TAHIMIK NA kumakain ng hapunan si Anna. Kasama niya sa mesa ng mga sandaling iyon ang mag-inang Saavadra. Kagaya nga ng sabi sa kanya ni Alex ay hindi na ito makakapunta ng mansyon ngayon nakita na siya sa publiko. Mas mabuti na nga daw iyong ma-ingat silang dalawa sa mga galaw nila. "Anna, naka-usap ko kahapon si LJ. He said that you can still work while you are here in my house." Nagtaas ng tingin si Anna at napatingin kay Tita Ivy. Hindi nakatingin sa kanya ang matanda. Nasa pagkain pa rin ang atensyon nito. Tumikhim siya para tanggalin ang bara sa kanyang lalamunan. "Paano po daw?" Naguguluhang tanong niya. "You can review the case you are handling. At kapag may mga hearing na kailangan puntahan ay magpapadala dito ng tao para samahan ka pumunta sa court room." Hindi agad siya nak

