Chapter 5 - The Encounter

1423 Words
RED "Mga demonyo! Dapat sila ang nandito imbis na tayo!" galit na galit na pahayag ni Torrence matapos kong ikuwento sa kanya ang totoong dahilan kung bakit kami nandito sa isla. "Kumalma ka nga." sabi ko habang pinapalitan ang benda sa mga sugat n'ya. "Ang magagawa na lang natin ngayon ay ang malampasan ang larong 'to." "Tsk. Hindi dahil sa lapitin ako ng gulo ay gagawin na nila ito sa akin, sa atin! May iba nga d'yan na mas malala pa ang ginagawa pero malaya pa ring nagagawa ang mga kasamaang gusto nila." "Hindi ako tulad ng iniisip mo. Hindi ako basagulera kagaya mo noh." depensa ko. "At sa anong kadahilanan?" may pagdududang tanong n'ya. Napabuntong hininga na lang ako saka napaayos ng upo mula sa damuhan kinauupuan naming dalawa. Pilit kong inalala ang dahilan kung bakit nandidito ako ngayon. Hindi ko mapigilang mapangisi dahil sa kitid ng utak na mayroon ang director ng paaralan ko. Gusto kong itarak sa noo n'ya ang punyal na sandata ko. "Isa sa mga naiisip kong dahilan kung bakit ako nandidito ngayon ay ang kompetensyon sa pagitan namin ng anak ng director. Running for valedictorian ako at ganun din ang anak n'ya. Hindi n'ya matanggap na mas lamang ang talinong meron ako kesa sa anak n'ya kaya nagawa n'ya akong ipatapon sa larong 'to." paliwanag ko habang mahigpit ang pagkakakuyom sa kamao ko. "Tss. Nakakaawa ka pala." natawa ako sa reaksyon ni Torrrence. Hindi ko feel 'yong awang sinasabi n'ya dahil sa pagiging sarkastiko nito. "Halata ngang awang-awa ka sa akin. Hahaha." natatawang saad ko. Ibinaling ko ulit ang tingin dito at seryoso s'yang tinapunan ng tingin. "May pabor sana akong hihilingin sayo Torrence." "Ano naman 'yon?" "Kapag nakaalis ka rito sa isla ng buhay ay patayin mo para sa akin ang may-ari ng eskwelahang pinapasukan ko?" seryoso kong saad sa kanya na mabilis na nagpakunot ng noo n'ya. "Tang*na mo!" malutong na mura n'ya dahilan para matawa pa ako lalo. Pangwalong araw na namin ngayon dito sa isla at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakaalis sa pwesto kong saan ko unang nakita si Torrence. Kailangan n'ya kasing ipahinga ang katawan n'ya kaya nagtagal pa kami rito ng dalawa pang araw. "Hoy! Kaya mo na ba talaga?" tanong ko. Ang totoo n'yan ay pwede ko namang pabayaan si Torrernce pero dahil na i-enjoy ko ang company n'ya ay hindi ko s'ya magawang iwan. "Hindi ako lumpo para hindi makapaglakad." saka s'ya dahan-dahang tumayo. Nakita ko ang naging reaksyon n'ya nang ihakbang n'ya ang kaliwang n'yang paa. Napangiwi s'ya dahil sa sakit. "Oh ano? Masakit ba?" natatawang tanong ko. "Slight." tipid n'yang sagot. Hindi n'ya na lang maamin na talagang masakit. Ma-pride rin ang isang 'to. "Sa wakas! Makakaalis na rin tayo rito." pahayag ko habang iniaayos ang mga laman ng backpack ko. "Wala na rin tayong pagkain. Inubos mo ang inipon kong mga pagkain." "Nagsalita ang hindi kumakain." pangbabara n'ya. Matapos naming ihanda ang sarili namin sa pag-alis ay nagsimula na kaming maglakad. Paika-ikang naglakad si Torrence dahil pa rin sa mga sugat na natamo n'ya. Ilang sandali pa ay tanaw na namin ang mga nagsisibagsakang mga parachute na may nakakabit na itim na kahong naglalaman ng pagkain. Kailangan naming makakakuha ng pagkain dahil kung hindi ay gutom ang aabutin naming dalawa ngayong araw na 'to. "Your mine." saad ko ng makita ang box na bumagsak malapit sa amin. Akmang lalapitan ko na sana ito ng pigilan ako ni Torrence. "Bakit?" takang tanong ko rito. "May tao." seryoso saad n'ya. Mabilis kong inilibot ang paningin sa paligid. Tulad ng sinabi n'ya ay may dalawang gwapong nilalang ang lumabas mula sa mapunong parte ng gubat. Kung minamalas ka nga naman. STANLEY “Hoy! Bilisan mo!” sigaw ni Sky. Mabilis na naudlot ang malalim na pag-iisip ko nang marinig ang boses ng kaibigan kong si Sky. Hindi ko akalaing pareho kaming mapapadala sa madugong lugar na 'to pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit nandidito si Sky. Kung ang pagiging prankser ko ang dahilan ng pagpapadala rito sa akin ay ano naman ang dahilan ng ama ni Skyler para ipatapon nito ang sarili n'yang anak sa isla? Director ng isang sikat na private school ang ama ni Skyler kaya nakapagtataka lang na ang sarili nitong anak ang napili n'ya para laruin ang madugong larong 'to. “Nagugutom na ako!” reklamo ko saka malakas na sinipa ang maliliit na bato na nakikita ko. ”Ang tagal nilang magpadala ng pagkain. Tang*na 'yan!” “Tss.” Narinig kung usal ni Sky. Para lang akong nakikipag-usap sa hangin. Hindi ako sanay na ganito na ito ngayon katahimik. Siguro ay iniisip n'ya rin ang traydor n'yang ama. “Hoy Sky! Hindi pa ba panes 'yang laway mo?” tanong ko rito pero mabilis ding naudlot ang sunod ko pang sasabihin ng makita ang dalawang babae hindi kalayuan mula sa kinatatayuan namin ni Sky. “Wow! Chicks!” bulong ko. Sayang ang gaganda pa naman nila. Ang babaeng may pulang buhok ang umagaw nang atensyon ko. Maganda rin naman 'yong isa pero mas type ko ang red haired-girl. Nang lingunin ko si Sky para sana tanungin ang magiging plano ay kinilabutan ako ng makita ang mala-demonyong ngiti sa labi n'ya. “I know her.” bulong n’ya. Napalunok na lang ako saka ulit itinuon sa direksyon ng dalawang babae ang tingin ko. Sino naman kaya sa dalawa ang tinutukoy n'ya? TORRENCE Dalawang lalaki ang lumabas mula sa likod ng mga puno. Nasa isang open field kami at 50:50 ang chance na maka-survive kami ni Red kapag napasabak kami sa gulo. Maganda ang ganitong lugar sa labanan lalo na't makakagalaw kami ng maayos at madali naming makikita ang galaw ng kalaban pero sa sitwasyon ng katawan ko ngayon ay magagawa ko bang lumaban? Mabilis kong tinapunan ng makahulugang tingin si Red. Nakuha naman n'ya ang gusto kong iparating kaya mabilis s'yang tumakbo para kunin ang supply ng pagkain pero bago pa man s'ya tuluyang makalapit ay agad na humarang sa harap n'ya ang isang lalaki. Mabilis na napaatras si Red saka n'ya itinutok ang hawak n'yang punyal sa lalaki. "Back off or you'll die!" pagbabanta ni Red sa lalaki. Itinaas naman ng lalaki ang dalawa n'yang kamay na parang sumusuko saka humakbang paatras. Mukhang kaya namang i-handle ni Red ang isang 'yon kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa isa pang lalaki na ilang metro lang ang layo mula sa kintatayuan ko. "We meet again!" nakangising sabi ng lalaki na nagpataas ng kilay ko. "Excuse me?" "Hahaha! Ang dali mo naman atang makalimot." Tinitigan ko nang mabuti ang mukha n'ya kahit labag sa loob ko. Saang kanto ko nga ba nakita ang lalaking 'to? Aish! Sumasakit ulo ko sa pagmumukha ng bwisit na 'to! "Tsk. Mukhang hindi mo talaga ako natatandaan. Ouch! Sayang mukhang hindi mo na mapaninindigan ang sinabi mo ng araw na 'yon." "Sino ka ba?" inis na tanong ko. "Just some stranger you meet at the bookstore." sagot n'ya. Napairap na lang ako. Hindi naman pala s'ya ganun kaimportanting tao. "At anong sinasabi mong sinabi ko noon sa'yo?" "Na sa oras na magkita tayo ulit ay ikaw mismo ang papatay sa akin." "Talaga sinabi ko 'yon? Actually wala akong maalala pero sige kung gusto mo nang mamatay it's my pleasure to kill you." "Hahahah. Ayos ka rin. Hindi pa naman siguro sira 'yang ulo mo para magmayabang ka ng ganyan. Sa kalagayan mong 'yan ay baka ikaw pa ang unang mamatay sa ating dalawa." Tss. Ang yabang! Hindi na ako magtataka kung bakit napagbantaan ko s'ya nung araw na magkita kami. "Hindi ikaw ang makakapatay sa akin!" "Talaga lang ah. Hahaha! I like you!" "I-I hate you!" mabilis kong saad. Badtrip! Kinilabutan ako sa sinabi n'ya. "Hmm. You're interesting." Nakakabwisit ang pagmumukha ng lalaking 'to. Hahakbang na sana ako para banatan ang mayabang na lalaking nasa harap ko nang maramdaman ko ang matalim na bagay na lumapat sa gilid ng leeg ko. Doon ko unti-unting naramdaman ang pagdaloy ng dugo mula sa sugat. Nakita ko ang pagkunot ng noo nang lalaking kaharap ko. Naalala ko kung paano ko nakuha ang isa ko pang sugat sa gilid ng leeg ko na ngayo'y nakabenda. Ang hinayupak na samurai! Walang duda! S'ya nga ang lalaking nasa likuran ko ngayon. Maling galaw ko lang ay siguradong laglag ang ulo ko. "Naalala ko na." saad nang lalaki na nasa likuran ko. Kaasar! Kung minamalas ka nga naman. Dumagdag pa talaga anh isang 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD