GINAMIT ni Alex ang chopper niya para mas mabilis nilang marating ang hospital na kinaruruonan ng pamilya ni Anna. Nang sabihin ni Cole ang nangyari sa pamilya ni Anna ay agad niyang sinabi dito ang lahat. Anna breaks down and ask him to take her to her family. Halos madurog ang puso niya ng makita ang sakit at luha sa mukha ng babaeng minamahal.
He hates to see Anna like that. Kaya naman tinawagan niya si Jacob para ihatid sa kanila ang personal chopper niya. Iyon ang ginamit nila papunta sa ospital. Walang tigil sa pag-iyak si Anna at ang tanging nagawa lang niya ay yakapin ito.
Nang makalapag ang chopper ay mabilis siyang itinulak ni Anna at patakbong bumaba ng chopper. Mabilis din siyang nakasunod ito. Ginamit nila ang elevator ng hospital para marating ang floor kung saang ICU nakalagay ang ina, kapatid at pamangkin ni Anna. Pagkabukas ng elevator ay bumungad sa kanila si LJ, Jacob at Cole.
Hindi pinansin ni Anna ang tatlong lalaking nakatayo. Tumakbo ito papunta sa ICU. Susunod na sana siya sa mga ito ng hawakan siya ni Cole at Jacob sa magkabilang braso.
“What?” Singhal niya sa dalawa.
“Hindi ka pwedeng sumunod kay Anna. Nasa labas ng ICU si Carl. Hindi ka niya pwedeng makita,” wika ni Cole.
Nagulat man ay agad din nakabawi si Alex, “Wala akong paki-alam. Anna needs me, right now.”
“She doesn’t need you, right now. Nandoon si Carl. Ito ang kailangan ngayon ni Anna dahil ito ang kasintahan. Kumalma ka at sumunod sa amin, Alex.” Nagsalita si LJ na nakatayo lang.
Humarap siya sa kaibigan. Seryuso ang mukha nito. Tumigil siya sa pagpupumiglas. Hinarap niya ng ma-ayos si LJ.
“Let her with that jerk. Alam mo kung gaano kasama si Carl tapos sasabihin mo sa akin na hayaan ko siya.” Itinuro pa niya ang deriksyon ni Anna.
“I will follow her. Ako ang magbabantay kay Anna para sa iyo, Alex. Sa ngayon ay kailangan mong sumama kay Cole at Jacob. May kailangan kayong pag-usapan. Patrick and Asher are also waiting at the parking lot.”
“Patrick and Asher are here?” tanong niya.
“Yes. They are---”
Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ng kaibigan. Mabilis siyang sumakay muli sa elevator. Susunod sana si Cole at Jacob ng agad niyang pinindot pasara ang elevator. Napakuyom at nagtaas-baba ang dibdib niya habang pababa ng parking lot. Nang marating niya ang parking lot ay agad niyang hinanap ang dalawang kaibigan. Nakita niya ang mga ito na nakatayo sa mga kotse ni Patrick. Mabibilis na mga hakbang ang ginawa niya para makalapit agad sa mga ito.
“Alex, you are fi---”
Hindi natapos ni Asher ang sasabihin nito ng bigla na lang niyang sinuntok si Patrick. Napahawak ang kaibigan niya sa pumutok na labi.
“You said you will protect them. Sinabi mo sa akin na hindi mo hahayaang mapahawamak ang pamilya ni Anna.” Sigaw niya.
Mabilis siyang hinawakan ni Asher sa braso. Pinigilan siya nitong sugurin ulit ng suntok si Patrick.
“Alex stop it. Hindi ginusto ni Patrick ang nangyari.” Sigaw ni Asher.
“You promise to me. Sinabi mo sa akin na ikaw ang bahala sa pamilya niya. Sabihin mo sa akin ngayon kung paano ito nangyari, Patrick?”
“I’m sorry.” Narinig niyang sabi ni Patrick. Humarap sa kanya ang kaibigan.
“Sorry? Iyon lang ang sasabihin mo sa akin.”
“Alam ko ang kapabayaan na ginawa ng mga tauhan ko, Alex. At wala akong masabi sa iyo kung hindi ‘I’m sorry’. I failed again to protect the woman you love.”
Nang makita niya ang pagsisisi sa mukha ni Patrick ay tumigil siya sa paglalaban. Umiwas siya ng tingin sa kaibigan. Mariin siyang napapikit. Tinabig niya ang kamay ni Ashey.
“Ahhhh!!!” Sigaw niya. “Anong nangyari, Pat? Bakit nasa ospital ngayon ang buong pamilya ni Anna?”
“Can we go out here now, Alex? May importante akong sasabihin sa iyo.”
Tumingin siya sa kaibigan. Sasagot na sana siya ng may tumawag sa pangalan niya. Dumating si Cole at Jacob. Habol ng mga ito ang paghinga. Si Cole ang tumawag sa pangalan niya. Napatingin siya sa pinsan. Inilahad niya ang kamay dito.
“Let me borrow your car, couz. May kailangan lang kaming puntahan ni Patrick,” wika niya sa pinsan.
Tiningnan nito ang mga kasama niya bago kinuha ang susi sa bulsa nito. “Mag-ingat ka. Magpapasundo na lang ako kay Mr. Prado.”
Tumungo siya sa pinsan bago hinarap ang mga kasama. Katabi lang nang sasakyan ni Patrick ang kotse ng pinsan. Sumakay siya sa kotse ni Cole. Hinintay niya munang lumabas ang kotse ni Patrick bago sumunod sa mga ito. Nasa likuran ng kotse niya si Asher. Napansin naman niyang hindi sumunod si Jacob. Mukhang sinamahan nito ang pinsan niya sa parking lot.
Sinundan lang ni Alex ang kotse ni Patrick. Nagtagpo ang mga kilay niya ng mapansin na papuntang Rizal ang daan na tinatahak nila. Saan sila pupunta? Paano nga pala napunta sa Maynila ang pamilya ni Anna? Hindi ba dapat ay sa Quezon Province ang mga ito ngayon.
Sa isang magandang bahay sa Taytay, Rizal sila huminto ni Patrick. Kusang bumukas ang gate para makapasok sila. Inihinto niya ang kotse sa magandang bahay na iyon. Bukas ang ilaw ng bahay. May nakita siyang dalawang lalaki na naka-upo sa garden chair. Lumabas ng kotse si Alex.
“Magandang gabi po, Agent Star.” Sabay na bati ng dalawang lalaki.
“How are they?”
“They are okay, Sir. Hindi naman po sila natakot kanina sa paglilipat namin.”
Tumungo si Patrick. Hinarap siya ng kaibigan. “I want to show you something before I tell you everything.”
Sinundan niya ang kaibigan ng tinalikuran siya nito para pumasok sa loob ng bahay. Pagkapasok pa lang niya sa loob ng bahay ay bumungad na agad sa kanya ang ma-ingay na boses ng isang batang lalaki. Nagtatakaman ay sinundan niya pa rin si Patrick. Dumaan sila ng sala at isang pasilyo. Isang open kitchen ang napasukan nila.
Hindi na ituloy ni Alex ang pagpasok sa loob ng kusina ng makita ang taong nasa loob. Nagluluto ang dalawang babae habang ang batang lalaki ay tumulong sa mga ito. Parang nakakita ng ahas si Alex ng makilala ang dalawang babae.
“Tita… Carila…” banggit niya sa pangalan ng dalawang babae.
Tumigil ang dalawang babae sa ginagawa at napatingin sa kanila. Patrick standing in the center of the kitchen come close to him. Hinila siya ng kaibigan para makapasok sa loob ng kasina.
“Alexander…” Banggit ni Tita sa kanyang pangalan.
May dumaloy na luha sa mukha ni Alex. Kung ganoon ay totoong nakikita niya ang ina at ate ni Anna. Buhay ang mga ito at nandito sa safe house ni Patrick. Napatingin siya sa kaibigan at binigyan ito ng nagtatanong na tingin? Tumungo lang si Patrick.
“Kagaya ng sabi ko po sa inyo. Inutusan po kami ni Alex na iligtas kayo sa mga gustong pumatay sa inyo,” wika ni Patrick habang nakatingin sa ina ni Anna.
“Kung ganoon ay ikaw ang nagligtas sa amin, Alex?” tanong ni Ate Carila.
Umiling siya. Hindi naman talaga siya ang nagligtas sa mga ito kung hindi ang tauhan ni Patrick. Alex doesn’t know how to react about this. Nagugulat pa rin siya sa nakikita.
“Kung ganoon ay si---”
“Si Alex po ang nag-utos sa mga tauhan ko na bantayan kayo. Ginawa lang po namin ang ini-utos ni Alex na protektahan kayo. Hindi nga lang po niya alam ang paglipat namin sa inyo dito sa Taytay.” Paliwanag ni Patrick.
Tumungo ang ina ni Anna. Ngumiti ito sa kanya. Gumanti naman si Alex. Naglakad palapit si Alex sa dalawang babae. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ng binata kaya ang ina ni Anna ang nagpunas doon.
“Alex, bakit ka umiiyak? Masyado ka bang nag-alala sa amin?” Malambing na tanong ng ina ni Anna.
Tumungo siya. “Akala ko ay napahamak na kayo? Galing kaming Laguna ni Anna ng tumawag ang pinsan ko at sinabing nasa ospital kayo. Sobra-sobra po ang pag-aalala namin ni Anna sa inyo.”
“Kasama mo si Anna?” Natigilan ang matanda at napatingin sa kanyang likuran.
Hinawakan niya ito sa braso. “Nagkahiwalay kami. Nasa ospital po siya ngayon dahil akala niya ay kayo ang nandoon. Sumama lang ako kay Patrick.”
Tumingin siya sa kaibigan. Naghihingi siya ng paliwanag dito.
“Bakit mo iniwan si Anna doon? Nasisigurado kong nandoon ang taong gustong tumangka sa buhay niya. Mapanganib ngayon para kay Anna ang pumunta sa ganoong lugar.” Biglang nagpanic ang ina ni Anna.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito. “Tita, Anna is safe. Nandoon ngayon ang boss niya at nandoon din ang pinsan ko. Wag po kayong mag-alala sa kaligtasan niya. Hindi po siya pababayaan ni LJ. Nasisigurado ko po iyon sa inyo.”
Kumalma naman ang ina ni Anna. Tumingin sa kanya ang matandang Cordero. Nasa mga mata nito ang pag-aalala sa anak. Malapit si Anna sa ina kaya alam niyang sobra-sobra ang pag-aalala nito sa anak.
“Tita, wag po kayong mag-alala. Anna is safe. Nasa tabi niya ngayon ang pinakamagaling kong agent. Hindi siya pababayaan ni Jacob. Kailangan ko lang talagang gawin ito. Nasabi ko naman sa inyo kanina ang mga plano ko, di ba? Kaya po kunting tiis din.” Tumingin sa kanya si Patrick.
Nakipagtitigan siya sa kaibigan. Hindi niya alam kung anong gusto nitong ipalabas pero alam naman niyang hindi nito ipapahamak si Anna at ang pamilya nito. Nakipagkwentuhan pa sila sa pamilya ni Anna.
Kilala siya ng ina at kapatid ni Anna dahil madalas na siyang pumunta ng Panggasinan simula ng makilala niya ang dalaga. Kapag week end ay pumupunta siya para lang masilayan ito. Natigil lang iyon ng pumunta na ng Maynila si Anna para mag-aral ng koliheyo. Pero nagkikita pa rin sila ng ina nito kapag pumupunta ito ng mansyon. Mabait sa kanya ang ina ni Anna. Nang minsan nagpakita siya dito ay wala siyang narinig na kahit anong sumbat mula sa matanda.
Nagpapasalamat siya at ganoon pa rin ang trato sa kanya ng ina ng dalaga. Ang puso na lang talaga nito ang hihingin niya. He can’t wait to hold Anna’s heart, and her love.
PAGKATAPOS NG DINNER nila kasama ang magulang ni Anna ay tumuloy sila sa library room ng bahay na iyon. Kasama nila si Asher.
“Explain,” aniya kay Patrick at umupo sa mesa.
Huminga ng malalim si Patrick. “I did what I need to do, Alex. Nang malaman ng taong tumatangka sa buhay ni Anna ang lugar ng magulang nito ay agad ang mga ito pumunta para patayin ang mga Cordero. Maswerteng nandoon ang mga pinadala kong tauhan para bantayan ang pamilya ni Anna. Pero alam ko na hindi titigil ang mga ito hanggat hindi nila napapatay ang pamilya ni Anna.
Kaya naman na isip kong dayain ang pagkamatay nila. Pinalabas namin na sakay ng kotse ang pamilya ni Anna pero ang totoo ay sakay sila ng chopper na pagmamay-ari ni Liam. Agad namin silang nilipat dito sa Rizal para maproteksyonan ng maayos.”
Tumungo siya. Na-iintindihan niya ang kaibigan. “Bakit hindi mo sinabi sa akin itong plano mo? Anna is crying hard earlier. Ngayon ay nandoon siya sa ospital sa pag-aakalang napahamak ang mga taong mahal niya.”
“I’m sorry. Wala na din kami kaninang oras para matawagan ka. At saka, ito talaga ang plano namin. Wala kaming balak na sabihin kay Anna na buhay ang magulang niya.”
“What?” Napatayo siya mula sa pagkaka-upo.
“Nagkasundo kami ng magulang ni Anna na wag sabihin sa kanya ang kalagayan ng magulang niya. Mas maniniwala ang mga gustong pumatay sa kanila kapag nakita nilang nagluluksa si Anna.” Walang emosyon na sabi ni Patrick.
Nagdikit ang labi ni Alex. Napakuyom ang dalawa niyang kamao. “You will let her suffer like that? Anna can act like she is norming from her lost. Hindi niya kailangan na magdusa ng ganito, Patrick. I will tell Anna about this.” “
Tinalikuran niya ang kaibigan pero agad din napahinto ng marinig ang sunod nitong sinabi.
“Carl is part of the plan. Isa sa mga tauhan nito ang nahuli namin at umamin na tauhan siya ni Carl. Naghahanap pa kami ng sapat na ebidensya para hulihin siya.”
Lumingon si Alex. “Kung ganoon ay tama ang hinala ko na si Carl ang gustong pumatay kay Anna?”
Tumungo si Patrick. “Hindi pa sapat ang salita ng tauhan niya para hulihin namin si Carl. Kailangan pa namin ng mas sapat na ebidensya. Ang tanging magagawa lang natin ngayon ay bantayan si Anna.”
“Bakit hindi na lang natin sabihin kay Anna? She should stay away from Carl.”
“Nag-iisip ka ba, Alex? Kasintahan ni Anna si Carl, kapag sinabi natin sa kanya ang mga nalalaman natin sa tingin mo ay agad niya tayong paniniwalaan. Anna is a lawyer. She will ask for a concrete evidence. Hindi ganoon kadaling sabihin kay Anna ang lahat kahit pa na kasama natin ang ina niya. Iisipin lang niya na pinagtutulungan natin ang kasintahan niya.”
Napapikit ng mariin si Alex. May punto ang kaibigan. Naalala niya ang pag-uusap nila kanina sa farm ni Quinn. Nagalit ito ng pag-usapan nila ang tungkol kay Carl. Kahit na ang ina nito ang kuma-usap dito ay siguradong iba ang iisipin ni Anna. Wala pa silang sapat na ebidensya para kalabanin at ilayo si Anna sa lalaki.
“Ano pangsunod mong plano? Alam natin na hindi ako pwedeng lumapit ngayon kay Anna dahil nasa tabi nito si Carl?” He can’t hide his frustration.
He wanted to protect Anna but he can’t do anything. Mapapahamak lang ang dalaga kapag nakita siya ni Carl. Siguradong gagawa ng paraan si Carl para hindi malaman ni Anna ang nangyari labing-anim na ang nakakaraan. Kilala siya ni Carl at kapag nalaman nitong lumalapit siya kay Anna ay baka gumawa ulit ito ng hakbang kagaya ng ginawa nito ng gabing iyon.
“LJ will be around with Anna. Ito ang babantay kay Anna habang nagluluksa ito. Mas mabuti na si LJ ang nasa malapit para hindi makatunog ang mga tauhan ni Carl. LJ promise to me that he won’t take his eyes off with Anna. Tutulong siya kung kailangan. Gusto na din naman iyang makulong ang mga taong gustong pumatay sa mga empleyado niya.”
Tumungo siya. “Kung ganoon ang plano niyo ay kailangan ko na din bumalik ng Maynila. Hindi ako pwedeng tumagal dito at baka mapahamak ang pamilya ni Anna.”
“Sige. Ako na ang bahala dito. Asher will accompany you.”
“Thank you, Pat.” Lumapit siya sa kaibigan.
“I’m always here to help, Alex. Mission ko ang puksain ang grupo ni Brandon at kasama na doon ang grupo ni Carl.”
Tinapik niya ang balikan ng kaibgan. “I know. Mag-ingat ka lang at baka makatunog si Brandon sa totoo mong pagkatao.”
“Thanks. I will be more careful.”
Pagkatapos nilang mag-usap ni Patrick ay lumabas siya ng library room pero nagulat si Alex ng makita si Ate Carila na nakatayo sa labas. Ang nakakatandang kapatid ni Anna.
“Ms. Cordero…” banggit niya sa pangalan nito.
“Pwede ka bang maka-usap kahit saglit lang, Alex?” Pormal nitong tanong.
Tumungo siya at ngumiti sa babae. Hindi na ito nagsalita. Tumalikod lang ito at naglakad papunta sa teresa. Umupo ito sa upuan na nandoon. Umupo naman si Alex sa katapat nitong upuan.
“Alam kong wala akong karapatan na humingi ng pabor sa iyo.” Panimula nito.
“Ms. Cordero---”
“Please, protect Anna. Nang ipakilala sa amin ni Anna si Carl bilang kasintahan nito ay hindi na namin siya gusto. Iba kasi talaga ang nararamdaman namin sa kanya ni Inay pero dahil nga nakita namin ang kasayahan sa mga mata ni Anna ay hindi kami nagsalita. Ngayon ay napatunayan namin na tama ang kutob namin patungkol kay Carl. Alex…” hinawakan ni Ate Carila ang kamay niya. “…nakiki-usap ako. Iligtas mong muli ang kapatid ko.”
Puno ng pagsusumamo na tumingin sa kanya ang ate ni Anna. Ipinagpalit niya ang pagkakahawak sa kamay nito. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng babae.
“I will protect her with all my life, Carila. Nangako ako sa ama niyo na hindi ko hayaan na mapahamak si Anna. Tutuparin ko ang pangakong iyon, Carila.”
Lumiwanag ang mukha ni Carila. “Maraming salamat, Alex.”
“Don’t thank me, Carila. May kasalanan din naman ako sa pamilya niyo. Hindi ko nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mang Emilio. Patawarin niyo din sana ako at ang pamilya ko sa ginawa nila labing-anim na ang nakakaraan.” Humingi na siya ng kapatawaran sa mga ito noon pero pakiramdam niya ay hindi iyon sapat.
“Alex, hindi mo ginusto ang lahat. At saka iyon lang din naman ang paraan para maprotektahan mo kami. Sinabi na namin sa iyo ni Inay na wala kaming sama ng loob sa iyo. Nagpapasalamat pa nga kami.”
He just simple smile to her. Mabait sa kanya si Carila. Hindi niya alam noong una pero ng minsan siyang magpakita sa mga ito pagkatapos ng nangyari ay sinabi nitong napansin nito ang pagtingin na inu-ukol niya para kay Anna. Alam din daw ni Mang Emilio kaya nga pina-alis nito si Anna sa mansyon at hinayaan na mag-board sa unibersidad.
Pinaglayo talaga sila ni Mang Emilio noon para mabigyan ng magandang kinabukasan si Anna. Alam niya kung gaano kalaki ang pangalarap ng matanda sa bunsong anak nito kaya nga gagawin niya ang lahat maging ligtas lang ang dalaga.
Hindi din nagtagal ang pag-uusap nila ni Carila. Umalis din agad siya para balikan ang pinsan sa ospital at silipin na din ang sitwasyon ni Anna. Hindi siya mapalagay kapag hindi niya makita ngayon ang babae. Pagdating ni Alex sa parking lot ay napansin niya ang kotse ni Jacob. Kung ganoon ay nandoon pa rin ang kaibigan.
Tuloy-tuloy siya hanggang sa floor kung nasaan ang dalaga pero natigilan si Alex ng makitang kasama ni Anna si Carl at nagyayakapan ang dalawa. Alex feels thousand of knifes strike to his heart. Umiiyak sa bisig ni Carl si Anna habang ang lalaki ay hinahagod ang likuran ng babaeng nilalaman ng kanyang puso.
Napakuyom ang dalawang kamay ng binata. Nagdikit din ang mga labi nito. Anong karapatan ni Carl na yakapin ng ganoon si Anna gayong ito ang dahilan ng lahat? Wala itong karapatan na aluin ang babaeng minamahal pagkatapos nitong saktan ang mahal sa buhay ng dalaga?
Isa itong demonyo na nagbalat kayong tao. Lalapitan na sana niya ang dalawa ng may humawak sa kanyang braso.
“Don’t ever tried, Alex.” Narinig niyang wika ni Jacob.
Hinarap niya ito. May pag-alala sa mga mata ng agent na naging kaibigan na rin nilang magpinsan.
“Wag na wag mong ipapahamak ang sarili mo. Tandaan mo kung saan ka nakalugar ngayon.”
Napasuntok sa pader si Alex dahil sa sinabi ng kaibigan. Masakit ang kamao niya pero wala na yatang mas sasakit pa sa puso niya. Hindi niya kayang makitang may ibang lalaking kayakap si Anna. Nadudurog ang puso niya at lumalabas ang berdeng halimaw sa kaloob-looban niya. Hindi na yata siya makapaghintay na patayin si Carl.
‘I will kill you with my own hands, Carl. Hindi ako makakapayag na makuha mo si Anna pagkatapos ng mga ginawa mo.’ Sinusumpa niya sa kanyang isipan.