ALEXANDER DRINK his beer. Nasa isang bar siya sa Makati. Iyon ang pinakamalapit na bar sa penhouse niya. At doon din nila pinagkasunduan ni Jacob na magkita. Kinuha nga talaga ni Cole ang serbisyo nito para alamin kung sino ang nobyo ngayon ni Anna. Tatlong araw pa lang mula ng utusan ito ng pinsan pero agad na itong nakakuha ng impormasyon na kailangan niya.
“Hi. Are you alone?” Isang malambing na boses ang narinig niya.
Napatingin si Alex sa kabilang bahagi niya. May babaeng naka-upo sa katabi niyang stool. May hawak din itong kopita. May isang mapang-akit na ngiti sa labi ng babae. Hinagot ni Alex ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa bago iniwas ang mga mata at pinagpatuloy ang pag-inum ng beer.
“Suplado!” Narinig niyang singhal ng babae bago ito umalis sa kina-uupuan.
Alam niyang napahiya ang babae sa ini-asta niya pero wala siyang balak na makipagharutan dito. Not now that he saw Anna again. Ito lang naman ang kailangan niya. Noong sila pa ni Sapphire ay nagluko siya dahil na rin sa pagrerebelde sa ginawa ng kanyang magulang. Pero hindi ngayon na bumalik ulit siya sa buhay ni Anna. He wants to show to her that he is sincere.
“What’s up with you and that girl?” tanong ni Jacob ng umupo ito sa binakanting upuan ng babae.
Napatingin siya sa kaibigan. Nakasunod ang tingin nito sa babaeng kaka-alis lang.
“A flirt.” Sagot niya.
Tumawa ng mahina si Jacob at umiling. “Loyal.”
“Royal ako.” Sagot niya sa biro nito.
Lalong tumawa ng malakas ang kaibigan. Umayos ito ng upo at suminyas sa bartender na nasa harap nila. Hindi na nito kailangan sabihin ang order na inumin dahil alam na iyon ng bartender. Madalas si Jacob doon. Lalo na kung tungkol sa trabaho ang ipinunta.
“Kamusta na ex mo?”
“She is doing good. May improvement ang therapist niya. Ang sabi ng doktor, kapag patuloy na ganoon ang development ni Fire. Makakalakad din siya.”
“That’s good to hear. Alam mo ba kung paano siya naging ganoon.”
Umiling siya. “Fire doesn’t want to talk about it. Ayaw ko naman siyang pilitin kaya ayaw kong magtanong. Magsasabi din naman iyon kapag gusto niya.”
“Ang laki yata ng pinagbago mo ngayon.” Natatawang sabi nito.
Tumaas ang kilay niya at tiningnan ang kaibigan. “Anong sinasabi mo?”
“Alam mo, Alex. Hindi ka naman ganyan dati. Kapag gusto mong malaman ang isang bagay ay gagawa ka ng paraan kahit pa nga sa illegal na paraan. Hindi ba ganoon ang gina---”
“Ops…” Itinaas niya ang kamay para patigilin sa pagsasalita ang kaharap. “It’s for good cause, Jacob. Hindi ko naman sinabing gawin mo din ang suhesyon ko. At saka, nakabuti naman ang ginawa mong paghack sa account ni Antonette. Nakuha natin ang impormasyon na kailangan natin.”
“Illegal is illegal, Joshua. Muntik na akong masuspende ng dahil sa iyo.”
“Jacob, kilala mo naman si Patrick. Mahal ka noon kaya hindi ka niya sususpendehin. Ikaw pa.” Tinapik niya ang balikat ng kaibigan.
“Iwan ko sa iyo. Last mo na talaga itong pinagawa mo sa akin.”
Kinuha nito ang brown envelop na nakalapag sa kaliwang bahagi. Iniabot ni Jacob ang hawak sa kanya. Tinanggap niya iyon.
“Madaling hanapin ang kasintahan ni Anna dahil kilala ko na siya.” Uminum si Jacob ng alak. Nakataas ang isang sulok ng labi nito.
Binuksan nito ang brown envelop at kinuha ang folder. Binuksan niya iyon at binasa ang nilalaman.
“Oo nga pala, Alex. May pupunta pala dito at kailangan mong humanda.” May paalalang sabi ni Jacob. Tinapik pa nito ang balikat niya.
Hindi niya pinansin ang kaibigan. Nakatutok siya sa impormasyon na nakuha nito. Nanlaki ang mga mata ni Alex ng makita ang larawan at profile ng kasintahan ni Anna. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Bakit siya pa? Bakit ang lalaking iyon pa ang kasintahan ni Anna?
“How did they meet? Tell me, how did Anna know this man?”
“Hey! Calm down.”
“How could I calm down? Ang nobyo ni Anna ay si Carl Valencia. Ang lalaking dahilan ng pagkamatay ng ama niya.” Hindi niya napigilan na mapalakas ang boses niya.
Wala naman nakarinig sa sinabi niya dahil abala ang mga tao sa pagsasayaw at malakas ang tugtog ng bar.
“I know. Alam ko iyon, Alex. Kahit din naman ako ay nagulat sa nalaman ko. Akalain mo iyon, ang lalaking dapat na iwasan at kamuhian ni Anna ay siya pang kasintahan nito. Isang abogado ang nagmahal ng isang krimenal.” Umiling si Jacob.
Napahigpit ang pagkakahawak niya sa papel na hawak. The paper she holding become a scratch. Bakit hinayaan niyang umabot sa ganito ang lahat? Dapat siyang gumawa ng paraan para ma-ilayo si Anna kay Carl. Ang alam niya ay bahagi ng sindekato si Carl at kabilang ito sa grupo ni Brandon. Ang mga lalaking natipuhan si Anna ng gabing iyon.
“Anong gagawin mo ngayon?” Ang tanong na iyon ni Jacob ang bumalik sa naglalakbay na isipan ni Alex.
Tumingin siya sa kaibigan. “Kailangan kong mailayo si Anna kay Carl. Hindi siya ang nararapat para kay Anna.”
Tinapik ni Jacob ang balikat niya. “Nasa likod mo lang ako. Magalit man sa akin si Patrick.”
“Ang pareho ko kayong ipapakulong.”
Sabay sila ni Jacob na napatingin sa taong nagsalita. Madilim ang mukha ng lalaking bagong dating. Umupo ito sa kabilang bahagi niya. Akala niya ay oorder ito ng alak pero hindi. Humarap lang ito sa kanya.
“Ano na naman ang plano mo sa tauhan ko?” Hindi itinago ang galit sa boses nito.
“Wala naman akaong plano na hindi niya ikakabuti, LJ,” aniya sa kaibigan.
Tinaasan lang siya nito ng gitnang daliri.
“LJ, sinasabi ko sa iyo. Mahal ko si Anna at iingatan ko siya. Hin---”
“I don’t meddle with my employee’s private life, Alex. As long as, they doing their job. Pero iba si Anna. Kaya kung wala kang balak na seryusuhin siya. Please lang, LJ. Tigilan mo siya dahil kung hindi, ako ang makakalaban mo.” May pagbabantang sabi nito.
Nagdikit ang labi niya at nakipagsukatan ng tingin sa kaibigan. Hindi niya ma-intindihan kung bakit ganoon ito pagdating kay Anna. Kung wala itong kasintahan ay iisipin niyang may nararamdaman ito para sa babaeng nilalaman ng kanyang puso. Kinuha niya ang ibinigay na report sa kanya ni Jacob.
“Wala akong balak na saktan si Anna. Alam mo kung gaano siya kahalaga sa akin, LJ. Sinabi ko sa iyo ang lahat para ma-intindihan mo ang side ko at malaman mo kung bakit mahal ko siya.”
Tinanggap nito ang ibinigay niya. Walang salitang namutawi sa kaibigan. Tahimik nitong binasa ang report na bigay ni Jacob. Unti-unting nandilim ang mukha nito. Alam niyang nabasa nito kung anong klaseng tao ang kasintahan ngayon ni Anna. Hindi man nila mapakulong ngayon si Carl dahil walang sapat na ebidensya at isa itong makapangyarihang tao sa bansa. Kailangan maging ma-ingat ang galaw ng bawat isa.
Tumingin sa kanya si LJ. May pinapahiwatig ang mga tingin nito sa kanya. At kahit hindi sabihin nito ay alam na niya. Iisa lang ang tumatakbo sa isipan nila. They need to protect Anna. Ang mga lalaking gumawa ng masama dito noon ay nasa paligid lang nito. At nasisigurado niyang isang maling hakbang lang ay may tao na naman mawawala at iyon ang hindi niya mapapayagang mangyari.
ANNA IS IN a coffee shop near her office. Doon kasi gusto makipagkita ng kliyente niya. Bagong kaso na naman iyon na hahawakan niya. Abala siya sa ginagawang report ng may babaeng umupo sa katapat niyang upuan. Nagtaas siya ng tingin.
Isang babaeng may suot na basketball cap at itim na sunglasses. Nakasuot ng hanging blouse at ripped jeans ang babae. Napansin niya ang pag-ikot ng paningin nito sa paligid.
“May I help you, Miss?” tanong niya.
Tumingin sa kanya ang babae. “Yes. You are Attorney Anna Cordero, right?”
“Yes. It’s me.”
“I’m the one who set an appointment to you. I’m Caroline Martin.”
“Ow!” Gulat niyang sabi.
Hindi kasi ito ang inaasahan niyang kliyente. Basi kasi sa boses nito ay para itong mataray na babae pero ang babaeng kaharap ngayon ay parang isang takot na babae. Napansin niya din ang patingin-tingin nito sa paligid. Hindi ito mapalagay. Para itong may pinagtataguan.
“May I know your concern, Ms. Martin? Anong klaseng complain ang isasangguni mo sa akin.” Pagkuha niya sa atensyon nito.
Muling bumalik ang atensyon nito sa kanya. Tumikhim ito.
“Someone is hunting me now.”
“What?!” Gulat niyang sabi.
Ngayon ay nasagot na ang tanong sa isipan niya. Kaya ba hindi ito mapalagay. Umayos siya ng upo.
“Ms. Martin, anong ibig mong sabihin? Someone is hunting you and he threating your life?”
“Yes. Parang ganoon na nga. Nakaligtas kasi ako sa grupo nila kaya pinaghahanap nila ako. Attorney, I was raped. No! I was gang raped.” Nabasag ang boses nito sa huling sinabi.
Napatingin siya sa braso ng babae. Dahil naka-hanging blouse ito ay nakita niya ang ilang bakas ng pasa sa braso nito. Isinara niya ang laptop na ginagamit at tumayo. Lumipat siya sa katabing upuan nito. Hinawakan niya ang braso ng babae.
“We need medical record for this. Kilala mo ba kung sino ang gumahasa sa iyo?”
Pinakatitigan siya ng babae. Umiling ito pagkatapos. “I was drug. Kaya hindi ko ma-alala ang mga nangyari.”
Nakita niya ang pagdaloy ng luha sa pisngi nito. Umiiyak ito sa likod ng suot nitong salamin. Tumikhim siya. May ala-ala kasing dumaloy sa isipan niya. Kinuha niya ang note book at nilista ang mga sinabi ng babae. She needs to be professional. She needs to step aside her own feeling.
“Tell me what happen the night you were r-rape.” Napahigpit ang pagkakahawak niya sa ballpen.
“I was with my friends that night. Napagkasunduan namin na pumunta ng Dark Club para uminum. Sumasayaw kami ng kaibigan ko ng may lumapit sa amin na waiter. They offer us a free drink. Sample daw iyon ng club at kami ang napiling bigyan. Hindi uminum ang mga kaibigan ko dahil ayaw nilang uminum ng ibang alak. I was tempted. Kaya ininum ko. Masarap siya. Tapos bumalik kami sa dance floor at sumayaw. Ilang minuto din akong sumasayaw kasama ang mga kaibagan ko ng umiba ang pakiramdam ko. Kaya pumunta ako ng CR. Pagkatapos noon ay hindi ko na maalala ang mga nangyari.
Nagising na lang ako sa isang hotel at n-nakahubad.” Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ng babae.
Kinuha niya ang baso at ibinigay sa babae. Uminum naman ng tubig ang babae. Upon hearing what the woman said, Anna remember the night of her graduation party. Ganoon ang nangyari sa kanya ng gabing iyon. Lalong napahigpit ang pagkakahawak niya sa ballpen. Hindi pa rin pala nabubuwag ang sindikatong may kaugnay sa rape drugs. Marami na rin silang nabiktimang kababaehan.
“Paano mo nasabi na gang r-raped ang nangyari sa iyo?”
She knows how sensitive their topic. Hindi madali para kay Caroline ang magkwento sa mga nangyari dito. Kaya naman nakuha nito agad ang paghanga niya. Napakatapang nito para harapin ang nangyari dito. Sariwa pa ang mga pasa sa braso nito kaya nasisigurado niyang wala pang isang linggo mula ng may nangyari dito.
“T-There’s a lot of condom in the floor.”
Napapikit si Anna. Walaman siyang maalala sa ilang pangyayari ng gabing iyon. Alam niya na muntik na siya maging katulad ng babaeng ito. Alex saves her but in exchange of her father’s life. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili.
“Is there any way that you can remember their faces?” tanong pa niya.
Umiling ang babae. Tumikhim siya. Isinulat niya iyon. Alam niyang mahihirapan siya sa kasong ito. Drug raped is never been solve in this country. Lalo na kung ang kakabanggain nila ay kilalang tao. Nasisigurado niya kasing makapangyarihang tao ang nasa likod ng pangyayaring ito. Kahit ang kaso nangyari sa kanya ay walang nangyari. Her father died without claiming the justice he deserves. Ilang taon na siyang abogado at pahanggang ngayon ay wala pa ring hustisya silang nakakamit. Walang sapat na ebidensya kahit pa nga na kilala na niya ang taong may kinalaman sa pagkamatay ng ama niya.
“Attorney, matutulungan niyo po ba ako?” Hinawakan ng babae ang kamay niya.
“I tried my best, Ms. Caroline. Pero sinasabi ko na agad sa iyo. Mahihirapan tayo sa kaso mo lalo na at hindi mo nakita ang mukha ng mga criminal. You need to identify their faces.” Pranka niyang sabi sa babae. “By the way, ang sabi mo ay hina-hunting ka ng mga taong gumahasa sa iyo. How did you know that it was them?”
Nanigas ang babae. Tumingin ito sa paligid. Inilapit nito ang sarili sa kanya.
“Marami silang tauhan. Nang magising ako kinabukasan at lumabas ako ng kwarto ay nakita ko ang mga tauhan nila sa labas ng kwarto. Dinala pala nila ako sa isang bahay. Mukhang nakalimutan nilang sarhan ang sliding door ng kwarto kaya nakatakas ako. Dumaan ako sa masukal na lugar. May waterfalls doon. Ilang araw akong pa-ikot-ikot sa bundok bago ko narating ang main road. Nalaman ko na nasa Pangasinan nila ako dinala.” Umiling umiyak ang babae.
Nagulat siya. Magka-ibang tao ba ang gumawa ng masama sa kanila? Kung sa Panggasinan ito dinala ng taong gumahasa dito, ibig sabihin ay iba ang taong gumahasa dito at gumawa ng masama sa kanya.
“Pangasinan? Maalala mo pa ba kung saan sa Pangasinan?” Nabuhayan siya ng loob.
Magkaiba man ang adductor nila ang importante ay may clue na sila para sa kaso ng babae. Kung sa isang bahay ito dinala ay siguradong makakakuha sila ng clue kung sino ang gumalaw dito. Nasisigurado niyang bahay iyon ng isang kriminal.
Umiling ang babae. “Hindi ko alam ang eksaktong lugar. Basta ng sumakay ako ng jeep papuntang bayan ay napakalayo ng byahe ko. Ilang oras din.”
Napa-isip siya sa sinabi nito. Kung ganoon ay hindi isang simpleng bahay lang ang pinagdalhan ng mga ito sa babae. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa ballpen. Pinagdikit niya ang mga labi. This is not an easy task. Tumingin siya sa babae. Nagsisimula na itong manginig. Muling niyang inilapit dito ang tubig. Agad naman nitong tinanggap iyon.
“Nagpunta ka na ba sa mga pulis?” tanong niya.
Tumungo ito. “Nag-file na ako pero wala pa rin resulta. Napakabagal ng mga hakbang nila. At hindi lang iyon, kaya ako pinaghahanap ng g-grupo ng mga t-taong iyon ay dahil sa naglapit ko sa pulisya. I can’t live alone in my apartment. Palipat-lipat ako dahil mabilis nila akong mahanap.”
Huminga siya ng malalim. Ginagap niya ang kamay nito. “I will call your case to my boss. Mas matutulungan ka nila sa safety mo. For now, I will handle you case and you need to hide. We are going to the doctor tomorrow for your medical examines. I’ll make sure that we get you safe house and put those bastards on jail. I will help you to get the justice you need.”
“Thank you, Attorney.” Sumigla ang boses ng babae.
Ngumiti siya dito. Tinapik niya ang kamay nito. She asks the girl more questions. Sinagot naman nito iyon. Ilang sandali pa silang nag-usap bago nagpaalam ang babae. Hindi daw ito pwedeng tumagal pa doon at baka matunugan daw ito ng mga gustong kumuha dito. She beads her goodbye and said that she will contact her tomorrow for the place and time of her medical.
Na-iwan siya sa café na iyon. Muli niyang binasa ang mga sinabi ng babae. They have the same case. Nasisigurado niya na ang nangyari sa kanya anim na taon na ang lumipas ay katulad ng sa babae. Ang pinagka-iba lang nila ay talagang ginahasa ito habang siya ay na-iligtas ng gabing iyon. Now, she also wonders her friend Angel. Nakaligtas din ba ito ng gabing iyon. Sinubukan niyang hanapin ang kaibigan pagkatapos ng gabing iyon pero hindi niya ito mahanap. Naglaho ito na parang bula.
Inaayos na niya ang mga gamit ng may umupo sa katabi niyang upuan. Napatingin siya at napasinghap ng makilala ang lalaking may malapad na ngiting nakatingin sa kanya ng mga sandaling iyon.
“Hi, Anna. I didn’t expect to see you here.”
Hindi sinagot ni Anna ang lalaki. Pinagpatuloy niya lang ang pag-aayos ng gamit. Naalala pa niya ang hindi pagpansin sa kanya ng lalaking ito ng pumunta ito sa kanyang opisina. At saka, naalala niya ang sinumpaan nilang pangako sa magulang nito. Dapat niyang layuan si Alex dahil hindi ito nakakabuti sa kanya.
“Hey, Anna.” Winagayway nito ang kamay sa harap niya.
Binaliwala niya iyon pero hindi ang biglang paghawak nito sa braso niya. Mabilis niyang binawi ang braso dito. Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa lalaki.
“What do you think you’re doing?” Galit niyang tanong dito.
Ngumiti si Alex sa kanya na siyang ikinawala pa lalo ng kanyang puso. What’s happening to her? May dumaloy na kakaibang kuryente sa katawan niya ng hawakan siya nito at nagwala ang puso niya ng dahil lang sa ngiti at paglapit nito. She is no longer a teenager to feel that kind of emotion. Hindi na dapat siya nakadama ng paghanga sa binata. Lalo na at may kasintahan siya.
“Bakit kasi di mo ako pinapansin? Galit ka ba sa akin.”
Galit niyang tinitigan ang binata. Kailangan ba talaga nitong magtanong. Hindi ba nito alam ang ginawa ng magulang nito sa kanyang ina’t kapatid. Yes, she used the money they give to her studies but it doesn’t mean that they put every blame to her. Nawalan din naman sila. Namatay ang ama niya ng gabing iyon sa pagligtas sa kanya. Hindi din naman niya hiningi ang tulong ni Alex ng gabing iyon.
“Anna, pansinin mo naman ako. Kapag di mo ako pinansin, hahalikan kita ngayon dito.”
Napahigpit ang hawak niya sa suit case na dala. Pumintig ang tainga niya sa sinabi nito. She tried to control her own emotion. Galit niyang hinarap ulit ang binata.
“Then go on, I will file a harassment case against you. Ayaw mo naman sigurong mabahiran ng dumi iyang pangalan mo. At saka, bakit ba ako ang pinipisti mo? Bumalik ka doon sa girlfriend mo.” Tumayo siya pero agad din napabalik sa upuan ng hawakan ng binata ang braso niya.
Matalim na tingin ang ibinigay niya sa binata.
“Anong sinasabi mong girlfriend? I don’t have a girlfriend right now, Anna. Kaya nga kinaka-usap kita ngayon.” May mapaglarong ngiti sa labi ng binata.
Hinila niya ang brasong hawak nito. “Hindi ba girlfriend mo si Ms. Sapphire. Baka nakakalimutan mo, Mr. Kim. I once a maid in the mansion of your parents. I know you.”
Nagningning ang mga mata ng binata. May nabuhay na iritasyon sa puso niya. Anong pinapalabas ng ngiting iyon.
“You know me? I’m sorry to say but you don’t really know me well, Anna.” Inilapit ni Alex ang mukha nito sa kanya. “Sapphire is no longer my girlfriend. She is my ex now and we are friend. I’m planning to stole the girl who own my heart.”
Anna heart beat erotically. Halos maduling si Anna sa sobrang lapit ng mukha ni Alex. Hindi din gumagana ang utak niya ng mga sandaling iyon.
“You know who she is, Anna. I make sure that she be mine."
Tumingin sa labi niya si Alex.
Natauhan naman si Anna kaya naitulak niya ang binata at mabilis na iniwan ito. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Nanginginig ang kamay at tuhod niya. Alam niyang hindi dahil sa galit kung hindi dahil sa sinabi ng binata. May ibig itong sabihin sa mga salitang binitawan nito at ngayon pa lang ay natatakot na siya sa maaring mangyari.
Napahawak si Anna sa bubong ng kanyang kotse ng makarating siya ng parking lot. Habol niya ang hininga. Napatingin si Anna sa kanyang dibdib kung nasaan ang puso niya.
‘You can be weak now, Anna. Anim na taon mo din iniwasan ang mga Kim. Kailangan mong magpakatatag.’