MTT THIRTEEN

3190 Words
PINAGMASDAN NI Alex ang babaeng natutulog ngayon sa bisig niya. Anna is resting at his arms. Agad naman niyang inikot ang braso sa balikat nito para siguraduhin na hindi ito malaglag kapag biglang magprino ang pinsan. Hindi niya alam kung ilang gabi ba itong walang tulog. Sa tuwina kasing pupuslit siya para silipin ito ay nasa burol ito at nakatulala. Humugot ng malalim na paghinga si Alex. Hindi kasi ma-itatanggi na pagod na pagod ang dalaga. Hinawi ni Alex ang maliliit na buhok na tumatakip sa mukha ni Anna. Napangiti siya ng makita ang mapayapa nitong pagtulog. He wanted to see Anna that way. Iyong wala itong inaalala sa buhay. Inayos niya ang pagkakasandal nito sa kanyang balikat. "We're almost there, Alex." Sinulyapan niya si Kuya Timothy na siyang nagmamaneho ng kotse. Katabi nito si Jacob na sumabay na sa kanila. Iniwan nito ang kotse sa restaurant kung saan sila kumain ng hapunan. Pinilit niya si Anna na kumain. Hindi na ito nakatanggi ng pati si LJ ay naki-usap na rin. Lima silang sabay na naghapunan ngunit hindi na sumama sa kanila si LJ dahil kailangan na din itong umuwi para magpahinga. Ilang gabi na din itong puyat sa pagbantay kay Anna. "Okay lang ba siya, Alex?" tanong ni Jacob. "She is okay." Muli niyang sinulyapan ang babae. Pagkatapos ng hapunan nila ay niyaya na niyang umuwi ang dalaga. Anna insist to go back at her apartment. Pumayag na din siya dahil magpapa-iwan si Jacob para bantayan ang dalaga. Ngayon nga ay ihahatid nila ito. "Hindi niyo ba sasabihin sa kanya ang totoo?" tanong ni Kuya Timothy. Dalawang pares ng mga mata ang sabay na tumingin kay Kuya. Seryuso pa rin itong nagmamaneho. "We can't tell her, Tim. Kailangan namin sundin si Patrick para sa ikakabuti ng plano. Ginagawa lang nito ang sa tingin nito ay tama. At saka, ayon sa kanya ay malapit ng mapuksa si Brandon. Kunting hila pa at mapapakulong na niya ang hayop na iyon." Umigting ang panga ni Jacob. Lahat ng parte ng organisasyon ni Patrick ay may lihim na galit kay Brandon. Pareho kasi silang biktima ng mga ito. Tanging si Shan at Shilo lang ang hindi biktima. Tumikhim siya. Matagal na nilang gustong mapuksa ang grupo ni Brandon pero hindi pa sasapat ang ebidensya na meron sila para mapuksa ang mga ito. Ang sabi nga ni Patrick kailangan nitong hanapin ang ugat bago patumbahin ang puno. Kailangan munang mahanap kung sino ang pinuno ng dark market bago gumalaw si Patrick. "Let's hope that everything will be alright. Ayaw ko na ulit umiyak ang taong mahal ko. I don't want Anna to suffer anymore. She deserves to be happy." Muli niyang ibinalik ang tingin sa babae. Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya. Hindi tuloy napigilan ni Alex na dampian ng halik ang noo nito. "I love you, Anna. I can't wait to hold you in my arm." Bulong niya dito. Wala ng nagsalita sa kanila hanggang sa marating nila ang apartment ng dalaga. Ayon kay LJ ay naayos na ang apartment ni Anna. Ipinaayos iyon ng kaibigan. Ang sabi din ni Patrick ay may inilagay itong CCTV sa lugar para mas mabantayan ng mabuti ang babae. "We are here." Anunsyo ni Kuya Timothy. Huminga siya ng maluwag. Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Anna. "Anna... Anna... Nandito na tayo." Niyugyog niya ang balikat ni Anna ngunit hindi pa rin nagising ang dalaga. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Pagod na pagod ito sa pag-aaksikaso sa burol ng pekeng pamilya nito. Gusto niyang magalit sa sarili dahil hinayaan niyang maging ganoon ang dalaga. "Let her rest, Alex. Buhatin mo na lang siya at ipasok sa loob ng apartment niya." Narinig niyang wika ni Kuya Tim. Napatingin siya sa pinsan.  Nakatingin pala ito at si Jacob sa kanila. Tumungo siya sa mga ito. Inayos niya muna ang pagkakasandal ni Anna sa upuan bago lumabas at umikot. Ma-ingat niyang binuhat na parang bagong kasal si anna. Na-una ng naglakad papasok ng apartment si Jacob. Naiwan sa sasakyan si Kuya Timothy. Si Jacob na din ang nagbukas ng pinto. Tuloy-tuloy siya hanggang sa kwarto ng dalaga. Maingat niyang ibinaba si Anna sa kama nito. Inayos din niya ang kumot at buhok nitong tumakip sa kanyang mukha. Alex supposed to leave the room but he seat to the bed and look at Anna's sleeping face. Pinagmasdan ng binata maamong mukha ng babae. Anna maybe have the innocent face but she is not as innocent as everyone think. Matapang na babae si Anna at hindi ito basta nagpapa-api kahit kanino. At isa sa mga katangian ngayon ng dalaga ang pagiging matapang nito ang siyang nagustuhan niya. Itinaas ni Alex ang isang kamay at hinawakan ang pisngi ng babae. Napangiti siya ng gumalaw ito pero hindi naman nagising. He wanted to stay like that forever. Kuntento na siyang makitang ganoon ang babae. Being near to Anna is one of the thing Alex wanted in his life. Matagal niyang hiniling ang ganitong sandali pero alam niyang hindi iyon pangmatagalan. Kaya dapat may gawin na siya. "Lumipas man ang maraming taon, nanatili kang nasa puso ko. Mahal na mahal pa rin kita. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa iyo. Ikaw pa rin ang nakikita kong babaeng makakasama ko habang buhay. Ang sabi ni Cole, isang beses lang umibig ang isang Cortez. Akala ko ay si Sapphire na ang babae para sa akin pero ikaw pala talaga. Ibang-iba ang nararamdaman ko sa iyo at kay Sapphire." Unti-unting yumuko si Alex. Inilapit nito ang mukha sa dalaga. Ilang hibla na lang ang layo ng labi nito sa labi ng babae. Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Alex. "What kind of witch are you to make me fall to you, Anna? But I don't regret loving you. Ikaw ang nagbigay ng kakaibang kulay sa mundo ko. Ikaw ang nagbigay ng kahulugan sa simple kong buhay. Dahil sa iyo, mas nakilala ko pa ang sarili ko." He moves to the other side of Anna. Dinampian niya ng magaan na halik ang pisngi nito. "Wait for me. I make you fall to me, Anna. Mamahalin mo ako kagaya ng pagmamahal ko sa iyo. At kapag nahulog ang puso mo sa akin ay handa ko naman iyon saluhin. Handa kong itaya ang lahat sa buhay ko para sa iyo. Ganoon kita kamahal," aniya pagkatapos dampian ng halik ang pisngi nito. Inilayo ni Alex ang sarili. Ilang sandali pang pinagmasdan ni Alex si Anna bago lumabas ng kwarto. Na-abutan ng binata si Jacob sa sala. "Uuwi ba kayo ni Timmy sa mansyon?" tanong ni Jacob. Tumungo siya. Sa mansyon naman talaga ng mga Saavadra sila tutuloy ngayong gabi. Hindi pwedeng tumuloy kung saan si Kuya Tim dahil na rin sa kalagayan nito. Pinagbawalan ito ni Tita Ivy na mapag-isa. Masyadong over-protective si Tita pagdating sa dalawang anak nito. "Kung ganoon ay mag-ingat kayo ni Timothy. Sabihan niyo ako kapag nakarating na kayo sa mansyon." Napangiti siya sa sinabi ni Jacob. Pagdating kay Kuya Timothy ay iba talaga ang pag-aalala ito. Hindi niya alam kung paano ba naging malapit ang dalawa sa isa't-isa, isa lang ang alam niya, madaling makagaan ng loob ang Kuya Timothy niya. Mabait kasi itong tao. Sa lahat ng Cortez-Saavadra si Kuya Timothy lang ang masasabi nilang may mabuting puso. Napakabilis nitong magpatawad. "Sige. Malalim na ang gabi. Umuwi na kayo." Itinulak siya ni Jacob palabas ng apartment. Nais pa sana niyang magreklamo kaso naisip niyang malalim na ang gabi. Nais na rin siguro ni Jacob na magpahinga. At saka, pagod na rin si Kuya Timothy. Buong araw itong naging driver niya. Nasa labas na siya ng pinto ng hinarap niya ang kaibigan. "Wag mo sanang pabayaan si Anna. Kapag may nangyari ay tawagan mo agad ako." Paalala niya dito. Ngumiti si Jacob. "Don't worry. Anna is safe with me." "Thank you, Jacob." "Go now. Alam kong pagod na rin si Timothy." Tinunguan lang niya ang kaibigan bago tinalikuran. Sa front seat na siya umupo. Nakasandal si Kuya Timothy sa upuan ng makapasok ito. Agad itong umayos ng upo at binuhay ang makina ng kotse. "Nagising ba si Anna ng ihatid mo sa kanyang kwarto?" tanong ni Kuya ng nasa daan na sila. Umiling siya. "Mukhang napagod siya. Hindi ko na din siya ginising. Hinayaan ko na siyang matulog." Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Kuya Timothy. "I can saw how tired she is. Hindi madaling mawalan ng pamilya. Kung hindi lang manganganib ang buhay ulit ng pamilya niya ay baka sinabi ko na sa kanya ang nalalaman ko." Napangiti siya sa sinabi nito. "ahit din naman ako. I hate seeing Anna like that. Mas gusto ko pa iyong inaaway niya ako kaysa na ganitong malambing siya pero nasasaktan naman ang puso niya." Yumuko siya para itago ang nasasaktang puso. Alam niyang bakas sa kanyang mukha ang sakit na nararamdaman. "Kailangan mong magpakatatag, Alex. Anna need you right now. Basi sa obserbasyon ko ay masaya siyang makita ka na nasa tabi niya. She also feels safe around you. Isa na iyong magandang simula, Alex." Tumingin siya dito. "Thank you sa pagpapalakas ng loob ko, Kuya." Tinapik ni Kuya Tim ang kanyang balikat. Tumingin naman siya sa labas ng kotse. Alex knows he can't force himself to Anna but he can feel that he has a chance. Sana nga ay tama ang hinala niya. Natigilan si Alex ng mapansin ang isang ilaw na nakasunod sa kanila. Nakikita niya iyon mula sa side mirror. Mabilis ang pagpapatakbo ni Kuya Timothy kaya nakapagtataka na nakabuntot iyon sa kanila. Kinuha niya ang phone sa likuran ng kanyang pantalon. He dials a number. "Good evening, Sir Alex." "Ikaw ba ang nakikita kong nakasunod sa amin ni Kuya Timothy?" tanong niya. Napansin niyang napatingin sa kanya si Kuya Tim. "No sir. Dalawang kotse po ang pagitan natin." Sagot ng body guard niya. Agad na na-alarma si Alex ng marinig ang sagot na iyon ng kanyang body guard. "Someone following us. Plate number ZOW4433." "Noted, Sir Alex. Please tell Sir Timothy to faster his drive." "Okay." Ibinaba na niya ang tawag at humarap kay Kuya Timothy. Agad naman na nakuha ni Kuya ang ibig sabihin ng kanyang tingin dahil agad nitong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Muli niyang ibinalik ang tingin sa side mirror. Nakasunod talaga sa kanila ang kotseng iyon. Pinagdikit niya ang kanyang labi. Mukhang nakatunog na rin ang sumusunod sa kanila dahil binilisan na din nito ang pagtatakbo. "They are following us, Kuya. Mukhang nakatunog na sila na alam natin na nakasunod sila," aniya. "Sige. Mas bibilisan ko." Mas binilisan nga ni Kuya ang pagpapatakbo ng kotse nito. Mabuti na lang at walang traffic ng mga sandaling iyon. Pwedeng bumilis ang pagpapatakbo ni Kuya Timothy ngunit mas mabilis ang humahabol sa kanina. Nasa kaliwang bahagi na nila ito. Nanlaki ang mga mata ni Alex ng makitang may lumabas na baril sa bintana ng passenger seat. Talagang balak silang patayin ng kung sinuman na humahabol sa kanila. "Sh**" Napamura siya ng magsimulang magpaputok ang mga ito. Ngunit hindi noon napatinag si Alex. He knows that the car they are using right now is bulletproof. Lahat ng sasakyan nilang apat ay pinagawa ni Tita Ivy para sa sarili nilang kaligtasan. Napansin niya ang pagkagulat sa mukha ng humahabol sa kanila. "My gun is in the compartment. Kunin mo," wika ni Kuya Timothy. Sinunod niya ang pinsan. Binuksan niya ang compartment sa unahan. Nakita niya ang baril doon. Kinasa niya iyon. Bubuksan na sana niya ang bintana ng kotse ng makitang nagpagiwang-giwang ang kotseng humahabol sa kanila. Napatingin siya sa likuran nila at nakita ang isa pang kotse. Napangiti siya dahil alam niyang ang kanyang body guard iyon. Ibinaba niya ang baril na hawak. "Nasa likuran na natin ang body guard ko. Let him handy those bastards. Bilisan mo ang pagmamaneho, Kuya." Tumungo ang Kuya niya at mas binilisan ang pagmamaneho. Ibinalik niya ang baril sa compartment at kinuha ang phone. Nagpadala siya ng mensahe sa kanyang body guard. Sinabing buhayin ang mga humahabol sa kanila para madala sa head quarters ni Patrick at ma-interrogate. Napakuyom siya ng kamay. Muntik na silang mapahamak. Kung hindi special ang kotse nila ay siguradong nabaril na sila. Nakarating sila ni Kuya Timothy sa mansyon pagkalipas ng ilang sandali. Nakita niya sa labas ng bahay si Cole at Ashley. Agad na tumayo ang mga ito mula sa pagkaka-upo sa unang baiting ng hagdan ng makita ang kotse nila. Ipinarada ni Kuya Tim ang kotse katabi ng nakahalirang kotse. Mabilis na lumapit ang dalawang pinsan sa kanila. "What happen?" tanong agad ni Cole ng makalabas sila ng kotse. "May humabol sa amin at pina-ulanan kami ng bala." Sagot niya. Kuya Timothy have a calm face. Pinaglipat-lipat ni Cole ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Kuya Timothy. Ang walang emosyong mukha ng pinsan ay nagkaroon. Hindi maitago ang pag-aalala nito. Ashley immediately cling to Kuya Timothy. "Wala bang nasugatan sa inyong dalawa?" Sinipat ni Ashley kung ayos lang ba si Kuya Timothy. "I'm fine, Ashley." Mahinahong sabi ni Kuya Tim. "Sinong may gawa nito? Nahuli ba ni King ang humahabol sa inyo?" Sunod-sunod na tanong ni Cole. "Wala pa kaming idea pero sinabihan ko si King na dalhin sa head quarters ni Patrick para matanong." "I will call King. Pumasok na kayo at magpahinga." Tumingin siya kay Kuya Timothy. Tumungo ang nakakatandang pinsan. Sabay silang pumasok sa loob ng mansyon. Si Ashley ay nakahawak pa rin kay Kuya Timothy. Malapit talaga ang babaeng pinsan dito kaya sobra ang pag-aalala nito para dito. Unang umakyat sa itaas si Ashley at Kuya Timothy habang siya ay nagpa-iwan sa sala para ka-usapin ang pinsan. "Cole..." Lumingon si Cole. Bumalik na naman sa walang emosyong mukha nito. "Bakit?" "I'm sorry. Alam kung ayaw mong nadadamay sa ganitong klasing sitwasyon si Kuya Timothy." Hindi nagsalita si Cole. Pinakatitigan lang nito ang mga mata niya. Tumikhim siya. "Alam kong mapanganib ang paglapit ko kay Anna pero hindi ko kayang layuan siya ng ganoon katagal. I want to be with here this t---" "I'm not mad. Sinamahan ka ni Kuya dahil gusto ka niyang suportahan. At alam ko ang nararamdaman mo, Alex. Kagaya mo ay mahal ko din si Clara at kahit mapanganib na lumapit ako sa kanya ay ginagawa ko pa rin. Wag kang mag-alala. Hindi ako galit sa iyo. Mas galit ako sa tumatangka sa buhay mo. Maling tao ang kinakabangga niya." "Sisiguraduhin ko na hindi ko palalampasin ito. Kung sinuman ang gustong pumatay sa akin ay hindi siya makakaligtas sa gagawin ko. I will kill him." Napakuyom ang dalawa niyang kamao. Kung inaakala ng kung sinumang tao na gusto siyang patayin ay madali siyang maliligpit ay nagkakamali ito. Isang Cortez ang binangga nito at wala pang nakakalusot sa tulad nila. Magbabayad ang mga ito sa ginawang pagtangka sa buhay nila. Wala pang kumakalaban sa isang tulad nila na nakakalusot sa bangsik nilang magpipinsan. Kaya nga kinakatakutan sila ng mga kalaban sa negosyo. Gumaganti kasi talaga sila kapag ginalaw sila. TULOY-TULOY SI Alex sa pagpasok sa main office ng ahensya ni Patrick. Kilala naman siya doon. Lumapit siya sa receptionist na may isang ngiting naka-abang. "Good morning, Sir Xela." Bati nito. "Good morning. Can I speak to Star?" "Star is in the darkroom. He is waiting for you, Sir Xela." May ibinigay itong isang card sa kanya. Tinanggap niya iyon at tinalikuran na ang babae. Lumapit siya sa elevator. Walang naghihintay sa elevator kaya naman mabilis na nakapasok si Alex. inilagay niya sa censor machine ang card na hawak para kusa nitong piliin ang floor na pupuntahan niya. Napangiti siya ng makita na sa floor ng dark room iyon. The darkroom is the torture room here in the office. Doon dinadala ang mga nahuhuling kriminal at pinapasalita tungkol sa impormasyon na alam ng mga ito. Usually, the darkroom is off-limit to the staff but not to them who is the investor. They are the secret person inside the company. Nang bumukas ang elevator ay sumalubong sa kanya ang pulang ilaw ng lugar. Nilakad niya ang dulong bahagi kung nasaan ang isang pinto. Huminga siya ng malalim bago pumasok sa loob. Tatlong parehes ng mga mata ang tumingin sa kanya. Jacob, LJ, and Patrick are there. Wala doon ang lalaking nakuha ni King. "Where he is?" tanong niya. "King turns over him to the police to riot on jail." sagot ni Patrick. Umupo siya katabi ni Jacob. "Did you get something from him?" Lahat sila ay napatingin kay Jacob. Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "He said to me who's his boss is." tumingin sa kanya si Jacob. "Carl is the master mind." Tumaas ang tainga ni Alex ng marinig ang sinabi ni Jacob. Napasuntok siya sa mesa. "Kung ganoon ay tama ang hinala kong siya ang may kagagawan ng nangyari sa amin kagabi." pinagdikit niya ang labi. "Yes. Pero may nalaman pa ako at kailangan mong gumagawa agad ng paraan." "Bakit?" Nagkatinginan ang tatlo. Sabay-sabay na tumingin sa kanya ang mga ito. Parehong seryuso ang mukya ng mga ito kaya kinabahan siya bigla. "Hindi si Carl ang gustong magpaligpit sa kay Anna at sa pamilya nito. May tao pa sa likod noon at ina-aalam din ni Carl." "Ano?!" Salubong ang kilay na tanong niya. "Tama ang sinabi ni Jacob, Alex. Pinaki-usapan mo si Quinn na alamin kung si Carl talaga ang may kagagawan ng nangyari sa kay Anna pero iba ang natuklasan ni Quinn. May iba pa tayong dapat na makilalang kalaban. At ayon sa kumantang tauhan ni Carl, lima ang leader ng sindikato dito sa Pilipinas at lahat sila ay tauhan ng dark market." Nagsalubong ang kilay niya. Limang leader at isa si Carl sa mga ito. "Carl is of the leader pero siya ang in-charge sa pagbibinta ng mga babae sa market. Carl is the leader of human trafficking here in the Philippines. Brendon is the leader of the Drug syndicate and his father is part of it. Marko, the one Jacob been tracking down for how many years before." Tumingin si Patrick kay LJ. "Marko died years ago. We ambush him. Balak kasi nitong kidnapin ang pamangkin at kapatid ko. Siya ang leader ng nga bumibinta ng mga batang babae sa club. Kung si Carl ay babaeng kagaya ni Anna ang biktima, si Marko naman ay mga batang babae." Napapikit siya ng marinig ang sinabi nito. "Sino iyong dalawa pa?" "Hindi pa namin kilala ang isa pero ang sabi ng kumanta ay may isang babae na membro ang mga ito at ito ang taong humahawak pagdating sa legal na mga bagay. Kapag may tauhan sila na kailangan ilabas sa kulungan ay ito ang tinatawagan. She is like the keeper of the group. At ayon sa tauhan ni Carl, ang babaeng iyon ang kailangan natin mahuli dahil siya ang nakaka-usap ng pinakapinuno ng Dark Market." "That woman is the most dangerous member among them. Dahil isang salita lang nito ay agad na sinusunod ng mga tauhan nito." dagdag ni Jacob. "May isa pa kaming nalaman, Alex. Carl planning to hide Anna. Balak nitong dalhin si Anna sa ibang bansa kahit labag sa loob ng babae." HanjMie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD