Chapter 3 - The Game

1268 Words
REINA Isang itim na backpack na may puting t-shirt, tumbler, first aid kit at stun gun ang kabuoang laman ng backpack na nakuha ko. Parehas ang laman ng bag na makukuha ng bawat kalahok maliban lang sa sandata. Maaaring kapaki-pakinabang at maaari ring hindi. Inilagay ko ang stun gun sa bulsa ko para madali ko iyon mabubunot kung magkaproblema man. Hindi ako makakapayag na mamatay ng basta-basta na lang sa lintik na larong 'to. Kung sino man ang may pakana nito ang s'yang dapat na mamatay. Paano nila nagagawang paglaruan ang mga buhay namin? Umakyat ako sa puno at pinagmasdan ang buong paligid. Pinapalibutan nang napakalawak na karagatan ang isla kaya hindi basta-basta kaming makakatakas dito at kung hindi ako nagkakamali ay alam nila ang bawat galaw namin dahil sa mga nagkalat na camera sa buong paligid at tracker naka implant sa katawan namin. Mula sa kinaroroonan ko ay nahagilap ng mga mata ko ang dalawang lalaki na naglalaban. Kilala ko ang dalawa dahil nagawa ko nang makakalap ng impormasyon tungkol sa laro at sa magiging mga kalahok. Hindi ko lang talaga akalain na mapapabilis ang pagsisimula ng larong ito at ako mismo ay hindi makapaniwala na makakasali rito. LEO CLIEMENTE 18, FANTECH UNIVERSITY VICTOR JIMENEZ 17, PARALLEL INTERNATIONAL Kapwa nagsusukatan pa ng tingin ang dalawa habang seryoso ang tingin sa isa't isa. May kung anong salitang binitawan si Leo na dahilan para sugurin s'ya ni Victor na may hawak na sibat habang pinapaikot-ikot 'yon sa kamay n'ya. Halatang sanay na s'ya sa paghawak ng armas na meron s'ya ngayon. Mahahalatang nahihirapan sa pag-iwas si Leo na may hawak na palakol. Hindi ito makagawa ng pag-atake dahil sa sunod-sunod na pagsugod sa kanya ng kalaban pero dahil sa buong lakas na pag-atake ni Victor ay unti-unti ring bumabagal ang pagkilos n'ya. Pagod na ito at advantage iyon para kay Leo. Nang mapansin nito ang paghina nang atake ni Victor ay mabilis s'yang gumawa ng counter attack na naging dahilan para masugatan sa hita at braso si Victor. Nasa panig na ni Leo ang tagumpay. Bilang mga leader ng fraternity hindi sila ganun na lang magpapatalo. Upang makatayo, ginamit ni Victor ang kanyang sibat bilang tungkod. Ngumisi s'ya at saka humalakhak na parang baliw. Maya-maya, isang pistol ang inilabas n'ya sa kanyang bulsa na ikinagulat ni Leo. Napahakbang paatras si Leo nang itapat ni Victor ang kanyang pistol sa mukha ng kalaban. Paano s'ya nagkaroon ng dalawang armas? May dalawang posibilidad kung bakit s'ya mayroong dalawang armas ang isang kalahok. Maaaring nakapatay na s'ya ng taong may sandata na pistol o sibat at maaaring ding dalawa talaga ang armas na laman ng bag n'ya. Bakas ang takot sa mukha ni Leo dahil alam nyang wala na s'yang kawala sa pistol ni Victor. Hindi ko na pinanood ang sunod na nangyari at bumaba na ng puno. Dalawang putok ng baril ang narinig. Hindi ko mapigilang mapaisip kung maliban kay Leo ay ilan na ang patay sa oras mga na 'to. Mas binilisan ko pa ang paglalakad palayo dahil paniguradong marami ang nakarinig sa putok ng baril na pinakawalan ni Victor. *** TORRENCE Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa mukha. "Finally! You're awake." Pinilit kong makaupo saka isinandal ang katawan ko sa punong katabi ko. Hinanap ko ang nagmamay-ari ng kaninang boses. "Up here!" Tumingala ako sa itaas ng puno at doon ko nakita ang isang magandang babae na may kulay pulang buhok. Mabilis ko ring inalis ang tingin dito nang maramdaman ang sakit mula sa leeg ko. Kinapa ko ang nakabenda kong leeg. S'ya ba ang gumawa nito? Bukod sa sugat ko sa leeg ay marami pa akong mga galos at hiwa sa braso at binti. Nakuha ko ang mga ito habang tinatakasan ang samurai na 'yon. Ganoon ba ako kasama para hindi tanggapin sa langit at impyerno? Hindi ko akalaing mabubuhay pa ako matapos kong mahulog sa bangin. "Ikaw ba ang gumamot sa mga sugat ko?" tanong ko sa babae. Nakaupo ito sa taas ng puno habang kumakain ng mansanas. "Yup! You can thank me now." "Tss. Salamat kung ganun." walang gana kong saad. "By the way, I'm Red Cassia Fajardo. You are?" "Torrence." tipid kong sagot. Bumagay nga sa pangalan n'ya ang kulay ng buhok n'ya. "Here." inihagis n'ya sa akin ang isang mansanas na agad ko namang nasalo. Teka, kailan pa nagkaroon ng mansanas dito sa gubat? "Dalawang araw kang tulog kaya alam kong gutom ka na." "Dalawang araw?" gulat kong tanong. "Oo. Himala nga't nabuhay ka pa." hindi ko gusto ang tono ng pananalita n'ya. Inirapan ko s'ya saka ko nilantakan ang mansanas na ibinigay n'ya sa akin. "Saan mo nakuha ang mansanas na 'to?" tanong ko. "Doon." Sinundan ko ang nakaturong kamay nito at nakita ang puting parachute na papabagsag. "Isang beses sa isang araw sila nagpapadala ng pagkain para sa atin." So Rence. Nakapatay ka na ba?" seryosong tanong n'ya sa akin na ikinakunot ng noo ko. Nakadrugs ba ang isang 'to? "Anong ibig mong sabihin? Bakit naman ako papatay?" Kumunot ang noo ni Red saka n'ya ako pinaningkitan ng mata. "Don't tell me wala kang kaalam-alam sa mga nangyayari rito sa isla." "Pwede bang ipaliwanag mo na lang sa akin. Kinakabahan ako sayo!" "Nandito tayo para laruin ang madugong laro na ginawa ng mga demonyong 'yon. This is a death game. Matirang matibay. Kung gusto mong makaalis sa islang 'to kailangan mo munang pumatay bago maitanghal na panalo." Tama ba ang mga naririnig ko? Isang laro kung saan buhay namin ang nakataya? Sinong demonyo ang nakaisip ng kahibangang 'to? Nanginginig ang mga kamay ko na napakuyom dahil sa sobrang galit. Wala ba silang mga konsensya? "Katulad nang nararamdaman mo ngayon ay 'yan din ang naramdaman ko. Matinding galit. Sa ngayon ay ang magagawa na lang natin ay ang sabayan ang agos ng larong 'to. Gusto ko pang mabuhay at 'yon ang itinatatak ko sa utak ko ngayon." "Ilan tayong lahat na nandito sa isla?" "40." Huminga ako ng malalim bago ko seryosong tinitigan si Red. "Pagkakataon mo na para patayin ako pero bakit mas pinili mong tulungan ako?" "Hahahah! Hindi ako tulad ng iba na nananamantala sa taong walang laban. Don't worry kapag tuluyan ka ng gumaling ay ako mismo ang hihila d'yang sa kaluluwa mo." saka s'ya tumawa ng malakas. Tsk. Weird n'ya. "May napatay ka na ba?" sunod kong tanong kay Red na dahilan para tumigil s'ya sa kakatawa. "My worse nightmare." mahina n'yang sagot. "Anong nangyari?" "It was a self-defense. Pangalawang araw ko rito sa isla. Natutulog ako 'nun ng may bigla dumagan sa akin. Plinano n'yang halayin ako, syempre hindi ako pumayag at dali-dali kong binunot ang punyal na sandata ko saka ko siya pinagsasaksak. Iyon ang dahilan kung bakit simula 'nun ay sa taas na ako ng puno natutulog." Masisikmura ko ba talagang pumatay? Kung dati ay ginagamit ko lang na panakot ang pagpatay ngayon ay hindi ko mapigilang kilabutan kapag iniisip kong magagawa kong kumitil ng buhay ng iba. Tumango lang ako at saka nagtanong ulit sa kanya. "Saan kayo kumukuha ng mga sandata? 'yong samurai na humabol sa akin ay may armas na katana." "Bago tayo makaapak sa islang 'to ay binigyan na nila tayo ng bag na naglalaman ng T-shirt, tumbler at armas." Paliwanag n'ya. "Mukhang wala ka pang gamit. Here!" atsaka n'ya inihagis sa' akin ang isang itim na backpack. "Sayo na yan. Gamit 'yan ng lalaking pinatay ko. May extra t-shirt din d'yan. Magpalit ka dahil nakikita ko na ang kaluluwa mo." At doon ko lang napansin ang punit-punit kong damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD