PAGDATING NI Alex at Anna sa kwartra ay nilalabas naman ng katiwala si Quinn ang kabayo na gagamitin nila.
"Magandang umaga po, Sir Alex."
"Magandang umaga din po, Mang Berto. Gagamitin po namin si Princess at Strength ngayon," aniya.
"Naku, Sir. Hindi po pwedeng gamitin ngayon si Strength. May sakit po ang kabayo ni Sir Quarter."
Napatingin si Alex sa kabilang bahagi ng kwadro. Nandoon nakalagay si Strenght. Huminga ng malalim si Alex bago ibinalik ang atensyon sa katiwa ni Quinn.
"Sige po, Mang Berto. Si Princess na lang po ang gagamitin namin." Nilingon niya si Anna na tahimik lang na nakamasid sa kanila ng mga sandaling iyon. "Okay lang ba sa iyo na iisang kabayo lang ang gamitin natin?"
Napatingin si Anna sa kabayo na hawak ni Mang Berto. "Wala na ba tayong ibang pwedeng sakyan? Hindi pa kasi ako nakakasakay ng kabayo."
Ngumiti si Alex. "Mas mabilis tayong makakarating ng ilog kapag kabayo ang gamit natin. At saka, hindi pinapayagan ni Quinn na gumamit ng kotse papunta sa ilog. Ayaw niyang maka-isturbo sa ibang tao dito."
Bumadha ang pag-aalala sa mukha ni Anna. Muli itong napatingin sa kabayo. Mababasa ang takot sa mata ng dalaga. Hindi nga makakaila na iyon ang unang pagkakataon nitong sumakay doon. Mas lumapit si Alex sa dalaga.
"Don't worry. I won't let you fall. At kapag nahulog ka ay handa naman kitang saluhin," aniya at hinalikan ito sa noo.
Napansin niya ang panlalaki ng mga mata ni Anna ng nilayo niya ang sarili dito. Natutuwa siyang pagmasdan si Anna kapag ganoon ang reaksyon nito. Naka-ilang beses na ba niyang nakita ang reaksyon na iyon sa dalaga. Hinawakan niya ang kamay ng babae at hinila na ito palapit sa kabayo.
"Can you climb?"
Napakurap naman ang dalaga pero nakatitig naman ito sa kanya. Magtatanong ang mga mata nito.
Alam niya kung anong tanong iyon. "Let me help you."
Hinawakan niya sa baywang ang dalaga. "Put your hand on the top of the horse. Ilagay mo ang isa mong paa sa stirrup."
Itinuro niya dito ang isang apakan na nakakabit sa kabayo. Mabilis naman siyang sinunod ni Anna.
"Itutulak kita pataas at iikot mo ang binti mo sa kabila. Calm yourself. Pagnaramdaman ni Princess ang tensyon sa katawan mo ay baka magwala siya. In count of three, pull yourself. Okay?"
Tumungo ang dalaga. Nakita niyang humugot ito ng malalim na paghinga. Napangiti siya sa ginawa nito. Wala nga talaga itong inuurungan.
"Anna, one... two... three..."
He pushes Anna up while she move her tight to the other side of the horse. Nagawa ng dalaga ng hindi ito nahihirapan. Lalong lumawak ang pagkakangiti niya ng makitang ngumiti ito.
"I did it." Masayang wika nito.
"Yap. You did it. Now move a little bit. Ako naman ang sasakay." Inihanda niya ang paa para makasakay sa kabayo.
Hawak naman ni Mang Berto ang renda. Nanlalaki ang mga mata ni Anna na tumingin sa kanya.
"Wait! Sa likuran kita sasakay?" Bumalik ang takot sa mukha nito.
"Of course, mas safe kapag sa likod ako uupo."
"O-okay..." Gumalaw ang dalaga.
Lalong sumaya si Alex. Masunurin din naman pala si Anna kapag ganoon ang sitwasyon. Agad siyang sumakay ng kabayo ng umusod ito. Ibinigay sa kanya ni Mang Berto ang renda ng kabayo. Ngayon ay nasa pagitan niya at nagtali ang dalaga. Para tuloy siyang nakayakap dito.
"Sir, mag-ingat po kayo. Wag po kayong tatawid ng ilog at baka po magalit ang kabilang farm." Paalala ni Mang Berto.
"Opo, Mang Berto. Salamat po." Inutusan na niya ang kabayo na humakbang.
Nagulat si Anna kaya napahawak din ito sa renda. Tumaas ng isang sulok ng labi niya. Inilapit niya ang sarili sa dalaga.
"Sumandal ka sa akin para hindi ka masyadong matakot sa galaw ni Princess. Relax your body, Anna." Bulong niya sa dalaga.
Mabagal na tumungo ang dalaga. Sinunod nito ang sinabi niya. Naramdaman niya ang paglapat ng likuran nito sa kanyang malapad na dibdib. Inalis din nito ang kamay sa renda. Naramdaman niya ang paghugot nito ng malalim na paghinga. Anna can be adorable. Takot ito pero nilalabanan nito.
Mabagal lang ang paglalakad ni Princess dahil na rin sa utos niya. Ayaw niyang takutin ang dalaga dahil baka magalit na naman ito. Mabuti na iyong ganito silang dalaga. Naririnig niya ang malakas na t***k ng puso nilang dalawa. At para kay Alex ay isa iyong musika. Nasa gitna na sila ng daan ng mapansin niya ang pagiging kalmado ni Anna. Agad itong nakapag-adjust kaya mas binilisan niya ng kunti. Wala siyang narinig na reklamo mula dito.
"Are you okay?" tanong niya.
"Ya. Malayo pa ba tayo?"
"We're almost there." Sagot niya.
"Pwede mo bang bilisan?" Wala na ang takot sa boses ni Anna.
"I can't do that. Baka matakot ka bigla at maramdaman ni Princess. Ito ang unang sakay mo ng kabayo. Ayaw kong maging bad memory sa iyo." Mas inilapit niya ang labi sa tainga ni Anna.
Naramdaman niyang tumuwid ang pagkakasandal nito. Kung ganoon ay muli itong na tensyon sa ginawa niya. Napangiti si Alex.
'So! I have that effect in you,' wika niya sa isipan.
Napalabi si Alex. Napuno ng kasiyahan ang puso niya dahil sa nalaman. Ipinagdikit niya ang dalawang kamay para simpleng mayakap si Anna. Wala pa rin siyang narinig na reklamo dito.
"Anna..." Mapang-akit niyang binanggit ang pangalan nito.
"Y-yes..."
"Alam mo bang gusto ko ngayon ang pagbabago mo."
"Huh!" Sinulyapan niya ang dalaga. Salubong ang kilay nito.
"I like how fierce you are and the same time, cute. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng galit pero maganda pa rin sa paningin ko."
Sinulyapan siya ni Anna at binigyan ng masamang tingin. Heto na naman tayo sa matapang na Anna pero imbis na matakot ay natuwa pa siya. Mas gusto niyang ganoon sa kanya ang babae kaysa sa hindi siya nito pinapansin. He hates if Anna gives him a silent treatment. Sinasakal sa sakit ang puso niya.
"I'm telling you the truth. Maganda ka kapag na-iinis kagaya na lang ng mga sandaling ito. Kahit samaan mo ako ng tingin ay hindi ako natatakot dahil gusto ko ang reaksyon na iyan mula sa iyo." He said those words while looking into Anna's eyes.
Lalong tumalim ang tingin sa kanya ni Anna. "Kapag di kapatumigil sa sinasabi mo ay pupunta ka ng ilog mag-isa."
Alex doesn't feel threatened by Anna's words. Lalo pa nga siyang natuwa sa sinabi ng dalaga. Kahit anong pagbabanta ni Anna sa kanya ay nagbibigay lang iyon ng kasiyahan sa puso niya. Napapansin kasi siya nito.
"I behave now," aniya at inalis ang mga mata dito.
Napansin niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pag-irap nito. Hindi na siya nagsalita pa.
"Anna, pwede ba akong magtanong sa iyo?" tanong niya.
Hindi nagsalita si Anna kaya pinagpatuloy niya ang pagtatanong dito.
"Gaano mo kakilala si Carl Valencia?"
Naramdaman niya ang paninigas ni Anna. Hindi ito nagsalita. Napansin lang niya ang paghigpit nito ng hawak sa kabayo. Inaasahan na niyang hindi sasagutin ni Anna ang tanong niya. Si Carl ang kasintahan nito at hindi ito magbibigay ng importasyon sa isang tulad niya.
"Do you trust him with all your life?" Pabulong ang tanong niyang iyon.
Nilingon siya ni Anna at binigyan ng masamang tingin. Sinalubong niya ang tingin nito. Kagaya nito ay seryuso din siya ng mga sandaling iyon.
"Hindi ka ba talaga titigil?"
Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "I won't. Sagutin mo na lang ang tanong ko, Anna."
Nagdikit ang mga labi ni Anna. Iniiwas lang nito ang tingin sa kanya. Wala nga talaga itong balak sagutin ang kanyang tanong. Huminga siya ng malalim. Inaasahan na niya iyon.
"How did you meet him, Anna? Hindi ba siya ang kababata mo sa Pangasinan?"
Nang wala siyang makuhang sagot mula dito ay pinagpatuloy niya ang pagtatanong. "Do you think he is clean? Sa tingin mo ay wala siyang kinalaman sa nangyari sa iyo noon at ngayon."
Lumingon si Anna. "Anong gusto mong palabasin sa mga tanong mo, Alex? Na si Carl ang nag-utos na iligpit ako. Iyon ba yon?"
"Yes. Paano nga kung siya, Anna?"
Nagtaas-baba ang dibdib ni Anna. "Hindi masamang tao ang nobyo ko. Mahal niya ako at alam niyang mahal ko siya kaya hindi niya ako kayang saktan. Wag mong siraan si Carl sa akin, lalo na at hindi mo siya kilala."
"Mahal ka niya at mahal mo siya? Sigurado ka ba, Anna." Ipina-ikot niya ang braso sa baywang nito.
"Ano ba, Alex?" Pinalo ni Anna ang braso niya ngunit hindi siya nagpatinag.
"Stop fighting, Anna."
"Then let me go. Ibaba mo ako ngayon din kung ayaw mong pareho tayong maaksidente." Sigaw ni Anna.
Sinunod niya ang sinabi nito. Malapit na din naman kasi sila sa ilog. Ilang hakbang na din naman. Nang huminto si Princess ay tinulak siya ni Anna palayo sa katawan nito. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa renda ng kabayo. Nakipagsukatan si Anna ng titig sa kanya.
"Bumaba ka na para makababa na din ako." Matigas na utos nito.
"If I said no, what will you do, Anna?"
Anna didn't back down. Nakipagsukatan pa rin ito ng tingin sa kanya. Seryuso nga talaga ito. Walang nagawa si Alex kung hindi ang bumaba ng kabayo. Inalalayan niyang makababa ang dalaga ngunit tinabig lang nito ang kamay niya ng hawakan sana niya ito sa baywang.
"I don't need your help." Sigaw nito sa kanya.
Napa-iling na lang ang binata. To much for his plan. Bakit ba kasi nawawala siya kapag katabi niya ang dalaga? Nakalimutan niyang hindi niya dapat ito inisin. Nang makababa ng kabayo si Anna ay doon lang nito napansin ang ilog na nasa harap nila. Malawak iyon at ilang hakbang na lang talaga ang layo. Dahil tirik na ang araw ay tumatama na iyon sa malinis na tubig. Nang humakbang si Anna palapit sa ilog ay sinundan niya ito.
He makes a short distance from Anna. Ayaw niyang bigyan pa ito ng dagdag na inis sa kanya. Nang malapit na si Anna sa ilog ay hinubad nito ang suot na rubber shoes. Sinundan na lang ni Alex ang galaw nito. Umupo siya sa isang puno na di kalayuan. Inilublub ni Anna ang paa nito sa ilog.
"Ang lamig." Narinig niya sabi nito.
Napangiti siya. Galing sa di kalayuang talon ang tubig. Hindi nila pwedeng puntahan ang talon dahil pagmamay-ari iyon ng kabilang farm. Hindi niya alam kung sino ang may-ari noon at pinagbabawalan lang sila ni Quinn na pumunta. Hindi na siya nagsalita pa. Pinagmasdan na lang niya si Anna sa paglalaro sa tubig.
Nagsalubong ang kilay niya ng umalis sa tubig si Anna at naglakad kung nasaan ang sapatos nito. Akala niya ay isusuot nito ang sapatos kaya napatayo siya pero nagulat siya ng hinubad nito ang suot na t-shirt. May suot na itim na sleeveless ang dalaga. Sinunod nitong hinubad ang pantaon. Doon na na-alerto si Alex.
"Anna, what are you doing?" sigaw niya dito.
Tumigil si Anna sa paghubad ng pantalon. Tumingin sa deriksyon niya ang babae.
"I going to swim. Hindi naman siguro masama, di ba?"
Nanlaki ang mga mata niya. Bago pa siya makatutol sa gagawin nito ay nahubad na nito ng tuluyan ang pantalon at patakbong lumusong sa tubig. Nakasuot naman ng maikling fitted short ang babae.
Napatingin si Alex sa paligid. Hindi niya alam kung may mga tauhan ba ng dalawang farm na pumupunta sa bahaging. Kapag meron ay baka mabaril niya ito ng wala sa oras. He doesn't want someone to see Anna in that kind of look. Para lang sa mga mata niya ang ganoong ayos nito.
Nang masigurado na walang taong nanunod kay Anna ay bumalik si Alex sa pagkaka-upo. Pinanuod niya ang paglalaro ni Anna sa tubig. Masaya itong lumalangoy sa malawak na tubig. Masarap ang tubig ng ilog pag-ganoong oras. Sakto kasi ang temparatura. Hindi inaalis ni Alex ang mga mata kay Anna.
Natutuwa siyang makita na masaya ang dalaga habang masayang lumalangoy. Pati ang puso niya ay sumasaya din. May ala-ala ng nakaraan ang dumaloy sa kanyang isipan. Ala-ala ng unang pagkakataon na nakita niyang ngumiti ang dalaga at tumibok ng kakaiba ang puso niya para dito.
ALEX COME ALONG with their family driver. Sumama siya sa matanda para makatakas sa magulang na wala ng ginawa kung hindi pagsabihan siya. Iyong stress na siya sa pag-aaral ay dumagdag pa ang mga ito.
"Sir, okay lang po ba na daanan ko muna ang anak ko sa paaralan niya?" tanong ni Mang Emilio.
Tumingin siya sa salamin na nasa unahan nito. Ngumiti siya sa matanda. Ito ang pinakamatagal na driver ng pamilya nila. Ayon sa kanyang ina ay driver na ito ng pamilya noong nag-asawa ito at ang kanyang ama. Mabait ito sa lahat at ito ang madalas niyang kasama.
"Sige po, Mang Emilio. May isang oras pa naman po bago ang check in ko sa hotel." Sagot niya at ibinalik ang mga mata sa tablet na hawak. Binabasa niya ang aralin nila sa isang subject.
Friday ng araw na iyon at wala siyang panghapon na schedule. Nalaman niyang uuwi ng Panggasinan si Mang Emilio kaya naman sinabi niyang sasabay siya dito Tumawag agad siya sa isang hotel na malapit sa bahay nito para kumuha ng kwarto. Hindi alam ng magulang ang ginawa niya kahit ang pinsan niyang si Ashley. Kahit ang Kuya niya ay walang alam sa pag-alis niya. Tatawagan na lang niya ito mamaya pagdating ng hotel.
Huminto ang kotse sa isang paaralan. Tiningnan niya iyon. Kung tama ang pagkakabasa niya ay isa iyong public school. Palabas na ng mga oras na iyon ang mga estudyante.
"Sir, pwede ba natin siyang hintayin sandali?" muling tanong ni Mang Emilio.
"Walang problema sa akin, Mang Emilio."
"Salamat po, Sir Alex." Lumabas ng kotse si Mang Emilio para hintayin ang anak nito.
Hindi pa niya nakikita ng personal ang dalawang anak ng matanda. Ang alam lang niya ay dalawang babae ang anak nito. Ang isa ay nag-aaral ng koliheyo habang ang isa ay nasa high school at patapos na ngayong taon. Umiling siya. Hindi siya interesado sa pamilya ng kanilang katulong. Ibinalik na lang niya ang atensyon sa ginagawa kanina. Ilang minuto din silang naghintay hanggang sa may napansin siyang isang babae na palabas ng gate. May lalaking nakasunod dito at halatang kinukulit ang babae, basi na rin sa hakbang at galaw ng mga ito.
Nagsalubong ang kilay niya. May mga ganoon palang eksena ngayon ang mga kabataan. Napa-iling siya. Masyado pang bata ang mga ito para maging magkasintahan. Aalisin na sana niya ang tingin sa mga ito ng makitang lumapit si Mang Emilio. Tumaas ang kilay niya. Kung ganoon ay ito ang bunsong anak ni Mang Emilio.
Niyakap ng babae ang ama nito na siyang ikinatuwid niya ng upo. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ng babae. Mahaba ang buhok nito. Morena ang kulay ng balat at may kalakihan ang mga mata. Maganda ang hugis puso nitong labi at matangos nitong ilong. Hindi kakapalan ang kilay nito na bumagay sa mahabang pilik-mata. Masasabi niyang maganda ang babae. She is beautiful in her way.
Nakita niyang naglakad ang babae palapit sa kotse kaya umayos siya ng upo. Pumasok ang babae sa front seat. Biglang nanuot sa ilong niya ang amoy ng dalaga. She smells so good. Ngayon lang siya naka-amoy ng ganoon kaya hindi niya masabi kung anong klaseng pabango ba ang gamit nito.
"Mukhang hindi nakapasa kay Mang Emilio ang boyfriend mo?" seryuso niyang tanong sa babae.
Nanlalaki ang mga mata na lumingon ang babae sa kanya. Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Her reaction amazes him. Bakit mas gumanda pa ito sa paningin? What up with him? Alex tried to calm himself. Ibinalik niya ang walang emosyong mukha.
"Bakit ganyan ka makatingin?" salubong ang kilay na tanong niya dito.
"A-ano..." Nanginig niya ang boses na sabi ng babae. Hindi nito matapos ang sasabihin na siyang gusto niyang ikatawa.
"Miss Cordero, takpan mo iyang bibig mo at paki-punasan ang laway mo," aniya at ibinalik ang atensyon sa cellphone.
Gusto niyang mapapikit dahil maling bagay ang nadampot niya. He supposed to pick-up his tablet to continue reading his lesson but he pick-up his phone. Anong katangahan itong ginagawa niya? Para hindi mapansin ng dalaga ang pagkakamaling ginagawa ay pinagpatuloy na lang niya ang nilalaro kanina.
"Hindi mo kailangan sumimangot dahil sa ginawa ko sa lalaking iyon, Anna." Narinig niyang sabi ni Mang Emilio ng pumasok ito ng kotse.
Hindi niya itinaas ang tingin pero nakinig siya sa pag-uusap ng mag-ama.
"Hindi ka pa pwedeng magnobyo. Masyado ka pangbata, Anna. Magtapos ka muna ng pag-aaral."
Napangiti siya sa sinabi ng matanda. Gusto niyang pagsang-ayunan ang sinabi nito pero pinigilan niya ang sarili. Pag-uusap iyon ng mag-ama at hindi siya pwedeng maki-alam. Binuhay na ni Mang Emilio ang sasakyan.
"Hindi ko naman siya boyfriend, Itay. At saka, wala naman akong balak na sagutin siya. Sa pag-aaral muna ang atensyon ko ngayon."
Lumapad ang pagkakangiti ni Alex ng marinig ang sagot ni Anna sa ama nito. Napuno ng kasayahan ang puso niya ng hindi nalalaman. Nagustuhan ng kanyang tainga ang sinabi nitong hindi nito kasintahan ang lalaki at wala itong balak na magnobyo.
"Mabuti na iyong alam mo anak."
Doon na nagtaas ng tingin si Alex. Nakita niyang parehong nakangiti ang mag-ama. Now, he saw how Mang Emilio threat his child. Mabait nga talaga ang matanda. Lahat ng katulong sa mansyon ay tinatawag itong itay. Para kasi talaga itong ama ng mga katulong doon. Lahat kasi ng katulong sa mansyon ay mga dalaga pa. Ang matandang mayordoma lang yata ang nakatagal sa mansyon nila. Sa uri ng ugali ng kanyang magulang ay talagang walang tatagal.
"Sir, ihahatid na po kita sa hotel." Narinig niya sabi ni Mang Emilio.
"Thank you, Mang Emilio." Sinulyapan niya si Anna.
Hindi sinasadyang magtagpo ang mga mata nila. Ang dalaga ang unang nag-iwas. Napangiti siya sa ginawa nito. Napansin din niya ang pamumula ng tainga ni Anna. Nahihiya ba ito sa kanya? That's new. Ngayon lang siya nakakilala ng babae na nahihiya kapag nahuli niyang nakatingin. Kahit ang kasintahan niyang si Sapphire ay hindi ganoon ang reaksyon ng minsan niyang mahuling nakatitig sa kanya.
"Sir..."
Napatingin siya kay Mang Emilio ng marinig ang pagtawag nito sa kanya. "Opo."
"Siya nga po pala ang bunso kung anak, Anna po ang pangalan niya. Anna, siya ang bunsong anak ng amo ko, si Alexander Kim." Pakilala ni Mang Emilio sa amin dalaga.
"Nice to meet you, Anna." Inilahad niya ang kamay dito.
Lumingon sa kanya ang babae pero nakayuko ito. Tinanggap nito ang kamay niya. "Nagagalak din po akong makilala ka, Sir Alex."
He wanted to smile but he stops himself. Nakatingin sa kanya si Mang Emilio. Ayaw niyang may-isipin itong masama sa kanya. Ibinawi na niya ang kamay sa babae. Iiwas na sana siya ng tingin dito ng magtaas ito ng mukha. Agad na bumungad sa kanya ang nakangiti nitong labi at mga mata.
Alex suddenly froze from his seat. Napatitig ito sa labi ni Anna na nakangiti. Pakiramdam ni Alex ay tumigil sa pag-inog ang kanyang mundo. He sees thousands of stars shinning around Anna. May kaka-iba sa ngiti nito. Nahahalina siyang pagmasdan ito. Alex can't take his eyes off with that smile.
Nawala lang ang mahikang bumabalot dito ng tinalikuran siya ng dalaga at umayos ng upo. Napakurap ng ilang beses si Alex. Napakagat ito ng labi ng mapagtanto ang nangyari sa kanya. Umiwas ito ng tingin. Sa labas ng kotse tumingin ang binata. Anong nangyari sa kanya kanina? Bakit napatulala siya sa mga ngiti ng dalaga? Anong meron sa ngiti nito at naging ganoon ang epekto noon sa kanya?
NAPUTOL ANG pagbabalik ala-ala ni Alex ng maramdaman ang pag-galaw ng kanyang phone sa bulsa. Kinuha niya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Salubong ang kilay niya ng mabasa ang pangalan ng pinsan na si Cole.
"What's up?" bati niya sa pinsan ng sagutin ang tawag nito.
"Are you with Anna right now?" bungad ng pinsan.
"Yap. Bakit? May problema ba?"
Ang sunod na sinabi ng pinsan ang siyang yumanig sa pagkatao ni Alex. Nabitiwan nito ang hawak ng phone at napatingin sa dalagang masayang naglalaro sa tubig. How would he say to her the news?