MTT FIVE

3278 Words
INILAPAG NI ANNA ang isang basong tubig sa coffee table na nakasentro sa sala ng maliit niyang apartment. Naka-upo sa mahabang sofa si Alex at nakatingin sa kanya. Hindi sana niya papasukin ang binata sa kanyang apartment pero napaka-sensitibong bagay ang pag-uusapan nila. Umupo siya sa pang-isang sofa na nasa gilid lang ng binata.     “Mr. Kim, sabihin mo nga sa akin kung ano talaga ang nangyari nga gabing iyon.” She said with a demanding voice.     Tumingin sa kanya si Alex. Umayos ito ng upo at tumingin sa kanya. Hindi siya umiwas ng tingin dito. Nakikita niya sa mga mata nito na pinag-aaralan nito ang emosyon na meron siya. Nagsukatan sila ng tingin hanggang si Alex na ang sumuko. Huminga ito ng malalim.     “I can’t remember exactly what happen that night. Ang alam ko lang ay may tama kaming pareho ng ama mo at dahil sa hinahabol tayo ni Brandon kaya tayo nabangga sa isang malaking puno. Nailabas pa tayo ng ama mo bago iyong sumabog. Unfortunetely, Mang Emilio didn’t survive that night.” May nahimigan siyang lungkot sa boses ni Alex.     Napakuyom ang kamao ni Anna. “How did you know that it was Brandon Rosales?”     “I did negotiate with them that night. Binili kita sa kanila ng gabing iyon ngunit bago ko pa napirmahan ang check ay narinig ko ang ginawa nila kay Mang Emilio. The negotiation didn’t happen. May dumating din na tauhan ng isang hindi kilalang ahensya at nagkaroon ng habulan. Brandon followed us and you know what happen.”     Anna didn’t believe what Alex tell her. Parang may mali at kulang sa kwento nito. Kung baga sa kwento ay may loopholes. She is a lawyer and she know if there’s any information missing. Pinakatitigan niya si Alex. Nakatingin din ito sa kanya. Gusto niyang malaman kung nagsisinungaling ba ito o hindi. Ngumit wala siyang nakitang emosyon sa mata ni Alex.     “Stay away from Brandon Rosales, Anna. Masama siyang tao at gagawin niya ang lahat para makuha ka. Mapanganib at tu---”     “Alam ko. Hindi mo ako kailangan pagsabihan ng tungkol sa kanya, Alex. Kilala ko si Brandon. Alam ko din na siya ang tao sa likod ng nangyari sa akin anim na taon na ang nakakaraan.” Putol niya sa iba pa nitong sasabihin.     Nakita niyang natigilan ang lalaki. Tumayo si Anna at may nilapitang drawer. May kinuha siya doon folder, ibinaba niya ang folder sa harap nito. Nagtatakaman ay tinanggap iyon ng lalaki. Binuksan nito ang folder at binasa ang nilalaman. Bumalik siya sa pagkaka-upo at pinagmasdan ang reaksyon nito. Napansin niya ang paghigpin ng hawak nito sa folder.     “Why you showing this to me?” Tanong ni Alex sa kanya.     “I want you to testify for me. I want to file a case against Brandon Rosales. Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama ko. At dahil kasama ka namin ng gabing iyon ay alam kong matutulungan mo ako.” Sagot niya.     Huminga ng malalim si Alex. “I want to help you, Anna. Gusto ko din bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mang Emilio pero hindi ganoon kadaling kabangga ang grupo ni Brandon. Isa man ang pamilya ko sa pinakamayaman pamilya sa bansa, hindi nagkakahulugan noon na pwede ko ng kalabanin si Brandon. I’m sorry pero pipigilan kitang magsampa ng kaso kay Brandon. Hindi mo sila pwedeng kabanggain ng ganoon lang, Anna.”     Anna didn’t like what Alex said. Pakiramdam niya ay hindi ito lalaki sa sinabi nito. Napakuyom siya at pinagdikit ang labi. Akala pa naman niya ay matutulungan siya ng lalaking ito ngunit hindi pala. Itinuro niya ang pinto.     “Kung hindi mo ako matutulungan ay umalis ka na.” Galit niyang wika dito.     “Anna…” Tumayo na rin ang binata.     “Umalis ka na.”     Pumikit ng mariin si Joshua. “Alam kong gusto mong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mang Emi---”     “Umalis ka na!” Sigaw niya.     Gusto niyang umiyak. Bakit ba kasi isang tulad ni Alex ang kasama niya ng gabing iyon? Wala itong nagawa para bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama niya. Binayaran lang sila para manahimik. Hindi ba ito na isip ang sakit na ibinigay ng pagkawala ng ama niya. Ibinuwis ng ama ang buhay nito para lang ma-iligtas silang dalawa tapos ito ang gagawin nito.     Huminga ng malalim si Alex. Naglakad ito palapit sa kanya. Huminto ito sa harap niya at pinakatitigan ang kanyang mga mata. “I’m sorry. Sana ma-intindihan mo ang rason ko, Anna. Ayaw ko lang na mapahamak kayo ng pamilya mo. Hindi madaling ipakulong si Brandon. Wala tayong sapat na ebidensya laban sa kanya. Kung salita ko at salita mo lang ang panglaban natin, hindi iyon sasapat para makulong siya. Sana ma-intindihan mo ako.”     Pagkatapos nitong magsalita ay tuluyan nitong nilisan ang kanyang apartment. Nanginginig ang katawan na napa-upo si Anna. Unti-unting pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Iyong pag-asa niya na ma-ibigay ang hustisya na para sa ama ay biglang naglaho. Alam na niya kung sino ang taong pumatay sa ama niya pero hindi pa rin pala sapat ang lahat. Hindi din siya matutulungan ni Alex. Akala pa naman niya ay makakatulong ito ngunit hindi din pala.     NASA MANSYON NG SAAVADRA si Alex. Hindi niya matuon ang atensyon sa trabaho dahil sa pag-uusap nila ni Anna kagabi. Hindi mawaglit ang disappointment sa mukha nito para sa kanya. Dapat ay inaasahan na niya ang pabor na iyon mula sa dalaga ngunit hindi niya talaga kaya. Nasisigurado niya na mapapahamak lang si Anna at ang pamilya nito sa gagawin nito.     Huminga siya ng malalim. Sinabihan na niya ang dalaga patungkol kay Brandon pero matigas ang ulo nito. Nasisigurado niyang gagawa ito ng paraan. At kapag pinagpatuloy ni Anna ang gagawin, nasisigurado niyang hindi ito titigilan ni Brandon.     “May problema ka ba?”     Nagtaas siya ng tingin ng marinig ang tanong na iyon ng pinsan na si Cole. Umupo sa katabi niyang upuan ang pinsan at sumandal. Ganoon din ang ginawa niya. Pareho na silang nakatingin sa kisame. Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Hindi din niya sinagot ang tanong nito dahil halata naman sa mukha niya. At alam niyang may dinadala ding problema itong pinsan nya. Ilang minuto din sila ni Cole sa ganoong posisyon ng dumating ang isa pa niyang pinsan. Salubong ang kilay ni Kuya Timothy ng pagmasdan sila.     “Anong ginagawa niyo?” tanong nito.     Sabay nilang sinulyap ni Cole si Kuya Timothy. “Thinking about the solution to our problem.”     Narinig nila ang mahinang pagtawa ni Kuya Tim. Umupo ito sa pang-isahang sofa na katapat nila.     “Ano na naman bang problema niyong dalawa?”     Umayos siya ng upo at hinarap ang pinsan. “Kuya, anong gagawin mo kung nasa panganib ang babaeng mahal mo? Sinabihan mo ng tumigil sa gagawin niya pero ayaw makinig.”     “Ano bang gagawin ni Anna na mapanganib? May kaso ba siyang hinahawakan ngayon. Kung trabaho ang pinag-uusapan natin, sa tingin ko ay hindi mo siya pwedeng pigilan. Ang kailangan mo lang gawin ay siguraduhin ang kaligtasan niya.”     Umiling siya. “Hindi ito tungkol sa trabaho niya. Tungkol ito sa nangyari sa kanya noon. Gusto niya talagang bigyan ng hustisya ang nangyari sa ama niya pero mapanganib ang mga taong kakabanggain niya.”     Huminga ng malalim si Kuya Timothy. “Hindi mo siya mapipigilan talaga, Alex. Ama niya ang pinag-uusapan natin dito. At isa pa siyang abogado. Hindi ba at ang sabi ni LJ ay walang inaatrasan si Anna pagdating sa trabaho. Abogado na siya at natural sa kanya na hanapan ng hustisya ang nangyari sa ama. Kahit gaano pa ka mapanganib ang gagawin niya ay talagang ipaglalaban niya.”     “Kuya, hindi madaling kalaban si Brandon Rosales. Kilala mo naman kung anong klaseng tao siya. Kaya niyang pumatay sa isang sabi lang. Wala siyang pinipiling taong saktan. Natatakot ako sa kaligtasan ni Anna at ng pamilya niya. Nakita ko si Brandon kagabi. Sigurado akong nakilala niya si Anna. Kilala ko ang likaw ng bituka ng hayop na iyon.”     “Alex, alam namin kung gaano ka mapanganib si Brandon. Nangyari sa iyo ang nangyari anim na taon na ang nakakaraan ng dahil sa kanya. Kahit kami ay hindi nagustuhan ang ginawang solusyon ng magulang mo sa nangyari. Kung gusto mo talagang protektahan ang pamilya ni Anna humingi ka ng tulong kay Jacob. Sigurado akong matutulungan ka niya.”     “Matatapos lang ang problema mo kay Brandon kapag namatay na siya. Hindi lang dapat ang pagprotekta kay Anna ang dapat mong gawin. Kailangan mong gumawa ng paraan para mawala na sa mundong ito si Brandon. Isa siyang demonyo dito sa lupa at kailangan na mawala.” Nagsalita ang pinsan niyang si Cole.     Napatingin silang dalawa ni Kuya sa kay Cole. Maayos na itong naka-upo at seryuso ang mukhang nakatingin sa mesa. Kinuha nito ang basong nakapatong sa coffee table. Uminum ito at pinagmasdan sila.     “Hindi lang si Brandon ang dapat mong problemahin, Alex. Pati na rin ang lalaking kasama ni Anna ng gabing nakita natin sila. Carl is dangerous man. Alam mo kung anong klaseng tao siya. Dapat mong unahin si Carl na alisin sa buhay ni Anna.” Tumayo na si Cole at iniwan sila doon.     Tumingin siya kay Kuya Timothy. Kagaya niya ay nakasunod din ang mga tingin nito sa kapatid. Napansin nila na iba na naman ang galaw ng pinsan niya pero binaliwala na lang niya iyon. Humarap sa kanya si Kuya Timothy. Ngumiti ng maliit ang pinsan.     “Ka-usapin mo si Jacob patungkol sa proteksyon ni Anna. Iyon lang ang ma-ipapayo ko sa iyo, Alex. Akyat na ako.” Tumayo na din si Kuya Timothy at umakyat sa pangalawang palapag ng mansyon.     Na-iwan siya sa sala na nag-iisip kung tatawagan ba si Jacob para humingi ng tulong dito. Nasa paligid lang ni Anna ang mga masasamang tao. Ang isa ay sobrang lapit dito tapos ang isa ay nakita na ito at maari itong habulin. Ngayon nakita na ulit ni Brandon si Anna, nasisigurado niya na hahabulin na nito ang dalaga. Gagawa ito ng paraan para makuha si Anna.     Kinuha ni Alex ang phone niya sa bulsa. He about to dial Jacob’s number when LJ’s number poop up. Salubong ang kilay na sinagot niya ang tawag ng kaibigan.     “Hello.”     “I have bad news to you.” Bungad agad ng kaibigan.     “What is it?” Bumilis ang t***k ng puso niya. Naging alerto din siya.     “Anna accepts a case regarding about rape and drugs. Upon checking on my research team, the case is connected to Brandon group.”     Napatayo siya ng marinig ang sinabi ng kaibigan. “What?”     “Nagulat din ako. Hindi dumaan sa akin ang kaso na ito. Sa tingin ko ay direct referral case ang kaso na ito. My research team gives me the information after they found out.” Kahit si LJ ay hindi din maitago ang pag-aalala.     “Alam na ba ito ni Anna?” Napahawak siya sa sariling buhok.     “Hindi pa na ibigay ng research team ang report. I hold it for now. Kaka-usapin ko si Anna regarding sa case na ito. She needs to drop it and give to Attorney Martin.”     “Anna won’t drop that case and give it to Attorney Martin. Kapag sinabi mo sa kanya na konektado ang kaso kay Brandon, sigurado akong hahawakan niya ang kasong iyan. You know Anna have a past with Brandon.”     “Alam ko kaya dapat niyang bitiwan ang kaso. Hindi nakakabuti na siya ang humawak nito.”     Nagdikit ang kanyang mga labi. Nais niyang magmura ng mga sandaling iyon. Gusto niyang umiwas ang dalaga kay Brandon pero heto ang may lumalapit. Sino ba kasi ang nag-refer ng kasong iyon sa dalaga? Mapapahamak si Anna sa gagawin nito. Brandon can easily track her down. Madadamay din ang pamilya nito na nasa probinsya at may tahimik na buhay. He is stress because of this.     “Alex, I’m still Anna’s boss. Ako ang masusunod sa mga kasong hahawakan nila. Let me handle this one. I just want to inform you.”     Huminga siya ng malalim. “Do everything, Lj. Please! Nakita na ni Brandon si Anna kagabi at maari na niyang pamatyagan si Anna sa tauhan niya. Hindi na safe si Anna at kailangan na niya ng bantay. Mas lalo siyang mapapahamak kapag hinawakan niya pa ang kasong iyan.”     “I understand. Tatawagan ko si Patrick para kuhaan ng bodyguard si Anna.”     “I’m also about to call Jacob but that well do. Thank you.” Nakahinga siya ng maluwag. Mas malapit si LJ sa may-ari ng ahensya na pinagtatrabahuhan ni Jacob.     “Don’t thank me. I’m doing this not for you. I’m doing this for Anna.”     Na-inis siya sa sinabi ng kaibigan. “Lj, alam kung mahal mo ang kasintahan mo sa Australia pero wag na wag mong bigyan ng pag-aalala mo si Anna. Ako lang ang may karapatan sa kanya.”     Ilang sandaling tumahimik si Lj hanggang sa narinig niya ang malakas nitong pagtawa. “Alex, kung maka-angkin ka akala mo ay nobyo ka ni Anna. Tandaan mo, ang hayop na Carl ang nobyo ngayon ni Anna. Wala kang karapatan na umasta ng ganyan.”     Nang marinig niya ang pangalan ni Carl ang humigpit ang pagkakahawak niya sa phone niya. Hindi siya natutuwang marinig iyon. Alam naman niya na wala siyang karapatan kay Anna dahil may nobyo ito. Pero hindi niya mapigilan ang nararamdaman. He is possessive and selfish when it comes to the woman he loves.     “She will be mine soon, Lj,” aniya.     “Good luck then. Anna is very loyal to Carl. Nasaksihan ko iyon.”     Hindi na siya nagpaalam pa sa kaibigan. Mas mabuti ng babaan niya ito ng tawag kaysa sigawan o murahin. Alam niyang inaasar lang siya ni LJ pero may katutuhanan kasi ang sinabi nito. Si Carl ang unang kasintahan ni Anna at alam niyang tapat ang dalaga dito. Kung hindi lang talaga nakiki-alam ang magulang niya sa mga desisyon niya ay matagal na niyang hinabol si Anna. May kakayahan ang magulang niyang pahirapan si Anna at ang pamilya nito.     Noong panahon na nililigawan ni Carl si Anna ay wala pa siyang sapat na kapangyarihan na labanan ang magulang niya. Hindi pa siya ang may-ari ng Kingstate. Hindi pa siya ang CEO ng kumpanya. Kaya naging sinud-sunuran na lang siya sa mga ito pero ngayon na siya na ang CEO at kalahati ng Kingstate ay pagmamay-ari niya. Sapat na iyong rason para lumaban siya sa mga ito.     “Alex, may problema ba?”     Napatingin si Alex sa kaliwang bahagi niya. Nagulat pa siya ng makita si Tita Ivy na nakatayo di kalayuan sa kanya. Ngumiti siya sa matandang Saavadra. Tita Ivy still looks beautiful. Para itong hindi tumanda.     “Wala po ito. Himala po at nandito po kayo.” Lumapit siya at humalik sa pisngi nito.     “I’m here to do some business. Napadalaw ka yata ngayon sa mansyon.”     Hinawakan ni Tita Ivy ang kanyang braso at giniya papunta sa sofa para umupo. Inalalayan niyang maka-upo ang ina ng pinsan.     “May pinag-usapan lang po kami ni Cole tungkol sa negosyo. Uuwi din po ako sa condo ko.”     “Uuwi ka pa ng ganitong oras.”     Napatingin siya sa suot na relo. It’s already ten o’clock in the evening. Late na pala. Hindi niya namalayan ang oras.     “Then I sleep on my room.” Ngumiti siya sa babaeng tinuring niyang pangalawang ina.     Hinawakan ni Tita Ivy ang kamay niya at pinisil. “Mas mabuti nga na dito na muna matulog. May gusto din kasi akong tanungin sa iyo.”     “Ano po iyon?”     “Kamusta si Sapphire? Makakalakad na ba siya?” May pag-aalalang tanong ni Tita.     Ngumiti siya dito. “Fire is doing good, Tita. Iyong last session niya sa therapist ay maayos naman. Ayon sa doktor niya ay makakalakad din si Sapphire. Maybe next month if her improvement will continue.”     Lumiwanag ang mukha ni Tita sa narinig. Naging malapit din si Sapphire sa kay Tita Ivy. Ito kasi ang na-abutan nitong kasintahan niya. Nang malaman nito ang ginawa niya kay Sapphire ay nagalit sa kanyang ang butihing ginang. Pinarusahan din siya nito. He was ban to enter the farm in two months. Ang sabi nito ay kailangan niyang mag-reflect sa ginawang pagkakamali. Nagpapasalamat siya na hindi nito alam na niluko niya si Sapphire sa pangalawang pagkakataon. Kapag naman nito ang ginawa niya ay siguradong paparusahan siya nito.     Tita Ivy is very sweet person but scary if she gets mad. Ilang beses na ba nilang nasaksihan itong magalit. Wala itong pinapalampas. Kagaya na lang sa nangyari kay Kuya Timothy. Lumubog at hindi na makakabalik sa showbiz ang dating kaibigan at kasintahan ni Kuya. Maliban doon ay may kaso panghinaharap ang mga ito. Lahat iyon ay kagagawan nila na may tulong ni Tita.     “That’s good to hear. Dapat na siyang makalakad para tuluyan siyang makalaban sa Tita at pinsan niya. Iyong kasong isinampa niya sa relatives niya, kamusta naman?”     “Sa ngayon ay humahagilap muna ng ebidensya ang research team ni LJ. Hindi pa kasi sapat ang ebidensya na hawak namin para tuluyan silang masampahan ng kaso.” Sumandal siya sa sofa.     “Kailangan niyo ba ng tulong ko?”     Ngumiti siya at pinisil ang kamay nito. “No need, Tita. Lj’s team can handle.”     May tiwala siya kay Lj na makukuha ng mga ito ang ebidensya na kailangan nila para sa kaso. Kaya nga magpakasaya muna ang Tita ni Sapphire dahil kapag nakuha talaga nila ang ebidensya ay sisiguraduhin niya namabubulok ang mga ito sa kulungan.     “Okay. Pero sabihan mo ako kapag kailangan niyo na talaga ng tulong. I can lead some hand. You know how I work.”     Ngumiti siya. Mas maraming koneksyon si Tita Ivy dahil na rin sa antas nito sa buhay. Mukha lang mahina si Tita pero matapang at nakakatakot ito. Kaya nga takot silang galitin ang ina ng pinsan. Tita Ivy can easily punish them if she wants too. Nang ito ang humawak ng Redwave ay talagang walang gusto kumabangga dito. Alam niyang dito nakuha ni Cole ang uli nito. They may be gentle to the people they care but not to the people who hurt their belove.     Pagkatapos makipag-usap kay Tita Ivy ay sabay silang umakyat sa second floor. Deritso siya sa kwarto niya na nandoon. Tita Ivy give him and Ashey thier own room. Kapag gusto nilang matulog sa mansyon ay may sarili silang kwarto. Tita Ivy make sure that they feel at home when they are there. Para nga silang anak nito.     Bago matulog ay nagpadala siya ng mensahe kay Anna. Alam niyang hindi nito sasagutin ang text niya kaya hindi na niya hinintay pa. Determinado siyang agawin si Anna kay Carl. Dumaan man siya sa butas ng karayom ay ayos lang. Gagawin niya ang lahat maging kanya lang ito. He is Alexander Cortez-Kim and what he wants, he gets. Kapag gusto niya ang isang bagay ay gagawin niya ang lahat makuha lang iyon. At isa si Anna sa nais niyang makuha.     ‘You are mine. Para ka sa akin, Anna. I only love once and I’m not planning to let you go. Hindi isang tulad ni Carl ang magiging dahilan para hindi ka maging akin.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD