MTT FOUR

3326 Words
“ARE YOU OKAY?”     Napataas ng tingin si Anna ng marinig ang tanong na iyon ng kasintahan. Ang nag-aalalang tangin ni Carl ang nakita niya. Tumikhim siya at ngumiti dito.     “I’m okay. May iniisip lang na kaso.” Sagot niya.     “Care to share. Baka may ma-itulong ako.”     Umiling siya sa kasintahan. She never tells him about the case she handling. Kahit na kasintahan niya ito ay hindi niya sinasabi ang lahat dito. Para sa kanya ay may hangganan ang dapat niyang sabihin kay Carl. Hindi sa wala siyang tiwala dito. Sadyang kailangan lang niyang itago ang ilang importanteng impormasyon.     “Okay. Pero sana ay wag mo muna isipin ang tungkol sa kasong hawak mo. Minsan lang tayo lumabas, Anna. Gusto kong nasa akin ang buong atensyon mo ngayong gabi.” May himig ng pagtatampo na sabi ng kasintahan.     Anna suddenly feels guilty. Napakagat siya ng labi. Ang kasintahan nga ang kasama niya ng gabing iyon pero ibang tao naman ang nasa kanyang isipan. Muli siyang tumikhim. Para kasing may bumara na kung ano sa kanyang lalamunan.     “I’m sorry.” Tanging nasabi niya.     Ngumiti si Carl. Iniabot nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa at pinisil. Napatingin doon si Anna.     “Don’t be. Masaya akong kasama kita ngayong gabi. Ilang araw din tayong hindi nagkita dahil sobrang busy ko sa farm. Sana madalas akong makaluwas ng Manila para mas madalas tayong magkita.”     She also wishes that. Carl is the one managing his family business. Isang farm sa Pangasinan ang pagmamay-ari ng pamilya ni Carl. Nag-iisang anak ito kaya ito ang inasahan sa pamamahala. High school classmate niya si Carl at nagkita sila dalawang taon na rin ang nakakalipas. Kakapasa lang niya noon sa board exam. Naging magkaibigan ulit sila pagkatapos ay niligawan siya ng binata. Isang taon din itong nangligaw bago niya sinagot.     Wala siyang masabi sa kasintahan. Napakabait nito. Lagi nitong iniintindi ang trabaho niya. Alam nito na hindi niya mabigay dito ang oras na nais nito pero naging matiyaga ito. Kaya nga masasabi niyang napakaswerte niya sa nobyo.     “Kahit ako din naman pero alam natin na kailangan ka ng pamilya mo at dito ang buhay ko. Matagal ng tapos ang buhay ko sa Pangasinan. Wala na kaming babalikan doon ni Inay at Ate.”     May muting kirot na dumaloy sa kanyang puso. May naalala siyang tao. Ilang taon na ang lumipas pero sariwa pa rin ang sugat ng kahapon. Masakit pa rin sa kanya ang nangyari sa kanyang ama.     “Alam ko.” Pinisil ni Carl ang palad niya.     Nagtaas siya ng tingin at sinalubong ang mga mata nito. “Let’s drop the topic.”     Tumungo si Carl at ibinalik na ang atensyon sa pagkain. Ganoon din ang ginawa nito. Napuno ng katahimikan ang mesa nila. Umiinum sila ng kape ni Carl ng may naramdaman na kakaiba si Anna. Pasimpleng inikot ni Anna ang mga mata sa paligid.     Nanigas sa kina-uupuan nito si Anna ng makilala ang ngayon ay nakatingin sa kanila na lalaki. Tumaas ang isang sulok ng labi nito ng magtagpo ang kanilang mga mata. Itinaas pa nito ang isang hawak na baso. Nagtaas-baba ang dibdib ni Anna.     Anong ginagawa ng lalaking ito sa lugar na iyon. Napahigpit ang hawak niya sa tasa. Nagdikit ang kanyang mga labi. She is seeing blood and she wanted to get up from her chair. Anna wanted to snap the man that looking at her right now. May alalang dumaloy sa isipan niya. Paano niya makakalimutan ang lalaking muntik na siyang gahasain noong nag-aaral pa lang siya ng law?     “Anna, are you okay?”     Kahit narinig niya ang tanong na iyon ni Carl ay hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa lalaki. Umiwas na ito ng tingin at nakipag-usap sa mga lalaking kasama. His evil laugh lingers at her ears. Na-iinis siyang marinig ang tawang iyon. Nandidiri siya kapag naalala niya kung paano siya nito hinawakan noon.     “Anna…” Isang hawak sa kamay niya ang nagpaalis sa mga mata niya kay Brandon.     Pumiksi si Anna sa pagkakahawak ni Carl. Napatingin siya sa kasintahan. May pag-aalala sa mga mata nito. Nandoon din ang pagtataka.     “Okay ka lang ba? May problema ba?”     Umiwas siya ng tingin. Nakaramdam siya ng takot. “Umalis na tayo dito,” aniya.     “We are not yet done with our coffee. Let---”     “I want to go home.” Mariin niyang sabi sa kasintahan.     Suddenly she feels sufficicated. Hindi siya makahinga sa kaalaman na nasa paligid lang ang taong gumawa ng masama sa kanya. Brandon is near. Alam niyang gagawa ito ng masama. Sa tuwing nagtatagpo ang landas nila ay may hindi magandang nangyayari. Carl doesn’t know about her past. Hindi niya sinasabi dito dahil ayaw niyang madamay ito.     “Okay. Let me pay first.” Itinaas ni Carl ang kamay para hingin ang bill nila.     Hindi na nagsalita si Anna. Yumuko lang siya. Napahigpit ang hawak niya sa bag na dala. Wala talagang mabuting ma-idudulot ang pagkikita nilang iyon ni Brandon. Hindi niya alam kung bakit ba siya sinunsundan nito. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang kailangan ng lalaki sa kanya. Ilang beses na ba niyang hiniling na wag ng magtagpo ang landas nila ng lalaki pero sa tuwina ay nagtatagpo iyon.     Ilang beses na din niyang iniwasan na magtagpo ang landas nila dahil kilala naman ito sa lipunan pero talagang sinasadya ang lahat. Nag-aaral pa lang siya ng law noon ng nagtagpo ang landas nila. Linapitan siya nito at nakipagkilala. Dahil nga sa nangyari sa kanya noon kaya umiwas siya ng binata pero hindi ito tumigil. At parang kahapon lang nang mangyari ang lahat. Sariwa pa ang sugat na ibigay nito sa pagkatao niya.     ANNA IS walking in the small pathway. Pa-uwi na siya sa apartment na tinutuluyan di kalayuan sa pinag-aaralan niya. Nasa huling taon na siya ng Law. Iyon ang pangalawang degree niya. Pagkatapos niyang magtapos ng Political Science ay pumasok naman siya sa Law school para mag-aral ng Law. Tutuparin niya ang pangarap sa kanya ng ama.     Kakagaling niya lang sa part-time job niya. Isa siyang cashier sa isang fast food. It’s already ten o’clock. Hindi naman siya takot umuwi ng ganoong oras dahil alam naman niya ang lugar. Ilang taon na siyang tumutuloy sa apartment na iyon.     Malapit na si Anna sa apartment niya ng may humintong isang van. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad pero nagulat si Anna ng may humawak sa kanyang bawyang. Nanlaki ang kanyang mga mata at sisigaw na sana ng may natakip ng kanyang bibig.     ‘NO!’ sigaw ng isipan niya.     Pero walang nagawa si Anna ng unti-unting nandilim ang kanyang paningin. Nanghina ang kanyang katawan.     ‘Help me. Tulungan mo ako, Itay.’ Sigaw niya sa isipan bago tuluyan nawalan ng malay.     Nagising siya na nakatali ang mga kamay at paa. Naka-upo sa isang sofa. Iniikot ni Anna ang paningin sa paligid. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Nakaramdam siya ng takot. Sinong kumuha sa kanya at bakit siya kinuha? Wala siyang naalala na ginawan ng masama.     May takip ang kanyang labi kaya hindi siya makasigaw. Inikot niya ang tingin sa paligid. Doon niya napansin ang isang babae na nakahiga sa kama. Walang-malay ang babae pero hindi iyon ang ikinalaki ng mga mata ni Anna. The woman is naked. Walang kahit anong saplot sa katawan ang babae kaya nakikita niya ang ilang marka sa katawan nito. Nakatali din ang babae sa kama.     Nakaramdam siya ng awa sa babae. Lumandas ang mga luha sa kanyang mga mata. Ganoon din ba ang sasapitin niya. Anong klasing kapalaran ba ang meron siya. Noong nag-aaral siya ng Political Science ay ganoon din ang muntikang mangyari sa kanya tapos heto na naman.     Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at isang matangkad na lalaki ang pumasok. The guy is tall with big body. Halatang alaga sa gym ang lalaki. Namutla si Anna ng humarap ang lalaki sa kanya at ngumiti. Parang tinakasan ng lakas si Anna ng mapagtanto ko sino ang lalaking nasa harap niya.     ‘Brandon…’ banggit niya sa pangalan nito.     “Gising ka na pala, Anna,” anito at lumapit sa babaeng nasa kamay.     Wala pa ring malay ang babae. Umupo si Brandon sa kama at hinawakan ang babae mula sa tuhod nito paakyat sa hita. Gumalaw ang babae pero hindi naman nagising. Gusto niyang sumigaw at sabihan ito ng masamang salita ngunit may takip ang bibig niya.     “Hindi ba at ang ganda niya,” wika nito. Pinaharap ni Brandon sa kanya ang mukha ng babae.     Lalong nayanig ang pagkatao ni Anna ng makilala ang babae sa kama. Tuloy-tuloy sa pagpatak ang mga luha niya. Her friend, Caramel is the one laying in that bed. Kaibigan niya ito sa law school at kagaya niya ay magtatapos na rin ito. Napalakas ang iyak niya sa kaalaman na ganoon ang sinapit ng kaibigan.     “Hindi ko akalain na sariwa pa itong kaibigan mo.” Natatawang sabi ni Brandon. Pinaglandas nito ang daliri sa pisngi ng kaibigan.     “Hayop ka.” Sigaw niya pero naging ungol lang iyon.     Gustong-gusto niyang murahin ang lalaki pero ungol lang ang lumalabas sa labi niya. Gusto niyang magwala at lapitan ang lalaki para suntukin. Isa itong demonyo. Nakakadiri ang isang tulad nito.     Tumawa lang ito na parang natutuwa pa ito sa nangyayari sa kanya. Inalis nito ang kamay sa kaibigan niya at tumayo. Naglakad ito palapit sa kanya. May naglalarong tagumpay sa labi nito. Alam nitong wala siyang laban kapag may gagawin ito sa kanya. Wala siyang laban pero hindi siya makakapayag na gawin din nito sa kanya ang ginawa sa kaibigan. Umupo ito sa coffee table na nasa unahan niya.     Tumaas ang isang sulok ng labi nito.     “Anna… Anna…” Malamyos ang pagkakabanggit nito sa pangalan niya. “Hindi ko akalain na gaganda ka ng ganito pagkalipas ng ilang taon.”     Nagtaka si Anna sa sinabi ng lalaki. Anong sinasabi nito? Nagkita na ba sila noon. Bakit parang kilala siya nito noon pa?     Mukhang napansin nito ang pagtataka niya dahil kumislap ang mga mata nito.     “You don’t remember me, don’t you?"     Pinukol niya ng masamang tingin ang lalaki. Naninindig ang balahibo niya sa lalaking ito. Inilapit nito ang sariling mukha sa kanya. Inilayo naman niya ang sarili. Hindi niya hahayaan ang lalaking ito na madikit sa kanya.     “You can’t run away from me, Anna. Kahit anong pagtatago mo ay hindi mo ako matatakasan. Wala rin magagawa si Alexander Kim kapag ginusto ko ang isang bagay.”     Upon hearing the name of the person she knows for a long time, Anna feels like her world stop. Nanlalaki ang mga mata na tumingin siya sa lalaking hindi pa rin inilalayo ang mukha sa kanya. Lalong nagkislapan ang mga mata nito. Tumawa pa ang lalaki ng malakas. Itinaas nito ang kamay para hawakan siya ngunit muli siyang umiwas. Nanindig ang balahibo niya. Nanginig siya sa galit, nag-unahan ang mga luha niya. Na siyang lalong ikinasaya ng lalaki.     “Oh!!! Naalala mo na ba ako, Anna?”     Muli siyang umungol. Pinagmumura niya ang lalaki. Ang demonyong ito ang dahilan ng paghihirap niya. Nasisigurado niya na isa ito sa mga lalaki na bababoy sana sa katawan niya noon ngunit niligtas siya ng ama at ni Alex. Ito ang taong maging dahilan ng pagkawala ng kanyang ama. Gumalaw siya para saktan sana ang lalaki ngunit dahil sa nakatali ang kamay at paa niya ay hindi niya magawa. Isa itong hayop. Demonyo ito at dapat itong mamatay.     Tumawa ng malakas ang lalaki. Tumayo ito at lumapit muli sa kama. Sinusumpa nito ang lalaking nasa harap niya. Napakahalang ng kaluluwa nito. Isa itong demonyo na nagbalat kayong tao. Kaya naman pala nakatakas ito sa krimin na ginawa noon dahil isa itong makapangyarihang tao. Brandon Rosales is from wealthy family. Nasa politika ang ama nito na isang Senador habang ang Tito nito na si Xander Gave Javier ay isang mataas na opisyal ng military. Walang nais kumabangga sa mga ito dahil may kapit ang mga ito sa batas.     Kaya naman pala ang lakas nitong gumawa ng krimin. Walang ebidensya na nakuha ng gabing namatay ang ama niya. Pinalabas lang ng mga ito na naaksidente ang ama niya na siyang ikinamatay nito. Walang nagsabi na may pina-inum na drugs sa kanya at hinabol sila ng grupo ng sindikato.     “Masaya akong muling makita ka, Anna. Alam mo ba iyon. Tatlong taon din kitang hinanap. Gustong-gusto talaga kitang matikman. Nang gabing makita kita ay halos hindi na ako makatulog. You are the girl I want.”     Nanindig ang balahibo niya sa sinabi nito. Gusto niyang masuka sa sinabi nito. Nandidiri siya sa pinagsasabi ng lalaki. Iniisip pa lang niya na hahawakan siya nito ay gusto na niyang masuka. Nanlaki ang mga mata niya ng hawakan nito ang kaibigan sa pribadong parte. Nagulat siya sa ginawa nito. Umungol si Caramel pero hindi pa rin ito nagigising.     “Alam mo bang dinala ko sa langit ang kaibigan mo habang natutulog ka. Masarap din pala siya pero alam ko na mas masarap ka.”     Ipinikit ni Anna ang mga mata ng makita ang sunod na ginawa ng lalaki sa katawan ng kaibigan niya. Hindi siya naniniwala na ibinigay na lang basta ni Caramel ang sarili. Basi na rin sa pagkakatali ng kaibigan ay siguradong pinagsamantalahan ito ng lalaki. She can’t take it. Ang mga luha at hikbi na lang ang tanging nagawa niya. She feels so hopeless. Wala siyang magawa para ma-iligtas ang kaibigan. Kahit siya ay hindi niya alam kung paano ba ma-iligtas ang sarili.     Hinihiling niya na sana ay kagaya ng gabing dapat ay pagsasamantalahan din siya ni Brandon ay may dumating na tulong. He is praying hard that someone save her again.     ANNA IS LOOKING outside the window. Nang gabing iyon ay may tumulong nga sa kanila ni Caramel. May dumating na lalaking nakatakip ang bibig. Tanging mga mata lang nito ang nakita niya. Hindi niya nakilala ang lalaki. Brandon is about to raped her when there’s a gun shot happened. Nang makalabas ng kwarto si Brandon ay pumasok naman ang lalaki. Limang kalalakihan ang nagligtas sa kanila ni Caramel. Pero ang balak nilang pagsampa ng kaso ay hindi nangyari.     Those five men advise them not to report what happen. Malaking sindikato daw ang kakabanggain nila at hindi nila ito basta mapapakulong. Alam niya iyon dahil kilala niya si Brandon. Ayon pa sa leader ng lalaking nagligtas sa kanila. Babaliktarin lang ni Brandon ang nangyari sa kanila. Sila ang lalabas na masama at maari pa silang ipapatay.     Caramel didn’t finish her degree. Natagpuan na lang kasi ang kaibigan niya sa isang banyo ng school at wala ng buhay. Caramel can’t accept what happen to her. Nalaman din nila na buntis ito. Anna feels so guilt. Pakiramdam kasi niya ay nadamay ang kaibigan sa nangyari sa kanya. Kaya sinusumpa talaga niya si Brandon.     Nang ihatid siya ni Carl sa apartment niya ay hindi na siya kumibo. Sinabi lang niya dito na biglang sumama ang pakiramdam niya at gusto na niyang magpahinga. Walang nagawa si Carl kung hindi hayaan siya.     Nasa ganoong sitwasyon si Anna ng tumunog ang phone niya. Babaliwalain na sana niya iyon ng hindi tumitigil ang tumatawag. Tumayo si Anna at tiningnan ang numero. Nagsalubong ang kilay niya ng makita ang pangalan ng taong tumatawag. Ibaba na sana niya ang phone ng may pumasok na mensahe. Galing iyon sa taong tumatawag. Binasa niya iyon. Nanlaki ang mga mata ng mabasa ang mensahe. Mabilis siyang lumapit sa bintana at hinawi ang kurtena. Napasinghap siya ng makita ang lalaking nakatayo sa labas ng kotse nito.     Nakatingala din ang lalaki kaya nagtagpo ang mga mata nito. Ngumiti ito at kumaway. Umiwas ng tingin si Anna at napatingin sa hawak na phone. Anong ginagawa ng isang Alexander Kim sa labas ng apartment niya ng ganoong oras? At paano nito nalaman kung saan siya nakatuloy?     Binitiwan niya ang kurtena at hahayaan na sana ang binata ng muli siyang nakatanggap ng mensahe mula dito.     ‘I won’t leave until you talk to me.’     Napatingin siya sa bintana. Lalabasan niya ba ang binata? Kaka-usapin ba niya ito? Ano naman ang pag-uusapan nila? Wala siyang na-isip na pwede nilang pag-usapan maliban na lang sa kaso ni Sapphire. Huminga ng malalim si Anna.     Hindi niya haharapin ang binata. Aalis naman siguro ito kapag hindi siya lalabas. Pumasok siya ng kanyang kwarto at humiga sa kanyang kama. Ipinikit ni Anna ang mga mata ngunit ilang minuto na siyang nakahiga pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Hindi maalis sa isipan niya ang lalaking nasa labas ng kanyang apartment. Inimulat ni Anna ang mga mata. Bumangon ito.     Huminga ng malalim si Anna. Tumayo ang dalaga at lumapit sa bintana. Sinulip niya kung nandoon pa rin ang lalaki. Napakurap ng ilang beses si Anna ng makita na nandoon pa rin si Alex. Naka-upo na ito sa hood ng kotse nito. Napakagat ng labi si Anna. Nagdadalawang-isip tuloy siya kung haharapin ba ang binata. Sa huli ay nanalo ang kunsensya niya. Kinuha niya ang balabal at lumabas ng kanyang apartment.     Nilapitan niya ang lalaki. Agad na bumaba ng hood si Alex ng makita siya.     “Anong kailangan mo?” tanong niya dito ng makalapit.     “Are you okay?” May pag-aalalang tanong nito.     Mas lumapit pa sa kanya ang lalaki. Hinawakan pa nito ang braso nya na siyang kinagulat niya. Sinuri nito kung may sugat ba siya kaya lalo siyang nagtaka. Pumiksi siya sa pagkakahawak dito at binigyan ito ng masamang tingin.     “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” May kahinaan ang boses na tanong niya.     Hindi naman masyadong malakas ang boses niya dahil takot siyang makabulalog ng tulog ng iba. Malalim na ang gabi kaya nga nagtataka siya kung bakit nandoon ang binata.     “I just want to make sure that you are you.”     “I’m fine. Ano bang pumasok sa isip mo at iniisip mo na may nangyaring masama sa akin?” mataray niyang tanong dito.     Nakita niyang natigilan si Alex sa tanong niya. Nag-iwas ito ng tingin. Tumaas lang ang kilay niya sa reaksyon nito. Pinagkrus niya ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib.     “Sabihin mo nga sa akin, Alex. Are you stalking me?”     Umiling ang binata. “No. Nagkataon lang na nakita kita kanina sa restaurant kasama si Carl.”     Siya naman ang natigilan. “K-kilala mo ang boyfriend ko?”     Tumungo si Alex. “Siya ang kaklase mo noong high school na gustong manligaw sa iyo. Naalala ko pa siya.”     Napasinghap si Anna dahil sa sinabi nito. Nagulat siya dahil naalala pa nito ang ganoong bagay. Ilang taon na ba ang lumipas. Twelve, Thirteen o fourteen years? Paano tumatak ang isang tulad ni Carl kay Alex?     “Carl is also known in business world. Hindi man siya kasing yaman ng pamilya ko pero kilala pa rin ang pamilya nito.” Dagdag paliwanag nito.     Tinaasan niya lang ng kilay ang binata. “Okay. Ngayong nakita mo na ako at nakitang maayos naman ay pwede ka ng umalis.” Tumalikod siya para umalis ng hawakan ni Alex ang braso niya.     Pumiksi siya at binigyan ito ng masamang tingin.     “You saw Brandon earlier, right?”     Napako si Anna sa kinatatayuan ng marinig ang tanong na iyon ni Alex.     “Y-you know him?” Bumilis ang t***k ng puso niya.     “Oo… Siya ang taong pumatay sa ama mo. Siya ang leader ng sindikatong gustong gumahasa sa iyo, anim na taon na ang nakakalipas.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD