ALEX IS setting up the bonfire. Napagkasunduan nila ni Anna kanina habang kumakain ng hapunan na tumabay sa dalampasigan. Naghanap siya ng mga kahoy at dahon para sunugin habang si Anna ay naka-upo at umiinum ng gatas nito. Alex knows what he doing. Madalas nilang gawin iyon ng pinsan kapag pumupunta sila ng mga resort pero mas madalas talaga kasi sila sa flower farm ni Tita.
Alex seat next to Anna after he settle the fire. Maganda ang simoy ng hangin ng mga sandaling iyon. Ganoon din ang kalangitan. Maraming bituin at kay ganda pagmasdan. Inayos ni Alex ang nilatag na blanket ni Anna kanina. Humiga ang binata at pinagmasdan ang kalangitan. Ganoon din ang ginawa ni Anna.
“Alex, pwede ba akong magtanong?”
Napatingin si Alex kay Anna. Nakatingin din pala sa kanya ang dalaga. Nakatukod ang isa nitong kamay sa mukha. Napangiti si Alex ng makita ang ayos nito.
“Ano iyon?”
“Paano mo nga pala naging pinsan si Timothy Navarro? Ang alam ko kasi ay si Cole at Ashley lang ang pinsan mo.”
“Si Kuya Tim?”
Tumungo ang dalaga. Naalala niya ang ginawa niyang pagsundo kay Anna sa sementeryo. Kasama niya ang Kuya Timothy niya ng araw na iyon. Sinamahan siya nitong sundan at bantayan si Anna. Iyon din ang unang pagkakataon na nakilala ni Anna ang nakakatandang pinsan.
“Kuya Tim is not really my cousin. Pero tinuturing namin siyang totoong pinsan ni Ashley. Si Kuya Tim kasi ang older brother ni Cole. Nakilala namin siya ng mamatay ang ina at step father niya.”
Napansinghap si Anna sa sagot niya. Nanlaki ang mga mata nito. “May kapatid pa si Cole? Bakit hindi yata nabalita iyon?”
“Hindi talaga mababalita dahil tinatago ng pamilya namin. Anak sa pagkabinata ni Tito Carl si Kuya Timothy. Isang hindi sinasandang bata si Kuya. Kaya nga huli na din namin siya nakilala dahil tinago din sa amin ni Cole ang tungkol kay Kuya Timothy. Nalaman lang talaga namin ng mamatay ang ina nito at pinakilala siya sa amin ni Tita Ivy. Hindi man kami blood related pero tinuturing namin si Kuya na nakakatandang kapatid. Mataas ang respeto namin sa kanya.”
Tumungo si Anna. Umayos ito nang higa. Anna is curious about his family member. Tinatanong nito ang isa sa taong malapit sa buhay niya. Umayos na din siya ng higa.
“Kuya Tim already has someone special.”
Ang sinabi niyang iyon ay ikinatingin sa kanya ni Anna. Binigyan siya nito ng masamang tingin.
“Mr. Kim, hindi porket nagtanong ako ng tungkol kay Timothy ay ibig sabihin nanoon ay interesado na ako sa kanya. Nagulat lang talaga ako ng pinakilala mo siya bilang pinsan mo.” Mataray na sagot nito.
Napangiti si Alex. He knows that Anna is just curious but he loves to tease her.
“Malay ko ba kung gusto mo pala si Kuya Tim. Inuunahan ko lang ang puso mo. Mahirap na at baka masaktan ka ulit. Ayaw ko pa naman na umiiyak ka.” He said with a matter of tone.
Hindi nagsalita si Anna. Mukhang ayaw nitong patulan ang sinabi niya kaya tumingin siya dito. Anna is lying but her back is facing him. Nagalit ba ito sa sinabi niya. He just wants to tease her.
“Anna…” tawag niya sa pangalan nito.
Ngunit hindi siya hinarap ng dalaga. Mukhang tuluyan na itong nagalit sa kanya dahil sa pagtukso niya. Hinawakan niya ang balikat ito para paharapin sa kanya ng malakas nitong pinalo ang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ng dalaga.
“What’s that for?”
“Don’t touch me.” Sigaw ng dalaga.
Alex is speechless. Hindi niya inaasahan ang ganoon sa dalaga. Kapag tiningnan kasi si Anna ay parang ang harmless nito tapos heto at pinalo ang kamay niya. Nais tuloy matakot ng binata sa dalaga. Ayon kasi kay Lj ay marunong mag-karate si Anna at maari nitong gamitin ang nalalaman sa kanya. Kapag hindi niya ito tinigilan ay siguradong kawawa siya.
“I’m sorry. I won’t tease you again,” aniya dito.
Wala pa rin salitang namutawi sa dalaga pero umayos ito ng higa. Tumingin ito sa kalangitan na puno ng bituin ng mga sandaling iyon. Umayos na rin ng higa si Alex at pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. Maganda at maaliwalas ang kalangitan ng mga sandaling iyon. Sinamahan pa ang malamig na simoy ng hangin. Tanging naririnig nila ng mga sandaling iyon ay ang hampas ng alon at may hatid iyon ng kakaibang haplos sa puso nila. Kinakalma noon ang kanilang pakiramdam.
Hindi alam ni Alex kung ilang sandali silang ganoon ni Anna. Naramdaman niya lang na gumalaw ang kamay ng dalaga. Napatingin siya doon at nakita niyang malapit na sa kamay niya ang kamay nito. Alex, who loves to tease other people, he holds Anna’s hand. Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang paglingon ng babae.
“Let me hold your hand for a while.” Mahina ang boses na sabi niya.
“A-Alex…” Banggit nito sa pangalan niya.
Napatingi si Alex sa dalaga. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa babae. Hindi naman nagsalita ang dalaga. Nakipagtitigan lang ito sa mga mata niya. Dahil sa ginawang pagtitig nito sa kanyang mga mata ay napatitig na rin ang binata. May nababasa siyang emosyon sa mga mata nito. Ang mga mata ni Anna ay puno ng paghanga at pagmamahal. Nabuhayan bigla ang puso ni Alex.
Itinaas ng binata ang kamay at hinawakan ang pisngi ng babae. Wala siyang narinig na pagtutol mula dito. Hindi din ito umiwas sa ginawa niyang paghawak. Lalong lumakas ang loob ni Alex.
“Why you so beautiful, Anna?” Natanong niya dito.
Pinagdikit ni Anna ang labi nito kaya naman napatingin doon si Alex. Napalunok ang binata ng mapagmasdan ang labi ng babaeng nilalaman ng kanyang puso. Inilapit ni Alex ang sarili sa dalaga pero bago pa tuluyang magkadikit ang kanilang mga ulo ay mabilis na umupo si Anna. Nagulat ang binata sa ginawa ng babae.
“W-what do you think your doing?” tanong nito.
Bumangon na rin si Alex. He doesn’t know how to answer her question. Sasabihin ba niya na nais niya itong halikan pero kapag sinabi niya iyon ay baka bigla itong tumakbo at layuan siya. Iyon ang huling bagay na nais niya ng mga sandaling iyon. He doesn’t want them to have a bounderies. Huminga ng malalim si Alex.
“I’m sorry.” Tangging nasabi niya.
Tatayo na sana siya para ayusin ang bonfire ng hawakan ni Anna ang kanyang braso. Nagtatakang napatingin siya sa dalaga.
“Kiss me.”
Lalong nanglaki ang mga mata niya ng marinig ang sinabi nito. Tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi nito. Did she say to him that he kisses her? Hindi lang basta nito sinabi iyon, nakiki-usap din ang tono ng boses nito.
“Tama ba ang na---”
Hindi na natapos ni Alex ang iba pangsasabihin ng bigla na lang hinawakan ni Anna ang kanyang magkabilang pisngi at inilapat ang labi sa kanya. Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya sa dalaga. Nakasara ang mga mata ni Anna at lalong nagdagdag sa nararamdaman ni Alex ang nakikitang anyo nito.
Si Anna ang unang humalik sa kanya at heto siya, nagulat sa ginawa nito. He is the guy but he is the one who are shock. Kaya naman ng makabawi ay hinawakan ni Alex ang batok ni Anna at iginalaw ang labi. He kisses her for real. Pinaglaruan niya ang labi nito at wala siyang nakuhang pagtutol mula sa babae bugkos ay sinabayan nito ang galaw ng labi niya.
He already expects that Anna knows how to kiss but he doesn’t mind. May alam kasi siyang hindi alam ng kahit sino. Alex feels like he is in heaven at that moment. Hindi siya makapaniwala na kahalikan niya ng mga sandaling iyon ang dalaga. Ilang taon na ba niyang hiniling na mangyari ang bagay na iyon.
Kinagat-kagat ni Alex ang ibabang labi ni Anna na siyang umani ng isang malakas na ungol mula sa dalaga. Lalo siyang natuwa. Mabilis ang t***k ng kanyang puso at parang may nalalarong paru-paro sa tiyan niya. He feels like he is in cloud nine. Kaya lalo pa niyang pinalalim ang paghalik sa dalaga. Hinawakan niya ang likuran ng ulo nito habang ang isang kamay niya ay inilagay sa baywang nito. Marahan niyang pinisil ang baywang ng dalaga dahilan para mapa-ungol ito. Naging daan iyon para ma-ipasok niya ang dila sa loob ng bibig nito.
Ang akala niyang itutulak siya ng dalaga dahil sa ginawa niyang kapangahasan pero hindi iyon ang nangyari. Anna return his kisses. Kung anong ginagawa niya sa labi nito ay ganoon din ang ginawa nito. Napa-ungol si Alex ng makipaglaban ng espadahan ang dila ni Anna sa kanyang dila. Lalong nabuhay ang dugo sa katawan ng binata. Ang isa nitong kamay na nakahawak sa likuran ng ulo ni Anna ay gumapang papunta sa balikat.
Ang dalawang braso naman ni Anna ay pumatong sa kanyang balikat habang ang mga kamay nito ay napahawak sa kanyang buhok. They kiss like they never kiss before. Ang kaninang simpleng paglapat lang ng labi ay naging mapusok.
“Anna…” Bulong niya sa pangalan ng maghiwalay ang labi nila pero saglit lang iyon dahil hinabol ng dalaga ang labi niya.
Hindi iyon ang inaasahan ni Alex mula kay Anna pero walang nakapang disappointment ang binata. Nagugustuhan niya ang nangyayari, hindi dahil sa matagal na niyang pinapangarap iyon. Kung hindi dahil sa nakikita niya ang ibang side ng dalaga. Alam niyan hindi ganoong klaseng babae si Anna pagdating kay Carl.
Hinawakan ni Alex ang magkabilang pisngi ni Anna at inalayo sa kanyang mukha. Pinakatitigan niya ang mukha nito. Anna’s face scream with desire.
“Do you know what are you doing right now, Anna?” tanong niya dito.
Habol ang hininga na tumungo si Anna. Napangiti si Alex dahil sa reaksyong meron sa mukha ng babaeng minamahal. Itinaas ni Alex ang kamay sa pisngi ng dalaga. He wanted to continue but his mind doesn’t want too. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganoon ang dalaga. Wala siyang nakikitang dahilan para mangyari iyon sa kanila. Walang alcohol silang ininum ng gabing iyon pero ganoon ang kilos nito.
Nabuhayan ng loob si Alex pero hindi niya pwedeng samantalahin ang pagkakataon. Hindi niya aangkinin ang dalaga ng hindi pa sila umaamin ng nararamdaman sa isa’t-isa.
“We should stop, Anna. Alam kong alam mo ang sunod na mangyayari kapag hindi tayo tumigil,” aniya.
He doesn’t want to stop but he has so much respect for the woman at his arms. Wala siyang balak na angkinin ito sa ganoong paraan. Kung may nais man siya para kay Anna ay iyong iharap ito sa simbahan na malinis. He been keeping her for all these years for that matters. Alam niya kasi na iyon ang pangarap ng ama nito para kay Anna at gagawin niya iyon para sa ala-ala ni Mang Emilio.
“We can’t do this not until you are my girlfriend.” Dagdag na sabi niya.
Napakurap naman si Anna. Mukha itong nagising sa isang panaginip. Natulak siya ng dalaga at napa-atras. Yumuko ito at nag-iwas ng tingin. Napangiti si Alex. Nabasag niya ang mahikang bumalot sa kanila. He should feel disappointed but he feels proud. Napatunayan niya kasi na malakas ang self-control niya sa sarili. Alam niyang habang nasa tabi niya si Anna ay lalong masusubok ang tatag niya. At handa niyang patunayan sa lahat na mahal niya si Anna dahil mahal niya ito at hindi dahil sa physical nitong anyo.
Sinundan ni Alex ng tingin si Anna ng tumayo ito at iniwan siya. Napa-ilang na lang ang binata. Nasisigurado niyang nahihiya na ng mga sandaling iyon si Anna. He won’t tease her. Wala siyang balak na biruin ito sa nanyari sa kanila.
Humiga si Alex at napatingin sa kalangitan. Tonight, is really his lucky night. Hinalikan siya ni Anna at naghalikan sila. How he wishes that kiss stays forever but he knows it won’t. Pero isa lang ang napatunayan ng halik na iyon, may epekto siya kay Anna at hindi magtatagal ay makakapasok na din siya sa puso nito. Napangiti si Alex. He can’t wait to call Anna his girl.
‘You will be mine. At kapag naging akin ka ay sisiguraduhin ko na hindi ka maagaw ng kahit na sinong lalaki. Para ka lang sa akin, Anna Cordero. I been loving you for so many years. Wala akong balak na pakawalan ka pa,’ aniya sa isipan.
Minsan na niyang pinangako sa sarili. He will get what he wants and he wants Anna’s heart.
PABAGSAK na inihiga ni Anna ang katawan sa kama. Nasa unan ang kanyang ulo.
“Ahhhhhh!!!” Tili niya.
Hindi marinig ang tili niya dahil sa natatakpan ang bibig niya ng unan. Isa siyang tanga. Nasaan ang talino niya ng mga sandaling iyon? Paano niya nagawang halikan si Alex at talagang tinugon pa niya ng mapusok ang halik nito? Anong pumasok sa isip niya at ginawa niya ang bagay na iyon?
Umayos ng higa si Anna. Timingin siya sa kisame. Biglang lumitaw ang imahe ng halikan nila kanina ni Alex sa dalampasigan. May namumuong kiliti sa tiyan ng dalaga. Hindi din nito napigilan ang paghawak sa labi.
Alex kiss her like there’s no tomorrow. Napakalambot ng labi nito. His kiss is erotic and the same time gentle. Nang gumalaw ang labi nito ay hindi siya nakadama ng kahit anong takot. She even feels excited and happy that Alex kiss her back. At kahit na itanggi niya, nais niya ulit matikman ang labi nito. Napakatamis humalik ni Alex. Kaya siguro hindi niya ito nagawang itulak kanina. May pinapadama kasi ito na hindi niya masabi.
Her heart beat wild but not because she is scared but because she anticipated what happen next between them. Iyong mga halik ni Alex ay puno ng pangako na iingatan siya. Wala kasing halong pagmamadali ang halik nito.
Napapikit ng mariin si Anna. How could she describe her feeling earlier? Sobrang klaro pa sa isipan niya ang halikan nila kanina ng lalaki. At sa ginawa niyang pagpikit ay lalong naging malinaw sa kanya ang mukha ni Alex ng matapos ang halikan nila. His eyes are spark with happiness. Masaya ito dahilan para lalo siyang nahulog sa mahikang bumabalot sa kanila. She wanted to see him happy more. At hindi niya alam kung bakit.
“Ano ba kasing nangyayari sa iyo, Anna?” Natanong niya sa sarili.
Huminga ng malalim si Anna. Pinaglalaruan niya ang labi. May nararamdaman na naman kasi siyang kiliti sa kanyang puson. Kung hindi tumigil si Alex kanina ay baka saan na nauwi ang halikan nila. Mas malakas ang self-control nito na hindi niya alam kung ipagpapasalamat ba o kaiinisan. She chooses the first one. Dapat lang na magpasalamat siya dahil kung hindi baka pinagsisihan na niya.
She already has a boyfriend. Kahit na may issue sila ni Carl ng mga sandaling iyon ay hindi rason para magkaroon siya ng intimate moment kasama si Alex. Balik-baliktarin man niya ang sitwasyon ay nagtataksil siya sa kasintahan. Hindi magandang tingnan na isang tulad niya na babae ay magtataksil. She needs to settle everything with Carl. Hindi habang buhay ay pagtataguan niya ang binata.
“Kailangan ko ng kausapin si Carl.” Umupo si Anna sa kama. Tumingin siya sa bukas na kurina ng sliding door.
“Kailangan kong bumalik ng Manila para ka-usapin si Carl kaso paano ko gagawin iyon?” Pinagdikit niya ang mga labi.
Paano niya kaka-usapin ngayon si Alex patungkol kay Carl kung may ganoong eksena sila kanina? Napapikit ng mariin si Anna at napahawak sa kanyang buhok.
“Ano ba kasing pinasok mong ito, Anna?” aniya sa sarili.
Gusto niyang sabunutan ang sarili ng mga sandaling iyon. Umiral na naman ang katangahan niya.
“Bakit ang tanga-tanga mo? Tama nga talaga ang sabi ng iba, matalino ka nga kaso ang tanga mo naman sa pag-ibig.”
Humiga si Anna at pinagsusuntok ang kama. She is getting frustrated because of her situation. She needs to settle everything, one by one. Hindi pwedeng ganito ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Baka mabaliw siya ng wala sa oras dahil sa katangahan na ginagawa.
“I need to break up with Carl before I face my feeling with Alex.”
Kung anuman ang nararamdaman niya ngayon kay Alex ay hindi niya pa alam. Isa lang ang alam niya, kapag kasama niya si Alex ay hindi siya natatakot. She feels comfortable and safe with him. She also feels secured and satisfied. Simula ng bumalik sa buhay niya si Alex, kahit na gumulo ang buhay niyang muli ay nakadama siya ng pagkakompleto. Alam niyang magiging maayos ulit ang buhay niya.
NAGLALAKAD sa dalampasigan si Alex habang nakatingin sa pa-akyat na araw. Hindi pa niya nakikita si Anna simula ng mag-walk out ito kagabi. Nais niya itong maka-usap pero hindi naman niya alam kung saan magsisimula.
Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Kinuha niya ang phone sa bulsa. Mayroong signal sa islang iyon dahil may pinatayong satellite si Ashley. That island is not simple as everyone see. Maliit lang siya pero moderno. May tubig na malinis at kuryente. Ashely develop that island to be more convenience to her and them. Kapag nagbakasyon kasi sila ay nais nitong wala silang alalahanin sa islang iyon.
The electricity was come from the sea salt. May machine din na kumukuha ng tubig sa dagat at nililinis para gawing tubig. Iyon ang machine na ginagamit sa barko. The water is not advisable to drink kaya maraming stock ng tubig sa storage room.
Natigilan si Alex ng makitang tumatawag ang nakakatandang pinsan. He answers his call.
“I need you right now, Alex.” Iyon agad ang bungad ng pinsan sa kanya.
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. “What happen, Kuya?”
“Cole is in jail. We need you right now.” Napansin niya ang pag-aalala sa boses ng pinsan.
“What? Anong nangyari? Bakit nasa kulungan si Cole?” Nakadama siya ng pagkapanic.
“Nalaman na ni Clara ang ginawa niya. He turns himself in.”
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. What did Cole do? Bakit nito pinakulong ang sarili? Alam nito sa sarili na hindi ito ang gumalaw kay Clara. Hindi ito ang ama ni Jewel kaya bakit nito pinakulong ang sarili.
“How’s Cole? I will ready my chopper now but I need to go back for Anna?” Hindi niya pwedeng isama si Anna sa Maynila. Delikado para dito ang bumalik ng lungsod.
“Bakit hindi mo na lang isama pabalik ng Maynila si Anna. Hindi ko alam kung hanggang kailan itong problemang kinakaharap ni Cole.”
Saglit na natigilan si Alex. Tama bang isama niya ang dalaga sa Maynila. Paano kung mapahamak ito kapag nakita ito ni Carl? Baka nga itakas ito ni Carl. Hindi iyon pwede.
“I can’t. Hindi ko pwedeng isang bahala ang kaligtasan ni Anna. Alam mo ku-“
“Sa mansyon siya tutuloy. Mas mahigpit ang security sa mansyon kaya pwede siya doon. I ask Jacob help if you need it.” Putol ng pinsan sa iba pa niyang sasabihin.
“Kuya…”
He can hear the desperation on Kuya Tim’s voice. Alam niyang nahihirapan ito ng mga sandaling iyon.
“Cole needs us, right now. Pwede ba natin unahin muna siya bago ang ibang tao? Alam natin na mali ang ginawa niya kay Clara pero nangako tayo na walang iwanan. Na kapag may problema ang isa ay nasa likod tayo. Cousin, Cole is weak right now and he needs someone to hold on. Natatakot akong baka tuluyan mawala sa amin ni Tita si Cole.”
Narinig niya ang pagkabasag na boses ng pinsan. Kuya Tim is not a strong person. Mabilis itong umiyak at paghinaan ng loob kaya nga ito iniingatan ni Tita Ivy. Maraming pinagdaan ang pinsan niya at nagpapasalamat sila na hindi nito sinukuan ang lahat ng iyon. Nandoon din sila sa panahon na kailangan sila nito.
“Calm down. Lilipad na kami ni Anna pabalik ng Maynila. Tawagan mo na agad si Jacob,” wika niya.
Gusto niyang maging kalmado ng mga sandaling iyon pero alam niyang malaking bagay itong kinakaharap nilang problema. Kailangan nilang ma-ilabas ng kulungan si Cole.
“Thank you, Alex.”
“How about Ashley? She knows?” Naalala niya ang pinsang babae.
“Ashley facing a problem right now. Tito wants her to marry Alter Quin.”
Natigilan siya sa narinig. Bakit hindi niya alam ang bagay na iyon? Ilang araw pa lang sila ni Anna sa isla pero marami na agad ang nangyari sa lungsod. Napakuyom siya. Ano na naman itong ginagawa ni Tito kay Ashley?
“But Alter is Peter’s boyfriend.”
“I know. Hindi ko alam kung paano ito lulusutan ni Ashley. Iniisip pa rin nila na nagluluksa si Ashley sa pagkamatay ni Daniel pero alam natin na tanging ang asawa niya lang ang mamahalin niya.”
Nang dahil lang doon kaya gusto nilang kontrulin ang buhay ng pinsan. Lalong nabuhay ang galit sa puso ni Alex. He hates seeing his cousin crying.
“Kailangan din ba ni Ashley ng tulong natin?”
“She said she can handle. May naisip na siyang paraan pero habang ganito daw ang sitwasyon ni Cole ay hindi niya muna magagawa ang plano.”
Ashley is a strong woman. She is smart and wise. May tiwala siya sa pinsan niya pero hindi sa Tito niya.
Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa niya. “Tell Ashley to handle her own problem. Tayo naman ang bahala kay Cole. I will be there in two hours. Let’s talk how to handle the situation.”
“Okay. See you soon, Alex.”
Pinatay na niya ang tawag. Kailangan niyang bumalik ng Maynila. Mas kailangan siya ng pamilya niya ngayon. Tita Ivy and his cousin are his family and he will do everything to protect them. Pero hindi niya din pwedeng pabayaan si Anna. He can’t let them have her.
HanjMie