Chapter 4 - The b***h and the Psychopath

1058 Words
EUNICE "Hi babe." bati ni Arnel habang hinahaplos ang hita ko. S'ya ang pangalawa kong biktima simula ng tumuntong ako sa islang 'to. Kailangan ko lang akitin ang lahat ng mga lalaki na nasa isla saka ko sila papatayin isa-isa at kapag naubos ko na sila ay saka ko na lang poproblemahin ang mga babaing natitira. Ganon naman talaga di 'ba? We need to kill in order to survive. Kailangan lang talagang gumawa ka ng sarili mong strategy sa larong 'to bilang patibong sa bibiktimahin mo. Kapag nakaalis ako ng buhay sa islang 'to ay una kong bibisitahin ang matandang Director ng Georgina Academy. S'ya lang naman ang naiisip kong gagawa nito sa akin. Estudyante ako sa paaralang n'ya bago ako mapunta sa islang 'to. Dahil sa kagandahang taglay ko ay maraming kalalakihan ang nahuhumaling sa akin at kabilang na 'ron ang asawa n'ya. Nalaman n'ya ang naging relasyon namin ng asawa n'ya kaya imbis na patalsikin ako sa sarili n'yang paaralan ay dito n'ya ako ipinatapon. Ang demonyang 'yon! Pagbabayaran n'ya ang ginawa n'yang 'to sa akin. "Babe, are you okay?" tanong ni Arnel habang nakahiga sa hita ko. "Of course." nakangiting sagot ko bago ilabas ang swiss knife at gilitan ang leeg n'ya. Napadura na lang ako sa sobrang pandidiri ng tumalsik sa mukha ko ang sumisirit n'yang mga dugo. Tumayo ako sa kinauupuan ko at saka umalis sa kuwebang kinaroroonan ko. Panglimang araw ko na sa islang 'to at hindi ko alam kong ilan na lang kaming natitira rito. Papalubog na ang araw. Gusto ko pang maglaro kaya naisip kong maghanap ulit ng bibiktimahin. Habang naglalakad-lakad ay napadpad ako sa isang maganda at malinis na talon. Doon ko nakita ang napakagwapong nilalang na naliligo. Tanaw na tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang 6 packs n'yang pandesal. Kung siniswerte ka nga naman. Inilagay ko ang swiss knife ko sa buhok ko na nagsilbing pangtali bago lumangoy papunta sa lalaki. "Hi gorgeous," I said with my seductive tone. Humarap naman s'ya sa akin with his angelic smile na nakakalaglag panty. "Hi." saad n'ya pero mabilis din akong napaatras nang makita ang hawak n'yang sibat. This is bad. Isang wasiwas n'ya lang nito ay siguradong hiwa ako. "I-I thought you need some company but I guess I'm wrong." nauutal kong pahayag. "Hahaha. Bakit parang takot na takot ka?" Bastard! Paano ako hindi matatakot kung sa hawak n'ya pa lang ay para na akong aatakihin sa puso. "Don't worry, hindi pa kita papatayin. Basta ba susundin mo ang mga iuutos ko at magkakasundo tayong dal'wa." nakangising saad n'ya. Wala na akong lusot sa isang 'to. Kapag tumanggi ako ay siguradong hindi na s'ya magdalawang isip na hiwain ang katawan ko gamit ang matalim n'yang sibat. "Tsk. Mukhang wala na akong ibang choice." walang gana kong saad saka s'ya inirapan dahil sa inis ko. "Yup! Wala ka na ngang ibang choice kundi ang sumunod sa utos ng gwapong nilalang sa harap mo. I'm Asher Averilla by the way." nakangising saad n'ya. Ang sarap n'yang saksakin sa mukha pero nakakapanghinayang kung gagawin ko 'yon sa gwapo n'yang mukha. "Eunice Abiño." pakilala ko rito. Kailangan kong mag-ingat sa lalaking 'to. Hindi ko alam ang takbo ng isip n'ya. Baka pagtulog ah hindi na ako magising pa. Wrong move Eunice! Wrong move! AZER "Wahahahaha!" tawa lang ako nang tawa habang pinagmamasdan ang dalawang taong naghihingalo sa harap ko. 'Kill or be killed' ang larong ito kaya mas mabuti ng ako ang pumatay kesa ako ang mamatay. This game is fun! Ngayon lang ako nabuhayan ng ganito. Ang dati kong napaka-boring na buhay ay unti-unti ng nagiging makulay dahil sa larong 'to. I'm Azer Ortega. Isang loner. They said that I am a weirdo. I have a pale white skin and this blank expression that creeps everyone's out. Kung hindi nila ako gusto well me too. Problema ba 'yon? I don't need a friend. Masaya ako sa kung sino ako at ano ako. I don't need to impress everyone for them to like me. I enjoyed my own company. Kung dati ay sa mga paboritong palabas ko lang napapanood ang mga ganitong p*****n ngayon ay nararanasan ko na ito ngayon. Ganito pala ang pakiramdam kapag nabahiran na ng dugo ang mga kamay mo. Hindi ko mapigilang ma-excite. Ang pagmamakaawa nila at iyak, parang musika iyon sa mga tenga ko na tumutulak sa akin para mas lalo pang pahirapan ang biktima ko. Parang ayaw ko nang umalis sa islang ito dahil sa ibinibigay nito sa aking kasiyahanan pero kung sakaling ako ang tanghaling panalo ay papasalamatan ko ang may-ari ng eskwelahang pinapasukan ko dahil sa pagpapadala n'ya sa akin dito. Sa pagkakatanda ko ay halos mapatay na ako ng ni Mr. Gomez, may-ari ng eskwelahan kung saan ako nag-aaral dahil sa ginawa ko sa napakaganda n'yang anak. I kidn*pped his daughter and r***d her. Galit na galit si Mr. Gomez dahil sa ginawa ko kaya imbis na patayin ako gamit ang sarili n'yang mga kamay ay pinadala n'ya na lang ako rito sa isla. Natatawa ako sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari noon. Hindi ko akalaing magagawa ko ang kalokohang 'yon. At hindi naman ako nagsisisi dahil kung hindi ko 'yon ginawa ay wala ako ngayon dito sa paraiso. Oo. Ito ang itinuturing kong paraiso ngayon. Ang islang ito. "Aaaaahhh!" sigaw ni Meredith ng palipadin ko ulit ang dart na saktong tumama sa kanang mata n'ya. Pitong piraso ng dart ang nakuha ko mula sa ibinigay nilang backpack sa akin. Hindi ito karaniwang dart na ginagamit sa mga sport dahil sa mahabang patalim nito na may habang anim na pulgada at ngayon nga ay si Meredith ang dart board ko sa mga oras na 'to. May tama s'ya ngayon sa pisngi, tiyan at kanang mata. Mukhang maya-maya lang ay malalagutan na s'ya ng hininga. "Demonyo ka!" sigaw ng nobyo ni Meridith na si Noli. " Papatayin ki---" hindi na n'ya naituloy ang sanang sasabihin n'ya ng tumama ang dart sa bibig niya na dahilan para bumulwak sa bibig nito ang napakadaming dugo. 'Yan ang mga na papala ng maiingay na tulad n'ya. Mukhang kailangan ko nang maghanap ng bagong mabibiktima. Hindi pa ako kontento sa mga ginawa ko. Gusto ko 'yong challenging at talagang mage-enjoy ako ng sobra sa susunod kong papatayin. Sino naman kaya isusunod ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD