KAKAGALING lang ni Anna mula sa isang meeting ng may humarang sa kanyang kotse. Pabalik na siya ng opisina. Biglang naging alerto ang dalaga. Kinuha niya ang dalang baril sa bag. She has license to carry a gun. Nang pumasok siya sa DL Law Firm ay nag-train siyang humawak ng baril at martial arts para maprotektahan ang sarili. She is not afraid of gun but she is afraid if someone pointed it to her. Hindi niya alam kung bakit natatakot siya pero madalas siyang nagkakaroon ng panic attack kapag may nakatutok sa kanyang baril.
Hindi bumaba ng kanyang kotse si Anna. Hinintay niyang bumaba kung sinuman ang sakay ng kotseng nasa harapan. Nakita niyang may dalawang lumabas na lalaki. Parehong nakasuot ng itim na damit. Humigpit ang pagkakahawak ni Anna sa baril. Nasa isang maliit na eskinita at walang masyadong dumadaan doon na sasakyan. May mga bahay at tao naman pero walang paki-alam ang mga ito sa nangyayari.
Na-iwan ang isang lalaki na nakatayo sa gilid ng kotse. Nakikita niya ang mukha nito pero hindi ang kasama nito na palapit sa kanya. The guy walking towards her is tall. He is wearing black rip pants, white rubber shoes and black hoody jacket. Nakalagay ang dalawang kamay ng lalaki sa bulsa ng pantalon nito. May suot na face mask ang lalaki kaya nga mata na lang nito ang nakikita niya ng tumayo ito sa driver door ng kanyang kotse. Pinakatitigan ni Anna ang lalaki.
Nagpapasalamat siya at tinted ang kotse niya kaya hindi nito makikita ang loob ng kanyang kotse. Tinutok ni Anna ang baril sa lalaki. Kung pipilitin nitong buksan ang kotse ay hindi siya magdadalawang-isip na papatukan ito. It will come out as self defense. Kinatakot ng lalaki ang salamin ng kotse pero nanatili siya sa loob. Wala siyang balak na pagbuksan ito.
Mukhang alam nito na wala siyang balak na gumalaw kaya may kinuha ito sa bulsa ng pantalon. Bumilis ang t***k ng kanyang puso sa pag-aakalang baril din ang kinuha nito. Nagtagpo ang kilay niya ng makitang phone iyon. Lalong nagtaka si Anna ng tumunog ang phone niya. Hinagilap niya iyon sa bag. Nabasa niya ang pangalan ni Alex. Nagdadalawang-isip man ay sinagot niya ang tawag nito.
“Hello.” Pormal niyang tanong sa lalaki.
“Open the door of your car. It’s me,” anito.
Napatingin siya sa lalaking nakatayo sa labas ng kotse niya. Nakatakip pa rin ang mukha nito pero nakatingin ito sa kanya. Nanlalaki ang mga matang pinakatitigan niya ito.
“What do you mean?” tanong niya.
“It’s me, Anna. I’m here to fetch you.” Napansin niya ang pagbuka ng labi ng lalaki. Katugma iyon sa sinabi ni Alex sa kabilang linya.
Kung ganoon ay ito nga ang lalaki sa labas. “Fetch me? Anong kailangan mo? Saan tayo pupunta?”
Narinig niyang tumawa ng mahina si Alex. Tumingin ito sa kanya. Kahit na may takip ang mukha nito ay nakikita pa rin ang mga mata ng lalaki at hindi makaka-ila ang ningning ng mga mata nito.
“Gusto kitang yayain kumain sa labas.” Sagot nito.
Nagdikit ang mga labi ni Anna. All of this just to ask her to eat with him. Is it too much?
“No thanks. I have a lot of thing to do. Move your car.” Hindi niya itinago ang galit para sa lalaki.
Wala ba itong magawa sa buhay kaya siya ang pinipirwisyo. Hindi na nito nakuha na ayaw niyang maka-usap ang binata o makipagmabutihan dito. Hindi niya ginagantihan ang pinapadala nitong mensahe. Wala siyang nakikitang rason para makipag-usap dito. Kung ang tungkol naman sa kaso ni Sapphire ay hindi ito ang dapat niyang ka-usapin. He maybe the guardian of Sapphire but still the woman is her client.
“I won’t until you said yes to my offer.”
“Mr. Kim, I don’t have a time to play with you. I have a lot of case to read and done. Get out of my way.” Hindi na niya hinintay ang pagsagot nito. Pinatay na niya ang tawag.
Inilagay niya ang phone sa bag. Mina-ubra niya ang kotse. Umatras siya at mukhang hindi iyon pinaghandanan ng binata dahil hindi siya nito napigilan. Pagka-atras siya ay mabilis niyang pinatakbo ang kotse palampas sa mga ito. She takes over to Alex’s car and leave him eating the dust. Wala siyang paki-alam kung magalit ito. She doesn’t need to associate or get close to him.
Hindi na sila kagaya ng dati. Tapos na ang kabanata ni Alex sa buhay niya. Natapos iyon ng gabing tinanggihan nitong tulungan siyang mahanap ang katarungan sa pagkamatay ng ama niya. Mabilis na nakarating si Anna sa building ng DL Law Firm. Iisa lang ang building ng DL Incorporation at DL Law Firm. Tatlong palapag ng building ang ukupado ng mga staff ng DL Law Firm. May ibang maliliit na kompanyang umuupa doon. Nasa top floor naman ang opisina ng DL Incorporation.
Nang maayos na maiparada ni Anna ang kotse ay lumabas siya dala ang hand bag at ang suit case. Malapit na siya sa pinto ng may humawak sa kamay niya. Naging mabilis ang reflect niya. Ginamit niya ang isang paa para sipain ang pangahas ngunit na harangan agad nito ang paa niya. Ngunit dahil sa ginawa niya ay nabitiwan nito ang kanyang kamay. Galit niyang hinarap ang mapangahas na nilalang.
Napa-atras si Anna ng makita si Alex na nakatayo di kalayuan sa kanya. “Alex…”
“Hi, Anna.” Itinaas nito ang isang kamay.
“Sinundan mo ako dito?”
Ngumiti ang binata. “Yap. I won’t stop until you said yes. Have a dinner with me, Ms. Cordero.”
Nagtaas-baba ang dibdib ni Anna. Kinabahan at natakot siya sa ginawa ng binata. Nag-iisip ba talaga ito. Alam naman nito ang pinagdaanan niya pero nagawa pa talaga nitong gawin ang bagay na iyon sa kanya. Sinamaan niya ng tingin ang binata bago ito tinalikuran. Nakaka-isang habang palang si Anna ng tumarang sa kanya si Alex. May naglalarong ngiti sa labi nito na nais burahin ni Anna.
“Anna, please! I want to eat dinner with you and have a little conversation.”
“I don’t want to talk to you. Wala din akong na isip na bagay na dapat natin pag-usapan.” Tinulak niya ang binata para umalis sa dinaraan niya.
But Alex is persistence. He follows her until they reach the elevator door. Anna push the up bottom. Hind niya pinansin ang binatang tumayo sa tabi niya.
“There’s a lot of thing we can talk about. Like what been you doing this past few years. We didn’t see each other for six years. I want to know what happen to you and your family. You know, for old time sha---”
Upon hearing what he said, Anna look at Alex. Tinitigan niya ng masama ang binata. “What happen to my family for six years? Should you know what happen to us. After all, your family is the reason why we didn’t seek for my father’s justice.”
“Anna, I told you. I can’t just fi---”
“Your parents paid us to stay away from you and your family. Binayaran niya sina Inay at Ate para tumahimik. Sinabi nila sa amin na sila na ang gagawa ng paraan para sa kay Itay pero nagulat na lang ako ng malaman ko na pinalabas nilang na aksedente tayong tatlo. Everything was an accident but not on my eyes. Kahit wala akong masyadong maalala ng gabing iyon, alam ko na kailangan ng ama ko ng hustisya. Wala kayong magawa? Makapangyarihan kayo, Mr. Kim. Isa kayo sa pinakamayaman na pamilya sa bansa pero hindi niya kayang kalabanin ang isang tulad ni Brandon Rosales.” Tumawa siya ng mahina.
“Don’t make me believe your lie. Alam ko naman kung ano talaga ang rason ng pananahimik niyo. Bakit ba ako umasa sa isang tulad niyo na tutulong sa isang tulad namin? Importante sa inyo ang iniingatan niyong pangalan. Isa nga naman kasiraan kapag na involve ang nag-iisang anak ng mga Kim sa isang askidente na may kinalaman sa rape-drugs. You are nothing…” Tinuro niya ang dibdib ni Alex. “…but a coward. I regret that I meet you and your family.”
Pagkatapos sabihin iyon ay tinalikuran niya ang binata at mabilis na umakyat ng hagdan. Iniwan niya doon ang lalaki na nakatayo at puno ng sakit ang mga mata. Nababasa niya sa mga mata nito ang pagsisisi at sakit. Anna doesn’t care about what he feeling right now. Tama lang na sabihin niya iyon dito. Tama lang na malaman nito kung gaano niya kinamumuhian ang isang tulad ni Alex. She is grateful that she saves her but it doesn’t mean that she can’t hate him for what he did. Nagtago lang ito habang ang mga magulang nito ay tinakpan ang mga nangyari.
She hates him. She gives him a chance now but he still refuses to help her. Dapat lang na magalit siya sa binata pagkatapos ng ginawa nito. He is nothing but a guy who hide to his parents. Hindi isang tulad nito ang pag-aaksayahan niya ng oras.
ALEX LOOK at the glass of wine he is drinking. Gusto niyang magpakalasing at kalimutan ang nangyari kanina sa opisina ni Anna.
‘She hates me,’ aniya sa isipan.
Nararamdaman pa niya ng mga sandaling iyon ang galit nito. Ang mga mata nitong puno ng puot na nakatingin sa kanya. Alam niyang may pagkakamali siya pero may magagawa ba siya ng mga sandaling iyon. Lahat ng nangyari noon ay hindi niya ginusto. Kung may magagawa lang siya noon ay ginawa na sana niya. Gusto niya din bigyan ng katarungan ang pagkamatay ng ama ni Anna pero wala siyang magawa.
Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Ininum niya ang wine na hawak. He wanted to drink hard but he is afraid that Tita Ivy will scroll him. Nasa mansyon siya ngayon ng mga Saavadra. Mas gusto niya uminum doon kaysa sa kung saang bar.
“May problema ka na naman ba?” Ang tanong ng pinsan niyang iyon ang nagpatigil sa kanya.
Napatingin siya sa lalaking umupo sa stoll. Cole is seating next to him. May hawak itong isang baso at isang bote ng vodka. Ngumiti siya dahil mukhang sasabayan siya ng pinsan sa paglalasing.
“I hate my life.” Sagot niya sa tanong nito.
“You said that for many times,” anito at uminum ng alak.
“I hate it more now.”
Malakas na inilapag ni Cole ang basong hawak. Lumikha iyon ng ingay. Napatingin siya sa baso nito. Wala na iyong laman pero hindi naman iyon nabasag sa ginawa ng pinsan. Isang malalim na paghinga ang ginawa ng pinsan. Muli itong nagsalin ng alak sa baso.
“You are not the only one who hates our life right now. I hate my life and myself.”
Pinakatitigan niya ang pinsan. “We are really cousin. Bakit ba sa tuwing gusto kong gawin ang gusto ko ay may pumipigil? Alam ko naman na hindi madaling bumalik sa buhay niya at ayaw kung buksan ang sakit ng kahapon pero hindi ko pa rin ma-iwasan. I want her to be happy but I hurt her.”
“You are pursuing her. Of course, the past will be brought up. Hindi mo iyon ma-iiwasan, Alex. Akala ko ba ay inihanda mo na ang sarili mo sa mangyayari. Why you suddenly become like this?” Hinarap siya ng pinsan ang pinakatitigan.
“I know. Pero masakit pa rin makita ang galit sa mga mata nito. Alam ko naman na may kasalanan ako. Nagdusa ang pamilya niya ng dahil sa kagagawan ng pamilya ko. Kaya nga hindi ko siya binalikan kahit ng makalakad na ako. I tried to love Sapphire again. Sinubukan kong bumalik sa dati pero hindi na pala talaga pwede. I fall hard to Anna. Siya na talaga ang nagmamay-ari ng puso ko.” Kinuha niya ang bote ng wine at ininum iyon.
Humagod ang alak sa lalamunan niya. He doesn’t care about the taste and the fire that burning in his throat. He wanted to forget the hatred face of the woman he loves. Sinasakal ang puso niya. Ilang beses niyang sinubukan na kalimutan si Anna ngunit sa tuwina ay bumabalik lang siya dito. Walang araw na hindi niya ito pinupuntahan sa tinutuluyan nito para silipin. He wanted to go near to her. Tell her how much he cares for her but in the end, he is afraid. Tama nga ang sinabi nito kanina. He is a coward.
Kukuha pa sana siya ng isang wine ng hawakan siya ni Cole sa braso. “Stop it, Alex. Kahit anong gawin mong pagkalunod sa alak hindi noon mababago ang katutuhanan na galit sa iyo si Anna. Hindi din noon mababago ang nakaraan niyo.”
Hinila niya ang kamay na hawak ng pinsan at kinuha ang isa pang wine. “Alam ko iyon pero gusto ko lang makalimutan ang mukha niya kanina. Kahit ngayong gabi lang, Cole.”
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Cole. “Why don’t you tell her what happen to you? Sabihin mo sa kanya kung bakit hindi ka agad nakagawa ng paraan noon.”
Umiling siya. “Para saan pa? Hindi naman kailangan malaman ni Anna ang nangyari sa akin noon. Kailangan ko lang ngayon mag-ipon ulit ng lakas ng loob para habulin siya. Hindi na ako susuko ngayon. Gagawin ko ang lahat maging akin lang siya pero hindi ko sasabihin sa kanya ang nakaraan ko. I want her to love me for who I am, not because she pities mo. I want her heart, Cole. I want her whole heart.”
Huminga ng malalim si Cole. “You need to move fast them. Kapag nalaman ni Tita at Tito ang ginagawa mo ngayon. Nasisigurado akong gagawa na naman sila ng paraan para ma-ilayo sa iyo si Anna. Lakasan mo pa ang loob mo.”
Tumungo siya sa pinsan. Kapag nalaman ng magulang niya ang paghabol na ginagawa niya kay Anna ngayon ay nasisigurado niyang tutulan na naman ng mga ito. Kaya niyang kalabanin ang mga ito pero hindi ang pamilya ni Anna. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa bote. Napakahirap hanapin ang kasayahan na gusto niya. Kailangan niyang magpakatatag ngayon.
ANNA is scrolling the mall. It’s Sunday. Day-off niya sa trabaho kaya naman na-isipan niyang pumunta sa mall para bumili ng ilang kailangan niya sa bahay. Balak niya din mamili ng kailangan niya sa pagluluto mamaya. Ilang linggo na siyang hindi nakapagluto ng pagkain niya dahil sa rami ng kasong hawak. Nasa meat section si Anna ng mapansin ang isang babae na bumibili din kagaya niya.
Pamilyar sa kanya ang babae kaya pinakatitigan niya iyon. May isang lalaking lumapit dito at inakbayan ang babae. Nagsalubong ang kilay ni Anna dahil pamilyar din sa kanya ang lalaki. Humakbang si Anna para makalapit sa mga ito.
“Excuse me.” Agaw niya sa atensyon ng mga ito.
Sabay na humarap sa kanya ang dalawa. Napasinghap si Anna ng makita ang mukha ng babae. Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Anna ng makabawi.
“Angel…” Na-iiyak niyang banggit sa pangalan ng babae.
“A-Anna?”
Tumungo siya. Lumiwanag ang mukha ni Angel at patakbong sinugod siya ng yakap. Nabitiwan ni Anna ang hawak na basket at gumanti ng mahigpit na yakap sa dating kaibigan. After six years, they finally saw each other again. Pagkatapos ng gabi ng bangungot ay hindi na sila nagkita pang muli ni Angel. Wala siyang naging balita dito.
Unang kumalas si Angel sa pagkakayakap. Hinawakan ni Angel ang magkabilang braso niya at hinagod siya mula ulo hanggang paa. Nasa mga mata nito ang pagkamangha.
“It’s really you, Anna. You change a lot,” anito sa hindi makapaniwalang boses.
Ngumiti siya sa sinabi ng kaibigan. “I know. Ikaw din. Muntik na kitang hindi makilala. Kamusta ka na?”
Ngumiti si Angel. Pinitiwan nito ang kanyang braso. “I’m doing good.”
Natigilan sila ni Angel ng may lalaking naglagay ng braso sa balikat nito. Sabay silang napatingin sa lalaki. Napangiti siya ng makilala ang umakbay sa kaibigan. Ang heartthrob ng university ay nakatingin sa kanila ngayon. May ngiti sa labi nito.
“Hi. You are Angel’s friend?” tanong ng lalaki.
“Sancho, I want you to meet my dorm friend, Anna Cordero. Anna, this man standing next to me is my naughty husband, James Sancho Lim.” Pakilala ni Anna sa lalaking katabi.
Nanlaki ang mga mata ni Anna sa narinig. Akala niya ay kasintahan lang ng kaibigan ang lalaki. Hindi kasi ang tipo ni Angel ang agad na nag-aasawa. Iyong alam niyang trabaho ang una nitong uunahin. Anna doesn’t expect Angel to be married in a young age. At lalong hindi niya inaasahan na ang magiging asawa nito ay si James Sancho Lim. Sikat ito sa school nila noon kahit na patapos na ito.
“Nice to meet you, Anna.” Inilahad ng lalaki ang kamay nito.
Tinanggap nito iyon pero hindi pa tumatagal ng may kamay na pumutol doon at inilayo ang kamay niya dito. Nanlalaki ang mga mata na tumingin siya sa lalaki. Mabilis niyang na binawi ang kamay nahawak nito.
“Alex, what are you doing here?” tanong ni Sancho sa lalaking bagong dating.
Hinarap ni Alex ang lalaki. “Hi, Sancho. It’s good to see again. You are with your wife.”
Sinulyapan ni Sancho ang katabi nitong si Angel. “Yes. We buy supplies for our home. How about you? What are you doing here?”
Ngumiti si Alex at tumingin sa kanya. Nagulat siya ng bigla siya nitong inakbayan. “I’m here to ask Anna to eat with me. Pero dahil nandito kayo. Sabay na tayong kumain. Hindi naman sigurado kayo nagmamadali.”
Gusto tumutol ni Anna pero mahigpit siyang hinawakan sa balikat ng lalaki. Sinamaan na lang niya ng tingin si Alex. Pinilit niya din tanggalin ang braso nito sa balikat niya pero malakas ang binata. Gusto niya din singhalan ito pero ayaw niyang may masabi ang kaibigan. Lalo na at ngayon lang ulit sila nagkita.
“Why not? Nagugutom na din naman kami ng asawa ko.” Pagsang-ayon ni Sancho.
“Ahmm…” T
atanggi na sana siya ng lumapit sa kanya si Angel at hinawakan ang braso niya.
“Let’s go, Anna. Gusto kong makipagkwentuhan sa iyo. Marami akong ikwekwento sa iyo.” Kinuha ni Anna ang basket niya. “Hubs, ikaw na ang magtulak ng cart natin.”
Hinila na siya ni Angel pagkatapos sabihan ang asawa nito. Sumunod siya sa kaibigan. Mas mabuti na iyong sumunod siya sa kaibigan para makaka-iwas kay Alex. Hindi na rin siguro masama ang lunch date nilang iyon. Kasama din naman nila ang mag-asawa. Susubukan na lang niyang iwasan mamaya si Alex ng hindi nahahalata ng mga kasama nila.
Hindi nga talaga siguro niya ma-iiwasan ang lalaki. Lumingon siya sa likuran. Nakasunod ang mga ito sa kanila pero seryuso ang mga itong nag-uusap. Mukhang matagal ng magkakilala ang mga ito basi na rin sa titigan ng dalawa.