"PAANO MO nalaman na may mga tauhan ni Carl na nakasunod sa amin ni King?" tanong ni Anna kay Alex. Sakay na sila ng kotse nito. Kasama nila si Jacob at nasa likuran ito. Nakasunod sa kanila ang kotse ng lalaki. Nagulat pa siya ng makita ang bagong kotse nito na nakaparada sa harap ng opisina niya. Lamborghini Sesto Elemento. He brings an expensive car in DL Law Firm. Nagpapasalamat siya ng hindi iyon pinagtinginan ng mga tao ng huminto sa harap ng opisina. Nang makilala niya ng boses ni Alex kanina ay talagang nagulat siya. Ito ang huling taong inaasahan niyang pupunta ng DL para sunduin siya. Sinabi nito na may nag-aabang sa kanya sa parking lot at hindi safe na bumalik siya para ihatid ni King. Nakasunod na daw ang kotse ng umalis sila ni King sa opisina ni Carl. Kaya nga mabilis na p

