MTT TWO

3085 Words
"WE MAKE SURE that we will put them in jail and gets those things that they stole from you, Ms. Castillo," aniya sa babaeng kaharap. "Thank you, Attorney." Ngumiti siya at tumayo. Inilahat niya ang kamay sa babae. Tiningnan iyon ni Sapphire bago nakangiting tinanggap. Napangiti na rin siya. Alam niyang kilala siya ng babaeng kaharap. Wala naman kasing nagbago sa kanya mula pa noon. Ganoon pa rin ang ayos at mukha niya. Mabait sa kanya si Sapphire kapag nakikita siya sa tahanan noon ng mga Kim. Binabati siya nito at lahat ng mga katulong sa mansyon. Kaya nga lahat ng mga katulong noon ay gusto si Sapphire para kay Alex. Perfect couple ang tingin ng lahat dito. "You're welcome, Ms. Castillo." "Tawagin mo na lang akong Sapphire, Anna. Magkakilala naman tayo noon." Natigilan siya sa sinabi nito. Napatingin siya kay Alex na nakatayo na sa likuran ni Sapphire. Wala siyang nababasang emosyon sa mga mata at mukha nito. He seems like a cold person. Umiwas siya ng tingin. Ibinalik niya ang mga mata kay Sapphire. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa babae. "Of course, Sapphire." "It's good to see you, Anna." "Fire, let's go. Mahuhuli na tayo sa therapy session mo." Narinig niyang bulong ni Alex dito. Napatingin si Sapphire sa lalaki. "Okay." Muling ibinalik ni Sapphire ang tingin sa kanya. "See you again, Anna. Thank you again." "Okay. My secretary will take you to the elevator. Thank you for trusting me. Mag-ingat kayo. Bye." "Bye, Anna." Tinapik ni Sapphire ang kamay ni Alex. Naging hudyat iyon para itulak ng binata ang wheel chair. Tumingin sa kanya si Alex pero saglit lang iyon. Walang paalam nitong nilisan ang kanyang opisina. Sinundan ni Anna ng tingin ang binata. Alex didn't chance. Ang gwapo pa rin nito. Nagkaroon lang ng pagbabago sa katawan ng binata. Naging mas malapad ang likuran at balikat nito. Nasisigurado niyang alaga ng ehersiyo at gym ang katawan nito. Napansin din niyang tumangkad ang binata. Alex still have those small kinky eyes. Those eyes that got her attention in the first place. Mapula ang labi nito na akala mo ay binahiran ng lip stick. Alex pointed noise that she wanted to touch and his cheek that so soft. Wala talaga siyang masabi sa angking kagwapuhan nito. Ang alam niya ay may lahing koryano ito pero hindi ito kagaya ng ibang koryano na nakikita niya na cute tingnan. Alex is so manly. Napakalakas ng appeal nito lalo na at hindi ito ngumingiti. Nakaka-intimate ang binata. Mas lalo siyang natutuliro dito dahil ng niligtas siya ng binata kay Mr. Andrada ay hindi nakaligtas sa kanya ang pabangong gamit nito. He smells like orange and vanilla. May na-aamoy pa siya ngunit hindi niya iyon masabi at iyon ang tumatak sa isipan niya ngayon. At kahit nga nakalabas na ng kanyang opisina si Alex ay nandoon pa rin ang amoy ng pabango nito. It was addicted. Kung may nagbago man sa ugali ni Alex ay iyong naging seryuso ito. Laging may ngiti sa labi ni Alex noon lalo na kapag ka-usap siya nito kaya nga na-iilang siya kanina dito. Huminga ng malalim si Anna. May alalang dumaloy sa kanyang isipan. Nakaraan na dapat ay kinalimutan niya ngunit ngayon ay bumabalik dahil lang sa pagkikita nilang iyon. SUMILIP SI ANNA sa pinto ng kusina. Wala siyang nakikitang tao doon. Alam niyang maraming katulong ang mansyon ng mga Kim kaya nagtataka siya kung bakit wala kahit isang katulong ang nandoon. Kararating niya lang kanina mula sa probinsya at ang sabi ng ama niya ay mamayang gabi siya kaka-usapin ng mag-asawang Kim para sa magiging set up niya sa bahay ng mga ito. Magkakatulong siya sa bahay ng mga ito habang nag-aaral siya sa unibersidad na di kalayuan sa mansyon. Maswerte siyang nakakuha ng scholarship pero hindi ibig sabihin noon na i-asa niya lahat ng gastusin sa ama. Sinabi niyang gusto niyang tumulong habang nag-aaral. Napalunok si Anna. Pumasok siya ng tuluyan sa kusina. Kanina pa siya na-uuhaw at nakakulong lang sa kwarto na nakalaan sa kanila ng ama. Nahihiyaman ay binuksan niya ang refrigerator. May nakita siyang isang pitcher na tubig. Kinuha niya iyon at naglakad papunta sa lagayan ng baso. Nagsalin siya ng tubig at uminum. Napangiti si Anna dahil sa humagod na ginhawa. Na-uuhaw na talaga kasi siya. Inilagay niya sa lababo ang baso at huhugasan na sana ng may nagsalita sa likuran niya. "Nandito ka pala?" Nanigas sa kinatatayuan nito si Anna. Mabagal siyang humarap sa lalaking nagsalita. Isang malakas na singhap ang ginawa ni Anna ng makita ang lalaking ngayon ay nakahilig sa pinto ng kusina. "S-Sir Alex..." Banggit niya sa pangalan ng bunsong anak ng amo niya. Tumaas ang sulok ng labi nito. "Hi, Anna. Dumating ka na pala galing probinsya." Naglakad palapit sa kanya ang binata. Biglang nataranta ang dalaga. Napahawak siya ng mahigpit sa lababong nasa likuran. Bakit ba kasi ang lakas ng dating ng lalaking ito? Napalunok si Anna ng tuluyang makalapit sa kanya si Alex. His small brown eyes are looking at her eyes. May naglalarong ningning sa mga mata ng binata. Anna who doesn't know what to do just keep her eyes at his eyes. Nakatitig lang siya sa binata. Tumagilid si Alex at kumuha ng baso sa lagayan. Nagsalin ito ng tubig. Sinundan lang niya ang bawat galaw nito. Naamoy niya ang pabango nito na hindi masyadong matapang. He smells like vanilla and it's addicted. Her mind gets blank and her heart beat gets wild. Anna tried to calm herself. Umurong siya ng bahagya para magkalayo sila ng binata. "May kailangan po ba kayo, Sir Alex?" tanong niya. Tumingin sa kanya ang amo. Umiling ito habang may ngiting naglalaro sa labi. "I'm good. Kumuha lang talaga ako tubig." "Okay po." Yumuko siya at hinintay itong matapos sa pag-inum ng tubig. Nang ma-ilapag ni Sir Alex ang baso at umatras ito ay lumapit agad siya sa lababo para hugasan ang basong ginamit nila. "Anong kukunin mong kurso, Anna?" tanong ni Sir Alex na ikinagulat niya. Akala niya ay umalis na ang amo. Lumikha ng malakas na tunog ang pagkabitaw niya sa basong hinuhugasan. Natarantang lumapit sa kanya si Sir Alex. "Are you okay?" tanong nito at hinawakan ang kanyang kamay para sipatin kung may sugat ba siya. "O-okay lang po ako, Sir. Wala naman pong sugat." Mabilis din niyang ibinawi ang kamay dito. "Let me see first." Hinabol ni Sir Alex ang kanyang kamay. Dahil sa takot siyang suwayin ang amo ay hinayaan niya itong hawakan ang kamay niya. Tinapat nito iyon sa tubig para mawala ang bula ng dishwashing liquid. Napatingin si Anna sa kay Sir Alex. Ilang hibla lang ang layo ng mukha nito sa kanya kaya muling napatulala ang dalaga. Why this man is so flawless? Wala siyang nakitang kapintasan ang mukha nito. Ang mga mata nitong kay liit ay nakaka-akit talaga. "Buti naman at walang sugat." Binitiwan ni Sir Alex ang kanyang kamay. Tumikhim siya at ibinaba ang kamay. Natauhan siya sa pagtitig sa amo. Ano na lang ang sabihin nito kapag nahuli siyang nakatitig? Ayon pa naman sa ama ay mahilig magbiro ang amo niyang ito. Makulit ang lalaki dahil na rin sa bunso ito. Ito ang madalas ikwento ng kanyang ama dahil malapit daw sa mga katulong si Sir Alex. Hindi katulad ng Kuya nitong si Anderson na hindi daw mahagilap lagi sa mansyon. "Mukhang nagulat kita sa tanong ko?" "Hindi po, Sir. Akala ko po kasi ay umalis na kayo kaya nagulat ako ng bigla kayong magsalita." Pag-amin niya dito. Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Sir Alex. "Ganoon ba. Pasensya na kung ganoon." Umiling siya. "Naku, Sir. Wala po iyon. Magugulatin po talaga din naman ako." "Okay. So... anong sagot mo sa tanong ko?" "Ha?" gulat niyang wika. Hindi niya maalala ang tanong nito dahil na rin sa nagulat siya. Namula ang pisngi niya ng tumawa ng mahina ang lalaki. Sumandal pa ito sa lababo at naaliw na tinitigan siya. Walang nagawa si Anna kung hindi ang yumuko para itago ang namumulang pisngi. "Tinatanong kita kanina kung anong kursong kukunin mo ngayong nasa kolehiyo ka na?" "Political Science po, Sir Alex." Sagot niya. Pinagpatuloy niya ang paghuhugas ng baso. "Political Science?" "Balak ko po kasing mag-law pagkatapos, Sir Alex." Dagdag niya. Sir Alex mouth form into an 'O'. Kita din ang pagkagulat sa mukha at paghanga. Mukhang hindi nito inaasahan na ganoon ang kukunin niyang kurso. Napangiti siya. She never wanted to tell to anyone her plans. Pero dahil ang lalaking ito ang kaharap niya ay gusto niyang sabihin. She wanted to impress him. "Wow! Future lawyer ka pala kung ganoon." "Hindi pa po. Walong taon pa ang kailangan kong habulin." "Mabilis na lang ang mga araw, Anna. Tingnan mo nga ako, unang pagkikita natin kakapasok ko lang ng kolehiyo noon pero ngayon dalawang taon na lang matatapos na ako." Naalala niya ang unang pagkikita niya. Napakasuplado pa nito sa kanyang paningin pero ngayon ay napaka-approachable nito. Tumikhim siya. Tinapos na niya ang paghugas ng baso. Pinunasan niya iyon ng malinis na basahan. "Kung nahihirapan ka sa mga lesson mo, wag kang mahiyang lapitan ako." Tumungo siya pero alam niyang hindi niya iyon gagawin. Nakakahiyang humingi siya ng tulong dito sa pag-aaral at saka magkaiba ang unibersidad nila. Sir Alex is an Ateneo de Manila student while she going to study a degree on UP Diliman. Alam niyang magka-iba din ang kurso nila. "Salamat po, Sir." Ngumiti si Sir Alex. "You can count on me, An---" "Alexander Cortez-Kim!!!" Isang malakas na tili mula sa pintuan ng kusina ang sabay na nagpatingin sa kanila. Isang magandang babae na nakataas ang kilay ang nakita nila. "Ashley, what are you doing here?" tanong ni Sir Alex sa bagong dating. "I'm here to pick you up. Samahan mo akong pumunta ng mall at may kailangan akong bilhin." Lumapit si Sir Alex sa mataray na babae. "Bakit ako? Bakit di ka magpasama sa best friend mo?" "Dennis is busy. Kaya ikaw na lang ang sumama sa akin. Kailagan ko ng taga-buhat ng pinamili ko." Hinawakan nito sa braso si Sir Alex. "Wait! I didn't agree yet. Marami akong ginagawa ngayon, Ashley. Tawagan mo na lang ang best friend mo at sa kanya ka mangulit." Iniiwas ni Sir Alex ang braso nito pero patuloy pa rin hinabol ng babae. "Busy nga si Dennis. Marami siyang kailangan asikasuhin ngayon sa Mall ng pamilya nila. Kaya wala kang choice kung hindi samahan ang maganda mong pinsan." Napakamot sa sarili nitong buhok si Sir Alex. "Ash, marami kang pinsan. Sila na lang ang esturbuhin mo. Marami akong ginagawa ngayon." "Alam mong ikaw lang ang pinsan ko na malapit sa akin kaya samahan mo na ako. Hindi ka naman busy. Nakikipaglandian ka lang naman sa katulong niyo." Tumingin sa kanya ang babae at tinaasan siya ng kilay. Para naman binuhusan ng malamig na tubig si Anna ng marinig ang sinabi ng babae. Umiwas siya ng tingin at napayuko. "Stop it, Ashley. Wag mong iinsultuhin ang mga katulong dito. Isusumbong talaga kita kay Tita Ivy." May galit na sabi ni Sir Alex. "Whatever." Mataray na sabi ng babae. "Let's go na kasi." Hinila na nito sa braso si Sir Alex. Walang nagawa ang binata kung hindi sumunod sa pinsan nito. Alam kasi nito na kahit anong gawin nitong pagtanggi ay hindi susunod si Ashley. Na-iwan si Anna na sinusundan ang mga ito ng tingin. May munting kirot sa puso ng dalaga. Isang katutuhan ang pumasok sa kanyang isapin. Malayong magkagusto sa kanya ang isang Alexander Kim. Mayaman ito at mahirap siya. Hindi lang iyon, may kasintahan na ang lalaki. Kailangan niyang putulin ang paghangang bigla na lang niyang naramdaman ng mga sandaling iyon. Isang hamak na katulong lang siya sa mansyon ng mga Kim. Hindi na lalampas pa doon ang magiging papel niya. "ANNA LOOKS GREAT." Agad na sabi ni Sapphire ng makapsok siya ng kotse. Napatingin siya sa dati niyang kasintahan. Napangiti siya ng makita ang mapanukso nitong ngiti. Alam niya kung anong ibig nitong sabihin. "Ya. Mas lalo siyang gumanda ngayon." Kumento din niya. Binuhay niya ang makina ng kotse. Ihahatid niya sa therapist nito si Sapphire. Iiwan niya saglit muna doon ang dalaga. Pupunta kasi siya ng Redwave para kausapin ang pinsan tungkol sa isang kontrata. Babalikan niya ang dalaga pagkatapos ng therapy nito. "Hindi ko akalain na ganoon ang maabutan natin eksena kanina pero nagpapasalamat na rin ako at nandoon tayo. Mabilis mo siyang naligtas at agad kang magkaroon ng points sa kanya." Binigyan pa siya ng thumbs up ng dalaga na siyang ikina-iling niya. Natawa siya sa dating kasintahan. "Kahit magkaroon pa ako ng points, hindi magbabago ang katutuhan na may nobyo si Anna," aniya. Sumimangot si Sapphire. "Napaka-nega mo talaga. Hindi kita pinatawad sa kasalanan mo para magkaganyan ka. Be positive naman, Alex. Kailangan mong gawin ngayon ay alamin kung sino ang karibal mo kay Anna. Know your enemy." Tumaas na sulok ng labi niya. "Sa iyo ko pa talaga narinig iyon, Fire." Humaba ang nguso ng babae. Pinagkrus nito ang dalawang braso at sumandal sa upuan. "Iwan ko sa iyo. Ikaw na nga itong pinapalakas ang loob para makuha ang babaeng nilalaman niyang puso mo tapos ganyan pa gagawin mo sa akin." Tumawa siya dahil sa sinabi nito. "Fire, you don't need to say to me what should I do. Isang sabi ko lang kay Jacob. Malalaman ko na ang impormasyon ng nobyo ni Anna. Just wait, okay." "Iwan ko sa iyo. Wag mo akong ka-usapin." Mataray na sabi at tinalikuran siya. Napa-iling na lang si Alex at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Narating din nila ang ospital pagkatapos ng dalawang oras na pagka-ipit sa traffic. Iniwan niya si Sapphire sa doktor nito at nagpaalam siya na pupuntahan ang pinsan. Nagpapasalamat siya na walang traffic papunta sa opisina ni Cole. Walang humarang sa kanya ng makapasok siya sa elevator. Cole is the CEO of Redwave. Matagal na nitong hinahawakan ang kompanya ng pamilya at mas lalo pa ngang lumago ang Redwave ng ito na ang naging CEO pero sekreto ang pagiging CEO nito. Walang nakaka-alam sa labas ng kompanya na ang humahawak na ng Redwave ay ang pinsan niya. Si Tita Ivy pa rin ang alam ng mga ito na CEO ng kompanya. Matalino ang pinsan pero may nakaraan ito na maaring maging problema sa media kapag lumabas na ito ang CEO. Mabuti ng ang alam ng mga ito na siya ang Vice President ng Redwave. Nasa kolehiyo pa lang sila ay Vice President na ng Redwave si Cole. At kahit ganoon ay walang naging problema ang Redwave. Matalino kasi ang pinsan kaya walang problema dito ang pamamalakad sa kompanya ng mga magulang nito. Cole is born to be a leader of one of the most stable company in the country. "Hi, Mr. Prado. Nasa loob ba si Cole?" tanong niya sa sekretarya ng pinsan. Ito ang pinaka-loyal na empleyado ng mga Cortez-Saavadra. Bata palang si Cole ay ito na ang sekretarya ng ama nito. Mr. Prado is one his cousin's asset. "He is inside, Sir Kim. He is waiting for you." "Okay. Thank you, Mr. Prado." "You're welcome." Tumawa siya ng mahina dahil ibinalik agad ng kaharap ang atensyon sa ginagawa. Kaya walang masabi ang pinsan dito ay dahil talagang napakasipag sa trabaho. Nilampasan na niya si Mr. Prado at tumuloy sa opisina ng pinsan. Dahil hindi siya kumatok ay nagulat ang pinsan niya. "The f***, Alex." Sigaw nito. Binato pa siya ng pinsan ng hawak nitong ballpen. "Hey! Ma-init yata ulo mo." Pabiro niyang sabi. Isinara niya ng pinto at naglakad papalapit sa pinsan na masama ang tingin sa kanya. Hindi niya ito pinansin. Umupo siya sa katapat nitong upuan. "Anong kailangan mo?" Sumusukong tanong ng pinsan. "Nagkita na kami ni Anna." Napahinto sa pagsusulat ang pinsan at tumingin sa kanya. May pagdududa ang mga mata nito. "What happen?" "Nothings happen. I just save her from her pervert stalker." Sumandal siya sa upuan. "So, you are her hero again." Tumayo si Cole at lumapit sa mini-ref. Kumuha ng isang mineral water ang pinsan at ibinigay sa kanya. Tinanggap naman niya iyon. Umupo ang pinsan sa dulong bahagi ng mesa nito. "Nope. Kung nakita mo lang kung paano ako tingnan ni Anna kanina habang hawak ko ang baril ko." Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. "Well, alam mo naman ang pinagdaanan niya noon." "I know." Uminum siya ng tubig. Alam niya kung anong ibig nitong sabihin. Namutla si Anna ng makita ang baril niya. Maaring nagka-trauma ito sa nangyari. Kahit naman na lumipas na ang anim na taon ay hindi pa rin mabubura ang nangyari. Kagaya na rin ng piklat niya sa ulo. May malaking tahi doon na kapag kinapa ay agad na nararamdaman. "So, anong plano mo ngayon? Nakipagkita ka na sa kanya. Sigurado naman na may susunod ka ng hakbang." Tumingin siya sa pinsan. Wala pa rin emosyon sa mga mata nito. Cole never shows his emotion even to him and Ashley. Pero kahit ganoon alam niyang may malambot itong puso. Kaya nga ito ang nilapitan niya dahil alam niyang mahihingan niya ito ng mga hinaing. "I need to know first the name of her boyfriend. Kailangan kong kilalanin kung sino ba ang kaayaw ko sa kanya. Kapag nalaman ko ng hindi naman siya ang nararapatan para kay Anna ay aagawin ko sa kanya ang babaeng minamahal ko." Tumaas ang isang sulok ng labi ni Cole. "Hindi nararapat? Kahit naman ang nobyo ngayon ni Anna ang nararapat para dito ay gagalaw ka pa rin. Magpinsan tayo, Alex. Pareho lang tayo ng bituka. Alam ko kung anong iniisip mo," wika ng pinsan. "You really know me. Nice." "Yes! I know you well. Kaya umayos ka." "Bakit ikaw ba hindi?" May padududang tanong niya dito. Kilala niya ang pinsan. Hindi pa ito nagsasalita ay alam na niya. Kahit na wala siyang nababasang emosyon sa mukha at mga mata nito ay alam na agad niya. Ilang taon na ba silang malapit sa isa't-isa at sa tuwina naglalabas sila ng galit sa bawat isa. "Magpinsan tayo, di ba? Kaya nga kilala na talaga kita, Alex." "Ya...ya...ya... Kaya nga alam kong alam mo kung ano ang sunod kong plano." Makahulugan niyang sabi sa pinsan. Umiling na lang si Cole at kinuha ang personal phone. Nakita niyang tinawagan nito si Jacob. Tutulungan siya ni Cole na kilalanin ang karibal niya. Hindi siya makakapayag na mapunta ang babaeng nilalaman ng kanyang puso sa ibang lalaki. Cortez always gets what he wants. Cortez wants. Cortez gets. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD