PAGKALAPAG NG CHOPPER ay may naghihintay ng isang lalaki sa kanila. Seryuso ang mukha ng lalaking iyon. Agad nitong nilapitan si Alex.
“Good afternoon, Sir.” Magalang na bati ng lalaki kay Alex.
“Magandang hapon din, Mr. Romero. How’s the thing going on?” seryusong tanong ni Alex.
Gustong tumaas ng isang kilay ni Anna. Nagulat siya sa kaseryusuhan ng boses ni Alex. Ganoon ba si Alex sa ibang tao?
“May emergency meeting na magaganap mamayang alas-kwatro sa Redwave. Pinapatawag lahat ng mga share holder. Mukhang balak na po ni Mrs. Saavadra na ipakilala sa board si Sir Timothy.”
Biglang huminto sa paglalakad si Alex. Huminto din siya at ang lalaki na tinawag nitong Mr. Romero. Basi sa obserbasyon niya ay maaring ito ang sekretarya ng binata. Tumingin si Alex sa lalaki. Hindi ma-ipinta ang mukha ni Alex.
“Anong sinabi mo?”
“Sir Timothy will be introduced as the lost illegitimate child of Mr. Saavadra.”
Nakita niyang napakuyom si Alex. Nagdikit din ang mga labi nito. Nagtaas baba din ang dibdib nito.
“Kuya Tim will accept the Saavadra name?”
Tumungo si Mr. Romero. “Iyon ang sinabi sa akin ni Mr. Prado ng tumawag siya sa akin. He instructs me to head up you for what happening in Redwave. Ginigipit ng mga Board of Directors si Madam Ivy. Importante kay Madam ang Redwave dahil pinaghirapan iyon ng asawa niya. Tanging ang magkapatid lang ang may karapatan sa Redwave kaya kailangan na talagang magpakilala ni Sir Timothy dahil kung hindi, mapupunta sa iba ang posisyon ni Sir Cole.”
Napapikit si Alex. Namula ang leeg nito na tandang galit ang binata. Ilang beses na huminga ng malalim ang lalaki. Tumalikod ito at naglakad papunta sa exit door. Sumunod sila sa binata. Habang lulan sila ng elevator ay tahimik lang si Alex. Pinagmasdan lang ito ni Anna. Nakasandal ito at nakapikit ang mga mata. Nakikita ang pagod sa mukha. Ganoon kaseryuso ang mga nangyayari ngayon sa pamilya Cortez.
Nang huminto ang elevator ay saka lang nagmulat ng mga mata si Alex. Nagulat pa siya ng hawakan nito ang kamay niya at hinila siya palabas ng pinto. Nalakad sila sa opisina na maraming empleyado. Ilan pa sa mga ito ay napatingin sa deriksyon nila, partikular na sa kamay nilang magkahawak. Nahihiya man ay hindi ibinawi ni Anna ang kanyang kamay. She loves the electricity that flows in her hands.
Isang babae ang sumalubong sa kanila.
“Good afternoon, Sir Alex.” Isang matamis na ngiti ang ibinigay ng babae kay Alex.
Tumaas ang isang kilay ni Anna. She can saw adoration at her eyes. Hindi man lang nahiya ang babae. Lantaran magpakita ng pagkagusto sa binata.
“Is Ashley here?” Seryusong tanong ni Alex.
Gusto niyang matawa dahil hindi man lang pinansin ng binata ang pagpapakita ng interest ng babae.
“She is here.” Sagot ng babae.
Nilampasan ni Alex ang babae at hinila siya. Tiningnan naman niya ang babae mula ulo hanggang paa. Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito ng makita ang kamay nila ni Alex. Tumaas ang isang sulok ng labi niya.
‘Girl, he can’t be yours,’ aniya sa isipan.
Pumasok sila ni Alex sa isang pinto na may nakalagay na CEO. Isang gulat na babae ang napasukan nila. Nanlaki ang mga mata ni Anna ng makita ang babaeng nakaupo sa isang malaking mesa at maraming nakakalat na papel.
“Where’s your manner, Alex?” singhal ng babae.
Tumayo ang babae na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa binata. Hindi pinansin ni Alex si Ashley. Naglakad lang ito palapit sa pinsan ng hindi binibitawan ang kamay niya. Napatingin sa kanya ang pinsan nitong babae. Gusto niyang yumuko. Hanggang ngayon ay napaka-intimitading pa rin ng babaeng ito. She never changes. Malakas pa rina ng aura ni Ashley.
“Why you bring that woman here?” may pagkamataray na sabi nito.
“Kagagaling lang namin sa isla. Why you let this happen?” tanong nito sa pinsan.
Tumaas ang kilay ni Ashley. Tinalikuran lang nito si Alex at umupo sa mahabang pulang sofa. Sumunod sila ni Alex. Umupo sila sa kabilang panig. Tumayo naman si Mr. Romero. Nararamdaman niya ang tensyon sa loob ng opisinang iyon.
“Why did this happen, Ashley?”
“Like you, nagulat din ako. May kinakaharap din akong problema kaya hindi ko napansin ang mga nangyari. Wala din naman akong magagawa ngayon dahil nasa bingit ng problema ang Casa Pilar kapag hindi ko agad nagawan ng paraan ay pwede akong alisin ni Daddy sa posisyon ko.”
“Okay. Pero may alam ka kung bakit ito nangyayari ngayon sa pamilya natin?”
Napatingin sa kanya si Ashley pero agad din ibinalik ang tingin sa pinsan nito. Pinagkrus nito ang braso sa dibdib. Ibinalik nito ang mukha na walang emosyon.
“Ini-imbestigahan pa ni Jacob at Patrick ang lahat pero may hinala silang si Trixie ay may kagagawan ng lahat ng nangyayari ngayon kay Cole at Clara. Sa akin naman ay parti ng sindikato. May kinalaman si Brandon sa nangyayari ngayon sa kompanya ko.”
Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin kay Ashley. Nagtagpo ang mga mata nito. Tumaas ang balahibo niya dahil sa mga tingin ng babae. Kasing lamig kasi ng yelo ang mga tingin nito.
“M-may kinalaman si B-Brandon sa nangyayari sa pamilya niyo?” Napatingin siya kay Alex.
Humigpit ang pagkakahawak ni Alex sa kamay niya. Hindi tumingin sa kanya ang binata. Wala din siyang nababasang emosyon sa mga mata nito.
“They won’t stop until they take revenge.”
“Yes. Wala akong kinalaman sa pagkamatay ng dati nilang kasamahan na si Marko. It was Dinnes and Cathy’s problem but because I’m Dela Costa, they also targeting me. Best friend ako ni Dinnes at asawa ng kapatid niya kaya pati ako ay dinadamay nila but they mess up with the wrong person. Alam ko na kung sino ang black hole sa kompanya ko. Kaya dapat bantayan mo din ang kompanya mo, Alex.” May pagbabanta ang boses ni Ashley.
“We are already working on that, Ms. Cortez.” Sumagot ang sekretarya ni Alex.
Napunta naman dito ang tingin ni Ashley. Ngumiti ang babae kay Mr. Romero. “You are the loyal one, Mr. Romero. Alam kong hindi mo tatalikuran ang pinsan ko ng dahil sa pera pero wag ka sanang magpakapanti sa lahat ng oras. I meet your lover. She seems to be a good girl. What’s her work? A lawyer?”
Nakita niyang natigilan si Mr. Romero. Tumayo si Ashley at lumapit sa sekretarya ni Alex. “I give you a piece of an advice. I don’t like her. She is dangerous, Mr. Romero.”
“My personal life is not your concern, Ms. Cortez.” Napansin niyang nagbago ang mukha ng sekretarya ni Alex.
“It’s Mrs. Dela Costa, Mr. Romero. Patay na nga ang asawa ko pero kasal pa rin kami.”
Hindi nagsalita si Mr. Romero. Narinig niyang huminga ng malalim si Alex. Tumayo ito ng binitiwan ang kamay niya.
“Stop it, Ashley. Labas tayo sa personal na buhay ni Kenneth. Let him be with the woman he loves,” wika ni Alex.
Ibinalik ni Ashley ang tingin kay Alex. “Let him?” Tumawa ng mapag-insulto si Ashley. “Alex, I’m waiting for you to comeback before I drop the bomb.”
Naglakad si Ashley papunta sa mesa nito. May binuksan ito sa isang drawer. Isang brown folder ang inihagis nito sa mesa.
“I’m sorry, Kenneth. Alam kong wala akong karapatan na paki-alaman ang personal mong buhay pero kapag may kinalaman sa pinsan ko ay hindi ako tumatahimik. The woman you dating is part of syndicate. Isa siya sa membro ng sindikato dito sa Pilipinas. Hiningi ko ang serbesyo ni Mary Ann para imbestigahan ang kasintahan mong si Attorney Caroline Santos.”
Natigilan si Anna ng marinig ang sinabi ni Ashley. Napatingin siya sa folder na hinagis nito. Lalapitan na sana niya iyon ng ma-unahan siya ni Mr. Romero. Tiningnan nito ang nilalaman ng folder pero natigilan siya ng may nahagip ang kanyang mga mata. Isang larawan. Mabilis siyang lumapit kay Mr. Romero at kinuha dito ang larawan na iyon.
“Anna…” tawag ni Alex.
Pinakatitigan niya ang larawan na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang babae sa larawan ay nakita na niya at dalawang beses na niyang naka-usap.
“Kilala mo ba siya, Ms. Anna?” narinig niyang tanong ni Mr. Romero.
Marahan siyang tumungo. “Naging kliyente ko siya. Caroline Martin ang pangalan niya. Naging biktima siya ni Brandon at kinuha niya ang serbisyo ko para makapagsampa ng kaso.”
Hindi mapigilan ni Anna ang manginig. Ang babaeng ito, sino ba talaga?
Narinig niyang tumawa ng mahina si Ashley. Napatingin silang lahat dito. “Kung ganoon ay nabiktima ka din pala niya, Anna. She really is dangerous.”
“What you know about her, Ms. Ashley?” Hindi maitago ang sakit sa boses ni Mr. Ramero.
“According to Mary Ann, that woman is the most dangerous among the syndicate member. Isa talaga siyang abogado at siya ang legal lawyer ng mga membro ng sindikato. Siya ang utak ng grupo kung hindi pa nasabi sa iyo ni Jacob. Caroline is their mind gamer. Siya ang taga-plano at mahirap siyang kabanggain, Alex. Ikaw ang target niya at kasama niya si Carl Valencia sa mga nagpaplanong pabagsakin ka.”
Namutla si Anna ng marinig ang sinabi ni Ashley. Nag-alalang napatingin siya kay Alex. Wala pa rin siyang nakikitang emosyon sa mukha nito. Nakatitig ang ito sa pinsan.
“How sure are you with this, Mrs. Dela Costa?”
“Hindi pwedeng magkamali si Mary Ann sa imbestigasyon niya. She is one of the best agents of Patrick. Kaya alam kong totoo itong nasa report niya. Ano ngayon ang plano mo, Alex?”
“Let them be.”
“What?” Salubong ang kilay na tanong ni Alex.
“Let’s pretend that we didn’t know. Na hindi natin kilala si Caroline.” Tumingin si Alex sa sekretarya nito. “How long you seeing her? Do you love her?”
Nakita niyang lumarawan ang lungkot sa mukha ni Mr. Romero. “We been dating for two months now and I know her for four months.”
“I asking you if you love her?”
Hinawakan niya sa braso si Alex. Hindi na kasi nito ma-itago ang galit sa boses. Yumuko si Mr. Romero.
“I lie if I said I don’t love her, Mr. Kim.” Yumuko ang sekretarya ng binata.
Nakadama ng pagkahabag si Anna sa binata. Alam niya ang nararamdaman nito. Ganoon din siya ng malaman ang totoong pagkatao ni Carl.
“Are you still loyal to me after what you learn about her?”
Doon nagtaas muli ang mga tingin ng lalaki.
“I still trust you, Kenneth. I know you since I start working in Kingstate. Ayaw kong madungisan ang pangalan mo o ang relasyon natin ng dahil sa babaeng iyon. I know your feeling.” Tumingin sa kanya si Alex. “I know how to fall in-love but… I want you to do the right thing. If you choosing her, walk out on my company. Wag mong dungisan ang pangalan mo na nakilala ko. Short everything out. Come back to me if you know what you really want.”
“Mr. Kim….”
Tumungo si Alex. “Don’t worry. Hindi nabawasan ang tiwala ko sa’yo, Kenneth. I will give you a week to think everything.”
“And while you are away, tried to test that woman. Let see if she…”
“Ashley…” May pagbabanta ang boses ni Alex na putol sa iba pangsasabihin ng pinsan nito.
“What?”
“I give him a week to know his feeling, not to work with us. Respect him.”
Mukha naman natauhan si Ashley sa sinabi ni Alex dahil biglang lumambot ang mukha nito. “I’m sorry. I didn’t mean too, Kenneth.”
“I understand your feeling, Ms. Ashley. I worked with Sir Alex for so many years. I know how protective you are of your cousin. I also know how four of you work.” Tumingin si Kenneth sa kay Alex. “Thank you for trusting me, Mr. Kim. I’ll be back and help you.”
Ngumiti si Alex at lumapit kay Kenneth. Hinawakan nito ang balikan ng lalaki at pinisil. “Don’t rush everything. You can go now.”
Tumungo si Kenneth at hinarap si Ashley. “Thank you for telling me everything, Ms. Ashley. My loyalty is still in Cortez.”
Walang nagsalita sa dalawang magpinsan hanggang sa lumabas si Mr. Romero. Hindi tuloy mapigilan ni Anna na malungkot para sa binata. Biktima lang ito ng mga taong masasama ang budhi. Gagamit ng tao para lang sa pansariling kapakanan. Napatingin siya kay Alex. Hindi ma-itago ang lungkot sa mga mata nito. Lumapit siya dito at hinawakan ang braso. Doon lang niya muli nakuha ang atensyon nito.
Napatitig ang binata sa kanyang mga mata. Ngumiti siya at pinisil ang braso nito.
“I think you two need to go. Baka makahalata ang mga kalaban na nandito na ulit kayo sa Maynila at magkaroon pa ng problema,” sabi ni Ashley na ikinatingin nila dito.
“Sige.” Sagot ni Alex.
Hihilahin na sana siya nito palabas ng opisina ng pinsan nito ng muling nagsalita si Ashley.
“Wag mong kalimutan mamaya ang meeting sa Redwave. We need to be there later.”
“Don’t worry. I’ll be there. Hindi ko pwedeng pabayaan si Tita Ivy.”
Pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon ay hinila na siya palabas ng opisinang iyon. Tahimik lang sila ni Alex habang nasa loob sila ng elevator. Hindi naman inaalis ni Anna ang tingin sa binata.
“I’m sorry,” aniya pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.
Napatingin sa kanya ang binata. “Sorry for what?”
“Sorry dahil nadamay ang pamilya niyo sa gulo ko. Tama nga siguro ang sabi ni---”
“Anna, kahit na di ka bumalik sa buhay ko ay patuloy pa rin akong guguluhin ni Brandon. Marami akong alam tungkol sa grupo nila kaya talagang gusto nila akong patahimikin. Masyado lang talaga akong ma-ingat kaya di nila ako kayang patahimikin. Tita Ivy making sure that we all safe. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyayari sa amin ngayon.”
Hindi pa rin nagbago ang nadarama niya kahit pa iyon ang sinabi ni Alex. She feels so guilty. Alam niya kasi na may kinalaman talaga siya sa mga nangyayari. Nadamay ang mga ito sa gusot na dala niya. Natigilan si Anna ng tumayo sa harap niya si Alex at hinawakan ang dalawa niyang kamay.
“Don’t blame yourself, Anna. Kung anuman ang pinagdadaanan namin magpinsan ngayon ay may kinalaman ang mga nakaraan namin. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo sa mga nangyayari. Partly we cause the problem we are facing right now.”
Umiling siya. “Pero kilala ko din si Brandon at si Carl. Hindi ka hahabulin ni Carl kung hindi dahil sa akin. Carl is looking for me and he knows that I’m with you. Dapat ko siyang pigilan sa sa mga binabalak niya sa iyo.”
Nagsalubong ang kilay ni Alex. “What do you mean?”
“I should talk to him. Gusto kong makipagkita kay Carl ngayong nandito ako sa Maynila.”
Umiling si Alex. “No! You won’t talk to him. Hindi kita papayagan na ka-usapin ang gagong iyon.”
Humigpit ang pagkakahawak ni Alex sa kamay niya. Punong-puno ng pagtutol ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
“I’m not asking for your approval, Alex. Pumayag ka man o hindi ay balak kong harapin si Carl. Kailangan ko si----”
“HINDI! Hindi ka makikipagkita sa kanya. Hindi mo siya kaka-usapin.” Sigaw ni Alex.
Namula ang mukha nito. Nanlilisik ang mga mata ng binata. Binitiwan din nito ang kamay niya. He is not please with her decision but she is determined to talk to Carl. She wanted to end her relationship to him. Gusto niyang putulin kung anumang relasyon meron siya sa kay Carl. Pagkatapos ng mga nalaman niya ay nais na niyang makalaya sa relasyon nila. She wanted to start a new life. Mangyayari lang iyon kapag pinutol niya ang relasyon niya sa taong naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama.
“No matter what you going to said I will talk to him to end everything between us. Gusto ko ng tapusin kung anong meron kami ni Carl,” aniya na siyang ikinatigil ni Alex.
Huminto ito sa paglalakad at tumingin sa kanya ng nagtatanong. Huminga siya ng malalim at nilapitan ito.
“Hindi ako makikipagkita sa kanya para makipag-ayos. Makikipagkita ako sa kanya para tapusin kung anuman meron kami. I want to end everything formally to him. At nangyayari lang iyon kapag nagkita kaming muli at magka-usap.”
Umiling si Alex. “Delikado ang gagawin mo, Anna. Carl won’t easily let you go. Hindi ka niya pakakawalan kapag nagkita kayo. He will adduct you if you show up in front of him again. Baliw sa iyo si Carl kaya hindi ka niya basta pakakawalan.”
Alam niya iyon. Nasisigurado niyang ganoon nga ang mangyayari. Kung balak nga siya nitong kidnapin ng araw na iyon para sumama lang dito ay nasisigurado din siyang ganoon ang gagawin nito kapag muli siyang magkitang dalawa. Kilala din naman niya ang kasintahan. Ilang taon na ba silang dalawa kaya kahit papaano ay alam na niya kung anong ugali ni Carl.
“I know what I’m doing, Alex. I will talk to Carl but I’m not coming to him. Alam kong mapanganib siyang tao at wala akong balak na balikan pa siya. I want everything to end and cut my connection with him after everything happen to us. I don’t want to get involved with him anymore.”
Hindi nagsalita si Alex. Pinakatitigan lang niya nito. Waring sinusuri kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanyang isipan. Hindi naman niya iniwas ang mga mata. Gusto niyang iparating kay Alex na hindi nito mababago ang desisyon niya. Wala siyang ibang nais ngayon ay ang putulin ang kung anuman meron sila ni Carl. It’s time to end everything.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Alex. Pumikit pa ng mariin ang binata. “Fine. I will let you talk to him but you should be with my body guard. Sasamahan ka niyang ka-usapin si Carl.”
Doon lang ngumiti si Anna. Masaya siyang marinig iyon mula kay Alex. “Thank you, Alex.”
Hinawakan ni Alex ang kanyang braso at hinila siya. Ikinalaki naman ng kanyang mga mata ang ginawa nito. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ng binata sa kanya. Anna doesn’t know what to do and how to react.
“I want you to be safe. Gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang. Hindi ako makakapayag na mapunta ka sa kanila. I will do everything for you, Anna.” Narinig niyang bulong ni Alex.
Lalong lumawag ang pagkakangiti ni Anna ng marinig ang sinabing iyon ni Alex. Gaganti na sana ng yakap si Anna ng tumunog ang elevator at bumukas iyon.
Sabay silang napatingin ng may narinig silang pagsinghap. Nang makita ang dalawang lalaking nakatayo sa labas ng elevator ay mabilis na humiwalay sa kanya si Alex.
“Mr. Prado, you are here.” Pormal na sabi ni Alex.
“Madam Ivy ask me to pick you up, Sir Alex. Naghihintay po si Madam sa mansyon.”
Tumungo si Alex. Ang isang lalaki na kasama nito ay ngumiti lang sa kanya. Napayuko na lang si Anna. Nakakahiyang makita sila ng ibang tao sa ganoong tagpo. Ano na lang ang isipin ng mga ito?
Alex is hugging her. Kahit na hindi siya gumanti ng yakap ay iba pa rin ang dating noon. Bakit ba kasi bigla-bigla na lang nang yayakap ang isang tulad ni Alex?
HanjMie