“WHAT ARE YOU DOING?” Tanong ni Anna kay Alex ng makita itong nag-iimpake ng gamit nila.
Huminto ito sa ginagawa at tumingin sa gawi niya. May napansin siyang lungkot sa mga mata nito.
“Kailangan kong bumalik ng Maynila at isasama kita.” Sagot nito.
“Ha! May nangyari ba?” Nag-aalalang tanong niya.
Huminto si Alex sa paglalagay ng gamit sa luggage at hinarap siya. His eyes scream sadness and pain.
“Cole is in jail. Kailangan kong tulungan si Kuya Timothy at Tita Ivy.” Sagot ng binata.
“What?” napalakas ang boses niya.
Tumungo si Alex. “He turns himself in, Anna. Walang kasalanan ang pinsan ko. Hindi niya pinagsamantalahan ang bestfriend niya pero heto siya at handang makulong para lang ibigay ang hustisya na sinisigaw ng pamilya nito.”
Hindi maitago ang sakit sa mata ng binata. Pagod na pagod itong umupo sa kama. Napahawak ito sa ulo at napayuko. Mabilis na lumapit si Anna kay Alex.
“Hindi kami makakapayag na makulong si Cole. May sakit ang pinsan ko at matagal niyang nilabanan iyon tapos heto at makukulong siya. He doesn’t deserve to be in jail. He doesn’t deserve to suffer again.” Napansin niya ang paggalaw ng balikat nito.
Hinawakan ni Anna ang balikat ni Alex. “Is there anything I can help?”
Umiling si Alex. “I can’t risk your own life. Nalulusutan din namin ito. Walang sapat na ebidensya na ang pinsan ko ang gumahasa kay Clara. Kahit na ipa-dna test nila si Jewel ay lalabas pa rin na hindi anak ni Kuya ang bata.”
“Pero kung inamin ni Cole ang kasalanan ay malaking pursyento na makukulong siya,” wika niya.
Nagtaas ng tingin si Alex. May luha sa mga mata ng binata. Nagtatanong ang mga mata nito. Nakadama siya ng munting kirot sa kanyang puso. She hates seeing him like that. Ngayon niya lang ulit nakitang ganoon si Alex. Una niyang nakitang ganoon ang binata noong namatay ang Kuya nitong si Andrew. Huminga siya ng malalim.
“Kahit na sabihin kasi natin na hindi naman talaga siya ang gumahasa at may ebidensya na magpapatunay noon ay maaring mabasura. Malaking factor kasi ang ginawa niyang pag-amin. Ang ginawa niyang pagpapakulong sa sarili ay sapat ng ebidensya. Mahihirapan kayo sa kaso niya, Alex. Lalo na kung hindi makikipagtulungan ang pinsan niyo sa inyo.”
Umiling si Alex. Napatayo ito. “Hindi pwede. Anong mangyayari kay Cole kapag nakulong siya ng matagal. Siguradong mahihirapan si Tita. It also can ruin him.”
“Can you tell me what really happens? Maybe I can help even for some advice.” She wanted to help.
Gusto niyang tulungan ang pinsan ni Alex. Pinuprotektahan siya ng binata at iyon lang ang nakikita niyang paraan para makabawi sa ginawa nito. At saka, ayaw niya din naman kasing makita si Alex sa ganoong sitwasyon.
Humarap sa kanya si Alex. “Cole is in love with his best friend. Her name is Maria Clara Alonzo. They have the misunderstanding that triggers Cole's depression. My cousin was diagnosed with bipolar disorder and he is still under medication now. He is doing great these past few months. Nang makipagkita ulit siya sa kay Clara ay lalong umayos ang pinsan ko. He is doing good and they already planning to get married. But before that, Cole once kidnapped Clara. He had this plan to r**e her but he stops before he can do it. Pero nalaman pa rin namin na ginahasa si Clara at buntis.
My cousin feels so guilty. Nakita namin iyon at nag-aalala kami sa kalalabasan ng mga nangyayari. But everything turns out fine. Kaya nga hindi ko ma-intindihan kong bakit bigla nalang nagkaganoon ang lahat. Kaya kailangan kong bumalik ng Maynila. Kuya Tim is asking for my help.”
Ang mga mata ni Alex na puno ng sakit at pag-alala ay lalong binalot ng lungkot. He also asking for her understanding. Ngumiti siya dito. Hinahawakan niya ang kamay ng binata at tumayo.
“I understand. Pamilya mo sila, Alex. Kailangan ka nila. Bumalik na tayo ng Maynila,” aniya.
Hindi niya alam kung sasabihin ba dito na nais niya din na bumalik ng Maynila para kausapin si Carl pero hindi na niya isinatinig pa. Ayaw niyang dagdagan ang dinadala nitong problema. Nasisigurado niya kasing hindi ito papayag na makipagkita siya kay Carl.
“Wag kang mag-alala, Anna. Hindi kita pababayaan. May matutuluyan ka sa Maynila na safe ka. I make sure of that.” Humigpit ang pagkakahawak ni Alex sa kamay niya.
Ngumiti siya. Nais niyang sabihin na kahit saan siya dalhin ng binata ay hindi siya tututol. Alam niyang safe siya kapag ito ang kasama. Alex won’t let her suffer. Gagawin nito ang lahat maproteksyonan lang siya. Anna knows now why her father trust her to Alex. Kaya nga talaga siyang alagaan at protektahan nito. Kilala ito ng ama niya at pinagkatiwala siya nito sa binata bago ito nawala.
SINUNDO SILA ng chopper ni Veelrich at ang kaibigan pa talaga ang piloto nila. Nalaman daw nito kay Patrick ang kinakaharap nilang problema magpinsan. Nang sabihin daw ni Jacob na kailangan siyang sunduin sa isla ay nagsabi agad ito.
“Are you okay?” tanong niya kay Anna.
Magkatabi silang dalawa. May kasama si Veelrich ng sunduin sila. Pinakilala nito ang lalaki. Kaibigan daw ito ni Liam. Mark Wilsy Yang ang pangalan ng lalaki at kilala din naman niya. Paanong hindi niya makilala si Wilsy, isa ito sa ka-business deal niya? May-ari ng The Great S ang lalaki. Isang malaking kompanya na nagbibinta ng mga construction materials. Hindi niya alam kung paano nagkakilala ang dalawa. Malabong si Liam dahil kailan lang ito sumali sa grupo nila.
“I’m fine.” Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Anna.
Hindi tuloy mapigilan ni Alex na pagmasdan ang labing iyon. Anna have the sweetest smile he ever saw. Bigla ay naalala niya ang panahon na kasama niya ito sa mansyon ng magulang. Kung paano ba nito nakuha ang bata niyang puso. Her innocent and sweet smile always makes him blank. At kagaya ng mga sandaling iyon ay napatulala na lang si Alex at bumalik sa nakaraan.
"ngayon sa unibersidad kung saan ka nag-aaral." Itinukod niya ang isang kamay sa ulo.
Hindi yata siya magsasawang pagmasdan ito.
"Hindi ko alam kung bakit interesado ako sa isang tulad mo. Hindi dapat ako nakadama ng ganito gayong may kasintahan na ako. I like you, Anna." Mahina ang boses niyang sabi dito.
Ilang sandali pa niyang pinagmasdan ang dalaga bago siya tumayo. Iniwan niya ang dalaga para kumuha ng jacket sa kwarto niya. Nais man niyang buhatin at ihiga sa kama nito si Anna ay hindi niya pwedeng gawin. May mga kasamang katulong ang babae sa quarters ng mga ito. Baka kung anong isipin ng mga ito sa kanila.
Nang bumalik siya ay nasa ganoong posisyon pa rin ito. Inilagay niya sa balikat ng dalaga ang jacket na kinuha sa itaas. Inayos niya muna ang mga gamit nito bago muling umupo sa upuan na inupuan kanina.
Malakas ang loob niyang pagmasdan ito dahil alam niyang natutulog na ang lahat ng tao sa mansyon. Hinawakan niya ang pisngi ni Anna. Napakalambot noon.
"What did you do to make me like you? Hindi kompleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita o naririnig ang boses mo." Patuloy niyang ka-usap sa natutulog na dalaga.
Gumalaw si Anna pero hindi naman nagising. Inilapit ni Alex ang mukha dito para mas mapagmasdan. Iginalaw din niya ang kamay. Mula sa pisngi ay naglakbay iyon papunta sa ilong, mata at labi.
"Did you give your first kiss to someone?"
Nakadama siya ng inis dahil sa tanong na iyon. Thinking about someone kissing Anna makes his blood boil. Nagseselos siya at hindi niya dapat iyon nadarama. Wala siyang karapatan lalo na at may kasintahan siya.
Huminga ng malalim si Alex.
"I hate myself for liking you. I shouldn't like you, Anna." Muli niyang hinawakan ang labi nito.
Her red lips is tempting. He is wondering what it feels like to kiss her. Napalunok si Alex ng gumalaw ang labi ng dalaga. Hindi niya maalis ang mga mata sa labing iyon. At bago pa tuluyang makontrol ni Alex ang sarili ay inilapat niya ang labi sa labi nito.
He feels electrified. May dumaloy na kuryente sa katawan. Mula sa kanyang labi papunta sa kanyang puso. Napakalambot ng labi ni Anna at nagbigay iyon ng kasiyahan sa puso niya. Lalo siyang nabaliw ng maamoy ang hininga nito. He moves his lips. He knows that this is wrong but he can't stop himself.
He about to hold Anna's hand when he heard noise. Agad niyong inilayo ang sarili sa dalaga at napatingin sa pinanggalingan ng ingay.
Namutla si Alex at napatayo sa kina-uupuan ng makitang nakatayo sa pinto ng kusina si Mang Emilio. May pagtataka sa mukha nito.
"Mang Emilio..." Kinakabahang tawag niya sa pangalan ng ama ni Anna.
"Akala ko kung sinong tao ang nandito sa kusina. Kayo lang pala ng anak ko, Sir." Lumapit ang matanda kay Anna.
"Tinuruan ko po siya sa aralin niya. Nakatulugan na lang po niya iyong pag-aaral. Hindi ko po siya magawang gisingin dahil masarap po ang tulog niya."
Kinakabahang sagot ni Alex. Mang Emilio seems not mad to him. Wala ba itong nakita kanina? Hindi ba nito nakita ang ginawa niyang paghalik kay Anna? Kilala niya ang matanda, kaya alam niya kung gaano ito kahigpit kay Anna.
"Ganoon po ba. Salamat sa pagtulong sa kanya. Gigisingin ko na siya para lumipat sa kwarto niya." Akmang tatapikin ni Mang Emilio ang dalaga ng pigilan niya.
"Saglit lang po."
Napatingin sa kanya ang matanda.
"Mukha pong pagod si Anna. Kung hindi niyo po sasamain ay ako na po ang magbubuhat sa kanya." Alex said.
Wala siyang ibang intensyon kung hindi ang tulungan ang mag-ama. Matanda na si Mang Emelio para buhatin pa si Anna. At masyadong pagod sa pag-aaral ng dalaga para gisingin. Ilang sandaling natigilan ang matanda bago tumungo. Napangiti si Alex. Yumuko siya sa matanda at lumapit kay Anna.
“Maraming salamat sa pag-aalala sa dalaga ko, Sir Alex.” Narinig niyang sabi ng matanda.
“Wala naman po akong ginagawa, Mang Emelio,” aniya.
Binuhat niya na parang bagong kasal si Anna. Alex tried to focus on Mang Emelio. Bigla niya kasing naamoy ang pabango ng dalaga. Napalunok siya dahil may hatid iyong saya sa puso niya. Kakaiba na naman ang hatid sa kanya ng dalaga. Ilang beses na napalunok si Alex. May namumuo din kasing init sa puson niya at alam niya kapag tumagal pa ang pagkakabuhat niya kay Anna ay may mabubuhay na hindi dapat.
Sa kwartong inilaan para sa mga ito tumuloy si Mang Emelio.
“Dito muna si Anna matutulog sa kwarto ko para hindi tayo maka-esturbo sa mga kasama niya,” wika ng matandang Cordero.
Tumungo siya. Nilinis muna ng matanda ang kama bago niya ibinaba ang dalaga doon. Nang ma-ilapag niya ang dalaga sa kama ay inilagay niya ang kamay sa tapat ng kanyang short. His little friend is alive and it’s because of Anna’s smells. Umatras siya at hinayaan si Mang Emelio na asikasuhin si Anna.
Lalabas na sana siya ng kwarto ng magsalita ang matandang Cordero.
“Sir Alex, sana di na muling maulit ang nakita ko kanina. Lahat ay gagawin ko para sa anak ko. Kung sinuman ang gustong manakit sa kanya ay makakatikim sa akin kahit pa anak siya ng amo ko.”
Napalunok si Alex. Alam niyang namumutla siya ng mga sandaling iyon. Nakita nga talaga siya ni Mang Emelio kanina. Napapikit ng mariin si Alex. Akala niya ay walang nakita ang matanda pero heto nga at may nakita ito.
“I—” He wanted to apologize but he can’t.
“Nakiki-usap ako sa iyo, Sir Alex.”
Napakuyom si Alex. Nais niyang sabihin sa mantanda na wala siyang balak na saktan si Anna pero paano niya sasabihin iyon gayong alam nitong may kasintahan siya. Huminga ng malalim si Alex. Tumalikod ang binata at iniwan na ang matanda.
Pero pagkalipas ng sumunod na araw ay pinagsisihan ni Alex ang hindi paghingi ng kapatawaran sa matanda. Dahil nalaman niya na sa susunod na semester ay sa dorm ng university na tutuloy si Anna at hindi na sa mansyon ng pamilya. Inilayo ng matanda sa kanya ang dalaga. Hindi siya naniniwala sa sinabi nitong ginawa lang nito ang bagay na iyon dahil nais nitong mag-aral ng mabuti si Anna.
Gusto silang ipaglayo ni Mang Emelio at na-iintindihan naman niya ito. Masyado pang bata si Anna at baka hindi din niya mapigilan ang sarili kung sakali.
HanjMie