Chapter 6 - The Brutal Duo

1511 Words
JULIUS "Psst. Nakikita mo ba ang nakikita ko?" pabulong na tanong ko sa kasama kong si Romeo. "Syempre may mata ako." pabalang na sagot n'ya. Napasabunot na lang ako sa inis dahil sa lakas ng pagsasalita n'ya. Hininaan ko nga lang ang boses ko para hindi ako marinig nang dalawang chicks na naliligo sa ilog pero tang*na nitong si Romeo at sumigaw pa talaga. Naalarma ang dalawang babae nang marinig ang boses ni Romeo. Nagmadali ang mga itong umahon sa ilog pero bago pa man sila makalayo ay agad ko ng pinalipad ang hunter's knife ko na bumaon sa makinis na binti ng isang babae. Sinubukan pa nilang tumakas ngunit pinalipad ko uli ang isa ko pang hunter’s knife na tumama sa batok ng babae na una ko ring tinamaan. Napangisi na lang ako habang pinaglalaruan sa kamay ko ang hunter's knife ko. Kahit kaylan talaga asintado ako. Galit na galit ang mga mata ng babae habang nakatitig sa akin at yakap-yakap ang walang buhay na katawan ng kaibigan. "You'll pay this." mahina saad n'ya. Nanginginig ang mga kamay n'ya na inilabas at itinutok sa akin ang isang mataas na kalebre ng baril. "Wow! Nice gun!" papuri ko. Ilalabas ko na rin sana ang silver pistol ko ng biglang humarang sa harapan ko si Romeo. "My katana wants her head." pahayag nito. "Tss." usal ko na lang at saka umurong. Mahirap na baka mahagip pa ako ng katana n'ya. "YOU'RE NOT MY TARGET! GET OUT OF MY WAY!" galit na galit na sigaw nang babae. So ako pala type n'ya. Ang gwapo ko talaga. Dalawang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar. Naging napakabilis ng mga pangyayari. Nakita ko ang takot at gulat na reaksyon ng babae nang biglang bumagsak ang dalawa n'yang kamay sa lupa. "Aaahhhhhh" Namimilipit sa sakit na sigaw ng babae. Kasunod 'nun ay ang paghiwalay ng bewang at ulo ng babae sa katawan nito. Halos hindi ko nakita kung paano nagawang paghiwa-hiwalayin ni Romeo ang katawan ng babae sa isang iglap lang. Para akong nanonood ng samurai x. Nakakatakot pero nakakabilib! Nagpatuloy kami sa paglalakad. Grabe! Hindi ko pa rin mapigilang mamangha kay Romeo. Kitang kita na sanay na sanay na s'ya sa paghawak ng katana. S'ya talaga ang mas pipiliin kong maging kakampi kesa maging kalaban. "Gutom na ko!" reklamo ko habang hinihimas ang kumukulo kong tiyan. "Nasaan na ba ang pagkain natin. Gag*ng mga 'yon!" Ayaw nila kaming makitang mamatay sa gutom kaya nagpapadala sila ng mga pagkain. Gusto nila ay ang marahas na pagpatay namin sa isa't isa na talaga namang thrilling para sa kanila. Haist! Iba rin talaga ang nagagawa ng may pera kahit mga buhay namin ay nagagawa nilang bilhin. Hindi nagtagal ay tanaw na namin ang mga nagsisibagsakang mga supply mula sa mga helicopter. Isang supply ang malapit lang sa amin ni Romeo kaya naman agad namin iyong sinundan pero pagdating namin ay dalawang grupo na ang nakita naming nagkakainitan. "She looks familiar." bulong ni Romeo. "Sino?" tanong ko. "Hoy! Anong gagawin mo?" Mabilis s'yang nakarating sa likuran ng babaing tinutukoy n'ya at saka inilapat sa leeg nito ang matalim n'yang katana. "Ah! Naalala ko na!" nakangising saad n'ya. Tss. Baliw talaga! Lumabas na rin ako sa pinagtataguan ko at saka inilabas ang silver pistol ko. "Let's Party!" sigaw ko. TORRENCE "Ikaw nga 'yon! Hindi ko akalaing buhay ka pa matapos mong mahulog sa bangin." pahayag ng lalaki. Tss. S'ya nga ang lalaking samurai na humabol sa akin dahilan para mahulog ako sa bangin at makuha ang mga sugat at pilay kong 'to sa katawan. Kung minamalas ka nga naman! May dumagdag pang dalawang kaaway! "Magsalita ka naman miss. Nagmumukha akong tanga rito eh." Ang dami kong gustong sabihin. Gusto ko s'yang murahin at barahin pero sadyang pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil baka maging dahilan 'yon para mawalan ako ng ulo. Kailangan kong gumawa ng paraan pero isang maling galaw ko lang ay siguradong ibang parte ng katawan ko ang malalaglag sa lupa. "Umurong na ba ang dila mo dahil sa takot?" tanong ng isang kasamahan nitong may hawak na baril. Lumapit ito sa akin saka pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan. "Pwede bang sa akin na lang s'ya?" tanong nito. "Lumayo-layo ka sa akin Julius kung gusto mo pang mabuhay. Sa akin s'ya kaya wag kang makikilam." seryosong pahayag ng samurai na ikinakuyom ng kamao ko. Kahit kailan ay walang nagmamay-ari sa akin kundi ako lang! "Tss. Damot!" irap ng lalaki kay samurai bago nito ilibot ang tingin sa paligid "Kayo! Kung ayaw n'yong bumaon sa bungo n'yo ang bala ng baril ko ay sundin n'yo ang iuutos ko!" sigaw nito. "Ikaw!" turo n'ya kay Red. "Kunin mo ang supply at dalhin mo dito!" Inirapan muna ni Red ang lalaking may baril bago s'ya naglakad papalapit sa supply. "Hoy! Anong ginagawa mo? Gusto mo ba talagang bumulagta d'yan mismo sa kinatatayuan mo?" banta ng lalaki habang nakatutok ang baril n'ya sa lalaking malapit kay Red. "Sky ohh. Inaaway ako." parang batang sumbong nito. So, Sky pala ang pangalan ng mayabang na 'yon. Sinamaan lang s'ya ng tingin ni Sky at saka seryosong tumingin sa akin. Problema nito? "Gag* ka ba! Kung gusto mo ng mamatay ay 'wag mo akong idadamay! Tabi nga d'yan!" sigaw ni Red saka nito itinulak ang lalaki pero mabilis s'ya nitong nahawakan at pinaikot bago s'ya nito ikulong sa pagkakayakap. "Shh. Relax." saad ng lalaki habang nakapatong ang baba nito sa ulo ni Red. "Bitawan mo nga ako!" reklamo ni Red. "Bilis-bilisan n'yo! Kapag ako nainip bubulagta kayong dalawa ng wala sa oras!" "Maghintay ka ngang gorilla ka! Pinapainit mo lalo ulo ko!" sigaw ni Red. Baliw talaga ang babaing 'to. "At ikaw! Bibitaw ka o isasaksak ko sa bunganga mo 'tong punyal ko!" Galit na nga talaga s'ya! Halos manlaki ang mata ko nang makita ang unti-unting pagtaas ng kamay nang lalaking may hawak na silver pistol. Ito na nga bang sinasabi! Hindi na ako nagdalawang-isip na sipain ang lalaking nasa harapan ko na dahilan para matumba ito at mabitawan ang silver pistol na hawak n'ya pero bago ko pa 'yon gawin ay inisip ko muna ang kahahantungan ng leeg ko kapag sinimulan ko ang gulong 'to. Bago ko pa sipain ang lalaking may hawak na baril ay mabilis ko nang iniwas ang leeg ko sa katana at saka malakas na sinikmuraan ang samurai. Hindi 'yon naging mahirap para sa akin dahil na kay Red ang atensyon n'ya. Pagkatapos ko gawin ang stunt kong 'yon ay doon ko naramdaman ang pagsakit ng buo kong katawan. Tang*na! Hindi pa ako fully recovered dahil sa mga nangyari sa akin kaya no wonder na gan'to ang mararamdaman ko. Isang maliit na metal na bola na kasing laki ng golf ball ang gumulong sa paanan ko habang umiilaw ang asul na kulay dito. Ano naman 'to? Hindi nagtagal naging kulay pula ang kaninang asul na kulay at doon unti-unting lumabas ang isang napakakapal na usok. Oh Sh*t! Isang smoke bomb. Sa sobrang kapal ng usok na inilalabas ng smoke bomb na nasa paanan ko ay hindi na ako makahinga nang maayos. Ubo ako nang ubo. Napaluhod na lang ako dahil sa panghihina ng katawan ko at ramdam ko na ang unti-unting pag-ikot ng paningin ko. Badtrip! Sino ba kasi ang nagtapon nito rito? Bago pa ako mawalan ng malay ay naramdaman ko nang may bumuhat sa akin. *** Mabilis akong napabalikwas nang maalala ko ang mga nagyari bago ako mawalan ng malay. Kinapa ko ang pisngi ko at pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Buhay pa ako! For the nth time! I'm alive! parang naulit muli ang araw kung kailan ko nakilala si Red. Agad akong napatingin sa taas ng mga puno, nagbabakasakaling makita ko si Red pero ni anino n'ya ay wala akong nakita bagkus ay isang lalaki ang nahagilap ng mga mata ko. Nakasandal ito sa puno habang binabalatan ang hawak nitong mansanas gamit ang isang matalim na kutsilyo. "Ikaw!" sigaw ko sabay turo sa kanya. Walang iba kundi ang mayabang na si Sky. "Tsk. Shut up! Someone might hear you! Stupid!" saka n'ya ibinato sa akin ang kaninang mansanas na binabalatan n'ya na agad ko namang nasalo. "Ano 'to?" kunot noo kong tanong sa kanya. "Mangga?" sarkastikong saad nito. Ang sarap n'yang hambalusin ng tabla! Ayokong sayangin ang laway ko sa kanya. Tumayo ako saka paika-ikang naglakad palayo sa kanya dahil sa tuwing nakikita ko ang mukha n'ya ay talagang naaasar ako. "Where do you think you're going?" "Sa lugar na malayo sayo." nakatalikod kong saad pero rinig ko ang yabag n'yang nakasunod sa akin. "Wala man lang bang 'Thank you'? I just save your life missy." "Sinabi ko bang iligtas mo ko? Hindi diba?" "Tsk. Pasalamat ka nga at hindi pa kita pinatay." Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Bakit nga ba?" "Hindi ako pumapatol sa mga walang labang kalaban." kibit-balikat na sagot n'ya. Katulad na katulad sa sinabi sa akin ni Red. Si Red! Nasaan na kaya ang babaing 'yon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD