Chapter 8 - A Sister for Keeps

1076 Words
"Ate! Tingnan mo bilis!" excited akong hinila ni Reina, ang bunso kong kapatid papasok sa kwarto n'ya. "T-teka ano bang meron, ha?" "Hmm. Siguradong matutuwa ka sa ginawa ko ate. Heheh. " saka n'ya ako pinaupo sa harap ng study table n'ya. Ipinatong nito ang isang shoe box sa harap ko na ipinagtaka ko naman. "Sapatos?" "Ate, hindi." "Ano 'to?" "Open it!" sabi n'ya habang pumapalakpak pa. Mas mukha s'yang excited kesa sa akin. Dahan-dahan kong binuksan ang shoe box at tumambad sa akin ang isang ...libro? "Valley of NO Return'?" pagbasa ko sa title ng libro. "Thank y-you? Alam mo naman Reina na hindi ako bookworm na tulad mo d----" "Ate! Read the name of the author!" "Reina...V-Villanueva?!" mabilis akong napalingon sa kapatid ko. Proud s'yang tumatango-tango habang nakaturo sa sarili n'ya. "I know right." Proud na proud na saad nito habang magka-cross pa ng mga braso. "Oh my God! I'm so proud of you, Reina." saka ko s'ya mahigpit na niyakap. 11 years old palang s'ya pero maaga na n'yang naachieve ang pangarap n'ya na may maisulat at may maipublish na libro. At ngayon nga ay nagkatotoo na. "Ito ang pinakaunang copy ng book ko kaya gusto ko ikaw ang unang makabasa nito ate." "Congrats, sis. Matry ngang magsuot ng salamin para kahit papaano ay tumalino rin ako katulad mo. Hahaha." pagbibiro ko na mabilis na ikinasimangot ng mukha ni Reina. "Ate Reiya, hindi 'yon dahil sa salamin ko. Hahaha. Mas matalino ka kaya sa akin. Naiinggit nga ako kasi bukod sa matalino ka ay sporty ka pa. Ang astig mo kaya!" Ang totoo n'yan ay lagi kaming pinagkukumpara ng kapatid ko hindi lang ng mga magulang namin kundi ng ibang tao. Sobrang talino kasi ni Reina samantalang ako ay average lang. Athletic akong tao samantalang kabaliktaran naman 'nun si Reina na mahilig mag-aral. *** "Ate!" "Ano ba Reina! Pwede bang tumahimik ka! NAKIKITA MO NAMANG NAG-AARAL AKO! HINDI PORKET MATALINO KA AT BOBO AKO AY IKAW NA ANG MAGALING!" Asik ko sa kapatid ko matapos akong mapagalitan at ikumpara na naman ng mga magulang ko sa kanya. "A-ano bang sinasabi mo a-ate?" "Lagi na lang ikaw ang magaling. Alam mo bang bwisit na bwisit na ako sa pagmumukha mo! Simula ng ipinanganak ka ay ako na lang laging mali, talunan at walang kwenta sa mata nila mama!" "A-ate." "S-sana hindi k-ka na lang dumating sa buhay namin." Lahat ng mga salitang binitawan ko ng araw na 'yon ay gusto kong bawiin. Gusto kong humingi ng tawad, gusto kong iparamdam sa kanyang mahal na mahal ko s'ya pero huli na. Isang aksidente ang tuluyang kumuha sa buhay ng kapatid ko. Araw-araw kong sinisisi ang sarili ko dahil sa pagkamatay n'ya. Kung hindi ko sana iyon sinabi sa kanya ay hindi sana s'ya umalis ng araw na 'yon at naaksidente. Isang araw, nagising ako sa katauhan ni Reina Villanueva. Muli kong binuhay ang katauhan ng kapatid ko gamit ang katawan ko. Ginaya ko si Reina dahil para sa akin ang Reiya Villanueva na katauhan ko ang dapat na mamatay imbis na ang kapatid ko. "R-Rei-na." hirap na hirap kong sambit sa pangalan ng kapatid ko. Makikita ko na sa wakas ang kapatid ko. Malinaw na sa akin ang lahat. Karma ko ang islang ito. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko kasabay ang pagtulo ng luha ko pero isang pamilyar na boses ang narinig ko. Isang boses na dalawang taon ko ng hindi naririnig. 'Ate.' "R-Reina..." dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Parang energy drink ang boses na 'yon ni Reina na unti-unting nagbigay sa akin ng lakas. Hindi dito, hindi sa ganitong sitwasyon ako mamatay. "Die b*tch!" mas lalong hinigpitan ng babae ang pagkakasakal sa akin. Habang nagpupumiglas ako ay doon ko naramdaman ang bagay na nasa bulsa ko. Ang stun gun ko! Kahit hirap na hirap ay pinilit kong kunin sa bulsa ko ang stun gun. Nang mahawakan ko iyon ay doon ko idinikit sa tagiliran ng babaing nasa likuran ko ang stun gun na dahilan para bumagsak at mangisay ito. *** NATHAN F*ck! Kasalanan ng babaeng 'yon kung bakit hindi ko naabutan at napatay ang hayop na nagnakaw ng lahat ng gamit ko. Sa ngayon ay itong brass knuckle na lang ang meron ako. Isang malakas na pagsabog ang narinig ko hindi ganun kalayo mula sa kinaroroonan ko. Sinundan ko ang usok kung saan 'yon nagmula at doon ko naabutan ang pamilyar na babae. S'ya 'yong babaeng bumunggo sa akin! Kung siniswerte ka nga naman! Nakakabawi rin ako sa kasalanan n'ya sa akin. Akmang lalapitan ko na sana ito ng bigla itong sumigaw na ikinakunot ng noo ko. "W-WAG KANG LALAPIT!" "Inuutusan mo ba ko?" "No! I'm saving your life!" Saving me from what? Napansin kong hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan n'ya. What's her problem? "s**t!" Usal ko ng mapagtanto ang sitwasyon n'ya ngayon. "Tumingin ka sa kaliwa mo." Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ang isang babae na lasog-lasog ang katawan. "Isang maling galaw ko lang ay sasabog itong kinakatayuan ko kaya kong ako sayo ay umalis ka na." Napabuntong hininga na lang ako at saka dahan-dahang napaatras. I'm not a bomb expert but I have a plan to save her. "Ano pang tinutunganga mo d'yan? Save your life dahil pag ako nangalay kakatayo ay baka sumabog ang buong lugar na 'to except kung may plano kang iligtas ako." nakangising sabi nito. At nagawa n'ya pa talagang mang-inis sa sitwasyon n'yang 'yan? "Shut up. Hindi ka nakakatulong." "Pwede ba akong tumalon sa tuwa?" Sinamaan ko lang s'ya ng tingin. *** "Ano?! Ayoko! Sira ka ba?!" reklamo nito ng marinig ang plano ko. "I'm serious! Wala ka ng ibang choice! Kahit hindi mo sundin ang plano ko ay mamamatay ka d'yan sa pwesto mo." Napahilot na lang ako sa sintido ko dahil sa babaing kaharap ko. "Sundin mo lang ang instruction ko kung saan ka dapat tatapak dahil 50:50 ang chance na makakaligtas ka." "50:50? Nice!" sarkastikong pahayag nito saka ako nito inirapan. "I want to kill you right now!" inis na saad ko. "Mamaya na lang pagnailigtas mo na ako. Game na!" Matapos ang halos kalahating oras na pagsasagawa ng planong pagliligtas sa babae ay nagawa nitong makaalis ng ligtas mula sa lugar na puno ng mga bomba. Mabuti na lang ay wala pa s'yang naapakan na bomba sa kaninang kinatatayuan n'ya dahil kung minalas na meron ay siguradong patay na s'ya sa mga oras na 'to paghakbang n'ya palang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD