaya ay isasauli ko na talaga sa kanya.
"Kapag dumating na po si Nazario mamayang hapon, pakisabi po salamat," tugon ko kasabay ng isang ngiti.
Nakangiti ring umoo si Mama Carol.
"Osya mauna na 'ko, kumain kana riyan." aktong aalis na siya pero…
"Pwede po bang dito muna kayo? Gusto ko po sana kayo makausap." pakiusap ko.
"Oo naman, sige na mag-cr ka muna at hihintayin kita rito." Nakangiti niyang sinabi.
Agad akong dumiretso sa cr para maghilamos at maglinis ng katawan.
Few minutes have passed by
Finally, I'm done.
Dali-dali akong nagpalit ng damit at saka lumabas ng cr.
"May mga itatanong po ako sa inyo at gusto ko rin po sana magpatulong," tugon ko.
"Sige ba, ano iyon? Kumain ka habang sinasabi mo sa 'kin, nang sa ganoon ay magkalaman amg sikmura mo," paalala niya.
Nagsimula na 'kong kumain at saka nagtanong. "Gaano na po kayo katagal dito sa palasyo? Pwede niyo pa bang ilahad sa 'kin ang paraan ng pamamalakad dito nina Señor at Señora? At ang mga karanasan niyo po rito?" tanong ko.
"Mahigit limang taon na rin akong naninilbihan dito Ferreira. Hindi naman sa tinatakot kita pero siguro kailangan mo rin malaman 'to," seryosong sinabi ni Mama Carol.
Nakatitig ako at taimtim lang na nakikinig kay Mama Carol.
"Mahigpit ang mga batas at patakaran dito sa palasyo. Ang mga kasambahay ay 'di maaaring mag-usap lalo 'pag nariyan sina Señora at Señor, kailangan tutok sa trabaho. Sa oras na magkamali ang sinoman sa amin ay pinapatawan ng mahigpit na parusa. Ang lahat ng kasambahay na naririto ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral at nagmula sa pamilyang 'di kayang magbayad ng buwis," malungkot na sinabi ni Mama Carol.
"Bakit sila po ang kinukuha bilang kasambahay dito?" tanong ko.
"Dahil hindi sila marunong magsalita at makaintindi ng salitang Ingles," sambit ni Mama Carol.
"Kagaya po ba ni Laura?" pagtataka ko.
Umoo naman si Mama Carol.
"A-ang totoo po niyan, nakita ko po si Señora kagabi na sinampal si Laura at sinisigawan pero wala po akong nagawa dahil baka mas lalo siyang magalit," patuloy pa rin ako sa pagkain kahit sa totoo lang ay nakakawalang gana ang mga nalaman ko.
"Mas mabuti na ang ginawa mo. Masyadong mahigpit si Señora kaya't mas mabuting makisama ka na lang nang sa gano'n ay hindi ka niya pag-initan," sambit ni Mama Carol.
Bigla siyang napahawak sa dibdib niya dahilan para mapatigil ako sa pagkain.
"Mama Carol, ayos ka lang po ba? Ano pong nangyari sa inyo?" agad akong tumayo at inabot sa kanya ang tubig ko pagkatapos ay hinimas ang kanyang likuran.
"Salamat anak, mayroon lang akong naalalang hindi maganda," sambit niya at bakas sa itsura niya ang panghihina at lungkot.
"Huwag niyo na pong alalahanin, hindi muna po ako magpapakwento sa inyo," tugon ko at saka siya nginitian.
Lalo akong napaisip, ano kaya ang naalala niyang hindi maganda?
"Kung gusto mo naman ay maaari kong ikwento ang mga pangyayari sa likod ng nakaraan. Ang mga namuno sa bawat henerasyon at kung paano sila namalakad dito sa palasyo," sambit niya.
Bigla naman akong napangiti, saktong-sakto dahil gusto kong makilala ang mga namuno sa palasyo na 'to.
"Sige po Mama Carol, gusto ko pong malaman," tugon ko.
"Kumain ka na muna at pagkatapos mo riyan ay dumiretso ka sa terrace. Hihintayin kita roon at may ipakikita ako sa 'yo. Huwag ka masyadong magpahahalata sa kahit na sinong naririto sa palasyo," sambit niya
"Sige po.".
Tuluyan na ngang tumayo si Mama Carol at lumabas ng kwarto.
Nagpatuloy na 'ko sa pagkain.
Palaisipan sa 'kin ang sinabi niya. Kaya pala ganoon ang asal ni Señora kagabi, hindi ako nagkamali dahil isa nga siyang mahigpit na amo pero hindi naman tama ang gano'n.
Minadali ko na ang pagkain ko at saka nag-ayos sandali bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Pagkarating sa hagdan ay agad akong nagmasid kung may ibang tao ba, buti na lang ay wala.
Mabilis akong nakarating sa terrace at inabutan ko roon si Mama Carol.
Sa wakas! Dumaan kami sa right corner ng terrace hanggang sa nakarating kami sa likod ng palasyo. 'Di ko akalain na may hagdan pa pala sa likod ng palasyo papunta sa isang silid.
Hanggang sa makarating kami sa second floor, sa tapat ng isang kwarto na parang hindi na gaano nagagamit.
Pagpasok rito ay agad bumungad sa 'kin ang iba't ibang frame na nakadisplay sa mahabang mesa, halatang luma na ang mga ito. Isang mahaba't lumang papel naman ang nakapaskil sa may dingding at may mga nakasulat.
"Makinig ka sa ikukwento ko sa 'yo, para naman magkaroon ka rin ng ideya kung paano nagpasalin-salin ang mga ari-arian at posisyon sa kamay ng mga taong namuno rito sa Residencia Palacio de Valencia Spain at kung ano ang daloy ng kanilang pamamalakad," seryosong sambit ni Mama Carol.
"Sisimulan ko sa ika-labing limang henerasyon na namuno dito sa Residencia Palacio de Valencia Spain," dagdag pa niya. Una niyang itinuro sa 'kin ang na sa pinaka-unang part ng dingding kung saan naroon nakadikit ang isang lumang papel at katapat nito ang isang frame kung san naka-display ang dalawang taong namuno sa panahong iyon.
Pero nagtataka ako kung na saan ang iba?
"Bakit hindi niyo po sisimulan sa pinaka-unang henerasyon?"
"Dahil wala ang mga 'yon dito. Ang unang henerasyon hanggang sa labing apat na henerasyon ay hindi napabilang sa mga collections dito sa palasyo," sagot ni Mama Carol.
"Pati po ang pang-labing apat na henerasyon ay hindi naisama?" pagtataka ko. Nagbabakasakaking makarinig ako ng kaunting ideya tungkol sa pamilyang iyon.
"Ang totoo niyan ay pinaniniwalaan na sumpa ang pamilyang namuno noong ika-labing apat na henerasyon, kaya't hindi na isinama ang unang henerasyon hanggang sa ika-labing apat.
Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko Ferreira?
"Masyadong magulo pero gusto kong malaman mo 'yon." nagulantang ako sa mga sinabi niya lalo na sa sumpa, konektado sa librong nabasa ko.
"Naiintindihan ko po," sagot ko.
"Osya. uumpisahan ko na sa ika-labing limang henerasyon." sa wakas ay magsisimula nang magkwento si Mama Carol.
-15th Generation
Guadalupé Miran Domingó Mádrigal
Born: 1597, January 26
Died: 1642, December 23
Julió Felipé Gazanó Mádrigal
Born: 1596, July 7
Died: 1642, December 23
"Ipinanganak si Guadalupé taong 1597, kasalukuyang nagpapahinga ang karatig bansa ng buong Spain at England mula sa digmaang naganap noong taong 1545. Si Guadalupé ay dalawampu't apat noong siya ay napili N maging reyna ng Residencia Palacio de Valencia Espanya dahil ang pamilya niya noong panahong iyon ay kilalang pinakamayaman at tanyag sa buong Spain. Ang sinoman na mapapangasawa niya ang siyang magiging hari, dumating rin ang araw na 'yon at siya nga ay naikasal rito at isinilang ang isang supling na nagngangalang Cristobal Paulito Domingó Mádrigal. Nang magsimula ang taon na panunungkulan ni Guadalupé at Julió ay nagkaroon din sagupaan ang Spain at England kung kaya't naapektuhan sila at maagang namatay. Gayunpaman ay naalagaan ng mga kaanak nila si Cristobal hanggang sa siya ay lumaki at sumunod na naghari sa palasyong ito," malungkot na kwento ni Mama Carol.
Pinakamasaklap talaga sa lahat 'yong kwentong pag-ibig ng mga sinauna. Totoong pag-ibig ang mayroon sila pero dahil na sa panahon sila na puno ng digmaan, pati buhay nadadamay.
-16th Generation
Cristobal Paulito Domingó Mádrigal
Born: 1652, February 12
Died: 1725, October 3
Florenciana Ishi Chavéz Mádrigal
Born: 1654, May 7
Died: 1725, October 3
"Nanungkulan si Cristobal noong sumapit ang taong 1680, at ikinasal din sa isang dalaga na si Florenciana Ishi at nabiyayaan ng dalawang supling. Si Cristobal ay kilalang palaaway, makasarili at hindi patas ang trato sa mga tao kung kaya't kinasusuklaman ang pamilya niya hanggang sa 'di naglaon ay may isang taong buong tapang na siya ay binaril kaya ito'y namatay pati ang kanyang asawa. Naiwan ang dalawa nilang anak sa kaisa-isang kapatid ni Florenciana." bakas sa mukha niya ang lungkot habang nagkukwento.
Kahit kailan talaga hindi mananaig ang kasamaan. Kung ang isang tao'y ubod ng sama ang ugali, marami talagang magnanais na saktan siya dahil sa ugali niyang gano'n.
Muling nagpatuloy sa pagkukwento si Mama Carol.
-17th Generation
Lorriezá Yenelyn Mádrigal Monleón
Born: 1688, December 1
Died: 1765, September 3
Flores Esneider Asuzena Monleón
Born: 1685, March 7
Died: 1765, September 3
"Si Lorriezá ay anak ni Cristobal at Florenciana, mayroon siyang isang lalaking kapatid na maagang namatay sa kadahilanang ito ay may kanser sa bato. Siya na ang nagsilbing reyna, napangasawa niya si Flores na isa sa mga gwardiya sibil, marami ang tutol kung kaya't marami rin ang nagtatangka na pumatay kay Flores. Nagkaroon sila ng dalawang anak na si Don Leonardo at Josephina. Dumating ang araw na parehong namatay si Lorrieza at Flores dahil sa paglason ng isang binatilyong lihim na umiibig kay Lorriezá ngunit hindi siya gusto."
Pinaka-nakaiimbyerna talaga sa lahat 'yong tipong binibigyan ng basehan ang salitang "pag-ibig". Wala dapat pinagbabasehan pag nagmahal automatic puso ang pinaiiral hindi ang pinagmulan o estado ng buhay. Porket ba guardiya sibil 'yong asawa ng reyna ay dapat maging tutol sila? Jusmiyo!
Muling nagpatuloy si Mama Carol sa pagkukwento.
-18th Generation
Don Leonardo Mádrigal Monleón
Born: 1725, June 18
Died: 1791, May 30
Clara Maurine Alfonso Monleón
Born: 1727, February 18
Died: 1729, August 22
"Nanungkulan bilang hari si Don Leonardo taong 1754, ang kapatid niyang si Josephina ay hindi naitakdang maghari sa palasyo dahil mas pinili nito ang kaligayahan kaysa kapangyarihan. Sumama ito sa isang binata na nakilala lamang sa isang pamilihan. Tutol ang kapatid niyang si Don Leonardo dahil mahirap lamang ang binatilyo. Dumating ang araw na nakapangasawa si Don Leonardo at ang ngalan ay Clara Maurine, nagkaroon sila ng isang anak na si Angelo Joáquin Alfonso Monleón. Pinalaki nila itong mabuti, maginoo at maalam sa mga bagay-bagay. Hanggang sa pumanaw ang hari at reyna at si Angelo na ang sumunod na namuno sa palasyo."
Ayan na naman, dahil sa pag-ibig nasisira lahat pati ang sariling pamilya ay nagkakaroon ng alitan. Bakit ba kasi kailangan diktahan kung sinong dapat mahalin? In the first place hindi naman natuturuan ang puso na umibig.
-19th Generation
Angelo Joáquin Alfonso Monleón
Born: 1752, March 25
Died: 1830, November 8
Cecilia Irish Gullez Monleón
Born: 1754, April 6
Died: 1828, July 8
"Si Angelo ay isang binatilyo na ubod ng talino. Siya ay nagsimulang manungkukang bilang hari taong 1865, napangasawa niya si Cecilia Irish, nagkaroon sila ng tatlong anak. Itinuturing na mula ika-labing apat na siglo hanggang sa labing siyam, ang pamilya nila ang may pinakamaayos na pamamalakad sa Residencia Palace de Valencia, Spain. Sa kasamaang palad ay walang perpektong tao, dumating ang araw na nagkaroon ng sakit sa utak itong si Angelo dahil sa labis na katalinuhan ay nawala siya sa tamang pag-iisip. Kahit hindi na dapat aralin ay pilit niyang inaalam. Lumipas ang panahon ay pumanaw na si Cecilia dahil sa isang malubhang sakit." Malungkot na kwento ni Mama Carol.
Wala talagang perpekto sa kahit anong aspeto. Akalain mo nga naman, minsan na nga lang magkaroon ng maayos at mabuting pamamalakad sa palasyo, mayroon namang kapalit.
-20th Generation
Sonia Claribell Monleón Alonzó
Born: 1789, September 5
Died: 1861, April 29
Dionisio Andres Gullez Alonzô
Born: 1778, October 19
Died: 1861, April 28
"Dalawamput apat si Sonia noong siya ay manungkulan bilang reyna ng Residencia Palacio de Valencia, Spain. Ang mga magulang niya ay sina Angelo at Cecilia. Ang dalawang niyang kapatid ay piniling manirahan sa Italy kasama ang sari-sariling pamilya kung kaya't siya na ang namuno sa palasyo. Nakilala niya si Dionisio at kalauna'y ikinasal at nabiyayaan ng supling na si Marceliná. Hindi rin nagtagal ang pamumuno nilang mag-asawa sa palasyo dahil sa mga pangungutya ng mga tao, si Dionisio ay isang trabahador lamang sa isang pamilihan. Nagpakamatay ang haring si Dionisio dahil labis siyang naapektuhan sa mga sinasabi ng iba, hanggang sa sumunod din sa kanya ang asawa na si Sonia. Iniwan ni Sonia ang anak niyang si Marcelina sa isang kaanak at sinabi rito na ang anak niya ang susunod na magiging pinuno sa palasyo." Sambit ni Mama Carol, baka ang lungkot sa itsura niya.
So, noon pa lang talaga ay uso na ang depression. Napaka-judgemental kasi ng society, sariling kababayan nila ang mismong ibinababa imbis na suportahan, inggit at pangungutya ang pinaiiral. Bandang huli, buhay ng tao ang mawawala dahil sa suicide. Kahit kailan talaga, ang salita ang makasisira sa pagkatao ng isang nilalang at papatay sa buhay niya.
Muling nagpatuloy si Mama Carol sa pagkukwento.
-21th Generation
Marceliná Yuniz Alonzo Ródovan
Born: 1824, December 9
Died: 1894, July 26
Lorenzó Rodando Santos Ródovan
Born: 1823, April 19
Died: 1894, July 26
"Taong 1844 nang magsimulang manungkulan si Marceliná biglang isang reyna ng palasyo, sa taong din na iyon ay nabuksan ang panibagong digmaan ng bansang Spain at England. Sa kalagitnaan ng sagupaan sa pagitan ng dalawang bansa ay nakapangasawa ng isang espanyol si Marceliná na si Lorenzó ngunit ito ay taga England at may mabigat na posisyon sa bansang iyon kung kaya't naging sagabal ito sa kanilang dalawa. Nagkaroon sila ng dalawang anak na babae, ngunit para maprotektahan ang mga anak ay ipinagbilin ito sa kaanak at ipinagbilin na ibalik na lamang sa palasyo sa nakatakdang oras ng pamumuno kung sino man sa dalawa ang takdang maging reyna ngunit dahil dito ay pinatay sila ng mga kasapi ng digmaan, isang matapang na mandirigma na taga-England ang pumaslang sa mag-asawa."
Again and again! Dahil na naman sa posisyon kaya nauuwi sa p*****n. Grabe, gano'n talaga kahalaga sa kanila ang posisyon ng isang tao, pati kaligayahan ng ibang tao magagawang sirain.
-22th Generation
Natalia Yunis Ródovan Martinéz
Born: 1855, December 22
Died: 1930, November 7
John Ezequiel Alejo Martinéz
Born: 1853, June 5
Died: 1930, November 9
"Nanungkulan bilang reyna si Natalia taong 1874. Ang kapatid niya ay si Lucita ngunit 'di naitakdang maging reyna ng palasyo dahil na rin sa kakulangan ng kaalaman sa tamang pamamalakad rito. Dahil dito ay naging matalik na magkaaway ang dalawang magkapatid at kailanma'y 'di na tumira sa palasyo si Lucita at piniling magpakalayo kasama ang kasintahan ngunit kalaunan ay iniwan siya nito. Si Natalia naman ay nakapag-asawa at ito ay si John Ezequiel, nagkaroon sila ng isang anak na si Felipé Maurino. Lingid sa kaalaman ni Natalia na si John Ezequiel ay ang dating kasintahan ng kanyang kapatid na si Lucita. 'Di naglaon ay nag-away ang magkapatid hanggang sa umabot ng pisikal na sakitan at mauwi sa p*****n. Maituturing na ang pamilya nila ay lubhang masalimuot ang pinagdaanan dahil sariling kadugo ang mismong kalaban," malungkot na kwento ni Mama Carol.
Sakit naman nito, sariling kapatid ang mismong kaagaw mo imbis na karamay. Sariling kadugo ang mismong kinamumuhian imbis na kakampi.
-23th Generation
Felipé Maurino Ródovan Martinéz
Born: 1881, December 9
Died: 1946, October 11
Olivia Gretha Sandoval Martinéz
Born: 1883, September 22
Died: 1944, January 28
"Si Felipé Maurino ay nagsimulang manungkulan bilang hari noong taong 1962, nakapangasawa siya at ito ay si Olivia Gretha. Nagkaroon sila ng tatlong anak, dalawang babae at isang lalaki. Ang pamilya nila ay maituturing na may pinakamabuting pamamalakad sa palasyo mula ika-labing lima hanggang sa dalawapampu't tatlong henerasyong pamumuno, sila ang pinakamahusay sa pamamalakad, ngunit ang pamilya nila ay 'di perpekto. Ang tatlong anak nila na sina Camila, Clara at Roberto ay lumaki na hindi magkakasundo. Palaging nabibigyan ng atensyon si Roberto dahil mas maalam ito at may bukal na kalooban kumpara sa kanyang dalawang kapatid na babae. Si Camila ay lubhang makasarili at biyolente at si Clara naman ay sakiting anak."
"Taong 1997 ay maging magulo ang lahat patungkol sa kanila. Si Felipe ay namatay gano'n din ang asawa niya sa parehong malubhang sakit. Ang nakatakda sanang mamuno sa palasyo ay si Roberto pero simula noong sumapit ang taong 1997 ay nakapag-asawa si Roberto ng isang pinay at sa taon ding iyon ay nawalan ng balita sa kanya ang lahat maging sa kanyang kapatid. Si Roberto ang itinuruting pa rin na hari sa ika-dalawampu't apat na henerasyon habang ang asawa niya ay ituturing sana bilang reyna, sa kasamaang palad ay naudlot ito." parang may kung anong kirot sa 'king dibdib sa mga sinabi niyang iyon.
So, uso na pala favorotisim noon pa man. Pero may point naman, hindi pwede maging reyna ang taong mapanakit sa kapwa. Na saan naman kaya 'yong tatlong magkakapatid na 'yon?
"Pero bakit wala po ang mga frame ng namuno sa ika-dalawamput apat na henerasyon? Wala po bang nakakikilala kay Roberto at doon sa asawa niyang pinay?" pagtataka ko dahil ang hari ay si Roberto ngunit sino ang pinay na asawa nito?"
"Iyon ang hindi ko nalaman," sagot niya.
"Saan niyo po nalaman lahat ng sinabi niyo Mama Carol?" tanong ko.
"Isang matanda na may-ari ng Mercadó el Antiguo." Jusmiyo! Iyon ang sinabi kahapon ni Mama Carmen, sila ang nagbebenta ng mga lumang gamit na nanggaling dito sa Palacio.
"Saan ko po ba makikita ang Mercadó el Antiguo? Nakabibilib naman po 'yong may ari no'n, parang alam niya lahat ng pangyayari rito sa palasyo," tugon ko.
"Iyon ang bagay na 'di ko alam. Masyadong misteryoso ang pamilyang ito, hindi ko alam kung paano nabuksan ang palasyo na ito matapos ang insidente noong 1997. Noong sumapit ang taomg 2015, nagulat na lang ang lahat ng tao na mayroon ng bagong namuno rito na sina Señora at Señor, kaya't sinubukan ko rin na mamasukan dito. Wala naman nakapagsabi kung sino kina Señor at Señora ang kamag-anak nina Roberto at Camila," sambit ni Mama Carol.
Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari sa sinabi niya, ang sakit sa utak ah. Pero bakit gano'n? Ang sakit sa dibdib, lalo nang malaman kong wala ng balita kina Roberto at Camila para bang nabalot ng kuryosidad ang pagkatao ko.