MTT SEVENTEEN

3163 Words
“I’M SORRY.” Alex after saying those two words, moves away from Anna. He can’t kiss her. Hindi pa niya kayang halikan si Anna. Sinabi na niya kanina na hindi niya pwedeng biglain ang dalaga. Iyong mga hakbang niya ay dapat kalkulado. Iyong emosyon na nabasa niya sa mukha at mga mata nito, ang emosyon na hindi niya inaasahan. Anna’s eyes scream happiness and desire. He didn’t expect it but it doesn’t mean that he takes advantage of the situation. Tumikhim siya at binalikan ang niluluto kanina. “There’s a medicine kit in the bathroom. Can you take care of your wounds?” Nagpapasalamat siya at hindi siya na-utal sa pagsasalita. Napakalakas ng dating ni Anna sa kanya na hindi niya makuntrol ang sariling emosyon. Mula pa noon ay iba na ang hatak nito sa kanya. At mula pa noon ay hindi pa rin siya malayang mahalin ito dahil may kailangan intindihin. Naramdaman niyang naglakad palabas ng kusina si Anna. Saka lang nakahina ng maluwag si Alex. Pigil niya ang hininga kanina ng nasa malapit ito. Ibinaba ni Alex ang dalawang kamay at napahawak sa sariling puso. Para na iyong kakawala sa loob ng kanyang katawan. Napakabilis ng t***k ng puso niya. Napatingin din siya sa ilalim na bahagi ng katawan. Hindi naman ito nabuhay na siyang pinapasalamat niya dahil kung nangyari iyon ay baka tumakbo na siya papuntang dagat at naligo ng wala sa oras. Pinilit na iniwaglit ni Alex sa kanyang isipan ang tagpo kanina. Itinuon niya ang atensyon sa pagluluto. Inasikaso niya ang pagkain nila ni Anna. Inilalapag niya ang nilutong broccoli ng pumasok si Anna. May nakalagay ng band-aid sa daliri nito. Walang ngiti sa labi ng dalaga na umupo sa upuan. Nagtaka naman si Alex sa biglang pagbago ng emosyon nito. Pinagmasdan niya ang pagkuha nito ng pagkain at pagsubo. Tahimik lang ito na lalo niyang pinagtataka. Huminga ng malalim si Alex. Mukhang may kinalaman ang muntik na nilang halikan kanina. Galit ba sa kanya si Anna dahil sa ginawang hakbang? Ikinasama yata nito ang balak niyang paghalik dito. Nais tuloy batukan ni Alex ang sarili. Kinagat niya ang ilalim ng kanyang labi at umalis sa kinatatayuan. Kumuha siya ng gatas sa refregirator at sinalinan ang isang baso bago bumalik sa mesa. Ipinatong niya ang gatas na kinuha malapit sa plato ni Anna. Warm milk is Anna’s favorite drink. Isa iyon sa nalaman niya ng pina-imbestigahan niya ito. Kasama na rin sa mga nalaman niya ay ang pagkain na gusto nito. Anna likes to eat Korean food. At sobrang natuwa siya ng malaman iyon. Pareho kasi sila ng gusto. “Anna…” Tawag niya sa dalaga. Huminto ito sa pagsubo pero hindi tumingin sa gawi niya. Napansin ni Alex ang pag-galaw ng labi nito at paghigpit sa paghawak ng kutsara. “Galit ka ba sa akin?” tanong niya dito. Hindi pa rin nagsalita si Anna. Pinagpatuloy lang nito ang pagkain. Lalong hindi natahimik si Alex. Hindi niya magawang kumain dahil sa kaalaman na galit ang dalaga sa kanya. “I’m sorry,” wika niya. Nabitiwan ni Anna ang kutsarang hawak at napatingin sa kanya. Nakipagtitigan si Anna sa kanya pero hindi din nagtagal ay umiwas din ang dalaga. Ininum nito ang gatas na inilagay niya. Tumayo ito na siyang ikinagulat niya. Naging mabilis naman ang galaw niya ng makitang lilisanin nito ang hapag-kainan. “Anna…” Nahawakan niya ito sa braso. Tumigil naman sa paghakbang ang dalaga pero hindi siya nilingon. “I’m sorry. I didn’t mean to do it. Masyado lang akong nadala ng emosyon sa puso ko. Patawarin mo sana ako. Hindi ko na iyon gagawin. Wag ka sanang magalit.” Nakiki-usap niyang sabi dito. Lumingon sa kanya si Anna. Namumula ang mukha nito. Sinamaan siya nito ng tingin. “You’re sorry?” Tumungo siya. He is sorry for losing his control but he is not sorry for trying to kiss her. Nais man niyang sabihin ang mga katagang iyon pero pinigilan niya ang sarili. Baka lalo lang magalit sa kanya ang dalaga at hindi na talaga siya pansinin. Dalawang araw palang sila sa isla pero ganoon na agad ang sitwasyon nila. Paano pa niya masisilu ang puso nito kung hindi siya nito papansinin? Binawi ni Anna ang braso nitong hawak niya. “Alam mo, Alex. Hindi kita ma-intindihan kaya pati ang sarili ko ay hindi ko na din ma-intindihan. Bahala ka na nga sa buhay mo. Ubusin mo iyang niluto mo.” Sinundan ni Alex ng nagtatakang tingin si Anna. Hindi maitago ang galit sa boses ng babae. Napahawak si Alex sa sariling buhok dahil wala siyang ideya kung bakit lalong nagalit sa kanya si Anna. He said ‘sorry’ and she supposes to calm down a bit but it gets worst. ‘Did I do it wrong?’ tanong ni Alex sa sarili. PINAGBABATO ni Anna ng maliliit na bata ang tinayong kahoy sa buhangin. Pagkatapos niyang mag-walk out kanina sa kusina ay doon siya pumunta. Umupo siya malapit sa puno ng niyog at pinagtripan ang nakitang maliliit na kahoy at bato. Na-iinis siya hindi kay Alex kung hindi sa sarili. Hindi niya kasi ma-intindihan ang sarili. Muntik na silang maghalikan ni Alex pero wala siyang nakapang-galit sa kanyang puso sa ginawa ng binata. Dapat ay makadama siya ng galit dito pero mas nagalit pa siya ng marinig ang paghingi nito ng patawad dahil sa pagtangkang paghalik sa kanya. Hindi lang iyon, may nakapapa siyang disappointment dahil lang sa hindi natuloy ang halikan nila. “What’s wrong with you, Anna?” tanong niya sa sarili. Gusto niyang sabunutan ang sarili. Ang tanga siya. Kailan pa siya naging uhaw sa halik ng isang lalaki. Hindi naman siya ganoon pagdating kay Carl. Never siyang nakadama ng ganoon sa kasintahan. Upon thinking her boyfriend, Anna suddenly feel more guilty. May kasintahan siyang tao pero heto siya at may ganoong nararamdaman sa ibang lalaki. Kahit pa na sabihin na may kasalanan sa kanya si Carl ay hindi pa rin iyon rason para gumawa siya ng bagay na mali. Kasintahan pa rin niya ang lalaki. Wala pa silang pormal na hiwalayan. “Finnish your milk, Anna.” Natigilan si Anna ng may baso sa harapan niya. Sinundan niya ng tingin ang kamay ng taong nag-abot ng baso ng gatas. Alex is standing beside him. He still has those eyes. Nabuhay ang inis niya sa sarili. Pahablot niyang inagaw dito ang gatas na hawak. “Thanks.” Maikling sabi niya. Inilagay niya ang baso sa tabi niya. Wala na siya sa mood na inumin iyon. Alex seat next to her. Napatingin tuloy siya sa binata. Alex had a serious look but his eyes are full of regret. Napakuyom siya. “Don’t be sorry. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari,” aniya para lang matapos ang issue. Tumingin sa kanya si Alex. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Anna. Hindi niya kayang salubungin ang mga tingin nito. “I just want too. Alam kong mali ang gina---” “Alex, please stop!” Sigaw niya. Tumigil naman ang binata sa pagsasalita. Galit niyang tiningnan ang lalaki. Binubuhay nito ang galit sa puso niya. Hindi niya gustong marinig ang sorry o pagsisisi nito sa nangyari. Na-iinis siya at umiinit lang ang tainga niya. “Tigilan mo ako sa sorry mo. Kaya please lang. Let’s drop the topic.” Dagdag niya. Bakita niyang natigilan ang binata sa ginawa niyang pagsigaw. Gusto niyang iparating sa binata na hindi siya galit sa ginawa nito pero mas galit siya sa paghingi nito ng patawad. She doesn’t want it. She doesn’t need it. “I—” “Alex, please! Can you stop saying that bullshit words? I had enough of it. Kapag di ka tumigil sa kakasabi ng ‘I’m sorry’ ay ibubuhos ko sa iyo itong gatas na iniinum ko.” Galit niyang sigaw dito. Napansin niya ang pagtingin ni Alex sa gatas niyang nasa tagiliran. Pinagdikit naman ng binata ang labi at tumingin sa dagat. Mukhang natakot ito sa pagbabanta niya dahil talagang tumahimik ito. Umayos ng upo si Anna at tiningnan na rin ang karagatan. Malawak ang dagat at wala kang mapapansin na karatig isla. It’s like the island is isolated. “Gusto mo bang maligo?” tanong ni Alex pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan sa pagitan nila. Sinulyapan niya ang binata. Nakatingin din pala ito sa kanya. “Masyado ng ma-init para maligo ako sa dagat. Mamayang hapon na lang siguro.” “Okay. Kung hapon tayo maliligo ay mas maganda. Malamig ang tubig kapag hapon na kaya masarap maligo.” Masiglang sabi ni Alex. Napangiti si Anna. Nawala ang awkward atmosphere sa pagitan nila. Mas mabuti na iyon kaysa naman na pag-usapan nila ang isang bagay na pareho silang hindi comfortable. Ito lang ang kasama niya sa lugar na iyon. Ang pangit naman kapag hindi pa sila nagkibuan. “Alex, pwede bang magtanong?” “Ano iyon?” Kinuha ni Alex ang isang kahoy na maliit at pinaglaruan ang buhangin. “Kamusta si Sapphire? Okay lang ba sa kanya na ako ang kasama mo dito sa isla?” Bigla niyang na-alala ang kasintahan ni Alex na si Sapphire. Ang alam niya ay matagal na ang dalawa. High school pa lang siya ay magkasintahan na ang mga ito. At hanggang ngayon ay magkasama pa rin ang dalawa. “Si Fire? Okay na siya. Nakakapaglakad na siya at ngayon ay nag-aaral para mahawakan ang kompanya ng kanyang magulang.” Huminto si Alex sa pagsasalita at tumingin sa kanya. “At iyong tungkol sa pagsama ko sa iyo dito. Alam niya ang tungkol dito.” “At okay lang sa kanya?” Nagtagpo ang kilay ni Alex dahil sa tanong niyang iyon. “Anong kinalaman ni Fire sa pagsama ko sa iyo dito? May… may problema ba kapag hindi okay sa kanya?” Nagdikit ang labi ni Anna. “H-hindi ba at ka-kasintahan mo siya?” Nanlaki ang mga mata ni Alex. Nabitiwan pa nito ang hawak na stick. Ilang sandaling nakatingin sa kanya ang binata bago tumawa ng malakas. He even put his one hand in his stomach. Napasimangot naman si Anna sa ginawang pagtawa ng binata. May mali ba sa tanong niya? Bakit ganoon na lang ang tawa nito? Hindi nakatiis si Anna. Pinalo niya sa balikat ang binata. “Anong nakakatawa sa tanong ko?” Tumigil sa pagtawa si Alex ng sunod-sunod na niyang pinalo sa balikat. Palakas ng palakas pa naman ang pagpalo niya. Naiinis siya sa tawa nito. “I’m sorry. Nakakatawa kasi ang tanong mo. Iniisip mo pa rin ba na kami ni Fire?” Tumungo siya. “Oo. Kaya nga kayo magkasama noong unang pagkikita ulit natin. Ang sabi din sa akin ni LJ ay ikaw ang tumatayong guardian ni Sapphire.” Ngumiti ng maluwag si Alex. “Yes, it’s true that I’m Sapphire guardian. Ulila na si Sapphire at niluko pa siya ng nag-iisa niyang pamilya. When Fire got an accident in US, I’m her contact person. Kaya ng lumipad ako papuntang U.S para sunduin siya ay ako na talaga ang tumayong guardian niya. I’m her guardian until she able to walk. Pero…” “Pero…” She is waiting for him to continue what he saying. “Pero matagal na kaming wala ni Fire. Dalawa o tatlong taon na yata kaming hiwalay. At saka, Fire is already in-love with other man. Sinundan pa nga niya ang lalaki sa U.S” Nanlaki ang mga mata ni Anna. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Alex and Sapphire broke up? Hiwalay na ang mga ito at hinayaan iyon ng mga magulang ng binata. Impossible yatang mangyari iyon dahil nakita niya kung paano tratuhin ng mga Kim si Sapphire noon. They adore Sapphire so much and if she is not mistaken, they wanted Alex to marry Sapphire. “So many things happen between me and Sapphire, Anna. Sa lumipas na taon ay maraming nagbago at isa na doon ang nararamdaman namin. We broke up because of my stupidity but I’m grateful for what happen. Nakilala kasi ni Sapphire ang lalaking para talaga dito.” May ngiti sa labi ni Alex. “Tanggap mo na may ibang mahal si Sapphire?” Hindi niya lubus ma-isip na tanggap ni Alex na hindi na ito mahal ni Sapphire. Sa tagal ng relasyon ng dalaga ay ganoon na lang iyon. Tumungo si Alex. “Fire deserve to be happy after everything happen to her life. Makita ko lang na masaya si Fire, masaya na din ako.” Anna suddenly feels something stab her heart. Maliliit ang sakit na iyon pero nagbigay pa rin iyon ng discomfort sa kanya. “Kung ganoon ay bakit hindi ang lalaking iyon ang tumayong guardian ni Sapphire? Bakit ikaw?” Nakita niyang natigilan si Alex. Humigpit ang pagkakahawak nito sa tinampot ulit kanina na kahoy. Huminga ito ng malalim at gumuhit ng pabilog. “I make a mistake in my life before we saw each other again. At hindi ako naging proud sa ginawa ko, Anna. I did horrible thing to Fire that cause her pain. Kaya nga ng kailangan niya ng guardian sa U.S para maka-uwi ng Pilipinas ay hindi ako tumanggi pa. Gusto kong bumawi kay Fire.” “A-anong ginawa mo noon?” Binundol siya ng kaba. May ginawa bang illegal si Alex noon. “I’m the reason why Fire and her boyfriend broke up. Kaya pumunta ng U.S ang nobyo ni Sapphire ay dahil sa akin. Sinundan siya ni Fire sa U.S pero may nangyari na hindi ko alam dahilan para pansamantalang malumpo ito. I didn’t ask Fire what happen to her in U.S. Hinihintay ko siyang magkwento ng kusa.” Binitiwan ni Alex ang kahoy at itinukod ang dalawang kamay sa likuran nito. May ganoon palang pangyayari noon. Hindi naman pala illegal ang ginawa nito pero ito pa rin ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Kasalanan pa rin ni Alex kung bakit nasasaktan si Sapphire. Kaya ba iba ang nakita niyang pag-aalala ni Alex kay Sapphire noon nasa opisina niya ang mga ito. Alex pity Sapphire from what happen to her and the same time, blame himself. “I regret my wrong decision. Kung nilakasan ko lang noon ang loob ko at sinuway ang mga magulang ko, masaya na sana ngayon si Fire at ako din.” Tumingin sa kanya si Alex. “Masaya na din sana akong kasama ang babaeng nilalaman ng puso ko.” Alex said those words while looking at her eyes. Bigla tuloy nakaramdam ng kakaibigan kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan si Anna. Ang kuryenteng iyon ay dumadaloy papunta sa kanyang puso. Nais niyang iiwas ang mga mata pero ayaw sumunod ng kanyang katawan. Those stares that penetrate her whole being. This makes her heart beat wild. “I want to pursuit the woman I love, Anna. At sisiguraduhin ko na bago matapos ang taon ay magiging kasintahan ko na siya.” Tumaas ang sulok ng labi ni Alex. Nagtaasan ang balahibo sa katawan ni Anna dahil sa ngiting iyon ng lalaki. Bakit parang may pinapahiwatid ito? At bakit nagwalang muli ang puso niya dahil lang sa mga tingin nito? “SIR, WE REALLY can’t find Ms. Anna.” Bakas ang takot sa boses ng tauhan niya. Ang mga tauhan niyang iyon ang inutusan niyang hanapin si Anna at Alex pero ilang araw na at bigo pa rin ang mga ito. Napahigpit ang hawak ni Carl sa kopita. Hinagis niya iyon sa sahig ng kanyang opisina dito sa Maynila. “Mga inutil. Magkano ba ang binabayad ko sa iyo pero wala naman lang kayong makuhang matinong impormasyon. Umalis kayo sa harap ko bago ko kayo paputukan. Wag kayong babalik dito ng wala kayong nakukuhang impormasyon tungkol kay Anna.” Inilabas niya ang baril at titutok sa mga ito. Mabilis naman sa alas-kwatrong naglabasan ang mga tauhan niya pero bago tuluyang sumara ang pinto ng kanyang opisina ay kinalabit niya ang gatilyo. Tumama ang bala sa pinto ng kanyang kwarto. Wala siyang natamaan kahit isang sa tauhan niya. Inilapag ni Carl ang hawak na baril sa mesa niya at uminum ng alak. Galit pa rin siya dahil sa ginawa ni Alex. Tinangay nito si Anna at wala siyang idea kung saan nito tinadala ang kasintahan niya. Nakita niya sa CCTV ang ginawang pagtakas ng mga ito. Anna comes to Alex without fighting. Kusa itong sumama na siyang pinagtaka niya noong una. Huli na niya napansin na may naunang kalalakihan sa apartment nito. Hindi niya nahuli ang mga lalaking iyon dahil napakablis tumakas ng mga ito. Anna comes to Alex because someone tried to kill her. Si Alex ang nagligtas dito na lalo niyang ikinainis. Alex is always one step ahead. Nalaman niya din kasi na si Alex ang kasama nito ng ilang araw itong nawala. Iyon ang araw na bago ang trahedyang nangyari sa pamilya nito. Bumalik si Alex sa buhay ni Anna para protektahan nito na siyang hindi niya magawa. “Carl, we need to tak.” Walang katuk-katok na sabi ni Brandon sa kanya. “Anong problema mo?” Inis niyang tanong sa kaibigan. Umupo si Brandon sa mahabang sofa ng kanyang opisina. Tumayo siya at nilapitan ito. May inilabas itong mga papel. He picks it up and read the content. Natigilan si Carl ng mabasa ang dalawang pangalan ng kompanya. “Gumalaw na si Terence para gumanti kay Lincoln Aries. Tinutulungan niya si Trixie para makuha nito si Lincoln sa kasintahan ngayon na si Marie Clara Alonzo. In no time, mawawala na sa landas natin ang mga Saavadra.” Ipinakita ni Brandon ang papel na nagsasabi ng mga balak ni Terence at Trixie kay Cole. Napangiti siya. Alex and Cole are cousin. Maganda ngang gumanti ngayon sa magpinsan. Mareho sila ni Terence na hindi gusto ang pamilya Cortez. Masyodong mapagmataas ang tatlong magpinsan. Target niya din sana si Ashley Samantha Elizabeth Cortez noon kaso magaling ang body guard nito. Mabilis nitong nalutusan ang mga tauhan niya. Kaya nga hindi na niya tinangka pang-kidnapin ito. “Ngayon, ang misyon mo na lang ay hanapan ng butas ang kompanya ni Alexander Cortez-Kim. Sigurado akong may lihim din ang gagong iyon.” “Akong bahala kay Alex. May kalalagyan ang lalaking iyon. Paano ang pinsan nalang babae?” He is pertaining to Ashley. “Ashley is smarter that those two. Wala din tayong pwedeng ibala sa kanya dahil wala itong pinagkakatiwalang tao. She works independently. Wala itong sekretarya o kahit sinong alalay.” Tumaas ang sulok ng labi niya. “I have someone who can handle Ashley. Sigurado akong wala itong kalusot sa gagawin ko sa kanya.” “Don’t tell me…” “Wala akong paki-alam sa galing ng driver o body guard niya. She can’t up smart me. Gagawin ko ang lahat magdusa lang ang mga Cortez. Maling tao ang inagawan ni Alex ng kasintahan.” Nanlilisik ang mga mata ni Carl. May na-iisip itong plano para makaganti kay Alex at lumabas ito ng lungga. Ilalabas din nito si Anna sa gagawin niyang plano sa pamilya nito. HanjMie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD