PAGKATAPOS sabihin sa kanya ni Jacob at Patrick ang balak ni Carl ay agad na nilisan ni Alex ang headquarters ni Patrick para puntahan si Anna. Hindi siya makakapayag na basta nalang isama ni Carl si Anna kung saan. Nababaliw na ito kung iyon ang plano nito. Balak talaga nitong ilayo sa kanya ang babae.
“I can’t let him have her. Kung akala nito ay magpapatalo ako ay nagkakamali siya,” aniya habang binibilisan ang pagmamaneho ng kanyang kotse.
Nagpapasalamat siya at ang Ferrari F8 Tributo ang dala niyang sasakyan. Iyon ang pinakamabilis niyang sasakyan na binili at minsan niya lang ginagamit. Nakarating agad siya sa apartment ni Anna. Nakita niya ang isang agent ni Patrick di kalayuan sa apartment ng dalaga. Hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy siya hanggang sa pinto ng apartment. Kumatok siya doon. Ilang minuto din bago may nagbukas ng pinto.
“Alex?” gulat na banggit ni Anna sa pangalan niya. “Anong ginagawa mo dito?”
“You need to come with me.” Tahasang sabi niya.
“What? Bakit?” Nagsalubong ang kilay ni Anna.
“Basta sumama ka lang sa akin.” Hinawakan niya sa braso si Anna pero mabilis na binawi ng dalaga ang braso nito.
“Bakit naman ako sasama sa iyo? At saan mo naman ako balak na isama?” pasigaw na tanong nito.
Napatingin sa kanila ang dalawang babae na dumaan. Binigyan siya ng mga ito ng nagtatanong na tingin. Hindi binigyan pansin ni Alex ang mga ito. Bugkos ay tinulak niya si Anna papasok ng apartment nito. Baka may makakita sa kanila at magkaroon pa ng problema. Nasisigurado niyang may tauhan din si Carl na nagbabantay kay Anna.
“What do you think your doing?” singhal ni Anna ng tuluyan silang makapasok sa loob ng apartment nito.
“Hindi ka na safe dito. Ano mang oras ay pwedeng pumunta dito ang taong tumatangka sa buhay mo. Kailangan mong lumipat at pagpakalayo.”
Lalong nagsalubong ang kilay ni Anna. “I won’t go. Kasama sa trabaho ko ang panganib, Alex. Bakit ako tatakas sa mga ito? Hindi ako natatakot sa kanila.”
“Anna, hindi ganoon kadali ang taong gustong pumatay sa iyo. Ang mas nakakatakot pa ay nasa malapit lang siya at malayang nakakalapit sa iyo. Hindi ako makakapayag na mapahamak ka sa kamay niya.”
“Anong pinagsasabi mo? Anong sinasabi mo na nasa malapit lang ang taong gusto akong patayin?”
Hindi nagsalita si Alex. Nadulas siya ng sabihin dito ang bagay na iyon. Wala siyang balak na sabihin kay Anna ang nalalaman kay Carl. Alam niya kasing hindi ito maniniwala. Pinagdikit ni Alex ang labi nito. They need to get out of their now. Maaring gagalaw na si Carl anumang sandali. Kailangan bago pa ito dumating ay na ilayo na niya si Anna.
“Alex, sabihin mo sa akin. Kilala mo ba kung sino ang gustong pumatay sa akin?”
Huminga ng malalim si Alex. “Anna, wala na tayong oras pa. Kailangan na tayong umalis dito bago pa tayo maabutan. Pack your things now.”
Hinawakan niya muli si Anna sa braso para hilahim papasok sa kwarto nito pero nagpumiglas lang ulit ang dalaga. Hindi na ito tuliro kagaya noong isang gabing na agad itong sumama kaya mahirap na itong isama ngayon. Galit siyang hinarap ng dalaga.
“Sabihin mo muna sa akin ang totoo. Sino ang gustong pumatay sa akin?”
Tumingala si Alex. He is getting frustrated because of what happening. Napakatigas naman kasi ng ulo ni Anna. Kung noon ay napakamasunurin nito, ngayon ay hindi na. She said no and she stand for it. Mukhang wala siyang magagawa kung hindi sabihin dito ang totoo. Huminga ng malalim si Alex.
“Someone tried to kill us last night after we ride you home. Maswerte kami at nakabantay si King sa amin ni Kuya Timothy. Nahuli namin ang isa sa mga gun man. Pina-amin sila ni Jacob at nalaman ko na si…” He paused. Muli siyang humugot ng malalim na paghinga. “…si Carl ang tinuturo niyang amo.”
Nanlaki ang mga mata ni Anna ng banggitin niya ang pangalan ng kasintahan nito. Napa-atras pa ang babae. Umiling si Anna.
“Hindi. Hindi iyon magagawa ni Carl.” Pabulong na sabi ni Anna.
Mapayuko siya. Inaasahan na niya ang reaksyon na iyon mula kay Anna. Hindi nito papaniwalaan kung anuman ang sasabihin niya. Kasintahan at kababata nito si Carl. Siya ay dati nitong amo. Wala siyang laban kay Carl sa antas ng tagal nito sa buhay ni Anna. Mas paniniwalaan nito ang lalaki na minamahal nito. Napakuyom siya.
“I’m sorry to break this to you. Pero iyon ang totoo. At may nalaman pa ako patungkol kay Carl. Bahagi si Carl ng sindikato dito sa bansa at kasama niya sa sindikatong iyon si Brandon. They know ea---”
“No!” Putol ni Anna sa iba pa niyang sasabihin.
“Anna, listen to me. Carl is not li---”
“Tumahimik ka. Kilala ko si Carl, hindi niya ako kayang saktan. Mahal ako ng kasintahan ko, Alex. At kagaya ng sabi ko ay wala kang karapatan na pagbintangan siya. Hindi mo siya kilala. Kung iyan lang din naman ang sasabihin mo ay umalis ka sa apartment ko.” Galit na sigaw ng dalaga. Itinuro pa nito ang pintuan.
Umiling siya. “Hindi ako aalis dito hanggang hindi kita kasama. I need to save you from him. Hindi siya mabuting tao, Anna. Pakinggan mo naman ako.”
Nagmamaka-awa na siya sa babae. He wanted her to know the truth. Ayaw niyang magbulag-bulagan ito sa pagmamahal nito sa lalaki. Anna deserve a man that doesn’t lie to her. Someone who will protect him and give her everything. Alam niyang hindi pa siya ganoon klasing tao pero handa niyang gawin ang lahat para kay Anna. Lalong tumapang ang mukha ng dalaga. Lumapit ito sa kanya. Akala niya ay pagtutulakan siya nito pero nagulat siya ng bigla siya nitong sampalin.
Nanlaki ang mga mata ni Alex sa ginawa nito. Nagulat siya dahil hindi niya iyon inaasahan mula sa babae. Napahawak si Alex sa nangmamanhid na pisngi. Ramdam pa niya ang kamay ng dalaga. Malakas pala talaga ang kamay nito.
“Anong karapatan mong sabihin na hindi mabuting tao si Carl? Anong karapatan mo na siraan sa akin ang nobyo ko? Alex, Carl has always been there for me. Hindi mo alam kung anong ginawa niya para lang matulungan ako.” Pumatak ang mga luha sa pisngi ni Anna.
Napatingin si Alex sa kay Anna. Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito.
“Anna…” He is about to reach her face but she moves back.
Umiling ito. “Carl is a good person. Nang muling nagkrus ang landas namin ni Brandon bago ako magtapos ng pag-aaral. He kidnaps me again. He about to r**e me but someone save us. Niligtas kami ng hindi namin nakilalang lalaki pero kahit niligtas niya kami. Hindi noon nabago ang takot na nararamdaman ko. Mas lalo akong natakot sa mga lalaki pero si Carl. Hindi niya ako sinukuan. He comes to my life to fix me. Niligtas niya ako sa anxiety and frustration ko. Pinakita niya sa akin na dapat kung pagkatiwaalan ng isang tulad niya. He is my savior, Alex. Kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin na siya ang gustong pumatay sa akin. Hindi mo alam kung anong ginawa sa akin noon ni Carl para lang maging maayos ako.”
Napapikit si Alex ng marinig ang sinabi ni Anna. May tumarak na milyong-milyong patalim sa puso niya. Ganoon ka laki ang tiwala ni Anna kay Carl. Minahal nito ang lalaki dahil sa pag-aakalang niligtas siya nito pero hindi nito alam na ang kinilala nitong taga-paglitas ay siyang may pakana ng lahat. Tuluyan ng nabilog ni Carl ang isipan at puso ni Anna. Hindi na dapat niya pina-abot ang lahat sa ganito. Dapat pala ay bumalik na agad siya sa buhay ni Anna noon pa.
“I’m sorry. I’m sorry I let you suffer from this. Dapat ay bumalik agad ako sa buhay mo. Hindi ko na dapat siya hinayaan na bilugin ang isipan mo. Patawarin mo sana ako kung ngayon lang ako bumalik sa buhay mo para sagipin ka.” Pinakatitigan niya ang mga mata ni Anna.
Patuloy sa pagdaloy ang mga luha nito. May dumagan sa puso ni Alex. He also wanted to cry but he stops himself. Walang magagawa ang pag-iyak niya.
“I should come back to you sooner. Dapat pala ng gabing niligtas ka ni Ja---”
Hindi matapos ni Alex ang sasabihin ng may malakas na katok silang narinig sa pinto. Sabay silang napatingin ni Anna doon. Binundol agad ng kakaibang kaba si Alex dahil sa lakas ng pagkakakatok noon. Nagkatinginan silang dalawa ni Anna ng muling kumatok kung sinuman ang nasa kabilang pinton. Alex is about to come close to the door when his phone ring. Kinuha niya iyon sa bulsa ng kanyang pantalon.
“Yes…” Hindi na siya nag-abala pang alamin kung sino ang tumatawag.
“Don’t open the door. Mga tauhan ni Carl ang nasa labas,” wika ni Patrick.
“The F***” Nanlaki ang mga mata niya.
Napatingin siya kay Anna. Nakatingin din pala ito sa kanya. Ibinaba na niya ang tawag. Lumapit siya kay Anna at hinawakan ito sa braso.
“We need to go,” aniya.
Tatakbo na sana sila ng makarinig sila ng malakas na kalampag sa pinto. Pinipilit ng tao sa labas na makapasok sa loob. Sisirain ng mga ito ang pinto. Alex alerted. Carl is really going to used force to get Anna. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Anna. Inilabas na din niya ang baril na nasa likod ng kanyang pantalon. Nanlaki ang mga mata ni Anna ng tumingin ito sab aril niya.
“Don’t worry. It will protect us.” Naramdaman niya kasi ang tensyon sa katawan ng dalaga.
Hinila niya paakyan sa pangalawang palapag si Anna at pumasok sila sa kwarto nito.
“Lock the door.” Utos niya sa dalaga. Mabilis naman na sinunod ng dalaga ang utos niya.
Binitiwan niya muna ang kamay nito at lumabas sa sliding door. Sumilip siya sa labas para tingnan kung pwede ba nilang talunin ang kinalalagyan nila. Nasa ikalawang palapag kasi ang kwartong iyon ng dalaga.
“Sh**” Napamura siya ng makita ang taas ng lugar.
Muli siyang napatingin sa paligid. Naghanap siya ng fire exit. Napangiti siya ng makita iyon sa gilid. Sakto naman na lumabas din si Anna.
“Come on. Bumaba ka sa fire exit.”
Napatingin doon si Anna. Kagaya kanina ay sinunod din ni Anna ang utos niya. Ito ang unang bumaba ng fire exit. Sumunod siya dito ng ma-ilagay ang baril sa likod ng kanyang pantalon. Akala niya ay tatakbo si Anna ng makababa ito pero hinintay siya ng dalaga. Hinawakan niya ito sa braso at inikot ang tingin sa paligid. Likurang bahagi iyon ng apartment kaya may bakod na nakaharang. Kung aalis sila doon ay madadaanan pa rin nila ang mga kalaban na nasa unahan dahil nandoon nakaparada ang kotse niya. Wala silang choice ni Anna kung hindi ang dumaan doon dahil dead end na rin ang sa kabilang bahagi.
Gustong magmura ni Alex. Talagang hindi safe si Anna sa apartment na iyon dahil walang safe exit kapag may ganitong pangyayari. Hahakbang na sana si Alex ng tumunog muli ang phone niya. Sinagot niya iyon.
“Dumaan kayo sa kabilang bahagi. Naghihintay doon si King at Jacob. They will help you escape. Nakapasok na ang mga tauhan ni Carl sa apartment ni Anna. Kailangan niyo ng maka-alis diyan.”
“Okay. Thank you.” Muli niyang ibinaba ang cellphone at hinila si Anna.
“Saan tayo dadaan? Dead end diyan, Alex.” Sigaw ni Anna.
Hindi niya ito sinagot. Hinala niya lang ito. Napangiti siya ng makita sa dulong bahagi si King. May hawak itong baril at isang hagdan. Mukhang pinaghandaan nga ng mga ito ang ganitong pangyayari.
“King…” tawag niya sa personal body guard niya.
“Jacob is in the other side. Umakyat na kayo.”
Tumungo siya. Hinarap niya si Anna na nakatingin sa baril ni King. Namumutla ito kaya agad niyang pinaharap sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata.
“Anna, listen to me. Kailangan makatakas tayo dito. They will harm you. Saka na ako magpapaliwanag ulit. Ang importante ay makatakas tayo.”
Tumungo si Anna. Alam niyang wala itong idea sa taong pumasok sa bahay nito. Buo pa rin ang tiwala nitong hindi magagawa ni Carl ang mga bagay na binibintang niya. Mabilis na umakyat ng hagdan si Anna. Sumunod siya habang hinahawakan ni King ang hagdan. Mabilis ang mga hakbang nila. Nang makarating sa itaas ay agad niyang nakita sa ibaba si Jacob at nandoon na rin ang kotse nito. Katabi noon ang kotse ni King.
Inalalayan ni Jacob si Anna na makababa. Sumunod siya sa babae. Si King ang huling umakyat.
“Sa kotse ko na kayo sumakay.”
Tumungo siya. Inalalayan niya munang makasakay sa back seat si Anna bago siya sumunod dito. Agad naman umikot si Jacob para sumakay sa driver seat. Nakita niyang tinulak ni King ang hagdan bago sumakay sa kotse nito. Magkasunod silang umalis doon. Pinapanalangin niyang wala sanang makasunod sa kanila. Tumingin siya kay Anna. Nanginginig pa rin ito ng mga sandaling iyon. May tinitingnan nito kaya sinundan niya iyon.
Anna is looking at the gun. Nakapatong lang kasi ang baril ni Jacob sa front seat. Hinawakan niya ang kamay ni Anna kaya nakuha niya ang atensyon nito. Ang mga mata nito na puno ng takot ang siyang humaplos sa kanyang puso. Kinabig niya si Anna. Ikinulong niya ito sa kanyang dibdib.
“Carl…”
Napapikit ng mariin si Alex ng marinig ang pagtawag na iyon ni Anna sa kasintahan nito. Nakagat niya ang labi para kontrulin ang emosyong nararamdaman. A thousand of knifes strike to his already wounded heart. Siya ang nasa tabi nito pero ibang lalaki pa rin ang binabanggit nitong pangalan.
“Alex, it’s Carl.” Nanginginig ang boses na sabi nito.
“What?” Kumalas siya sa pagkakayakap sa dalaga.
Tiningnan niya ang dalaga. Nakatingin ito sa labas ng kotse kaya napatingin din siya doon. Nagtagpo ang mga kilay niya ng makita si Carl na nakatayo sa tabi ng kanyang kotse at kasama ang mga tauhan nito. Nakatingin ito sa apartment ni Anna ng mga sandaling iyon. Napakuyom siya.
‘He did this just to have Anna. He is crazy,’ wika ng isipan niya.
“Paano niya ito nagawa sa akin?” Basag ang boses na sabi ni Anna.
Napatingin siya sa babae. Dumadaloy sa makinis nitong pisngi ang luha. Nakatingin pa rin ito sa labas ng kotse. Alex who doesn’t like seeing Anna crying. His hatred towards grow Carl grow more. He hurts the woman he loves. Pina-iyak nito ang babaeng minamahal niya. Anong karapatan nitong saktan si Anna ng ganoon?
Itinaas ni Alex ang isang kamay at pinunasan ang mga luha nito. Doon lang tumingin sa kanya ang babae. He hates it. He hates seeing that pain in her eyes.
“I’m here now, Anna. No one can hurt you now.” Kinabig niya ang dalaga.
At kagaya ng nais niya ay umiyak ang babae sa kanyang dibdib. He wanted her to cry at his shoulder. Nais niyang maramdaman nito ang pagmamahal niya. Gusto niyang iparating kay Anna na hindi niya ito iiwan ngayong mag-isa na lang ito. He is bound to protect her from everything.
“Cry now, Anna. Iiyak mo lang ang lahat ngayon. Nandito lang ako para sa iyo. Hinding-hindi na kita iiwan pa kahit anong mangyari.”
Gumanti na rin ng yakap si Anna. Alam niyang kumukuha ito ng lahat sa kanya. Kaya naman hinalikan niya ang buhok nito at mas niyakap pa ito ng mahigpit. He let her cried. Hinayaan niya lang si Anna na umiyak sa dibdib niya hanggang sa kusa na itong mapagod. Naramdaman niya lang na lumuwang ang pagkakayakap nito sa kanya. Ang pag-galaw ng balikat nito ay nawala na din. Yumuko siya para makita ang mukha nito. Anna is sleeping but her face still show how hurt she is.
“Alex, saan kayo ngayon pupunta ni Anna?” tanong ni Kuya Jacob.
“Can you call Veelrich?”
“Why?”
“Let me borrow his chopper. Pupunta kami ni Anna sa pribadong isla ni Ashley. Doon ko siya itatago,” aniya.
Alam niyang mas ligtas si Anna sa lugar na iyon. Walang ibang nakaka-alam ng islang pagmamay-ari ng pinsan. At saka, mas mabuting gumamit sila ni ibang chopper. Hindi sila masusundan doon ni Carl. He is indeed to hide her until everything is settle down.
“Are you sure with your plan? Hindi kaya magalit iyong katabi mo?” May pag-aalalang tanong ni Jacob.
“Don’t worry. I can handle her. Lalo pa ngayon at naniniwala na siya sa sinabi ko tungkol kay Carl.”
“Sige. Mas mabuti nga sigurong nandoon kayong dalawa. Mas matutukan namin ni King ang kaso ng pinsan mo.”
Napatingin siya kay Jacob ng marinig ang sinabi nito. “Anong tungkol sa pinsan ko? At sinong pinsan ko?”
“Cole. He is in trouble again.” Sagot ni Jacob.
Nagtagpo ang kilay niya. Binalot ng pag-aalala ang pagkatao niya. “Anong tungkol kay Cole?”
“Trixie is planning to hurt him and Clara. Hindi pa namin alam ang plano niya pero nalaman namin na gumagalaw na siya para makalapit kay Clara. Kailangan namin gumawa ng paraan bago pa mapahamak si Clara at ang anak niya.”
Napapikit siya. Lahat sila magpinsan ay may kinakaharap ngayon na problema. Hindi niya pala pwedeng idamay sa problema niya ang dalawang pinsan. He also heard that Ashley have her own problem. He needs to move on his own. He needs to protect Anna by himself.
“WHAT DO YOU mean you can’t find her?” sigaw ni Carl ng marinig ang sinabi ng tauhan niya.
Pumunta siya sa apartment ni Anna para sunduin ang dalaga. Dadalhin niya ito sa Europe para doon magsimula ng bagong buhay. He is planning to leave the country with the woman he loves. Hindi safe si Anna sa lugar na iyon. Lalo na at sa paligid na naman si Alex pero hindi natuloy ang plano niya.
Tinangay kasi ni Alex si Anna bago pa siya dumating kanina. May mga lalaking sumunod sa bahay ni Anna at sapilitan iyong pinasok. Nagkaroon ng putukan at lahat ng mga lalaki ay namatay. Hindi niya tauhan ang mga ito at lalong hindi tauhan ng organisasyon kaya nagtataka siya kung sino ang gustong pumatay sa dalaga.
Mas lalo siyang nagulat ng makita ang kotse ni Alex sa lugar at walang sakay. May kumuha ng kotse kanina ni Alex. Pinasundan niya iyon sa mga tauhan niya pero nakarating lang ang mga ito sa mansyon ng Saavadra. Mahigpit ang bantay doon kaya di niya alam kung nandoon ba ang dalaga pero kilala din naman niya ang isang tulad ni Alexander Kim. Hindi nito ipapakuha ang kotse nito at ipapadala kung saan ito naruroon.
Ngayon ay hindi niya alam kung saan pumunta ang dalawa at anong ginawa ni Alex sa kanyang kasintahan.
“Pasensya na po talaga, Sir. Pinuntahan na po namin lahat ng maaring puntahan ni Mr. Kim pero wala talaga siya doon.”
Napapikit ng mariin si Carl. Sinundok niya ang pader. Wala siyang paki-alam sa sakit na dumaloy sa kanyang braso. He is mad for what happen.
“Calm down, Carl. Hindi makakalayo ang isang tulad ni Alex sa atin. Siguradong mahahanap din natin ang nobya mo.” Kampanting naka-upo si Brandon sa mahabang sofa.
Napalingon siya sa kasamahan. Nandoon sa kwartong iyon ang mga leader ng kinabibilangan niyang sindikato. Brandon Rosales, Cam Martin, at Terence Javier-Morales. Kasama din nila ang bagong leader na si Ymar Santiago.
Sila ang limang leader ng sindikato dito sa Pilipinas at may kanya-kanya silang porte. Brandon Rosales is the drug leader. Ito ang nagtatransport ng mga drugs sa bansa. Si Cam Martin naman ang siyang legal advisor nila. Ito ang pinakapinuno nila dahil ito ang kasintahan ng big boss ng Dark Market. Terence Javier-Morales, ito naman ang isa sa utak ng grupo. Dito nila kinukuha lahat ng mga kailangan nilang impormasyon tungkol sa mga ka-away nila. Negosyo man o personal. Ymar Santiago, ito ang bagong leader ng human trafficking sa bansa. Nang mamatay si Marko, ilang taon na ang nakakalipas ay ito ang pumalit. Binibinta nito ang mga batang babae na nakukuha sa bahay ampunan sa mga kilala nitong club. Ang iba ay dinadala nito sa ibang bansa.
Siya naman ay ang mga babaeng natitipuhan ng mga mayayaman at matatandang negosyante. Magkatuwang sila ni Brandon a negosyong iyon. Nasa college palang sila ng simulan ang ganoong gawain. Kilala nila lahat ng mayayamang negosyante sa bansa at kahit ang mga politiko sa bansa ay binibintahan nila ni Brandon.
“Terence, I want you to track Alex down. Kailangan kong mabawi ang kasintahan ko sa kanya.” Galit na galit niyang sabi.
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Terence. “Don’t worry. Silang dalawa ng pinsan niyang si Cole ang target ko ngayon. May baby sister is hunting his cousin. She hunts Cole, I hunt Alex.”
Natuwa si Carl sa narinig na sagot ni Terence. Akala ba ni Alex ay hindi siya lalaban. Hindi siya makakapayag na makuha nito ang pagmamay-ari niya.
HanjMie