MTT SEVEN

3386 Words
THEY ARE in Korean Restaurant. Iyon ang napiling restaurant ni Angel. Sinang-ayunan nila iyon dahil pareho pala silang apat na mahilig sa Korean food. Alam niyang mahilig si Alex doon dahil Korean ito. Noong nasa mansyon pa siya ng mga Kim ay madalas niyang nakikita sa refrigerator ng mga Kim ang pagkain ng mga Korean. Koreano ang ama ni Alex at nakapag-asawa lang ng pinay. Parehong galing sa mayamang pamilya ang magulang ng binata. Katabi ni Anna sa upuan si Alex habang katapat nila ang mag-asawang Lim. Angel is very attentive to Sancho. Hindi makaka-ila ang pagmamahal sa pagitan ng dalawa. They like a new wed couple. Napangiti si Anna habang tinitingnan ang kaibigan. Nagugulat siya sa kinikilos nito. Ibang-iba kasi ang galaw nito. Ang kilala niya kasing Angel ay hindi pinapansin ang kahit na sinong lalaki. Libro ang madalas na inaasikaso ni Angel. She’s very passionate with her studies. “Angel…” tawag niya sa kaibigan. Nagtaas si Angel ng tingin. Binigyan siya nito ng nagtatanong na tingin. “Paano pala naging kayo nitong si Sancho? Kung hindi mo sasamain.” She wants to feed her curiosity. Ngumiti si Angel. “Secretary ako ng Daddy niya. Nang siya ang humawak ng kompanya ay naging sekretarya niya ako. And the rest is history.” “Ahhh…” Tumungo siya. “Why, Ms. Anna? Nakakagulat ba na ako ang naging asawa ni Angel.” Napatingin siya kay Sancho. Seryuso ang mukha nito ng mga sandaling iyon. Ngumiti siya sa asawa ng kaibigan. “My question is not so harmful, Mr. Lim. Nagtataka lang ako. Kilala ko kasi itong si Angel. Libro lang ay masaya na siya. Hindi din siya namamansin ng lalaki noon pero kapag libro ka, baka.” Nakita niyang tumaas ang kilay ng lalaki.  “I know. Kilalang-kilala ko naman itong asawa ko. If I didn’t make her pregnant, she won’t be mine.” “Sancho!” May pagbabanta ang boses ni Angel na banggit sa pangalan ng asawa. “Pregnant?!” Nanlaki ang mga mata niya na pinaglipat ang tingin sa mag-asawang nasa harapan. Anong sinasabi ni Sancho na nabuntis nito si Angel? May dapat ba siyang malaman tungkol sa dalawa. Mukhang napansin ni Angel ang pagtataka sa mukha niya kaya hinampas nito sa braso ang asawa. “Bago tayo tuluyang magtapos noon ay nabuntis ako ni Sancho. Apat na taon na ang anak namin lalaki ngayon. Ang lalaking anak namin ang dahilan kung bakit hindi na tayo nagkita pagkatapos ng gabing iyon.” Muling sinamaan ni Angel ng tingin ang asawa nito. “So, you are also there that night?” Tatlong pares na mga mata ang napatingin kay Alex ng magtanong ito. Nakatingin si Alex kay Sancho. Seryuso ang mukha nito at may pagbabanta ang mga mata. Tumungo si Sancho bilang sagot sa tanong ni Alex. “I save Angel that night but the consequences of my action got her pregnant. My father knows what happen that night and he helps Angel while I’m in the U.S to stay away from what happened.” Nakita niya ang paghigpit na paghawak ni Alex sa chopstick. Napansin din niya ang pagdilim ng mukha nito. Bago pa siya makapag-isip ay hinawakan niya ang braso ng binata. Agad naman niyang na-agaw ang pansin nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Lumambot ang mukha nito at napalitan ng pag-alala. Inalis niya ang kamay na nakahawak dito at ibinalik ang atensyon sa pagkain. Tumikhim ang mag-asawang Lim kaya napatingin siya sa mga ito. “Anna, pwede bang ako naman ang magtanong sa iyo?” “Ya. Ano ba iyong itatanong mo?” “What happen to you? Sinubukan kong humagilap ng impormation patungkol sa iyo pero wala akong nakuha. Nabasa ko ang pangalan mo sa isang pahayagan pero hindi ko kasi alam kung ikaw ba talaga iyon.” Ma-ingat ang bawat bigkas ni Angel sa mga salita nito. Napakagat ng labi si Anna. “My father died the night we went out to celebrate our graduation. Hindi na ako nakarating sa graduation day dahil na ospital ako. Ilang linggo din akong nakahiga sa hospital bed. Pagkatapos noon ay bumalik ako sa pag-aaral. Pinagpatuloy ko ang pangarap kong maging lawyer.” Sagot niya. “Kung ganoon ay sa iyo ang nabasa kong pangalan. Isa ka ng lawyer ngayon?” Tumungo siya bilang sagot sa tanong nito. Sinulyapan niya si Alex. Nakatingin din pala ito sa kanya. Iniwas niya agad ang mga mata sa binata. “Wow! Talaga palang tinupad mo ang pangarap mo. I’m very happy for you, Anna.” Tumingin si Angel kay Alex. “Paano pala kayo nagkakilala nitong si Alex?” “He is my former boss. Hindi ba nabanggit ko sa iyo na dati akong katulong sa isang mayamang pamilya,” aniya. Hindi niya kayang banggitin kay Angel ang nangyari sa kanya noon. Hindi niya alam ang nangyari kay Angel ng gabing iyon pero kung pagbabasihan ay kasama nito si Sancho ng gabing iyon. Kung ganoon ay hindi napunta si Angel sa kamay ng mga sindikato. Nagpapasalamat na din siya. “Buti hindi naputol ang relasyon niyo dalawa. Kilala pa naman ang pamilya nitong si Alex bilang isang mata-pobre,” wika ni Sancho. Narinig niyang tumawa ng mahina si Alex. “Alam mo naman sina Mommy at Daddy. Hindi na magbabago ang mga iyon.” Malungkot niyang tiningnan si Alex. Mukha naman hindi ito na offend sa sinabi ni Sancho. Sinang-ayunan pa nito ang sinabi ng kaharap nila. Tama nga ang hinala niya, magkakilala nga ang dalawa. The way they talk and look at each other, they definitely know each other. “Let’s talk about business, Sancho.” Pag-iiba ni Alex ng usapan. “Nope. You two won’t talk about it in front of me. It’s Sunday and no information about work should talk.” Mariin na sabi ni Angel. Napangiti siya ng parehong natigilan ang dalawang lalaki. Napansin din niya ang pamumutla ni Sancho. Mukhang takot sa asawa nito si Sancho. Ngayon ay panatag siya dahil alam niyang mahal ni Sancho ang kaibigan niya. Nakikita din niya na aalagaan nito si Angel. Sa tagal nilang hindi nagkita ni Angel masasabi niyang napabuti ang lahat dito. Kung anuman ang nangyari noon sa kaibigan ay mukhang naging mabuti naman dito. Nakilala at naging asawa ni Sancho. “Yes, ma’am. You heard my wife. No talking about work for today,” wika ni Sancho. “Okay.” Tumingin sa kanya si Alex. “If my wife will say those things to me. I’m happy to follow too.” Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Anna kaya agad niyang iniiwas ang mga mata sa lalaki. Nakaramdaman ng tensyon si Anna sa buong katawan niya. She can feel Alex stares at her. It penetrates her whole being. Para bang pati kaluluwa niya ay makikita nito sa mga titig nito. She clears her throat to calm herself. Hindi dapat siya pagpapadala sa binata. Nagpapasalamat si Anna ng tumawag ang katulong ng mag-asawa at sinabing hinahanap na ang mga ito ng anak. Natapos agad ang lunch date nila. Hiningi ni Anna ang number niya. “I really miss you, Anna. Dumalaw ka sa bahay namin ni Sancho. Ipakilala kita sa mga anak namin,” wika ni Angel pagkatapos kumalas pa pagkakayakap sa kanya. “I tried. Marami kasi akong hawak na kaso ngayon. Napakabihira kong magkaroon ng day-off.” Sumimangot si Angel. “Fine. Pero sabihan mo agad ako kapag may bakante ka ng oras. Gumala ka lang sa amin.” “Thank you, Angel. Masaya akong makita ka ulit at sa maayos na kalagayan.” Hinawakan niya ang kamay nito. “Ako din. Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo.” “Wife, let’s go. Alladin and Arshal are waiting.” Napatingin sila kay Sancho na nakatayo sa pinto ng kotse nito kasama nito si Alex. Tumungo si Angel sa asawa. Binitiwan ng kaibigan ang kamay niya. Muli itong yumakap sa kanya bago lumapit sa asawa. Sumunod siya sa dalawa. Inalalayan ni Sancho na makapasok si Angel sa kotse nito. Binukasan ni Angel ang bintana ng kotse nito. “Bye, Anna. See you again.” Ngumiti ang kaibigan. “Bye. Mag-ingat kayo.” Nang umusad ang kotse ng mga ito ay saka lang isinara ni Angel ang bintana. Sinundan ito ni Anna ng tingin. Sana ay magkaroon siya ng oras para maka-usap muli si Angel. Gusto niyang malaman ang totoong nangyari dito ng gabing iyon. Baka may maitulong ito sa kaso ng ama niya pero ayaw din naman niyang biglain ang kaibigan. Angel looks so happy today. She doesn’t want to spoil it. At saka, kasama nila si Alex. Alam niyang pipigilan siya nitong magtanong. Upon thinking about the man beside her. She looks at him and gives him a death glare. Ngumiti lang sa kanya si Alex. Nilampasan niya ito pero agad itong nakasunod. “Let me ride you home, Anna,” anito habang sinabayan ang paglalakad niya. “No need.” Lumapit siya sa kotse niya na hindi naman kalayuan ang pagkakaparada. “It’s not safe for you to drive. Let me take you home.” Huminga siya ng malalim. Matigas ang ulo ni Alex kahit noon pa pero hindi niya akalain na pati siya ay madadamay sa ganitong ugali ng binata. Hindi na lang niya pinansin ang binata. Kinuha niya ang susi ng kotse niya sa dalang bag. Bubuksan na sana niya ang pinto ng mabilis na inagaw ni Alex ang susi. “What are you doing?” sigaw niya dito. “I said, I will ride you home. Ihahatid kita sa ayaw at gusto mo, Anna.” Matigas na sabi nito. “At sinabi kong hindi ako sasama sa iyo.” Galit niyang sigaw sa binata. Inilahad niya ang kamay dito. “Give me my key back or else I will file complain towards you.” “You can’t blackmail me, Anna. But I can.” Inilapit ni Alex ang katawan nito sa kanya. Umatras naman ang babae. Bumangga ang likuran niya sa kanyang kotse. Nakatitig lang siya sa mga mata ni Alex. Ganoon din ang binata. Naghahamon ang bawat tingin nila. Anna doesn’t want to lost to this man. Kung akala nito ay agad siya nitong mapapa-amo ay nagkakamali ito. “Give it back to me, Alexander Kim.” Matigas niyang sabi. Tumaas lang ang sulok ng labi ni Alex. “I won’t until you said yes.” Ibinaba ni Alex ang mukha nito dahilan para magkadikit ang ilong nilang dalawa. Pigil ni Anna ang kanyang paghinga habang hinihintay ang paglapit ng labi nito. Ilang hibla na lang ang layo ng labi ni Alex sa labi niya ng tumigil ito. Anna’s heart is beating loudly. Hindi niya iyon makontrol at lalo lang nakadagdag sa pag-panic ng brain cells niya. “You need to go with me, Anna.” Pagkatapos sabihin iyon ni Alex ay hinila siya nito para umupo sa semento. Isang malakas na putok ang narinig ni Anna na siyang ikinalaki ng kanyang mga mata. Napasiksik siya sa kanyang kotse. Alex immediately cover her with his body. Narinig nilang muli ang isang putok ng baril. Sa takot ay napahawak si Anna sa braso ni Alex. Nakita niyang pinindot ng binata ang susi ng kotse niya. Tumunog iyon. Hinawakan ni Alex ang braso niya at itinabi siya. Naririnig pa rin sa buong paligid ang putok ng baril. Tumatama iyon sa sasakyan na katabi lang nila. They are the target. Lalong natakot si Anna sa kaalaman na may nagpapaputok ng baril sa kanila. “Get inside your car now, Anna.” Matigas na utos ni Alex. Binuksan ng binata ang pinto ng driver seat. Sinunod niya ito. Pagapang siyang pumasok ng kotse niya. Sumunod pa siya hanggang sa front seat para makapasok naman si Alex. Mabilis na nakasunod ang binata sa kanya sa loob ng sasakyan. Sinarhan nito ang pinto. Nakayuko silang pareho dahil sa takot na matamaan ng bala. “Ahhh…” malakas siyang napatili ng nabasag ang salamin ng kotse niya. Patuloy ang pagpapa-ulan ng bala sa kanila. Mabilis na binuhay ni Alex ang makina ng kotse at inilayo sa lugar na iyon ang sasakyan. “Put your seatbelt.” Utos ni Alex. Sinunod niya ito habang nakayuko. Narating nila ni Alex ang national road kaya naman napalagay na ang dalaga. Sa pag-aakalang safe na sila ay umayos ng upo ang dalaga. Isang putok ng baril ang narinig niya na direktang tumama sa unahang salamin ng kanyang kotse. “Oh my god.” Bumalik siya sa pagkakayuko. “Keep down. They following us.” Lalo pang binilisan ni Alex ang pagmamaneho ng kotse. Bawat kotseng madaanan nila ay nilalampasan nila. Nakarinig pa sila ng malakas na busina. Napahawak ng mahigpit si Anna sa upuan ng kanyang kotse. Ayaw silang tigilan ng kung sinuman ang humahabol sa kanila. Alex drives so fast like they are flying. Para itong nasa isang race track sa sobrang bilis. Nagpapasalamat siya at walang traffic ng mga sandaling iyon. Anna suddenly remember her gun. Binuksan niya ang compartment ng kotse niya. Nakita niya doon ang baril na ginagamit niya. Hindi niya iyon inilagay sa bag dahil sa mall ang pinuntahan niya. “You have a gun?” Di makapaniwalang tanong ni Alex. “Yes. Sa uri ng trabaho ko ay kailangan ko ito.” Sagot niya. “Do you know how to shot?” May pag-alalang tanong nito. Napatingin siya sa kamay na hawak ang baril. Nanginginig siya ng mga sandaling iyon. Alam niyang hindi niya magagamit ng maayos ang baril na hawak. Ibang-iba pala talaga kapag nasa totoong barilan at habulan na sila. Mukhang napansin ni Alex ang panginginig niya kaya mabilis nitong inagaw sa kanya ang baril. Nagulat siya sa ginawa nito. Nanlalaki ang mga mata na tumingin siya sa binata. Tiningnan nito ang baril kung may laman bang bala. Nang makitang meron ay tumingin ito sa kanya. “Hold the wheel. I shot,” anito. Nagulat man sa utos nito ay agad na gumalaw ang katawan niya ng bitiwan nito ang manibela. Pigil ang hininga na sinundan niya ng tingin si Alex. Lumabas ang kalahati ng katawan nito at nagpaputok din sa humabol sa kanila. Tumingin siya sa unahan para tingnan ang dinaraanan nila. Nakalabas na sila ng national road. Papasok na sila ng eskenita. Pagkatapos gumanti ng putok si Alex ay bumalik ito sa pagkaka-upo at hinawakan ang manibela. She let go the wheel and look back. Nakita niyang nakahinto na ang humabol sa kanila. Napatingin siya kay Alex. “We need a safe place. Nabutasan ko lang ang kotse nila pero siguradong hahabol ang mga kasamahan nila,” anito. Tumungo siya at umayos ng upo. Binagalan naman ni Alex ang pagmamaneho. Pasulyap-sulyap ito sa kanya. “Are you okay?” Nag-aalalang tanong nito. “I-I don’t know,” sagot niya. Nanginginig pa rin siya ng mga sandaling iyon. Hindi niya akalain na may hahabol sa kanila at magpapaputok ng baril. Wala siyang ma-isip na dahilan para gawin iyon sa kanya. Pinagsalikop niya ang dalawang kamay na nanlalamig ng mga sandaling iyon. Ang kaninang pigil na paghinga ay biglang bumilis. Her heart wanted to explode. This is too much for her. Natigilan si Anna ng may humawak sa nanlalamig niyang kamay. Napatingin siya sa lalaking katabi. “You are safe now, Anna. I won’t let them hurt you. Poprotektahan kita,” anito. Dahil sa narinig niya tuluyang pumatak ang mga luha ni Anna. Umiyak siya ng malakas. Sa loob ng tatlong taon ngayon lang ulit naging ganoong ka panganib ang buhay niya. Hindi niya akalain na muling mangyayari iyon sa kanya. Alam niyang sa uri ng trabaho na meron siya ay may ganoong talagang pangyayari, hindi niya lang siguro inaasahan na ganoon ang mangyayari. She heard from her fellow lawyer the dead treat they received but nothing extreme like this one. Inihinto ni Alex ang kotse sa gilid ng daan at hinarap siya. Agad siyang kinabig ni Alex payakap dito. Hindi na tumutol si Anna. Hinayaan niyang yakapin siya ng binata. Hinagod din nito ang kanyang likuran para mas mabilis siyang kumalma. Anna keeps on crying until she can’t cry anymore. She doesn’t know how long she cried. Nang kumalma siya ay marahan niyang itinulak ang binata. Napansin niya agad ang bakas ng luha niya sa suot nitong polo shirt. “I’m sorry.” Hingi niya ng pa-umanhin habang nakatingin sa damit nito. “It’s okay. It’s just a shirt. Okay ka na ba?” May pag-alalang tanong nito. Tumungo siya. “Let’s go home.” “Okay.” Sagot ni Alex pagkalipas ng ilang sandaling pagtitig nito. Mukhang sinigurado nitong maayos na talaga siya bago binuhay ang makina ng kotse. Imamani-obra na sana ni Alex ang kotse niya paalis doon ng tumunog ang phone ng binata. Agad iyong kinuha ni Alex sa bulsa ng pantalon. Nakita ang pangalan ng isang lalaki na hindi pamilyar sa kanya. Sinagot iyon ni Alex. “Jacob, napatawag ka.” Napansin niya ang pagbago ng emosyon sa mukha ng binata. “How are they?” Binundol ng kaba si Anna ng tumingin sa kanya si Alex. May pag-alala sa mga mata nito. “Anna is safe. She is with me.” Natigilan siya ng marinig ang pagbanggit nito sa pangalan niya. Alex just stares into her eyes. Not letting it go any second. “I will do that. Just do something. I talk to you later after we get to the place.” Iniwas ni Alex ang mga mata nito at tumingin ito sa labas. “Can you call Quinn Prince for me? I need his help… Thank you. I own you one, Jacob.” “What happen?” tanong niya agad ng matapos ang tawag. Tumingin sa kanya si Alex. “Hindi kita pwedeng ihatid sa apartment mo. May nakapasok doon at ginulo ang gamit mo. You are not safe there anymore.” Napasinghap si Anna. Napahawak siya sa kanyang dibdib. “Kung ganoon ay saan tayo pupunta?” “I have a friend in Laguna. May farm house siya doon at mahigpit ang security. He can help us.” Mina-obra ni Alex ang kotse niya. “Bakit hindi na lang tayo pumunta sa mga pulis? We need to report this.” “Anna…” Sinulyapan siya ni Alex. “Hindi ka matutulungan ng mga pulis. Kung sinuman ang tumatangka sa buhay mo ngayon ay sigurado akong may kapit siya sa taas. Hindi natin alam kung sino ba talaga ang kaaway mo dito.” Umiling siya. “Kilala ko. Sigurado ako na siya lang ang may kagagawan nito.” May hinala siya kung sino ang gusto siyang ipapatay. Nasisigurado niya na ang grupong iyon ang tumatangka sa buhay niya. Sino pa nga ba ang maaring pumatay sa kanya? Lalo pa ngayon ay bubuhayin niya ang kaso ng ama at ni Caroline. Si Caroline ang nakikita niyang susi para matapos na ang kasamaan ni Brandon Rosales. “We can point him out. Wala tayong sapat na ebidensya na siya ang gusto pumatay sa iyo ngayon.” Napatingin siya kay Alex. Alam niyang pareho lang sila ng hinala dalawa. “I know it was him. Nakita niya ulit ako. At iyong kasong hawak ko ngayon ay may kinalaman sa kanya. Nasisigurado akong si Brandon ay tumatangka sa buhay ko ngayon.” “We can’t be sure, Anna.” Sigaw ni Alex. Napansin niya ang paghigpit nito sa paghawak sa manibela. Hindi lang iyon ang napansin, pati na rin ang pag-galaw ng panga nito. Madilim na madilim ang mukha ng binata. “Brandon is not a careless person. Hindi siya ganito magtrabaho kapag gusto niyang patahimikin ang isang tao. Nasisigurado akong ibang tao ang gustong pumatay sa iyo.” Na-isuntok ni Alex ang kamay nito sa manebila. Siya naman ay nagtatakang nakatingin dito. Anong ibig nitong sabihin na ibang tao ang tumatangka sa buhay niya? May ibang tao pa ba siyang dapat katakutan. Bakit parang may-alam ang binata? At sino ba kasi ang lalaking tumawag dito at ano ang sinabi nito kay Alex?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD