DGC PRESIDENT
Hawak ang latest report tungkol sa mga kaganapan sa isla, napailing na lang ako dahil sa mga nabasa ko. Masyadong mabagal ang nangyayaring pagpatay. Sa nakikita ko ay marami pa sa kanila ang nag-aalinlangan na gumamit ng dahas. Ilang araw na ba simula ng magsimula ang laro? Pang-anim na araw na. Hindi magtatagal ay wala silang ibang pagpipilian kundi gamitin ang armas na mayroon sila para iligtas ang kanilang sarili sa panganib. Gamit ang dalawa nilang kamay ay mapipilitan silang makipagkontrata kay kamatayan.
Dadanak ang dugo pumatay man sila o hindi.
Kailan ba naging patas ang buhay?
Kahit mga taong malalapit sayo ay nagagawa kang traydurin. Sa larong ito kailangang wala kang pagkatiwalaan dahil maaaring ang tiwalang 'yon ang pumatay sayo. Pero sa nakikita ng mga mata ko ay nabubuo ang isang pag-iibigan at pagkakaibigan. Mas lalo akong natutuwa at napapaisip. Hanggang kailan kaya nila mapoprotektahan ang relasyon na mayroon sila sa islang 'yon?
Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto at pinagmasdan ang reaksyon ng mga mayayamang tao na nanonood ng laro. Nagpapakahirap ang mga bata sa isla samantalang nage-enjoy ang mga taong 'to na panoorin ang mga nangyayari. Nagtatawanan ang iba samantalang inip na inip ang ilan dahil hindi pa namamatay ang ipinasok nila.
"Ba’t hindi pa namamatay ang batang 'yon!" iritadong pahayag ng isa.
"Hahahaha! Don't be so excited! " sabi ng katabi nitong matandang lalaki.
"He deserves to die!" galit na pahayag nito.
"She's so pretty!"
"Yup! Pero sa kasamang palad mamatay din 'yan."
"Tss. Don't say that! Malay mo s'ya ang manalo. Sabi nga nila 'Expect the unexpected'." pagrarason ng babae.
Nakakatawa silang pagmasdan. Para silang demonyo sa paningin ko and I admit I'm also one of them.
***
REINA
"Miyuki! Faster!"
"I-i'm tired!" mabilis kong linapitan si Miyuki saka ito hinila patayo.
"If you don't run, you'll die!"
Kasalukuyan kaming hinahabol ng isang grupo ng mga kababaihan. Kung tama ang pagkakabilang ko ay hindi sila baba sa limang miyembro. May iba't ibang matatalas na armas ang bawat isa sa kanila. Sa armas na hawak namin ngayon ay kailangan pa namin makalapit para makadaplis man lang sa kalaban. Mayroon akong stun gun samantalang minalas si Miyuki sa nakuha n'yang bread knife. Nasaan ang hustisya?
Paano nagkasya sa mga backpack nila ang napakatalas na kawit ni kamatayan, pana at espada?
Napatigil ako sa pagtakbo ng madapa si Miyuki. Tahimik itong umiiyak habang yakap-yakap ang tuhod nitong sugatan.
"Don't bother yourself saving me. J- Just save yourself." umiiyak sa saad nito pero imbis na sundin ang sinabi n'ya ay inalalayan ko s'yang ipinosisyon sa likuran ko. Kung hindi s'ya makakapaglakad pwes ako ang magsisilbing mga paa n'ya.
Masyado pang bata at inosente si Miyuki para makaranas ng ganito. Nakilala ko s'ya apat na araw na ang nakaraan. Ayuzawa Miyuki ang buo n'yang pangala. Isang first year high school sa isang Japanese School na pagmamay-ari ng ng ama n'ya. Namatay ang ama ni Miyuki dalawang buwan na ang nakalipas kaya naman ganun na lang kalakas ang loob ng step mom n'ya para ipadala s'ya dito sa isla. Sa ngayon ay wala pa s'ya sa tamang edad para makuha ang panama ng ama n'ya kasama ang paaralan kaya ang madrasta nito ang umupong director.
"Onee-chan."
"Everything's going to be fine. Trust me."
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Miyuki sa leeg ko bago n'ya ipinatong ang ulo sa balikat ko. "Thank you, onee-chan." bulong n'ya.
Kahit ilang araw ko palang s'yang nakakasama ay magaan na ang loob ko sa kanya. Naaalala ko sa kanya ang namayapa kong kapatid na kasing edad n'ya lang. Isang parte ng buhay ko na ayoko ng balikan. Dalawang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Ilang ingay ang nagpaalerto sa akin. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko hanggang sa may makita akong maaring pagtaguan ni Miyuki. Isang tao lang ang kakasya rito. Isa itong malaking puno na may butas sa may parting ugat. Tagong-tago ito dahil sa mahahabang baging mula sa puno.
Agad kong ginising si Miyuki at dali-daling ipinapasok sa taguan. "Stay here Miyuki."
"H-How about you?" Mangiyak-ngiyak na tanong nito sa akin. Nginitian ko naman ito saka ito hinalikan sa noo. "I'll be fine. I promise."
Tinakpan ko ng ilan pang halaman ang pinagtataguan ni Miyuki. Nang masigurado kong ayos na ang lahat ay mabilis akong tumakbo palayo.
"Come out, come out where ever you are!" sigaw ng isang babae.
Dinig ko ang mga ilang kaluskos dahil sa pagsunod sa akin ng kalaban. Kailangan kung mailayo sila kay Miyuki. Hindi ko ininda ang paglapat ng matitinik na halaman sa balat ko basta ang alam ko lang ay wala akong laban sa kanila kaya kailangan kong tumakbo hanggang sa kaya ko.
"Slow down, you b***h!" maarteng sigaw ng isang babae.
"It's time to kill a deer!" sabi ng kasama nito dahilan para mapahinto ako at mabilis na humarap sa direksyon nila.
Leche! Tama ang hinala ko. Nakita kong nakaposisyon na ang babae para panain ako pero bago pa man lumipad sa akin ang palaso ay mabilis akong nagtago sa katabi kong puno.
"You missed! Stupid!"
"b***h! Asintado ako! Nakailag lang s'ya!"
"OH Really? Ang sabihin mo duling ka lang talaga!"
Kung dalawa lang ang nakasunod sa akin ay nasaan ang iba nilang kasama?
"Kill her!"
"At sino ka para sundin ko, aber?!"
"Gosh! You birdbrained!"
"Eh 'di ikaw na lang ang pumatay. Puro ka dada d'yan wala ka namang maitulong!"
"Watch and learn, stupid bird!"
Napatakbo ulit ako ng marinig ko ang kalansing ng kadena na papalapit sa akin.
"Hey b***h! Malilintikan ka talaga sa akin kapag nahuli kita!"
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko at hindi na nag-atubiling pasukin ang pinakamasukal na parte ng gubat. Dito ay may chance akong makapagtago. Kailangan kong makapagpahinga dahil ramdan ko na ang unti-unting pagsuko ng mga tuhod ko.
Halos manlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkagulat ng mabangga at mapadagan ako sa isang lalaki na bigla na lang sumulpot sa harap ko.
"s**t!" usal ng lalaki ng bumagsak s'ya sa lupa at tumama ang noo ko sa ilong n'ya.
"b***h! Where are you? Kanina habulan tapos ngayon naman taguan?" sigaw ng babaeng humahabol sa akin.
"What t--" agad kong tinakpan ang bibig ng lalaki.
Masama 'to! Nakapalibot sa akin ang kamatayan sa mga oras na 'to.
Nang masigurado kong wala na ang kaninang babae ay dali-dali akong tumayo at nagtatakbo palayo naman 'dun sa lalaki.
"F*ck you!" rinig kung sigaw nung lalaki pero hindi ko na s'ya pinansin at ipinapatuloy ang pagtakbo ko.
Para sa akin ay mahirap magtiwala sa lalaki sa sitwasyon namin ngayon. Mas malakas ang loob nila na pumatay para lang manalo sa larong 'to.
***
Marahas akong napakamot ng ulo ko dahil sa matinding pagkadismaya. Badtrip! Hindi ko na maalala ang dapat kong daanan para makabalik kay Miyuki. Gaano ba kalayo ang tinakbo ko para maligaw ako ng ganito? Kailangan kong makabalik kay Miyuki bago dumilim. Iginala ko ang paningin ko sa buong paligid saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Masama 'to. Naliligaw na ako.
Tahimik at maingat akong naglalakad habang pilit na inaalala ang daan kanina. Sana ay maayos ang lagay ngayon ni Miyuki. 'Wag lang talaga s'yang aalis sa pinagtataguan n'ya hangga't hindi pa ako nakakabalik sa kanya.
Inalis ko ang suot kong salamin at saka ito pinunasan. Hindi naman talaga malabo ang mata ko. Gusto ko lang isuot ang salaming 'to dahil sa paraan lang na 'yon ko 's'ya' naaalala.
Saktong pagsuot ko ng salamin ay isang malakas na atake ang natanggap ko mula sa isang babae. Napaluhod na lang ako dahil sa ginawa n'yang paghampas sa tiyan ko.
"Pinagod mo kong babae ka!" inis na sabi nito. Sinakal ako nito gamit ang hawak n'yang kadena. "Alam mo ba na kanina pa kita hinahanap!"
Napahawak ako sa kadenang nasa leeg ko habang pilit itong inaalis.
"Tch. Uuckk..uk." usal ko.
Reina!