MTT FIFTEEN

3194 Words
ALEX IS LOOKING at the stars about the night sky. Maganda ang kalangitan ng mga sandaling iyon. Marami kasing bituin ang nagkikislapan. He can't help it but to smile. He is drinking his favorite coffee. He likes to drink coffee with milk but his coffee has only a little bit of milk. Kapag nga titingnan ang kape niya ay wala kang pakikitang gatas dahil sa isang kutsara lang ang nilalagay niya. "Alex..." Napalingon si Alex ng marinig ang pagtawag sa pangalan niya. Nakita niya ang kaibigan na si Asher. Ito ang kasama niya ngayon dito sa farm ni Quinn. Doon sila tumuloy pagkatapos silang tumakas sa grupo ni Carl. Safe ang lugar na iyon pero hindi sila pwedeng magtagal. Kailangan din nilang umalis agad dahil baka makatunog ang mga humahabol sa kanila. Wala siyang balak na ipahamak ang mga taong nandoon. "Asher, may kailangan ka?" tanong niya dito. Lumapit sa kanya si Asher at umupo sa katabing upuan. Humarap din ito sa kalangitan. "Veelrich called me and said that his chopper will be here tomorrow morning." Tumungo siya. "Pakisabi na maraming salamat. Sino nga pala ang magiging piloto namin?" "Liam volunteer. He wants to make sure you two are safe." Sagot nito. Napangiti siya. "Thank you." "You're welcome. We are here to help you." Sumandal si Asher sa upuan. "Sa tingin mo ay sasama sa iyo si Anna bukas?" Sinulyapan niya ang kaibigan. Muli siyang uminum ng kape. "I hope so." "Alex, you need to ask her permission first. Wag na wag mong ipipilit sa kanya ang gusto mo. Tandaan mo, dapat pa rin natin respetuhin ang desisyon ni Anna kahit alam natin na mapanganib ang lahat. Siya pa rin ang may hawak sa sarili niyang buhay at wala tayong karapatan na saklawan ang kahit anong desisyon niya." "Alam ko." Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Alex. Iyon naman talaga ang plano niya. He will ask Anna's permission first. Nais niyang pormal na isama sa isla si Anna. Iba pa rin kapag hiningi niya ang sarili nitong opinion. Na-isip niya kapag pinilit niya si Anna na isama sa isla ay para na rin wala siyang pinagka-iba kay Carl. Hindi niya pwedeng ipilit ang sariling kagustuhan kahit pa na labag iyon sa puso niya. "Nandito lang naman kami para suportahan ka." Tumayo si Asher at tinapik ang balikat niya. Iniwan siya nito sa lamia. Ipinikit ni Alex ang mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Napakasarap pakinggan ang huni ng mga insikto. Iyong mabagal na galaw ng mga puno na sumasabay sa hangin. Ito ang gusto niyang buhay. Payapa at tahimik pero hindi niya iyon magawa dahil ipinanganak siya sa isang mayaman na pamilya. May responsibilidad siyang kailangan gawin. He is once a carefree person. Iyon ang ugali niya noong nabubuhay pa ang Kuya Andrew niya pero nagbago ang lahat. Nandoon pa rin naman ang ugali niya na puno ng kalukuhan pero pinapakita lang niya iyon sa mga pinsan. Ngunit pagdating sa ibang tao ay isa siyang malamig at kinakatakutan na tao. Kailangan niyang maging ganoon para matakot ang iba na kalabanin sila. He is a Cortez and a lot of people scared of them. Alam kasi ng mga ito kung anong klaseng tao siya. He is not a good person. Gumaganti siya lalo na kapag mga taong mahal na ang pinag-uusapan. He can't let them get away with it without experiencing how ruthless they are. Hindi sila tinawag na evil family sa business world ng walang rason. They maybe look so soft in the person they care but not on the people cross to their way. Hindi alam ni Alex kung ilang sandali siyang nakapikit habang pinakiramdaman ang hangin ng maramdaman na may umupo sa kina-uupuan kanina ni Asher. Sa pag-aakalang ang kaibigan ang umupo ay hindi ito pinansin ni Alex. Hinayaan niya lang kung sinuman. "Why don't you sleep in your room if you are tired, Alex?" Napabangon bigla si Alex ng marinig ang tanong na iyon. Napatingin siya sa kaliwang bahagi. Ang nag-aalalang mukha ni Anna ang kanyang nakita. Umayos ng upo si Alex. "Anna, bakit g-gising ka pa?" "I woke up and can't go back to sleep again. Na-isipan kong magpahangin at nakita kita dito." Tumungo siya. "Ganoon ba. Gusto mo bang uminum ng gatas para makatulog ka ulit?" Anna smile at him. "Thank you but I don't feel like drinking milk right now." "Kung ganoon ay may gusto ka bang kainin? Ipapahanda ko sa mga katulong." Tatayo na sana siya ng hawakan ni Anna ang braso niya. Napatingin siya doon. Mukhang napansin din ni Anna ang ginawa niyang pagtingin sa kamay nito dahil napapaso nitong ibinawi ang kamay. Yumuko din ang dalaga. Alex can't help his smile. He wanted to tease Anna but he stops himself. Tumikhim siya at muling umupo. "Hindi naman ako nagugutom. Gusto sana kitang samahan dito." Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Alex. Anna can be this adorable. Nakakatuwa talagang pagmasdan ang babaeng minamahal kapag ganitong nahihiya. Lalong sumasaya ang puso niya kapag ganito ang dalaga. Tumikhim siya para kontrulin ang sarili. "Of course, you can join me. Masarap ang hangin dito sa farm ni Quinn. Isa ito sa mga nagustuhan ko sa lugar na ito." Sumandal siya sa upuan at muling itiningala ang langit. Lalong nagkislapan ang mga bituin. Mas lalo pang sumarap ang hangin dahil kasama niya ang babae. "Alex..." Napatingin si Alex kay Anna ng tinawag nito ang pangalan niya. "Oh!" "A-ano pang-alam mo tungkol kay C-Carl?" Natigilan si Alex sa tanong na iyon ng dalaga kaya ilang sandali din niya itong pinagmasdan bago inalis ang tingin dito. Tumingin siya sa langit at huminga ng malalim. "I meet Carl when you both are third year college. Nag-aaral ka palang noon ng Political Science." Panimula niya. Napatingin sa kanya si Anna. Nasa mukha nito ang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Napapikit siya at napakuyom. "K-kilala mo si C-Carl ng ganoon katagal?" "Yes. I meet him in Dark Club. Ang bar ni Patrick. Nang buksan ni Patrick ang Dark Club ay para lang iyon sa katuwaan niya. He likes mixing drinks and he really wanted to have a bar but he doesn't expect that those bad guys make his business place into their den. I meet them when they tried to victimize Sapphire. Patrick, who was a bartender at that time, told me that Brandon put something on Sapphire's drink. He told me to negotiate with Brandon and Carl. That's how I meet them." Nakita niya ang pagkatigalgal sa mukha ni Anna. Walang nakaka-alam sa nangyari ng gabing iyon. Kahit si Sapphire ay walang alam doon. Itinago niya iyon sa dating kasintahan dahil ayaw niyang matrauma ito sa nangyari pero naging daan ang gabing iyon para makilala niya si Patrick at kung anong klaseng tao ito. Doon din niya nalaman na may ganoong illegal palang nangyayari sa club na iyon. "Since then, kilala na ako ni Brandon at Patrick. Simula din ng gabing iyon ay tinigilan nila si Sapphire. Meron din kasi silang sinusunod na batas. Bawal paki-alaman ang babae kapag pagmamay-ari na ito ng lalaking kilala o bahagi ng organisasyon nila. Napansin mo ba na kahit nakita ka ni Brandon noong isang gabi sa restaurant ay hindi ka niya hinabol. Dahil iyon sa batas nila. Nobya ka ni Carl na bahagi ng grupo nila." Napansin niya na nahulog sa malalim na pag-iisip si Anna. Sigurado siyang kinakalkula na nito ang mga pangyayari sa buhay nito. Kaya naman nagsimula na din siyang magkwento. "Carl... Carl is with us that night." Narinig niya ang malakas na pagsinghap ni Anna. Napatingin sa kanya ang babae at bigyan ng hindi makapaniwalang tingin. Huminga siya ng malalim. "Alam kong wala akong sapat na ebidensya pero totoo ang sinabi ko. Nang paalis na tayo ng bar ay nakita ako ni Brandon at hinarangan. Sinabi kong wag ka nilang paki-alaman dahil akin ka. Pero dahil alam nilang si Sapphire ang kasintahan ko ay hindi siya naniwala at gusto talaga ka nilang makuha. Nakita ko si Carl at dahil alam kong kilala ka niya, ibinigay kita sa kanya at sinabing ibigay ka kay Mang Emilio dahil nasa labas siya. Kinuha ka ni Carl sa bisig ko at inilabas sa bar na iyon." Huminto siya para lumapit kay Anna. Pinunasan niya ang mga luha sa mga mata nito. He doesn't want to continue. Bubuksan niya kasi ang sugat ng kahapon kapag ginagawa niya iyon. Limot na dapat nila ang lahat ng nangyari dahil ilang taon na rin ang lumipas pero sadya nga talagang mahirap kalimutan ang isang bagay lalo na kapag masakit at mahirap tanggapin ang pagkawala ng isang tao. "A-after that. What happens next, Alex?" Anna asks him. Huminga ng malalim si Alex. "Nagpa-iwan ako para ka-usapin si Brandon. Magbabayad na sana ako ng gabing iyon para sa kalayaan mo ng marinig ko mula sa mga tauhan ni Brandon na isinakay ka ni Carl sa koste niya. They are going to sell you to a Congressman that night. Alam kong hindi tutupad si Brandon sa usapan kahit na ibigay ko ang check sa kanya. Kaya tumanggi ako. Nagkaroon ng putukan ng gabing iyon. Hindi ko alam na niligtas ka pala ng ama mo mula sa kamay ni Carl. Paglabas ko ng bar ay nakita ko agad si Mang Emilio na naghihintay sa akin. Sumakay ako ng kotse pero hindi ko akalain na hahabol ang grupo ni Brandon at pina-ulanan tayo ng bala. May tama sa tagiliran si Mang Emelio at ako naman ay sa balikat. Tumama tayo sa isang malaking bato. Nakita ko kahit nanlalabo ang paningin ko ng gabing iyon ang ginawang pagligtas sa atin ng ama mo. Inilabas niya tayong dalawa ng kotse bago pa iyon sumabog." Napatakip si Anna ng labi. Alam niyang wala itong maalala sa nangyari. Nasa impluwensya ng druga ang dalaga. That drugs had a side effect. Isa doon ang makakalimutan ang mga nangyari pero pinagpapasalamat niya na wala itong maalala dahil nasisigurado niyang matutrauma lang ito sa mga nangyari. Humugot siya ng malalim na paghinga. He lied but he can't let her suffer because of the truth. "I'm sorry if I didn't save you that night." Hinawakan niya ang kamay ni Anna. Hindi ito nagsalita. Patuloy lang ito sa pag-iyak. Niyakap niya ang dalaga. Sa pangalawang pagkakataon ng araw na iyon ay umiyak si Anna sa kanyang dibdib. Hinagod niya ang likuran nito. Ayaw niyang buksan ang sugat sa puso nito pero nais din niyang maging malaya. Ang nangyari ilang taon na rin ang lumipas ay dala-dala pa rin niya hanggang ngayon. They both survive that night but they suffer too much. Kaya nga gusto niyang gumanti at makulong na ang grupo ni Brandon. Kailangan ng putulin ang sungay at buntot ng grupo ng mga ito. Marami ng nagdusa, madadamay, nawalan ng moral at nabiktima ng grupo ng Dark Market. Kailangan ng matapos ang lahat at sisimulan niya kay Carl at Brandon. "You didn't do wrong, Alex. You even tried to save me. It also causes your life." Bulong ni Anna. Napangiti siya sa sinabi nito. "I did what I thought right that time Anna. Alam ko kung gaano kalaki ang grupo ni Brandon kaya nga gusto kong iwasan mo sila. I can't let them have you. Hindi ako makakapayag na kunin ka nila sa akin." Hindi nagsalita si Anna. Humigpit lang ang pagkakayakap nito sa kanya. Hinayaan naman ni Alex ang dalaga. Gumanti na lang siya ng yakap dito. He even kiss Anna's hair. Gusto niyang ipadama sa dalaga ang nararamdaman dito. Being close to Anna is what he likes but also, he wanted everything back to normal. Gusto niyang bumalik na si Anna sa tabi ng pamilya nito. "Anna..." Malambing niyang tawag sa pangalan nito. Wala siyang narinig na tugon mula dito. Bugkos ay mas siniksik pa nito ang sarili sa dibdib niya. Anna suddenly becomes clingy. Nagulat siya sa ginawa ng dalaga pero hinayaan na lang niya. Minsan lang siya mabigyan ng ganoong pagkakataon. Inayos niya ang pagkaka-upo sa mahabang sofa para mas maging komportable ang dalaga. He is now wonder what Anna's thinking. "Anna, would you come with me?" tanong niya pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan. Anna is still awake. He can feel her move and heartbeat but she didn't move away. She also stops crying. Kalmado na ito kaya pwede na niya itong maka-usap ng maayos. "Saan?" Tumagilid si Anna para humilig sa balikat niya at makatingala. Yumuko naman siya para magkita ang mukha nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Anna had swallow eyes. "Ashley, one of my cousins, have a private island. Let's go there while Carl's looking for you. Mas safe ka sa lugar na iyon. Walang nakaka-alam ng islang iyon ni Ashley." May pagsusumano niyang sabi sa dalaga. "Are you coming with me?" "Of course. I come with you and we stay there together until everything is clear here." Ngumiti siya sa dalaga. Hindi sumagot si Anna. Yumuko lang ito at muling yumakap sa kanya. "Anna, I need your answer." Naramdaman niya ang paghinga ng malalim ng dalaga. "Take me away from here, Alex. I want to feel safe after what happening here in Manila. I want to forget for a while." Upon hearing what she said. Niyakap ni Alex ng mahigpit si Anna. He is very happy to hear that from her. "You are safe with me, Anna." Pabulong niyang sabi at hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga. Nothing is safer than his arms and that's what he wants Anna to feel. NAGPABILI MUNA NG ilang gamit si Alex. Pareho kasi silang walang dalang kahit anong gamit ni Anna. Ngayon ay nasa sala siya at hinihintay ang inutusan na katulong ni Quinn. Iyong mga basic needs na kailangan din nila sa isla. Pina-ayos niya din sa katiwala ng pinsan ang guest house. Gusto niyang nasa ayos na ang lahat bago pa sila dumating sa pupuntahan. Liam is already there. Ito ang maghahatid sa kanila papunta sa isla Casa Pilar. Ang isla na siyang pagmamay-ari ng pinsan. Binili iyon ni Ashley bilang pag-alala sa namatay nitong asawa. Maliban kay Liam ay kasama nilang pupunta ng isla si Asher. Hindi mananatili si Asher sa isla, babalik ito ng Maynila pagkatapos silang ihatid ni Liam. Sisiguraduhin lang nito na ligtas silang makarating sa patutunguhan nila Anna is checking everything in the kitchen. Sabi nito ay magdala sila ng pagkain na kakainin sa isla. Sasabihan niya sana dito na may pagkain ng nilagay ang pinsan ngunit hindi na niya sinabi pa. Masaya kasi ang dalaga sa pagtulong sa mga katulong ni Quinn. Hindi niya kayang putulin ang kasiyahan nito. Natigilan si Alex sa pagbaba ng hagdan mula sa pangalawang palapag ng tumunog ang phone niya. Sinagot niya iyon ng mabasa ang pangalan ng pinsan na si Cole. "Yes, Cole. Napatawag ka?" tanong niya sa pinsan. "Tutuloy ka daw sa isla ni Ashley? Kasama mo daw si Anna?" "Oo. Pasensya na at hindi ko nabanggit sa iyo kagabi. Hindi ko pa kasi alam kung papayag ba si Anna sa plano ko." Umupo siya sa mahabang sofa. "Kung ganoon ay pumayag siya?" Ngumiti siya ng maalala ang nangyari kagabi. Nakatulog silang pareho sa sofa at ginising lang ni Asher ng madaling araw. Siya lang ang ginising ng kaibigan kaya naman binuhat niya si Anna para malipat sa kwarto nito. Mabuti na lang at hindi sila nagkasakit sa ginawa nilang pagtulog sa labas. Malamig pa naman kagabi. "Oo, pumayag siya kagabi. Hinahanda lang namin ang lahat ng kailangan namin bago kami lilipad papunta sa isla." "Hindi ba kayo matutunugan ng kalaban sa plano niya?" Cole voice suddenly become worried. Napangiti siya. Bihirang magpakita ng emosyon ang pinsan pero kapag meron naman ay nakakataba ng puso. Ito ang dahilan kung bakit mas malapit siya kay Cole. Na-iintindihan niya kasi kung anong klaseng ugali ito. "Don't worry, Cole. Hindi malalaman ni Carl na nandito kami ngayon sa farm ni Quinn. Puputi muna ang uwak bago sila makarating dito sa farm. Alam kung hindi ko pwedeng maliitin ang isang tulad ni Carl pero hindi pa talaga ako kilala ng lalaking iyon." He wanted to assure Cole that he will be fine. "I just wanted you to be safe. Paano nga pala si Sapphire? Hindi kaya siya naman ang habulin ni Brandon at Carl?" Napatuwid siya ng upo. "Sapphire is safe now. Kasama niya ngayon si Ziepher. Hindi pababayaan ni Ziepher ang pinsan niya." "Okay. Alam mo naman na nag-aalala din si Mommy para sa kaligtasan ni Sapphire. Malapit ito kay Mommy." "Cole, hindi ko pababayaan si Fire pero nandyan ang pinsan niya. Alam ko na hindi basta-basta iiwan ni Ziepher si Fire, lalo na ngayon at nakilala na niya ang nawawala niyang pinsan. Hindi ko man kilala ng lubusan si Ziepher pero nasisigurado akong hindi niya ipapahamak ang tao." Ilang linggo na din ang lumipas ng malaman nilang pinsan pala ni Fire si Ziepher at dito nila nakuha ang mga kailangan nilang ebidensya para maibalik dito ang ninakaw na ari-arian. Ziepher Del Rio comes in right time. Kinuha na din ni Ziepher ang custody ni Fire. Ngayong nakakalakad na si Fire ay mas matutukan nito ang negosyong iniwan ng magulang nito. Si Ziepher na din ang tutulong dito para malaman ang pasikot-sikot ng kompanya. "Mag-ingat kayo, Alex. Tawagan mo ako kapag may kailangan kayo." Paalala ni Cole. "I will be safe, Cole. I called you once we get there. Ingatan mo din ang sarili mo at si Tita Ivy. This won't take long. Malapit na din naman matapos ang problema namin kay Brandon." Hindi nagsalita si Cole sa kabilang linya pero naririnig niya naman ang maghinga nito. Nasisigurado niyang tutol ang pinsan sa plano niya. Cole maybe cold in the eyes of everyone but Cole have a warm heart. Mabait ito at mabilis magpatawad. "Cole, don't think too much. I will be safe. Magtiwala ka lang sa kay Liam. He will take us there safe and sound." He reassures his cousin. Bumuga ng hangin si Cole sa kabilang linya. "Called me once you are there." Ngumiti siya. "I will. So, don't worry. Focus yourself on taking good care of your own family. Isa ka ng ama kaya dapat nakatutok ka sa kanya." Paalala niya sa pinsan. Hindi nagsalita si Cole kaya naman binaba na ni Alex ang tawag. Doon niya nakita si Anna na nakatayo sa pader at nakatitig sa kanya. Tumayo siya na may ngiti sa labi. Lumapit siya kay Anna. "Is everything alright?" Nag-aalalang tanong niya. "Yes." "Good. Let's wait for the maid to come. Ayusin natin pagkatapos ang gamit na dadalhin natin doon." Hinawakan niya si Anna sa kamay para umupo sa mahabang sofa. "Okay..." May pag-aalalangan na tumingin sa kanya si Anna. Parang may nais itong sabihin. Kaya naman hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. "Sana ay maging maayos ang byahe natin." Itinaas niya ang isang kamay at hinawakan ang pisngi. "I'm here, Anna. I'm here for you." Pareho silang ngumiti ni Anna. He is very sure that he will take care of Anna. Sisiguraduhin niya na makakabalik ito sa normal na buhay. Sisiguraduhin niya na magiging masaya ito. Magiging maayos din ang lahat. He will do everything for her even it causes his own life. HanjMie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD