ISANG malawak na lupain ang sumalubong sa kanila. Malayo iyon mula sa arko na nakita nila sa bungad ng lugar na iyon. Anna read the sign earlier. Piliph Farm ang nakasulat sa arko. Hindi sila hinarang kanina ng mga bantay. Dalawang guard ang nakita nila. Anna knows that place is far from an ordinary farm.
Inihinto ni Alex ang kotse sa isang malaking bahay. Dalawang palapag iyon. Unang lumabas ng kotse ang binata. Sumunod siya. Naglakad sila palapit sa pintuan ng bahay. Malapit na sila sa pinto ng bumukas iyon at may lumabas na isang lalaki.
“Alex, you are finally here,” sabi ng lalaki.
“Hi, Quinn. Pasensya na sa esturbo. Ikaw lang kasi ang alam kung pwede namin lapitan dito sa south area ngayon.”
Ngumiti ang lalaki. “No worries, Alex. Tinawag na sa akin ni Patrick ang nangyari. Mabuti na lang at nandito ako ngayon sa farm.”
Dumako ang mga mata ng lalaki sa kanya.
"Quinn, I want you to meet Attorney Anna Cordero. Anna, one of my good friends, Quinn Prince Philip."
"It's nice to meet you, Attorney."
"Nice to meet you too."
Gusto sana niyang ilahad ang kamay ngunit hindi naman iyon ginawa ng binata kaya hindi na lang din niya ginawa. Ngumiti ito bago muling ibinalik ang atensyon kay Alex.
“Pumasok muna kayo. Ipinahanda ko na ang matutuluyan niyo.”
Tumungo si Alex at tumingin sa kanya. “Let’s go inside.”
Hahakbang na sana si Alex ng hawakan niya ito sa braso. “How long we be here?”
“Hindi ko pa alam. Titingnan muna ni Patrick kung anong sitwasyon sa Maynila bago tayo bumalik. Sigurado akong pinaghahanap ka pa rin ng mga taong gustong pumatay sa iyo. Hindi ka pa ligtas na bumalik ng Maynila.” Matigas na sabi ni Alex.
Napakuyom si Anna. “Kung ganoon ay wala pang kasiguraduhan kung hanggang kailan ako dito? Alex, may trabaho ako na kailangan ta---”
“Anna stop thinking about your work.” Sigaw ni Alex.
Nagulat naman si Anna sa biglang pagsigaw na iyon ni Alex. Umatras ang dalaga. Sa unang pagkakataon ay nakita niyang namula ang mukha ni Alex sa galit ng dahil sa kanya. Napansin ni Alex ang takot sa kanyang mukha kaya biglang lumambot ang mukha ng binata. Huminga din ito ng malalim.
“I’m sorry. Ayaw ko lang na mapahamak ka, Anna. I promise to your father that I will protect you. Hindi ko na iyon papakuin pa. Kaya sana ay makinig ka sa akin. Safe ka dito sa farm ni Quinn.”
Napakuyom si Anna ng banggitin ni Alex ang pangalan ng ama. Anong sinasabi nitong nangako ito sa ama niyang puprotektahan siya? Kailan iyon nangyari?
Lumapit sa kanya si Alex at hinawakan ang kanyang kamay. Pinakatitigan lang ni Anna ang binata. Hindi niya din binawi dito ang kamay na hawak. Pinisil ni Alex ang kamay niya.
“Alam ko naman na importante sa iyo ang trabaho mo pero importante din naman ang buhay mo. Hindi pa natin alam kung sino ang gustong pumatay sa iyo. Mas mabuting mag-ingat tayo sa mga galaw natin. Anna, please! For once, can you listen to me?” May pagsusumanong wika ni Alex.
Anna doesn’t want to listen but what Alex said is reasonable. Tama din naman ito, hindi niya kilala kung sino ba talaga ang gustong magpatumba sa kanya. Kung si Brandon nga kagaya ng hinala niya ay hindi ganoon ang gagawin nito. Iyong huling ginawang masama sa kanya ni Brandon ay iyong pag-kidnap sa kanila ni Caramel.
Muli niyang ibinalik ang mga tingin kay Alex. Tumungo siya bilang sagot sa tanong nito. Ngumiti ang binata. “Thank you, Anna.”
Pagkatapos nitong magpasalamat ay hinila na siya nito papasok sa mansyon ni Quinn. Sumalubong sa kanila ang malawak na sala. Sky blue ang kulay ng sofa na bumagay sa blue na dingding. May isang cabinet doon na puno ng libro. Nakabukas ang sliding door na natatakpan ng puting kurtina. Ang hagdan sa kaliwang bahagi ng sala ay pa-ikot ang estilo. Tumingala si Anna. Isang malaking chandelier ang nakita niya. Katabi ng isang pasilyo ang malaking T.V.
“Gusto niyo bang kumain muna bago kayo magpahinga?” tanong ni Quinn.
“Do you want to rest now?”
Tumingin siya kay Alex. May pag-alala itong nakatingin sa kanya. Anna feels like something touch her heart. Why was this man can be soft as cotton candy while he is hard as rock a while ago? Iyong bukas ng mukha ni Alex ay magkaibang-magkaiba kanina.
Tumungo siya bilang sagot sa tanong nito. She wanted to rest. Ngayon niya naramdaman ang pagod. Pakiramdaman niya ay nanghihina siya. Ngayon niya lang naramdaman ang pagod ng kanyang katawan dahil sa nangyari.
“Anna wants to rest now, Quinn. Is it okay that we go upstairs?”
“Of course. Tara at ihahatid ko kayo sa kwartong nakalaan sa inyo.” Na-una ng tumalikod si Quinn.
Sumunod naman agad silang dalawa ni Alex. Sa kaliwang bahagi ng second floor sila hinatid ni Quinn. Binuksan nito ang pinto at niluwagan ang pagkakabukas.
“This will be your room, Anna. Ang kwarto naman sa tapad ng kwarto mo ang kwarto ni Alex. Kaya kapag may kailangan ka ay katukin mo lang siya.”
Napangiti siya. Akala niya ay sa iisang kwarto lang sila ni Alex. May alam ba si Quinn na hindi naman sila magkasintahan ng kasamang lalaki. Wala bang nabanggit si Alex dito? O baka, alam ng lalaking ito na si Sapphire ang nobya ni Alex. Baka nga. Tanging si Sapphire lang naman ang nararapat na babae kay Alex. Si Sapphire din kasi ang gusto ng magulang ng binata para dito.
“Maraming salamat.” Magalang niyang sabi sa lalaking nagmamay-ari ng bahay.
“Walang anuman, Anna. Pasok ka na para makapagpahinga ka na.”
Iisang hakbang palang ang nagagawa ni Anna ng hawakan ni Alex ang braso niya. Napatingin siya sa binata.
“Don’t think too much. Everything will be alright.” Bulong nito.
Tumungo siya sa lalaki. “Thank you for today, Alex.”
Ngumiti ang binata. “My pleasure to save you.”
Hindi na siya nagsalita pa. Pumasok siya ng kwarto at isinara ang pinto. Napasandal at tumingala si Anna. Napahawak siya sa dibdib. Maraming nangyari sa kanya ng araw na iyon pero isang bagay lang ang napatunayan niya sa sarili. When Alex save her, she knows that she will be safe at his side. Magaling si Alex sa paghawak ng baril. Kaya siya nitong protektahan sa mga taong gusto siyang saktan.
“WHAT are you going to do now?” tanong ni Quinn ng pababa na sila sa first-floor ng bahay nito.
Deritso sila sa kusina. Maraming katulong ang bahay ni Quinn sa farm kaya hindi sila mahihirapan ni Anna habang nandoon sila. Iyong mga damit lang na susuotin nila. Siguro ay magpapasuyo na lang siya sa isang tauhan ni Quinn.
“We hide here for a while. Hanggang walang go signal mula kay Patrick ay hindi muna kami uuwi ng Maynila. Gumagalaw na din naman ang mga tauhan ni Patrick at Asher para ayusin ang nangyari sa apartment ni Anna.” Sagot niya sa tanong ng kaibigan.
“Mabilis naman gumalaw si Patrick at Asher. At saka, ang sabi niya ay hindi ang grupo ni Brandon ay may pakana ng nangyari sa inyo. May ibang tao daw na nais patayin si Anna.”
Umupo si Alex sa mataas na stool habang si Quinn ay lumapit sa refrigerator at kumuha ng ma-iinum nila.
“Iyon nga ang sabi ni Patrick. Ayon sa kanya, hindi ganoon gumalaw si Brandon. Kung gusto niya talagang mawala si Anna ay kikidnapin niya muna ang tao. Kaya kahit ako ay nasisiguro din na ibang tao ay may gawa ng nangyari sa amin.”
Inilapag ni Quinn ang isang baso ng apple juice sa harap niya.
“Hindi kaya may kinalaman ang mga kasong hawak niya. Lawyer si Anna kaya siguradong may nagtatangka sa buhay niya.” Umupo sa katapat niyang stool si Quinn.
“Isa din daw iyon sa tinitingnan na anggulo ni Patrick. Tinawagan na daw niya si LJ. Titingnan daw ni LJ kung anong kasong hawak ni Anna ang maaring may kinalaman sa nangyayari sa kanya. May hinala ako pero hindi ako sigurado.”
Napa-isip si Alex. Iisang tao lang ang pumasok sa isipan niya. Ang taong nais pagsamantalahan si Anna ng araw na pumunta sila ni Sapphire sa opisina nito. Ito lang ang na-isip niyang taong maaring gumawa noon kay Anna. Ayon din kasi kay LJ ay may isinampa itong kaso laban sa matandang iyon. Nasisigurado niyang galit ito ngayon kay Anna dahil sa nangyari.
“May taong kang pinaghihinalaan? Sino?”
“Iyong matandang Andrada. Siya lang ang na-isip kung pwedeng gumawa nito kay Anna.” Sagot niya sa tanong nito.
“Matandang Andrada? Si Mr. Andrada ng Timeless Publishing Company?”
Tumungo siya. Isang book at magazine publication ang negosyo nito. Pumapangatlo sa sikat na magazine sa bansa ang kompanya ng matandang Andrada. Napakuyom siya ng maalala ang ginawa ng matandang iyon sa dalaga. Napakagago talaga nito.
“Malabo yatang gumawa ng ganoon si Mr. Andrada.”
Salubong ang kilay ni Alex na tumingin sa kaibigan. Anong pinagsasabi nito? Kilala ba nito ng personal ang matanda.
“Don’t get it wrong, Alex. Hindi ko personal na kakilala si Mr. Andrada pero ang Ate ko ay kilala siya. Oo at isang manyakis iyong si Mr. Andrada pero ang alam ko ay umalis na siya ng bansa dahil sa kasong isinampa sa kanya ni LJ. Mabilis itong nagtago ng sampahan ito ni LJ ng kaso.”
“What?” Napa-ayos siya ng upo ng marinig ang sinabi nito.
“Yes. You heard it right. Hindi ba nabanggit sa iyo ni LJ ang tungkol sa kay Mr. Andrada?”
Umiling siya. Walang sinabi sa kanya si LJ patungkol kay Mr. Andrada. Akala niya nga ay nasa kulungan na ito pagkatapos ng ginawa nito sa dalaga. Kilala niya kasi si LJ. Kapag sinabi nito ay gagawin nito.
“Maaring may rason si LJ. Kilala mo naman ang isang iyon. Pero nasisigurado ko sa iyo na hindi si Mr. Andrada ang humabol sa inyo kanina. Walang ganoong kakayahan ang matandang iyon. Maaring ibang tao ang may gawa ng nangyari sa inyo.”
Napatitig siya kay Quinn. Maaring tama ang sinabi nito. Hindi naman ganoon kayaman si Mr. Andrada para ipag-utos silang iligpit. Pinadikit niya ang labi. Kung ganoon ay may iba pangtao sa likod ng nangyari sa kanila. Nasisigurado siyang malakas na tao ay may kakagawan ng lahat basi na rin sa mga taong humahabol sa kanila.
“Quinn, okay lang ba na bumalik ka ng Maynila? May papatingnan akong tao sa iyo?”
Nagtagpo ang kilay ni Quinn. “Who?”
Pinakatitigan niya ang kaibigan. Kinuha niya ang phone sa bulsa. Hinanap niya sa photo gallery ang larawan ng isang tao. Ibinigay niya agad ang cellphone sa kaibigan ng mahanap ang larawan na kailangan.
“His name is Carl Levi Macapagal-Valencia. Siya ngayon ang kasintahan ni Anna.”
“Pinaghihinalaan mo siya?”
“No. Pero baka isa sa mga babae niya ang may kagagawan,” aniya sa kaibigan.
“What?” Nanlaki ang mga mat ani Quinn. Muli nitong tiningnan ang larawan sa phone niya.
“Carl is part of Brandon’s gang. Wala akong idea sa ginagawa niya ngayon maliban sa abala siya sa negosyo ng pamilya niya sa Pangasinan. At dahil parti ng grupo ni Brandon si Carl ay alam natin na maraming babae sa buhay nito. Maaring isa sa mga babae nito ang naka-alam ng tungkol kay Anna.”
Iyon lang ang maaring dahilan niya. Nasisigurado niyang may kinalaman si Carl. Sa uri ng pagbaril sa kanila kanina ay talagang balak ng mga humahabol sa kanila na patayin sila ni Anna. Ma-ingat ang ginawang hakbang ng mga ito pero dahil malakas ang pakiramdam niya ay natugunan niya ang mga ito.
“I look for this. Pero alam mong hindi ako pang-field kagaya ni Patrick at Asher. Nasa loob ako ng ahensya ni Patrick.”
“Alam ko. Ayaw ko lang dagdagan ang trabaho ni Patrick at Asher. Jacob also had a lot of things to do. Ikaw lang ang maari kong hingan ng tulong.”
“I will be tried, Alex. Kung hindi ko man magawa ay hihingi ako ng tulong sa kapatid ni Patrick. She can go to field.”
Tumungo siya. “Thank you. Alam kong maasahan kita.”
Tumayo si Quinn at tinapik ang kanyang balikat. “Gusto ko na rin mapuksa ang grupo ni Brandon. Isa silang salut sa lipunan. Dapat na silang mawala sa mundong ito.”
Tumungo siya. Iisa lang ang nais nila. Ang matapos na ang kasamaan ng grupo ni Brandon. Matagal na ang mga itong perwisyo sa lahat. Kung hindi lang ito pinuprotektahan ng pamilya nito na may kapit sa goberyno at sa militar ay matagal na itong napuksa. Maliban doon ay may tao din sa likod nito. Ang taong hindi nila alam kung sino. Iisa lang ang alam nila. Ang talagang malaking taong nagpuprotekta kay Brandon ay ang leader ng Dark market. Ang mga taong nagbibinta ng illegal na druga at baril.
Kaya nga hindi nila pwedeng basta-basta na lang kakabanggain si Brandon. Dapat ma-ingat ang mga hakbang nila. Iilan lang sa kanila ang nakaka-alam ng totoong pagkatao ni Brandon. Lahat sila ay ma-ingat ang galaw kapag nasa paligid ito.
ALEX AND QUINN are inside the library of Quinn’s house. Nasa malaking T.V ang iba pa nilang kaibigan na parehong ka-anib ng ahensya ni Patrick. Nasa monitor si Shan Wang, MT, Veelrich, Patrick, Asher, Liam, at Sancho. Katabi ni Patrick ang asawa nitong si Sasha. Sila ang sekretong investor ng ahensya ni Patrick. Ang ahensya na akala ng iba ay simpleng security agency lang pero isa palang makapangyarihang ahensya na pumupuksa sa mga halang ang kaluluwa.
Isa siya sa mga investor ng kompanyang iyon pero hindi siya basta humihingi ng pabor lalo na sa may-ari ng kompanya na si Patrick. Labas kasi minsan ang personal nilang buhay sa negosyo.
“Nagpatawag talaga ako ng meeting para sabihin sa inyo na may bago na namang grupo ang kailangan puksain ng ahensya,” wika ni Patrick.
“What? Sino na naman ito?” tanong ni Liam.
Liam James Albert Tolentino, isa sa malaking investor ng kompanya. Kaibigan ito ni Patrick at siyang may-ari ng Aristocrat. Mayaman ang pamilya nito.
“Yes, Liam. Sa pagkakataong ito ay target nila ang mga sikat na Attorney sa bansa. Sinimulan na nilang gumalaw noong isang araw pa. Tatlong abogado agad ang namatay ngayong linggo at isang tao naman ang nakaligtas.”
“Is this a big case that we need to priorities?” tanong ni Veelrich.
“Yes. Dahil nadamay si Alexander sa nangyayari ngayon.”
Napahigpit ang pagkakahawak ni Alex sa cellphone niya. Alam niyang nakatingin sa kanya lahat ng mga kasama. Ngayon ay alam niyang may kinalaman sa trabaho ni Anna ang nangyari dito.
“What happen to you, Alex? Paanong nadamay ka sa gulong ito?” tanong ni MT.
“Attorney Cordero was with me yesterday. Lumabas kami kasama ang dati niyang kaibigan. Ihahatid ko na sana siya ng pa-ulanan kami ng bala. Maswerte kaming nakatakas ni Anna.” Kwento niya sa mga ito.
“Kung ganoon ay isa si Anna Cordero sa mga attorney na gusto nilang iligpit. Alam ba ito ni LJ?” tanong ni Sancho kay Patrick.
“LJ called me earlier. Pinapa-ingat niya lahat ng mga tauhan niyang abogado. Attorney Martin, ang tumatayong Presidente ng law firm niya ay nasa ospital ngayon dahil sa nangyari. Hindi basta-basta itong kakaharapin natin.”
“May itinala ka na bang tauhan para sa kasong ito, Patrick?” tanong ni Shan Wang.
“As of now, all my good agents are in field. Wala pa akong ma-utusan para alamin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. I just want you all to know. Gusto ko din na mag-ingat kayo. This will be my last meeting for all of you. Baka makapansin ang mga kalaban patungkol sa ahensya ko at madamay kayo.”
“I will tighten your security system, Patrick. Hindi pwedeng magkaroon ng butas ang ahensya mo,” wika ni Veelrich na isang computer genius.
“Okay.”
“Magmamatyag na din ako sa bar ko at baka may makalap akong impormation.” MT said.
MT also have his own bar. May ilang impormasyon itong nakukuha kapag nasa bar ito. Veelrich is the person who work for their company system. Lahat silang investor ay may sariling kakayahan at ambag sa ahensya ni Patrick. Ang huling sumali sa kanila ay si Shan Wang. Pagdating sa financial needs ay ito ang maasahan. Kasama nito ang kapatid na si Shilo Wang.
Pagdating naman sa safe house, matutuluyan ng mga agent at baril ay siya ang maasahan. Kingstate can give those things to Patrick. Maliban sa kanila ay mayroon ding ibang investor sa ibang bansa si Patrick.
“I will update you once we get a lead. Alex, you need to keep yourself away from the crowd. Nakilala ka nila ng iligtas mo si Anna. May isang lalaking umaaligid daw sa opisina mo. Kailangan mong mag-ingat. Hindi ka pwedeng pumunta ngayon sa mga lugar na pagmamay-ari ng kompanya mo.” Paalala sa kanya ni Patrick.
“Alam ko. Hihintayin ko ang go signal mo pero sana ay magawa mo din iyong hinihingi kong pabor sa iyo.”
Ngumiti si Patrick. “Don’t worry. Nasa Quezon Province na ngayon ang mga tauhan ko para protektahan ang pamilya ni Anna.”
“Salamat.”
Hiningi niya ang tulong ni Patrick para maprotektahan ang pamilya ng dalaga. Iyong ng unang pagkakataon na humingi siya ng tulong sa kay Patrick. Nasisigurado siyang pati ang mga ito ay madadamay. Alam niya kung gaano ka-importante kay Anna ang pamilya nito. Hindi siya makakapayag na muling magdusa ang dalaga dahil lang sa pagkawala ng mahal nito sa buhay.
May ilang bagay pangsinabi si Patrick bago natapos ang pagpupulong nilang iyon. Mahirap gumalaw kung hindi nila alam kung sino ba ang mga tao sa likod ng lahat ng nangyayari pero iisa lang ang goal niya ngayon, ang maprotektahan ang babaeng minamahal.
Hindi na siya nagtagal pa sa library room. Tinahak niya ang daan papunta sa kwartong inaakupa ng dalaga sa bahay ni Quinn. Huminto at pinakatitigan ni Alex ang pinto. Nagdadalawang-isip siya kung kakatok ba o hahayaan muna ang dalaga na magpahinga. Sa huli ay nanalo ang isipan ng binata. Tumalikod ito at pumasok ng kanyang kwarto. Tuloy-tuloy siya hanggang sa balcony.
Umupo siya sa isang upuan na nandoon at pinagmasdan ang langit. Nasa ganoon siyang posisyon ng tumunog ang phone niya. Napatingin siya sa tumatawag. Napangiti siya ng mabasa ang pangalan ng pinsan.
“Hello, Cole.” Bati niya sa pinsan.
“How are you? Okay ka lang ba? Narinig ko ang nangyari kay Jacob. Bakit hindi mo agad kami tinawagan. Ashley is worried about you.”
Napangiti siya ng marinig ang sinabi ng pinsan. Sumandal siya sa upuan at ipinikit ang mga mata.
“I’m fine. Wag niyo na lang sabihin kay Tita ang nangyari sa akin. Baka pati iyon ay mag-alala pa.”
“Siguradong mag-aalala talaga sa iyo si Mommy at nasisigurado ko din na alam na niya ang nangyari sa iyo.”
Napapikit ng mariin si Alex. Oo nga pala. May nagbabantay nga pala sa kanila mula sa malayo. Simula ng mamatay ang Kuya niya ay may tao ng lihim na nagbabantay sa kanila sa utos na rin ni Tita Ivy. Bakit ngayon niya lang na alala ang bagay na iyon?
“I called Tita after this.”
“You should be. Alam mo naman iyon. So, kamusta ka?”
“I’m okay. Nandito kami ni Anna sa farm ni Quinn. Mas safe kami dito dahil hindi ito alam ng mga taong tumatangka sa buhay ni Anna.”
“Bakit hindi na lang sa mga properties mo kayo tumuloy? Marami ka namang bahay sa south area.”
“Hindi pwede, Cole. Nakilala ako ng mga bumaril sa amin kanina. Sigurado akong sa mga bahay na pagmamay-ari ko sila maghahanap. Mas safe kung sa iba kami tutuloy.” Sagot niya sa pinsan.
Narinig niyang huminga ng malalim si Cole. “Fine. Tawagan mo kami kapag may kailangan ka.”
“Thank you. Pakitingnan na lang muna ang Kingstate. Hindi ko pa alam kung kailan kami makakabalik ni Anna ng lungsod,” aniya sa pinsan.
“Makaka-asa ka. Mag-ingat kayo.”
“I know. Thanks.”
Si Cole ang unang bumaba ng tawag. Ipinikit ni Alex ang mga mata pagkatapos ng pag-uusap nila ng pinsan. Alam niya na sa paglapit kay Anna ay maaring manganip ang buhay niya. Hindi titigil si Brandon hanggat hindi nito nakukuha ang dalaga. Ganoon din si Carl. Iyong pinasok niyang gulo ay handa niyang harapin maprotektahan lang ang dalaga.
'I protect you, Anna. I won’t give up that easily,’ aniya sa isipan habang nakikita ang mukha ng dalaga sa kanyang palintataw.