MTT TWELVE

3192 Words
NAKATINGIN SI Alex kay Anna mula sa kinatatayuan nito. Nasa burol siya ng taong inaakala ni Anna na pamilya nito. Hindi niya alam kung saan kumuha ng katawan na pinaglalamayan ngayon si Patrick. Ang sabi lang nito ay ito ang gagawa ng paraan. May tiwala naman siya sa kaibigan na hindi gagawa ng kalukuhan at masama. Huminga ng malalim si Alex ng makitang lumapit kay Anna ang kasintahan nitong si Carl at niyakap ang dalaga. Walang nagawa si Alex kung hindi pagmasdan ang dalawa. He wanted to come close and push Carl away from Anna but he stops himself. Walang makakabuti kapag lumapit siya kay Anna. Ipapahamak niya lang ang dalaga. “What are you doing here, Alex?” Narinig niyang tanong mula sa likuran niya. Lumingon si Alex at nakitang nakatayo ilang hakbang mula sa kanya si Jacob. Lumapit siya dito. Madilim ang bahaging kinaruroonan nila kaya walang tauhan ni Carl ang makakapansin sa kanila. Seryusong nakatingin sa kanya si Jacob. “I want to check on Anna.” Sagot niya sa tanong ng kaibigan. Huminga ng malalim si Jacob. “Hindi ba at sinabi sa iyo ni Patrick na wag na wag ka munang magpakita kay Anna habang nasa paligid si Carl. Gusto mo bang ipahamak ang sarili mo.” “Jacob, I can protect myself.” Na-iinis siya kapag pinagsasabihan siya ng mga ito. Pakiramdam kasi niya ay isa siyang bata na kailangan bantayan. Alam naman niya ang ginagawa niya. Marunong siyang sumunod sa usapan. Jacob is there to protect Anna. May ilang tauhan din si Patrick na nandoon. Inaalam pa rin nila kung sino ba talaga ang tumatangka sa buhay ni Anna at ng pamilya nito. Hindi kasi simpleng tao ang may gawa noon. Carl is quite also. Wala siyang napapansin na kaka-iba sa lalaki. “Alam ko iyon pero kailangan mong sumunod kay Patrick. I also promise to Tita Ivy that I won’t let bad things happen to you. Wala akong balak na baliin ang pangako sa Tita mo. Kaya umalis ka na muna dito. Hayaan mo kaming magbantay kay Anna.” Bumuntonghininga si Alex. “Fine. Wag niyong hayaan na magkasolo ang dalawa.” Ngumiti si Jacob. “I won’t take my eyes off with her.” Nais man niyang mapatanag sa sinabi ni Jacob ay hindi niya magawa. Hindi niya pa rin mapigilan na mag-alala para kay Anna. Muli niyang nilingon ang dalaga. Masyado na siyang malayo dito kaya hindi na niya masilayan ang mukha nito. Ilang sandali din niyang pinagmasdan ito bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon. Hahayaan niyang si Jacob ang magbantay sa dalaga. Imbis na umuwi sa pen house niya ay umuwi ng mansyon ng Saavadra si Alex. Mas nais niyang doon matulog ngayong gabi. Nagbabakasakali din siya na nandoon si Kuya Timothy. Nais niyang maka-usap ang nakakatandang pinsan. Hindi niya maka-usap ngayon ng ma-ayos si Lincoln dahil abala ito sa kay Clara at sa anak ng babae. Malapit na kasing manganak si Clara at laging nasa tabi nito si Cole. Hindi nila pinagbabawalan si Cole dahil alam nilang iyon ang kasayahan ng pinsan. Mabilis siyang nakarating ng mansyon. Pinagbuksan agad siya ng gate ng mga bantay. Ang mansyon ng Saavadra ay pinaghalong tradisyonal at modern house. Pinaayos iyon ni Tita Ivy at mas pinahigpit ang security system. Kung may pinaka-safe place sila ay ang mansyon iyon ng Saavadra. Nang ihinto niya ang kotse sa hilira ng koste ng magkapatid na Saavadra ay napangiti siya. Mukhang nasa mansyon ngayon ang dalawa niyang pinsan. Diretso siyang pumasok ng mansyon. Hindi niya nakita sa malawak na sala ang dalawa kaya pumunta siya sa bar area. At doon ay nakita niya ang dalawa na umiinum. “What’s up?” sigaw niya. Napatingin sa kanya ang dalawang pinsan. Ngumiti agad si Kuya Timothy ng makita siya habang si Cole ay ibinalik lang ang atensyon sa basong hawak. Umupo siya sa stool na katabi ni Kuya Timothy. Tiningnan niya ang nilalaman ng baso ng mga ito. Nagsalubong ang kilay niya ng makitang pineapple juice iyon. “What are you two doing?” Hinawakan pa niya ang baso ni Kuya Timothy. “Tita Ivy ban us from drinking alcohol.” Sagot ni Kuya Tim. Tumayo ito at lumapit sa mini-ref na nandoon. Kumuha ito ng isang in-can na pineapple juice. Isinalin nito ang laman sa isang wine glass at ibinigay sa kanya. Nakasunod lang ang tingin niya sa pinsan. “Why? Kailan pa pinagbawal ni Tita ang pag-inum ng alak sa mansyon?” Nasa beverage industry ang kompanya na pagmamay-ari ng Saavadra kaya imposibleng ipagbawal iyon ni Tita Ivy. “Nahuli niya kami na naglasing ni Cole at nagbasag ng mga bote dito sa bar area.” “Ow!!!” aniya. Nabalitaan niya ang ginawa ng magkapatid sa kay Ashley. Nagulat nga siya dahil napaka-imposibleng mag-away ang mga ito. Cole have a big respect to his older brother and Kuya Timothy always protecting Cole. Wala sa hinagilap niya na mag-aaway ang mga ito at na-uwi pa sa sakitan. Ayon kay Ashey ay nasugatan si Kuya Timothy. “Paano nalaman ni Tita ang ginawa niyong dalawa?” Ininum niya ang ibinigay nitong pineapple juice. “May nakakalusot na ba kay Tita Ivy? Siguradong may nagsabi dito.” Huminga ng lalalim si Kuya Timothy. Alam niyang broken hearted din ang pinsan niyang ito. Bigla na lang kasi hindi nagpakita ang babaeng nilalaman ng puso ng pinsan. Hinanap ito ni Kuya Timothy ngunit wala itong makuhang impormasyon. Humingi na din ng tulong si Kuya Timmy kay Jacob pero walang nakakapagturo kung nasaan talaga ang babae. May nagtatago dito kaya hindi ito mahanap ng pinsan. Si Cole naman ay ang pagsinta nito kay Clara. Alam niyang dinadala pa rin ni Cole ang ginawang pagkakamali sa tinuturing nitong best friend. Magkasintahan na ito at si Clara pero hindi nagkakahulugan noon na tatanggapin ito ni Clara kapag lumabas na ang katutuhanan. Kahit anong gawin ng pinsan ay hindi na mababago ang katutuhanan na may kinalaman ito sa nangyari kay Clara noon. “Kung ganoon ay pinaparusahan kayo ni Tita.” Umiling siya. “Ano ba kasing pinag-awayan niyong dalawa na na-uwi pa talaga sa sakitan?” Tumingin sa kanya si Cole. Itinaas lang nito ang isang kamay at pinakita ang gitnang daliri. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ng pinsan. “Cole, where did you learn that?” gulat niyang tanong dito. “Tumahimik ka, Alex. Nakaka-inis ang boses mo. Ang tahimik namin dito kanina ni Kuya tapos ng dumating ka biglang umingay. Lumayas ka nga dito sa mansyon at umuwi sa pen house mo.” Pagtataboy sa kanya ni Cole. Sumimangot siya sa pinsan. Tumayo siya at lumapit kay Cole. Inakbayan niya ito. “Ano na naman ang problema mo at ang sungit mo? Nag-away ba kayo ni Clara? o may dalaw ka ngayon?" Inalis ni Cole ang braso niya sa balikat nito at binigyan siya ng masamang tingin. Hindi ito nagsalita bugkos ay tumayo at umalis. Iniwan sila ni Kuya Timothy na sinusundan na lang ito ng tingin. Wala nga talaga sa mood ang pinsan niya. Ganoon si Cole kapag hindi nakukuha ang gusto. Tatahimik at mag-iisip na solusyon sa sariling problema. Kaya nga nagulat na lang sila ng malaman ang ginawa nito kay Clara. Hindi na nila ito napigilan pa sa plano nito. “Ano na naman ang problema ng kapatid mo, Kuya?” tanong niya. Tumingin sa kanya si Kuya Timothy at ibinigay ang baso na ginamit. Umupo siya sa upuan na nilisan ng pinsan. “Alam mo naman kung sino lagi ang problema ng kapatid ko. At saka, dumagdag pa si Trixie na ayaw siyang tigilan.” Tumaas ang kilay niya. “Nang gugulo pa rin ang ex na iyon ni Cole? Ano na naman ang gusto niya sa pinsan ko? Hindi pa ba sapat ang pagnanakaw na ginawa ng Kuya nito sa Redwave? Ang kapal naman yata ng mukha niya.” Trixie was Cole ex-girlfriend. Ilang taon din ang dalawa. Cole broke up with Trixie after what they did to Redwave. Nalaman nilang pinagnakawakan ng Kuya ni Trixie ang Redwave at ibinibinta ang impormasyon tungkol sa kompanya sa kalaban. Cole is very mad after he found out the truth. Agad itong nakipaghiwalay kay Trixie pero baliw talaga ang babae sa pinsan. Heto na naman ito sa paghahabol. Wala din naman magagawa pa si Trixie. Matagal ng magkaibigan si Clara at Cole. At hindi iyon nagbago kahit na umalis ng bansa ang kapatid dahil sa sakit nito. Cole loves Clara so much. “Alam mong baliw ang babaeng iyon sa kapatid ko. Kahit na may kasintahan na ito ay hinahabol pa rin nito si Cole. Iwan ko ba sa babaeng iyon. Minsan ko lang siyang nakaharap sa isang party pero iba na ang kutob ko.” Umiling si Kuya Timothy. “Cole need to get rid of her. Baka maputol na naman ang pagsinta nila ni Clara. Ayaw ko ulit makita si Cole na nagsasaktan. Your brother deserves to be happy,” aniya. “I know.” Naghari ang katahimikan sa pagitan nila ni Kuya Timothy. Pareho silang pinagmasdan ang hawak na inumin. Sunod-sunod ang problemang kinakaharap nilang magpinsan pero lahat naman ay may solusyon. Malalampasan din nila ang lahat. “Kamusta na nga pala si Anna?” Basag ni Kuya Timothy sa katahimikan na naghari sa pagitan nila. “She is not fine. Walang tigil sa pag-iyak si Anna simula ng iburol ang pekeng pamilya niya.” Humigpit ang pagkakahawak niya sa baso. Tinapik ni Kuya Timothy ang balikat niya. “Tatagan mo pa ang loob mo. Alam kung mahirap makitang nasasaktan ang taong mahal mo pero kailangan mong magpakatatag. Para din naman ito sa kabutihan ni Anna.” Tumungo siya. “Alam ko, Kuya. Masakit lang talagang makita na umiiyak siya sa dibdib ng ibang lalaki. Kung hindi ko lang sinunod ang nais ng magulang ko noon, ako na sana ngayon ang kasama ni Anna. Ako sana ang kayakap niya at hindi ang gagong Carl na iyon.” “Wala na tayong magagawa pa, Alex. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay makuha ang pag-ibig nito.” “I know, Kuya. Pero hindi ko iyon magagawa kung nasa tabi niya ngayon si Carl. Kailangan kong masolo si Anna.” Napansin niyang tumingin sa kanya si Kuya Timothy. “Alex, wag na wag mong gagawin ang ginawa ni Cole. If you want to get her love, do it in the right way.” “Wag kang mag-alala, Kuya. Wala akong balak na saktan si Anna. Alam ko ang pinagdaanan niya sa buhay.” Muli lang tinapik ni Kuya Timothy ang balikat niya. Kahit si Kuya ay alam ang pinagdaanan ni Anna. Wala naman silang nililihim magpinsan. Huli na nila nakilala si Kuya Timothy dahil hindi ito anak ni Tita Ivy. Anak ito sa pagkabinata ng ama ni Cole. Kung tutuusin ay hindi talaga nila ito pinsan pero dahil malapit ito kay Cole at napamahal na din ito sa kanila ay tinuring nila itong totoong pinsan. Ashley is more attach to Kuya Tim. Pagkatapos mawala ng Kuya Andrew niya ay si Kuya Tim na ang tumayong nakakatandang kapatid nila. KASAMA NI ALEX si Kuya Timothy habang pinapanood si Anna. Ngayong araw ang burol ng pekeng pamilya nito. Kita niya ang pag-iyak ng dalaga at pagluhod nito sa pundot ng ina, ate at pamangkin. Iniiwas ni Alex ang mga mata. Hindi niya kayang makita sa ganoong sitwasyon ang babae. Mas masakit para sa kanya na makitang nasasaktan si Anna. “Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Kuya Timothy. Tumingin siya sa pinsan. “I hate seeing her crying, Kuya. Mas nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang ganyan.” Huminga ng malalim si Kuya Timothy. Tumingin ito sa labas. Nagsimula ng mag-alisan ang mga tao. Naiwan na lang si Anna at Carl. Nasa malayo naman si LJ na nakamasid. Alam niyang nandoon ito para bantayan si Anna. Carl hugging Anna that makes his blood boil. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. Kung nasasaktan siyang makitang umiiyak si Anna ay mas nasasaktan siyang makitang may ibang lalaking nakayakap dito. He hates seeing other man hugging and kissing the person he loves. “Look away, Alex.” Bulong ni Kuya Timothy. “I hate him. He hurts Anna but he has the nerve to hug her. Ang kapal ng mukha niya. Isa siyang demonyo na nagpapanggap na tao. I can’t wait to put him in jail. Kung tutuusin nga ay dito dapat magalit si Anna. Alam ni Carl kung sino ang pumatay sa ama ni Anna. Isa ito sa mga lalaking humabol sa amin ng gabing iyon. Alam ni Carl kung anong nangyari ng gabing iyon pero nanahimik siya dahil alam nitong makukulong ito.” Lalong nabuhay ang galit sa puso niya. Akala niya ay hindi na ito magpapakita pa kay Anna pagkatapos ng ginawa nito pero heto at naging kasintahan pa talaga ng dalaga. Carl was hiding after what happen. Ayon sa report ni Jacob ay ilang taon din sa ibang bansa si Carl bago nagpakita muli kay Anna. Apat na taon itong nagtago sa ibang bansa dahil sa nangyari. “Alex…” Ang pagtawag na iyon ng pinsan ang nagpatingin sa binata sa direksyon ni Anna. Nakita niyang iniwan ni Carl si Anna dahil may lumapit ditong isang tauhan. Sinundan niya ang lalaki na umalis ng sementeryo at iniwan doon si Anna. Napa-iling siya. Bakit iniwan ng lalaking iyon ang kasintahan? Bumalik ang tingin niya kay Anna. Nasa tabi na nito si LJ at nag-uusap ang dalawa. “Go. Lapitan mo na siya.” Sinunod niya ang sinabi ni Kuya Timothy. Lumabas siya ng kanyang kotse at naglakad papalapit kay Anna. May suot siyang sombrero at salamin sa mata. Wala siyang dalang kahit anong bulaklak dahil hindi naman pamilya ni Anna ang inilibing. Agad siyang napansin ni LJ. Pinanlakihan siya nito ng mga mata. Hindi niya pinansin ang ginawa ng kaibigan. Tuloy-tuloy siya sa paglapit kay Anna. “Anna…” tawag niya sa pangalan ng dalaga. Lumingon sa kanya ang dalaga. Nanlaki ang mga mata nito. Anna swallow eyes makes him feel the pain again. Nagdikit ang labi niya at napakuyom. Gumalaw din ang panga niya. He hates it. He hates this idea of Patrick. Muling umagos ang mga luha sa mga mata ni Anna na siyang sumaksak sa puso niya. “Alex…” basag ang boses na banggit nito sa pangalan niya. Mas lumapit siya sa dalaga at bago pa niya tuluyang mapigil ang sarili ay kinabig niya ito at niyakap. He hugs her tight. Gusto niyang iparating sa dalaga na nandiyan lang siya para dito. Hindi niya ito iiwan at dadamayan niya ito sa pagdadalamhati. “Wala na sila, Alex. Mag-isa na lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, Alex.” Mahina ang boses na wika ni Anna. Mas hinigpitan pa ni Alex ang pagkakayakap kay Anna. He wanted to say everything to her. Gusto niyang sabihin na buhay pa ang mga mahal niya sa buhay at ligtas ang mga ito pero hindi niya iyon pwedeng gawin. Mas ikakapahamak iyon ng pamilya nito at ito na rin. Walang nagawa si Alex kung hindi ang itikum ang bibig at yakapin ang dalaga. “Anong gagawin ko ngayon, Alex? Natatakot ako. Mag-isa na lang ako ngayon dito. Alex…” “I’m here, Anna. Nandito ako para sa iyo. I will protect you. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa iyong masama. Sisiguraduhin ko na magiging ligtas ka.” Kumalas siya sa pagkakayakap dito at hinarap ang dalaga. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha nito sa mga mata. Pinunasahan niya ang mga luha nito habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. “Hindi kita pababayaan, Anna. Nandito ako kung kailangan mo.” Hinawakan ni Anna ang kamay niya na nakahawak sa pisngi nito. “Don’t leave me, Alex. Wag na wag mo na akong iwan ulit.” Umiling siya. May humaplos sa puso niya. Gusto niyang sumaya dahil sa sinabi nito ngunit hindi niya magawa ng tuluyan. He’s heart is aching because of her tears. Kinabig niya lang ulit ang dalaga payakap sa kanya. Gumanti din naman ng yakap si Anna. “Cry on me, Anna. I won’t leave you no matter what happens. I will stay at your side this time.” ‘I love you.’ He wanted to said those words but it’s not the right time. May tamang sandali para sabihin niya dito ang nararamdaman. “SIR, HINDI po ba kayo bababa?” tanong ng isang tauhan ni Carl sa kanya. Nakatingin si Carl sa dalawang taong nagyayakapan sa gitna ng sementeryo. Bumalik siya doon para kombensihin si Anna na umuwi na kasama niya ngunit nagulat siya ng makitang may kayakap itong ibang lalaki. Umiiyak ito sa dibdib ng kung sino mang lalaking iyon. Natatakpan ng salamin at sombrero ang mukha nito. Maliban doon ay nakatalikod din ang lalaki. Nakita din niya ang boss ni Anna na si LJ na nanonood lang. Nasisigurado niyang kilala ni LJ ang lalaking kayakap ngayon ni Anna. Simula sa ospital at burol ay hindi umaalis sa tabi ni Anna ang boss niyang iyon. Gusto niya sana itong punain ngunit ayaw naman niyang gumawa ng eksena. At saka, nagdadalamhati ang dalaga. “I want to see first the face that guy,” aniya. Napakuyom ng kamay si Carl. His blood is boiling. Nagseselos siya at gusto niyang ilabas ang baril na nakatago sa compartment ng kotse niya pero maaring mapahamak si Anna kapag ginagawa niya iyon. Aalamin niya kung sino ang lalaking, ang lakas ng loob na yakapin ang pagmamay-ari niya. Nang kumalas ang lalaki sa pagkakayakap kay Anna at kina-usap ang dalaga ay lalo siyang nahihiwagaan sa lalaki. Nasisigurado niyang pamilyar ang lalaki. Nang maglakad ito habang hawak si Anna sa braso ay lalo siyang naging alerto. Kasunod ng dalawa ang boss ni Anna. Wala itong ginawa para pigilan ang lalaki. Lumapit ang mga ito sa isang kotse. Inalalayan ng lalaki si Anna na makasakay sa likurang bahagi. Bago naman ito sumakay sa front seat pero bago ito tuluyang makapasok ay hinubad nito ang suot na sombrero dahilan para makilala niya ito. Napa-ayos ng upo si Carl habang nanlalaki ang mga mata na pinagmasdan ang koste na papalayo na sa kanila. “Alexander Kim…” Banggit niya sa pangalan ng lalaking tinangay ang kanyang kasintahan. Si Alexander ang lalaking iyon. Kailan pa ito bumalik sa buhay ni Anna? Akala ba niya ay inilayo na ito ng magulang nito sa dalaga? Paanong magkasama ang dalawa at malaya nitong nayayakap ang kasintahan niya? Binundol ng kaba si Carl. Hindi maari ito. Hindi pwedeng bumalik si Alex sa buhay ni Anna. Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa bulsa ng kanyang pantalong. Kailangan malaman ni Brandon ang nakita niya. Kailangan nitong malaman na bumalik na sa buhay ni Anna si Alexander. Dahil kapag bumalik na si Alex sa buhay ni Anna, iisa lang ang mangyayari. Malalaman ni Anna ang tungkol sa ginawa nila labing-anim na ang nakakaraan. Hindi na ligtas ang sikreto niya. ‘Hindi pwedeng masayang ang mga plano niya. Hindi pa niya masasabing kanya si Anna. I can’t let you have him, Alex.’ Sigaw ng isipan ni Carl. HanjMie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD