PABABA NG HAGDAN si Anna ng makita ang dalawang lalaki na naka-upo sa mahabang sofa ng sala. Ang sabi sa kanya ni Karen ay nandoon na daw ang lalaking maghahatid sa kanya sa pupuntahan niya. Nagtagpo ang kilay ni Anna ng makita si Attorney Paula Xyler Martin at si King ang nandoon. "Attorney Martin, anong ginagawa niyo dito?" Gulat niyang tanong ng makalapit sa mga ito. "Good morning, Attorney Cordero." Tumayo ang Presidente ng DL Law Firm. "I'm here to accompany you. Ako din ang tatayong abogado mo ngayong araw." Nagtagpo ang kilay niya. Anong sinasabi nito? "Attorney Dela Costa told me about your case with your current boyfriend. Ako ang kasama mong haharap sa kanya." Seryusong sabi nito. "Wait? Ikaw ang sasama sa akin. Bakit?" Hindi siya makapaniwala na ito ang ipapadala ni Lj. "A

