ALEX IS drinking his coffee outside when Anna steps out. Nasa gilid siya ng swimming pool at pinagmamasdan ang pag-akyat ng langit. It’s six o’clock in the morning. Ganoon ang ginagawa niya kapag wala siyang hinahabol na schedule. Dahil siya ang CEO ng Kingstate ay madalas siyang busy at hindi mapalagay sa isang lugar. Iniikot niya ang bansa para puntahan ang ilang properties na pagmamay-ari ng kompanya.
Alex travels a lot. Kaya nga mayroon siyang private plane. Ginagamit niya lang iyon kapag may importante siyang pupuntahan. Meron siyang chopper pero hindi niya iyon ginagamit dahil hindi naman siya marunong magmani-obra. Minsan na siyang tinuruan ng asawa ni Ashley ngunit hindi talaga niya makuha. Siya na lang ang kusang sumuko.
Natigilan ang binata sa pagtanaw sa pagtaas ng araw ng mapansin si Anna na naglalakad papalapit sa kanya. Suot nito ang pantulog na pinahiram ni Quinn kagabi sa kanila. Walang ngiti sa labi ng dalaga na umupo sa beach bed na katabi niya.
“Good morning. How’s your sleep?” tanong niya dito.
“I sleep well. Nasaan si Quinn?”
“Umalis na siya. Bumalik na siya ng Maynila dahil may kailangan pa siyang tapusin na trabaho.” Sagot niya.
Tumungo si Anna. Inilapag niya ang hawak na baso. “Nagugutom ka na ba? May iniluto akong almusal sa kusina. Gusto mo na bang kumain?”
Umiling si Anna. Tumingin ito sa kalangitan at kagaya niya ay pinagmasdan ang pagtaas ng araw. Ginaya niya ang ginawa ng dalaga. Walang nagkibuan sa kanila pero hindi ma-iwasan ni Alex na sulyapan si Anna. Wala pa rin pinagbago ang dalaga. Napakaganda pa rin nito. Iyong ugali lang nito ang alam niyang nagbago. Anna is fiercer now. Nawala na ang pagiging inosente nito.
Kung tutuusin ay hindi na dapat siya magulat pa sa pagbabagong iyon ng dalaga. Pagkatapos ng mga nangyari dito dapat na talaga niyang asahan iyon. Anna really take everything up until now. Pero kahit na nagbago ang dalaga ay mahal niya pa rin ito. Hindi nagbago ang t***k ng puso niya sa dalaga. Kahit naman kasi na ilang taon din siyang nawala sa buhay nito ay madalas niya pa rin itong pagmasdan sa malayo. Kapag maluwag ang schedule niya ay dumadaan siya sa opisina nito para silipin.
Alex knows that he should exceed more effort but he doesn’t have enough courage back then. Kaya ngayon ay gagawin niya ang lahat para lang makuha ang puso ni Anna. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat. Ang unang hakbang niya ay alisin sa buhay nito ang kasintahan na si Carl. Hindi ito ang nararapat para kay Anna.
Natigilan si Alex ng lumapit sa kanila ang isang katulong at sinabing nandoon na ang mga damit na pinasuyo niyang bilhin.
“Pinabilhan mo ako ng damit?’ Hindi makapaniwalang tanong ni Anna.
“Yes. May problema ba?” nagtatakang tanong ni Alex.
Napatingin si Anna sa katawan nito. “You know my size?”
Napatingin din si Alex sa katawan ng dalaga. Mabilis na pinagkrus ni Anna ang dalawang braso sa tapat ng dibdib nito. Napangiti ang binata. Alam niya ang ibig sabihin ng tanong ng dalaga. Tumayo siya at inilapit ang katawan sa dito. Yumuko si Alex ng bahagya at inilapit ang labi sa tainga ng babaeng sinisinta.
“Of course, I know your size. I have two eyes.” Mahina ang boses na sabi niya.
Napansin niya ang paninigas ng katawan ng dalaga. Gustong tumawa ni Alex pero pinigilan niya ang sarili. Alam niyang marunong mag- taekwondo ang babae. Tumaas lang ang sulok ng labi niya at umayos ng tayo. Nanlalaki ang mga mata ni Anna ng mga sandaling iyon.
“You should take a bath first, Anna. Let’s eat breakfast after. Alam ko may malapit na ilog dito. Gusto mo bang puntahan natin?”
Hindi sumagot ang dalaga. Nakatulala lang ito kaya lalo sumidhi ang kasiyahan sa kanyang puso. Alex knows that Anna doesn’t expect such action from him. He wanted to tease the woman more.
“Anna, are you okay? Mapula yata ang mukha mo?” Itinaas niya ang isang kamay para hawakan sana ang noo nito ng umiwas ang dalaga.
Tumayo bigla ang dalaga kaya naman umatras siya ng bahagya. Isang nagtatanong na tingin ang ibinigay niya sa dalaga.
“I need to go.” Mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay ang dalaga.
Na-iwan si Alex na sinusundan ito ng tingin. Mahinang napatawa ang binata pagkalipas ng ilang sandali. Anna is so cute. Natutuwa siyang makita ang mukha nito na pulang-pula. Nahihiya ito sa ginagawa niyang pagbulong. Iyon palang ang ginagawa niya pero ganoon na ang reaksyon nito. Paano pa kaya kapag ginawa na niya ang susunod niyang mga hakbang?
He can’t wait to see more from Anna. Gusto niyang makita ang ibang reaksyon mula dito.
HABOL NI Anna ang hininga ng makapasok sa kwartong ibinigay sa kanya ni Quinn. Napahawak si Anna sa kanyang dibdib at napasandal sa pinto. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Mula ng lumapit at bumulong sa kanyang tainga ang binata ay naging ganoon na ang kanyang puso. Lalo siyang nagulat ng tumama ang hininga nito sa tainga niya. Nagtaasan ang mga balahibo niya sa batok.
Pigil niya ang hininga kanina habang nasa tabi niya si Alex. Kaya naman nagpanic ang kanyang isipan. Hindi niya alam kung bakit ba ganoon ang epekto sa kanya ng lalaki. May kasintahan siya pero hindi ganoon ang epekto nito sa kanya. Noong nanliligaw sa kanya si Carl ay hindi nito sinubukan lumapit sa kanya ng ganoon. Her boyfriend is a gentleman. Bawat batas na ibinigay niya sa relasyon nila ay nirespeto nito.
Ilang beses na napakurap si Anna.
‘Hindi ka dapat tumibok ng ganito kay Alex. May kasintahan ka, Anna.’ Pangaral ni Anna sa sarili.
Huminga ng ilang beses si Anna. Pinakalma niya ang sarili. Ilang beses niyang sinabihan ang sarili na may nobyo siya at dapat ito ang isipin niya ng mga sandaling iyon. Hindi dapat isang tulad ni Alex ang pagtuunan niya ng pansin.
Nang maging maayos na ang pakiramdaman ni Anna ay pumasok siya ng bathroom dala ang mga damit na binili ng katulong ni Quinn. Nakapatong kasi ang mga iyon sa kama. Naligo siya at nag-ayos. Nakaramdam na rin kasi siya ng gutom. Hindi na siya nagtagal sa itaas. Bumaba siya sa dining area. Nandoon na si Alex ng bumaba siya. Naka-upo na ito sa kabisera at umiinum ng kape.
‘Ilang kape ang iniinum nito sa isang araw?’ natanong niya sa isipan.
Lumapit siya sa isang upuan. Katabi lang siya ng binata. Doon kasi nilagay ng katulong ang plato na para sa kanya. Simpleng pagkain lang ang nakahain. Hotdog, egg, fried rice, steam eggplant that already pale, and itlog maalat. Napangiti si Anna ng makita ang mga pagkain. Lalong kumalam ang sikmura niya.
“Ma’am, gusto niyo po ba ng juice o gatas?” tanong ng katulong sa kanya.
“Warm milk, please.” Sagot niya.
Mabilis na nagsalin ang katulong ng gatas sa baso niya. “Maraming salamat po.”
“Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan po kayo.” Tumalikod na ang katulong at iniwan na sila ni Alex.
Mabilis naman sumandok ng fried rice si Anna. She is hungry. Ngayon nila lang naalala na lunch ang huli niyang kain. Nakatulog siya kagabi ng hindi kumakain ng hapunan. Sa sobrang pagod niya sa mga nangyari ay hindi na niya na-isip ang kumain.
“Eat slowly, Anna.” Narinig niyang sabi ni Alex.
Napatingin siya sa binata at tinaasan lang ito ng kilay. Gutom siya ng mga sandaling iyon. Wag siya nitong ka-usapin at bago masinghalan niya ito. Umiling lang si Alex. Pinagpatuloy na niya ang pagkuha ng ulam.
Kumuha siya ng isang hotdog, at eggplant. Hindi niya pinansin ang dalawang uri ng itlog na nakahain. Inilapit ni Alex ang isang sawsawan sa kanya. May laman na suka, kamatis, luya at sibuyas ang sawsawan.
“Ilagay mo ang talong sa sawsawan. Gawin mo siyang parang salad,” anito.
Nagsalubong ang kilay niya. Hindi niya alam kung anong pinagsasabi nito. Mukhang napansin din ni Alex ang pagtataka niya kaya kinuha nito ang binalatan ng talong gamit ang chopstick at inalagay sa sawsawan. Pinaghalo nito ang talong sa kamatis, luya at sibuyas. Sinundan niya ang galaw nito. Namangha siya dahil parang kinilaw ang ginawa nito sa talong.
“Pwede mo na siyang kainin pagkatapos.”
“Salamat.” Sagot niya.
Ngumiti si Alex. Ito naman ang kumuha ng pagkain nito. Pinagpatuloy na din ni Anna ang pagkain ng almusal. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila ng binata. Walang kahit isa sa kanila ang nagsalita. Pareho silang naging tutok sa pagkain kaya naman mabilis silang natapos.
“Hindi ko akalain na malakas ka palang kumain.” Narinig niyang sabi ni Alex.
Nahinto sa pag-inum ng gatas si Anna. Binigyan niya ito ng masamang tingin. May ibig sabihin ba ito sa mga sinabi.
“Hey! Walang ibig sabihin ang sinabi ko, Anna. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Sa katawan mo ngayon hindi ko lubos ma-isip na malakas kang kumain.” Paliwanag ni Alex.
Tumaas ang tainga ni Anna sa narinig na sinabi ng binata. Malakas niyang inilapag ang basong may nilalaman pang-gatas. Napatingin doon si Alex.
“Sinasabi mo bang masiba ako, Mr. Kim?” Galit niyang tanong sa binata.
“No…” Itinaas pa ni Alex ang dalawang kamay. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”
“Gutom ako dahil hindi ako nakapaghapunan. At kasalan iyon ng taong gusto akong patayin.” Inis niyang wika.
Natigilan ang binata. Inirapan ni Anna ang lalaking napatulala. Tumayo ang dalaga at iniwan doon ang lalaki. Naiinis pa rin siya sa sinabi nito na malakas siyang kumain. Hindi naman kasi talaga siya ganoon kumain ng breakfast. Sa totoo nga ay hindi talaga siya kumakain ng kanin sa almusal. Her day start with a warm milk with two toasted bread. Ngayon lang siya kumain ng almusal na ganoon kabigat. Kung hindi lang siya gutom ay baka nga tinapay at gatas ang kainin niya.
“Wait, Anna.” Natigil si Anna sa paghakbang ng may humawak sa kanyang braso.
Humarang sa harap niya si Alex na nagnining-ning ang mga mata sa katuwaan. Lalo tuloy siyang na-inis sa lalaki. Pinaglalaruan ba siya nito?
“What?” mataray niyang tanong.
Ngumiti si Alex. Itinaas nito ang isang kamay. Nanlaki ang mga mata ni Anna ng dumampi sa gilid ng kanyang labi ang isang daliri nito. Gumalaw iyon papunta sa kaliwang bahagi ng labi niya. Nahawakan ni Alex ang mga labi niya na siyang pumigil sa paghinga ng dalaga. Nang mawala ang daliri nito sa kanyang labi ay agad na napahawak si Anna sa sariling labi.
Nanlalaki ang mga matang sinundan niya ang daliri nito na napunta sa bibig ng binata. Isang naglalarong ngiti ang sumilay sa labi ng binata ng alisin nito ang daliri. Humakbang ito palapit sa kanya pero umatras si Anna. Her body reflex moves but Alex move faster. He used his hand that holding her arms to stop her from running away from him. Pigil ni Anna ang hininga ng lumapit ang mukha ni Alex sa kanang bahagi ng kanyang mukha. Inilapit nito ang bibig sa kanyang tainga.
“I never thought that milk is delicious. I feel addicted to it, right now. Anna…”
Nagtaas ang balahibo sa batok ni Anna ng marinig ang sinabi nito. Bakit napakalambing ng boses nito ng banggitin ang kanyang pangalan? Bakit pakiramdam niya ay inaakit siya ng binata? What’s happening to her? Bakit hindi niya matulak ang binata palayo sa katawan niya?
Alex move away from her. Umayos ito ng tayo. May naglalarong ngiti sa labi nito. Alam niyang nagugustuhan nito ang reaksyon na pinapakita niya. Binitawan ni Alex ang braso niya.
“Let’s go to the lake after we rest for one hour. Magandang pumunta doon ngayon dahil walang masyadong tao. I wait for you downstairs, Anna,” anito at inalikuran siya.
Iniwan siya ni Alex na nakatulala sa gitna ng sala. Nakahawak pa rin si Anna sa labi niyang hinawakan ng binata. Wala pa ring kakurap-kurap ang dalaga. Anong nangyari?
Alex just touch her lips using his finger. Inalis nito ang gatas sa labi niya gamit ang daliri nito tapos ganoon agad ang reaksyon niya. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ganoon na lang ang reaksyon ng katawan niya?
Her mind literary went blank because of his sudden move. At alam ni Anna na hindi siya ngayon ligtas kay Alex. Hindi ang buhay niya kung hindi ang puso niya. Kailangan niyang pa-alalahanin ang sarili na may kasintahan siyang naghihintay sa kanya sa Maynila at hindi siya pwedeng magkaroon ng emosyon para kay Alex. Pag-ibig man iyon o paghanga. She needs to control her heart.
ALEX IS watching Quinn’s people working inside the farm. Nasa taniman siya ng mga mangga ng mga sandaling iyon. Isa iyon sa produkto ng farm ni Quinn pero hindi iyon ang pinagmamalaki ng kaibigan. May bahagi ng farm kung saan may isang special green house. Ang green house na iyon ay may tamin na strawberry, iba’t-ibang uri ng lettuce, at berries. Ang green house na iyon ay may special AC kung saan kontrol ang temperature sa loob. Pinagawa ni Quinn ang greenhouse na gawa sa special materials kay Veelrich at MT.
Ang farm na yata ni Quinn ang pinakamodernong farm na nakita niya. Kaya naman mga sikat lang na restaurant sa Maynila ang pinagbibilhan ng mga gulay at prutas na galing sa farm. Alex knows how rich Quinn is but he still wanted to work as a Doctor at DL Medical Center. Mas masaya daw ito kapag nakakasagip ng tao.
“Sir Alex, okay lang po ba kayo?” tanong ni Sandy.
Napatingin siya sa dalagang nakatayo sa harapan niya. Ito ang anak ng pinagkakatiwalang tao ni Quinn sa farm. Si Sandy na din ang tumatayong sekretarya ng farm. Isa ito sa mga pina-aral ni Quinn at ngayon nga ay naninilbihan sa farm. Ngumiti siya sa babae.
“Okay lang ako, Sandy. Marami ba kayong harvest ngayon ng manga?”
Abala ang mga tao sa pagpitas ng mga manga na binibinta pa lungsod at ang ilan ay pinapadala sa ibang bansa. Ganoon ka successful ang farm na iyon ni Quinn.
“Marami po pero kulang parin para sa order ng mga client namin. Kailangan pa namin ng sampong puno para makumpleto ang order. Kaso hindi pa pwedeng pitasin ang mga mangga sa kaliwang bahagi ng manggahan.” Sagot nito.
Umupo ang dalaga sa katabi niyang upuan. Sandy is like a little sister to him. Madalas siya sa farm ni Quinn. Doon siya tumatambay kapag gusto niya magpalamig ng ulo. Hindi naman kasi siya pwedeng pumunta sa flower farm ni Tita Ivy dahil nandoon ang matanda. Siguradong kukulitin lang siya tungkol sa problema niya. He doesn’t want to worry the woman.
“Kung ganoon ay stress ka na naman.” Pabiro niyang sabi sa dalaga.
Humarap siya dito kaya nagtago ang mga mata nila. “Sinabi mo pa. Buti pa ang amo namin. Nakabalik na ng Maynila at abala sa pagsagip sa buhay ng mga tao habang kami dito hindi alam kung paano kaka-usapin ang mga kliyente namin.” Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Sandy.
Tumawa si Alex. Inilagay niya ang isang kamay sa buhok ng dalaga. “Kaya mo iyan. Ikaw pa ba? Di ba sabi mo magaling ang isang tulad mo. At saka, may mga problema ba dito sa farm na hindi mo nagagawan ng solusyon.”
Tinabig ni Sandy ang kamay niya. “Maraming salamat sa moral support, Sir Alex ha. Ang laking tulong.”
Tumawa siya ng malakas sa sinabi nito. “Ano ka ba? Magaling ka naman makipag-usap sa mga kliyente niyo. Nagtapos ka din naman ng Business Management. Hindi naman ipagkakatiwala sa iyo ni Quinn itong farm kung alam niyang di mo kaya.”
Hindi nagsalita si Sandy kaya naman pinisil niya ang pisngi nito. Tinabig nito ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.
“Stop doing that. Masakit kaya kapag kinukurot mo ang pisngi ko at saka hindi na ako isang ba---”
“Alex…”
Ang malakas na pagtawag sa pangalan niya ang siyang nagpatigil kay Sandy sa pagsasalita. Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita niyang nakatayo di kalayuan sa kanila si Anna. Madilim ang mukha ng dalaga. Hindi lang iyon, masama din ang tingin nito sa kanya.
‘Did I do wrong?' tanong niya sa sarili.
“Sir Alex, siya ba iyong sinasabi ni Sir Quinn na nobya niyo? Ang ganda naman niya.” Narinig niyang bulong ni Sandy.
Napatingin siya sa babaeng katabi. Muntik na siyang mapamura ng makita kung gaano kalapit ang mukha ng dalaga sa kanya.
“Sandy!” Singhal niya sa dalaga.
Bakit nito nilapit ang mukha sa kanya? Mukhang hindi din naman sinasadya ng dalaga dahil pati ito ay nagulat din.
“Alex, pupunta pa ba tayo ng ilog? Kung hindi ay babalik na ako sa loob ng mansyon.” May himig ng galit na sigaw ni Anna.
Nataranta naman si Alex. Hindi pwedeng hindi sila pumunta ng ilog. “Wait, Anna. Pupunta tayo ng ilog.”
Mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo at lumapit si Alex kay Anna. Masama pa rin ang tingin nito sa kanya. Ngumiti ang binata sa kay Anna.
“Let’s go.”
Hindi sumagot si Anna. Tinalikuran lang siya nito. Susunod sana si Alex ng sumigaw si Sandy.
“Sir Alex, gamitin niyo na po ang kabayo ni Sir Quinn. Nasa kwadra po si Princess.”
Muli siyang humarap kay Sandy. “Thank you, Sandy. Dahil diyan ay hindi ko sasabihin kay Quinn na nililigawan ka ni Quarter.”
Agad na nagbago ang kulay ng mukha ni Sandy ng banggitin niya ang nakakabatang kapatid ni Quinn. Quarter is also a doctor like Quinn. Ngunit hindi ito kagaya ni Quinn na isang surgeon, Quarter is an OB doctor at nagtatrabaho ito sa Monte Medical Center Inc.
Natawa lang siya at napa-iling.
“Ano ba, Alex?” sigaw ni Anna ang siyang nagpalingon sa kanya.
Napatingin siya sa dalaga. Nasa mukha nito ang pagka-inip. Ngumiti siya dito pero inirapan lang siya. Napahawak na lang si Alex sa batok. Mayroon ba ang dalaga ngayon? Bakit parang kaka-iba yata ang mood swing nito. Well, tinatarayan naman talaga siya nito mula pa kanina. Nagkibit-balikat na lang ang binata. Gagawin niya ang lahat para ma-iba ang pakikitungo sa kanya ni Anna.
‘Tingnan na lang natin mamaya kapag hindi pa kita mapa-amo mamaya pagdating natin sa ilog.’ Alex smirk about what he is planning to do later.
He making sure that Anna will threaten him differently after this.
“DID YOU DO THIS?” tanong ng galit na galit na si Brandon sa babaeng kalmadong naka-upo sa pulang sofa.
Tiningnan lang ng babae ang pahayagan na itinapon niya sa harap nito. Binasa ng babae ang nilalaman ng pahayagan at isang malamig na ngiti ang sumilay sa labi ng kaharap. Isang kasayahan ang sumilay sa labi ng babae sa balitang nilalaman ng pahayagan.
Another Attorney dies today.
“Yes. It’s my plan to eliminate those people.” Sagot ng babae.
Nagtaas-baba ang dibdib ni Brandon. Namula ang tainga nito. Lumapit siya sa babae at hinawakan ito sa braso. Sapilitan nitong pinatayo ang babae na hindi inaalis ang mga mata sa kanya.
“What are planning to do, Cam? Bakit sila ang pinupunterya mo? Utos ba ito ng Big boss?”
Tumaas ang isang sulok ng labi ng babaeng tinawag ni Brandon na Cam. “No. Walang kinalaman si Big Boss dito. I just want to kill them. Wala silang karapatan na maging isang abogado dahil hindi naman nila kayang ipagtanggo ang mga inaapi.”
“Including Attorney Cordero and Attorney Martin?”
Lalong na-inis si Brandon. Hindi niya nagustuhan ang ginawa ng babae sa dalawang attorney na binanggit.
“Oh! Wala sana akong balak kay Attorney Martin dahil alam ko kung sino siya sa buhay mo pero dahil kasama niya si Attorney Perez ay nadamay tuloy siya. Si Attorney Cordero naman ay personal ang galit ko sa kanya. She shouldn’t get wants mine.” Inalis ni Cam ang kamay ni Brandon sa kanyang braso.
Lalong sumidhi ang galit ni Brandon sa babae. “Bakit ba galit na galit ka kay Anna? Hindi niya kasalanan na minahal niya si Carl. Dapat tanggapin mo na hindi isang tulad mo ang mamahalin ng kaibigan ko.”
Gusto niyang malaman ng babaeng ito na hindi isang tulad nito ang magugustuhan ng kaibigan niyang si Carl. Isang tulad ni Anna ang gusto nito. Kaya nga ng malaman niyang kasintahan ni Carl si Anna ay tinigilan na niya ang pagtangka sa babae. Sa batas ng grupo nila ay bawal paki-alaman ang pagmamay-ari na ng kagrupo nila. Carl declare in front of them that Anna is belong to him.
“You don’t have the right to say that Brandon. After all, you also want Anna. Hindi ba at gusto mo din siya matikman kaso laging may sumasagip sa kanya.” Inilapit ng babae ang mukha sa kanya. “Why don’t you help me? I can help you with Attorney Martin.”
Tinulak niya ang babae dahilan para mapa-upo ito sa sofa. “I don’t need your help. I can have Paula by myself. Tigilan mo si Anna bago pa makarating kay Carl itong ginagawa mo.”
Hindi nagsalita si Cam. Tinalikuran na ito ni Brandon bago tuluyang lumabas ng kwartong iyon ay lumingon siya sa babae.
“I should let you die that night, Cam. Hindi na dapat kita niligtas ng gabing iyon kung ganito lang din naman pala ang gagawin mo. Tandaan mo, utang mo ang buhay mo sa akin. Kapag may nangyari kay Attorney Martin, buhay mo ang magiging kapalit noon.” Banta ni Brandon.