ISANG malaking mansyon ang hinintuan nila ni Alex. May mataas iyong pader at malawak na harder. Huminto sila sa nakahilirang mga sasakyan na alam niyang hindi basta-basta ang presyo. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang mansyon ng mga Saavadra. Wala siyang nakikitang mga bantay pero mahigpit ang security ng subdivision. Hiningan din kasi siya kanina ng I.D sa main gate. Tumawag pa sa mansyon ng mga Saavadra bago talaga siya nakapasok doon.
"Pansamantala ay dito ka muna sa mansyon ni Tita Ivy. You are safe here," wika ni Alex.
Napatingin siya kay Alex na katabi niya sa backseat. Nasa unahan ang lalaki na siyang sumundo sa kanila. Nasa likuran naman nila ang isang kotse na lulan ng isa pang lalaki.
"Mr. Prado, please tell King that he can go back to Kingstate."
Tumungo ang tinawag ni Alex na Mr. Prado. Muling ibinalik ni Alex ang tingin sa kanya. "Let's go inside."
Unang lumabas ng kotse si Alex at sumunod siya. Nalula siya sa laki ng mansyon. Nasisigurado niya na tatlong palapag ang masyon na iyon. Bumukas ang dalawang pinto ng mansyon at lumabas ang isang matandang babae. Sinalubong sila nito.
"Magandang hapon po sa inyo, Senorito Alex." Yumuko pa ang matanda kay Alex.
"Magandang hapon din, Nay Lucing."
Ngumiti ang mantanda. "Masaya akong makita kayo sa maayos na kalagayan, Senorito."
"Masyado po bang malaki ang tensyon ngayon dito sa mansyon, Nay?" naglakad na ang dalawa.
Sumunod siya sa mga ito. Gusto niya sanang malungkot dahil bigla siyang kinalumutan ni Alex pero hindi niya magawa. Alam niya na malaking bagay ang kinahaharap ng pamilya nito ngayon. Malapit si Alex sa pinsan nito kaya apektado ito ng sobra.
Nang makapasok sila ng mansyon ay agad niyang napansin ang isang malaking portait na apat na tao. Ang pinsan ni Alex na si Cole at Kuya Timothy nito. May dalawang matandang naka-upo habang ang magkapatid na Saavadra ay nakatayo. Bata pa ang dalawalang lalaki. Timothy and Cole look like they are in their teens. Minsan na niyang nakita ang mag-asawang Saavadra at masasabi niyang parehong magandang tao ang mga ito kahit na may edad na.
"Alex, you are here."
Napatingin siya sa may hagdan ng marinig ang boses ng isang babae. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang babae na mukhang nasa late forties pero nasisigurado niya na hindi iyon ang totoong edad ng babae. Nasa tabi ng babae si Kuya Timothy na walang ngiti sa labi.
"Magandang hapon, Tita." Lumapit si Alex sa babae at humalik sa pisngi nito.
"Magandang hapon din, hijo." Dumako ang tingin ng babae sa kanya. Isang ngiti ang sumilay sa labi nito. "You bring someone here?"
Sabay na tumingin sa kanya ang apat na parehes na mga mata. Nakaramdaman nang hiya si Anna. Kahit na kilala niya na si Kuya Timothy ay hindi pa rin niya mapigilan na makadama pagka-ilang.
"Magandang hapon po." Magalang niyang bati sa mga ito.
"Magandang hapon din, hija."
Nagtaas siya ng tingin ng may humawak sa kanyang siko at hinila siya ng marahan. Lumapit sila sa dalawa. May ngiti pa rin sa labi ng babae habang si Kuya Timothy ay seryuso ang mukha.
"Tita Ivy, I want you to meet Anna Cordero... Anna, siya ang in ani Cole, Ivy Rose Cortez-Saavadra." Pakilala ni Alex sa matandang Saavardra.
"Ikinagagalak ko po kayong makilala." Inilahad niya ang kamay.
"I'm happy to finally meet you, hija. Alex and Cole told me a lot about you." Tinanggap ng matanda ang pakikipagkamay niya.
Napatingin siya kay Alex ng marinig ang sinabi ng matanda. Kinikwento siya ni Alex sa Tita nito? Bakit? Anong meron at binabangit siya nito? Binigay niya ng nagtatanong na tingin si Alex pero hindi iyon pinansin ng lalaki.
"Tita, Anna needs to rest. Nabanggit naman po sa inyo ni Kuya Tim ang tungkol sa sitwasyon niya."
"Of course, she can stay here in the mansion. She is safe here. I already told Lucing to clean her room." Hinarap siya ni Tita Ivy. "Let's go upstair, Anna. I show your room."
Tumingin siya kay Alex. Gusto niyang tanungin ito pero ngumiti lang ang binata. "Usap tayo mamaya. May kailangan lang kaming pag-usapan ni Kuya Timothy."
Binitawan ni Alex ang kamay niya at ibinigay kay Tita Ivy. "Tita, kayo na muna ang bahala kay Anna. Kailangan namin pag-usapan ni Kuya ang tungkol sa meeting mamaya."
"Don't worry. Let's go, Anna."
Wala na siyang nagawa pa ng hinila na siya ni Tita Ivy pa-akyat sa pangalawang palapag ng bahay. Tahimik lang ang matanda. Pagkarating nila sa pangalawang palapag ay nakita ang malawak na sala. May dalawang mahabang sofa, dalawang single sofa at isang coffee table. May mga mamahalin na flower base at ilang painting na nakasabit. May dalawang malaking halaman din sa sulok. Dark blue ang kurtina at nakabukas ang sliding door kaya sumasayaw ang mahabang kurtina. Dalawang pasenyo ang nakita niya. Isa sa kaliwa at isa sa kanan.
"Ang pangalawang palapag ay kwarto ng apat at akin. Meron isang guest room at doon ka muna tutuloy. Lahat ng kwarto ay nasa kaliwang bahagi ng floor na ito. Ang sa kanan naman ay music room at entertainment room. Nasa baba ang library room at mini office ng bunso kong anak. Nasa baba din ang bar room. Sa pangatlong palapag ay ang kwarto para sa mga guest. Nandoon din ang playroom at ang main library ng bahay. Sa rooftop ang lapagan ng chopper pero hindi na ginagamit nila dahil ayaw nilang balabugin ang mansyon. Na-iingayan kasi si Lucing kapag dito lumalapag ang chopper na galing sa farm." Paliwanag ni Tita Ivy.
"Sobrang laki pala ng mansyon ni Mrs. Saavadra." Kumento niya.
Na mamangha talaga siya sa laki ang mansyon na iyon. Oo nga at nasa isang kilalang subdivision ang mansyon na iyon pero hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon kalaki ang bahay nito doon. Tumuloy din naman siya sa isang mansyon, ang mansyon ng mga Kim, pero hindi ganoon kalaki ang bahay ng mga ito. Well, ano bang nakakagulat kung ang kasama niya ngayon ay ang pumapangalawa sa pinakamayang tao sa bansa at pang-anim sa buong Asya. Pero kung titingnan mo ang matandang Saavadra ay napaka-simple lang nito.
"Mrs. Saavadra? Napakapormal mo naman yata sa akin, Anna. Call me Tita Ivy. Ganoon din naman ang tawag sa akin ng ibang kakilala ko na mas bata sa akin."
"Nakakahiya naman po kung tatawagin ko kayo sa ganoong pangalan. H-Hindi naman po ako ganoon ka malapit sa inyo." Nakayuko niyang sabi.
Huminto si Tita Ivy sa isang pinto. Humarap ito sa kanya at hinawakan ang kanyang baba. "Wala akong pinipiling tao na kaibiganin, Anna. Wala din akong paki-alam sa estado sa buhay ng isang tao. Kapag kilala ng pamangkin o anak ko ang isang tao ay agad kong kinakaibigan. Alex is a good friend of yours. We need to be formal to each other. I want you to be comfortable in this house while you are here and we start by not being too formal to each other."
Isang matamis na ngiti sa labi ang ibinigay sa kanya ng babae. Hindi alam ni Anna pero parang may humaplos sa kanyang puso dahil sa sinabi nito. Ilang mayayamang tao na ba ang nakakaharap niya at iba ang tingin sa isang tulad niya. Kahit ng maging isa siyang abogado ay wala pa rin minsang respeto sa kanya ang ibang tao. She is nobody. Bilang ang taong nakilala niya na maayos ang pakikitungo sa kanya.
"Thank you po, T-Tita Ivy." Nahihiya niyang sabi.
Lalong naging matamis ang pagkakangiti sa labi ng matanda. "It's good to hear that you called me Tita. Welcome to my home, Anna."
Napangiti na din si Anna dahil sa sinabi nito. Napakagaan ng pakiramdaman niya. Iyon ngiti sa labi ng matanda ay napakasarap pagmasdan at bakit pakiramdaman niya ay ligtas siya sa lugar na iyon. Na hindi siya basta-basta pababayaan ng mga taong nandoon.
"YOU WILL BE A SAAVADRA after this, Kuya?" aniya kay Kuya Timothy ng nasa loob na sila ng library.
Tumungo si Kuya kaya naman napapikit siya. Alam niyang aware si Kuya Timothy sa maaring mangyari kapag nagpakilala ito sa mga tao. He will be a talk of the town again. Makakarinig na naman ito ng masasakit na salita sa ibang tao. Iyon ang ikinagagalit niya kanina. He is not against with his decision. Noon pa kasi nila gusto ito maging Saavadra pero hindi sana sa ganitong sitwasyon. Magulo pa at maaring maging pangit na naman ang tingin ng mga tao sa pinsan.
Alam niyang mahina ang loob ni Kuya Timothy. They know how weak he is. Muntik na nga itong mawala sa kanila kaya nga iniingatan nila ito.
"Are you ready for whatever gonna happen, Kuya?" Hindi niya maitago ang pangamba niya para dito.
Kagaya ni Cole ay marami din pinagdaan ang pinsan niyang ito. He lost all his love once. Mula sa ina nito, step-dad at sa totoong ama nito. Namatay ang am ani Kuya Tim ng hindi nito nakaka-usap at nakakasama. Ang ina at pangalawang ama nito ay nawala na lang bigla dahil sa isang aksidente. Kuya Tim suffer too much that they don't want him to suffer again.
"I need to be ready. I need to be strong for Cole and Tita Ivy, Alex." Tumingin sa kanya ang pinsan. May lungkot na ngiting sumilay sa labi nito.
Huminga ng malalim si Alex.
"Alex, alam mo kung anong pinagdaanan ko sa buhay. At sa lahat ng mga iyon ay nandoon si Cole at Tita. They always there for me. Hindi nila ako pinabayaan at hinayaan na mabuhay mag-isa. Yes, I'm weak. Aaminin ko iyon pero handa akong maging matapang para sa kanila. Cole... Cole is my younger brother. I can't let him suffer. Tita... Tita Ivy doesn't deserve to get hurt again. I need to protect this family also. I need to protect those things that belong to my brother. Hindi ako makakapayag na mawala na lang sa pamilyang ito ang lahat ng pinaghirapan ng ama ko. I can't let those snake shareholders to win. Hindi nila makukuha ang para sa kapatid ko." Mula sa malungkot na mga mata ay napalitan ng puot ang mga mat ani Kuya Timothy.
"What do you mean, Kuya?" Naging alerto siya.
"May tatlong shareholder ang Redwave na napag-alaman namin na nagpaplanong alisin si Cole sa kompanya. Sila ang nagtutulak sa ibang shareholder na alisin ang mga Saavadra sa Redwave. Nalaman namin iyon mula kay Jacob."
Napapikit siya ng mariin. Hindi niya akalain na may ganoong tao pala sa Redwave. Kilala lahat ni Tito Carl ang mga shareholder ng Redwave pero heto at kalalabanin nila ang anak ng may-ari. Well, noon pa man ay ayaw na talaga nila kay Cole dahil na rin sa nakaraan ng pinsan niya. Sadyang anak lang talaga ng may-ari si Cole at napatunayan nito ang sarili sa lahat. Sa kabila kasi ng sakit nito ay naging ma-unlad ang Redwave na umabot pa talaga sa ibang bansa ang produkto.
"Kung magpapakilala ka ay sayo mabubunton ang galit nila. They don't want another Saavadra to handle the company."
"Wala silang magagawa. I'm a Saavadra. Malaki pa rin ang share ko sa kompanya. Dalawa kami ni Cole ang may malaking share. Si Tita Ivy ang tatayo bilang ina ni Cole. Ang boto pa rin namin ni Tita ang mananalo mamaya kasama na rin ang boto niyo ni Ashley."
"That's why you want me to go home." Nakikita na niya ang sitwasyon mamaya.
It's them against everyone. Tatlo silang boboto laban sa mga taong gustong alisin ang mga Saavadra sa Redwave. Hindi nga nila basta maalis ang mga Saavadra dahil malaki pa rin ang share ni Cole at nilang dalawa ni Ashley pero iba pa rin kapag ibang tao na ang may hawak ng kompanya. Sila lang magpipinsan ang pwedeng mamahala ng Redwave.
"Yes. Kailangan namin ni Tita Ivy ang suporta ninyo mamaya sa meeting. This will be a chaos but we need to be strong. Alam ko na gugulo pa at makakarinig tayo ng masakit na salita sa iba pero handa na akong marinig iyon. I don't care what they going to say towards me. The most important thing is Tita Ivy. And we need to protect Cole. He is not safe inside. His case is on process."
"Malalampasan din natin ito." Lumapit siya sa nakakatandang pinsan at hinawakan ang balikat nito.
Nasa ganoon silang sitwasyon ng may kumatakot sa pinto at bumukas. Pumasok si Nay Lucing na may hawak na tray. Mabilis na tumayo si Kuya Timothy para tulungan ang matanda. Napangiti siya sa ginawa nito. Ito ang dahilan kung bakit mahal na mahal ng mga taong nakapaligid sa kanila si Kuya Timothy. He is kind and polite. He is fragile person.
Inilapag ni Kuya Tim ang tray sa mesa na nandoon. Lumapit siya sa dalawa.
"May kailangan pa ba kayong dalawa?" tanong ni Nay Lucing.
"Wala na po, Nay. Pwede na kayong magpahinga at hayaan na ang ibang katulong sa mga gawain," sabi ni Kuya Tim.
"Ano ka ba, Senorito Timothy? Masaya akong pagsilbihan kayong magpinsan." Tinapik pa ng matanda ang balikat ni Kuya.
"Alam kong hindi po kayo nakatulog kagabi dahil kay Cole, Nay Lucing. Kaya po sana ay pagbigyan niyo po ang hiling ko na magpahinga muna po kayo." Paki-usap ni Kuya Timothy.
Nakita niyang nawala ang ngiti sa labi ng matanda. Si Nay Lucing ang pinakamatagal na katulong ng mga Saavadra. Yaya na ito ni Cole noong bata pa. Tinuturing na itong kapamilya nila at talagang hindi na ito iba sa kanila. Tumayo na din siya at hinawakan ang matanda sa balikat. Nakikita niya sa mga mata nito ang lungkot at pag-aalala sa batang Saavadra.
"Nay, wag po kayong mag-alala. Matapang po ang alaga niyong iyon. Hindi iyon basta sumusuko sa laban. Malalampasin din po natin ito. Makaka-uwi sa mansyon na ito si Cole," aniya para lumuwag ang kalooban ng matanda.
Tumingin sa kanya si Nay Lucing. "Alam kong matapang si Cole at malalampasin niya ito pero hindi ko pa rin ma-iwasan na hindi mag-alala. Kahit gaano pa katapang ang batang iyon ay may oras at panahon pa rin na mahina siya. Alam mo iyon Alex dahil ikaw ang pinakamalapit kay Cole."
Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ng matanda. Nay Lucing is right. Cole maybe strong in the eyes of everyone but he is weak sometimes. Ilang beses na ba niyang nakitang umiyak at pinanghinaan ng loob ang pinsan na iyon. Kagaya ni Kuya Timothy ay muntik na din mawala sa kanila ang pinsan. He maybe not trying to harm himself but they almost lost him mentally.
Tumikhim siya. It's not time for him to be weak. "Nay, alam niyo din na hindi kami susuko kay Cole. Walang bibitaw sa amin. Di ba kayo na din ang nagsabi sa amin noon na kaming magpinsan ay sandalan ang isa't-isa. Cole got us. Kami ang lalaban para sa kanya."
Walang lugar para panghinaan siya ng loob. Lahat ng mga tao na nakapaligid sa kanya ngayon ay lumalaban kaya naman dapat na din siyang lumaban at magpakatatag. Sisiguraduhin niya na kung sinuman ang gustong magpatumba sa kanilang magpinsan ngayon ay magbabayad. Wala pang nakakalampas sa mga Cortez. Marunong din naman silang lumaban ng madumi. Kung noon ay rumors lang ang tungkol sa pagiging madumi nila sa negosyo ngayon ay makikita ng mga tao kung paano ba talaga gumanti ang isang tulad nila.
NAGISING SI ANNA na parang may humahawak sa kanyang pisngi. Marahang inulat ng dalaga ang mga mata para makita kung sino ang pangahas. Nagtagpo ang mga mata nila ni Alex.
"How's your sleep?" tanong ng binata.
"Okay lang." sagot niya at tumingin sa orasan na nakapatong sa bedside table.
Nanlaki ang mga mata ni Anna ng makita kung anong oras na. It's quarter to ten. Napakahaba ng tulog niya. Napabangon siya bigla.
"Hey!" Hinawakan ni Alex ang kanyang balikat.
"Napahaba ang tulog ko. Nakakahiya sa Tita mo," aniya.
Sinabi kasi kanina ni Tita Ivy na sabay-sabay silang maghahapunan. Gusto daw siyang makasalo ng matanda sa hapagkainan. Ngumiti si Alex. Napatingin siya sa binata.
"Don't worry. Tita doesn't mind. Alam niyang pagod ka sa byahe. At saka, late na din natapos ang meeting namin. Kaka-uwi lang namin mula sa opisina. Marami kaming tinapos," anito.
"Ganoon ba. Kamusta? Anong nangyari sa meeting niyo?"
Wala siyang alam pagdating sa negosyo pero basi sa pinag-usapan nito at ni Ashley ay seryuso ang kinakaharap na problema ng magpinsan. Hindi ganoon ang reaksyon ni Alex kung maganda ang nangyayari. At saka, late na sila naka-uwi. Ibig sabihin ay mabigat ang pinag-usapan ng mga ito.
Umayos ng upo si Alex. Tumabi ito sa kanya at sumandal sa kama. "Everything is on our favor right now. Kuya Timothy is the new CEO of Redwave Group of Companies. Bukas ay ilalagay sa pahayaan na si Kuya Timothy na ang bagong CEO ng Redwave. Magkakaroon din ng press conference. I be there tomorrow. Siguradong magkikita ako ni Carl kaya hindi ako pwedeng tumuloy dito bukas. Hindi niya pwedeng malaman na nandito ka."
May naramdaman na isang kamay na haplos sa kanyang puso si Anna. Despite of what's happening to his family, Alex still thinking about her safety. Humarap siya sa binata at hinawakan ang kamay nito. Bakit nga ba siya nagalit noon kay Alex gayong ibang-iba ito sa magulang nito? Mula pa noong nasa high school ay hindi na pinadama ng binata sa kanya na isa itong mayaman. Ang trato nito sa pamilya niya ay kagaya din kung paano sila tratuhin ng kapantay nila sa buhay.
"Thank you, Alex."
Lumabot ang mga mat ani Alex. Tumaas ang isang kamay nito at hinawakan ang kanyang pisngi. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng binata.
"You're always welcome, Anna. I do everything to protect you." Kinabig siya ng binata at niyakapa ng mahigpit.
Gumanti naman si Anna ng yakap. Alex embrace feels so much better. It's warm that she feels like she is a child again. Sa mga bisig lang ng binata siya nakadama ng ganoon. Kaya nga siguro di niya kayang itulak ito. Hindi niya kayang sabihin dito na layuan siya dahil hatid lang naman sa buhay nito ay gulo.
"Anna..."
Narinig niyang tawag ni Alex sa kanya. Akala niya ay kakalas sa pagkakayakap sa kanya ang binata ngunit hindi, mas hinigpitan pa nga nito ang pagkakayakap sa kanya. Walang namutawi na kahit anong salita mula sa dalaga. Hinayaan niya lang si Alex na yakapin siya. Hindi alam ni Anna kung ilang minuto silang ganoon ni Alex, naramdaman niya lang na gumalaw ang binata.
Inihiga siya ng binata. Nagpa-ubaya naman siya. Alam niyang gising ang binata. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Anna ng kumalas si Alex sa pagkakayakap sa kanya at inilayo ang sarili. Pinakatitigan nito ang kanyang mukha habang ito ay nakatagilid. Nasa may leeg niya ang isa nitong braso at hinihigaan niya.
Nasa mga mata niya ang mga tingin ng binata. Kumikislap ang mga mata nito. Hindi niya alam kung para saan ang kislap na iyon pero isa lang ang alam niyang ibig sabihin noon. He is happy. His eyes are spark with happiness. Inilapat ni Alex ang isang kamay sa kanyang pisngi.
"I want you to be happy, Anna."
Bago pa nakapagsalita si Anna para magtanong ng bumaba ang mukha ni Alex at sinakop ang kanyang labi. Nanlaki ang mga mata ni Anna.
Alex kissing her. He kisses her on her lips and she knows that it's not a dream.