EUNICE
"Peste! Mga leche!" Sunod-sunod kong mura habang pinapalo ang parte ng katawan ko kung saan ako kinakagat ng mga pesting lamok. Urggh! Kanina pa ako inaatake ng mga lamok na 'to. Alam kong maganda ako but I didn't expect na pati mga lamok ay maa-attract sa kagandahan.
"Umagang-umaga nakabusangot na 'yang mukha mo. Nagmumukha kang ampalaya, babe." pahayag ni Asher. Inirapan ko lang ito saka ipinagpatuloy ang pagbubugaw sa mga lamok na pumepesta sa akin.
"Shut up, Ash! Ba’t hindi mo na lang gayahin si Azer na tahimik lang sa tabi. Mas matutuwa pa ako sayo kung ganun ang gagawin mo." Irita kong pahayag sa kanya.
"Anong sunod na plano?" pagsingit bigla ni Azer with his cold and creepy tone kaya sabay kaming napalingon ni Asher sa gawi nito.
Azer is creepy. Hindi ko alam kung anong nakita sa kanya ni Asher para isama ito sa amin. Muntik n'ya na kami patayin gamit ang dart n'ya but we manage to survive dahil hindi naman talaga s'ya magaling sa labanan. Hanggang pagtapon lang ng dart n'ya s'ya magaling.
"Hunt them and kill them!" sagot ni Ash habang pinapaikot sa katawan nito ang sibat n'ya. Ghad! This guy is good! Saan n'ya kaya natutunan ang mga galaw n'yang 'to?
Nagsimula na ulit kami sa paglalakad habang pinapakiramdamang mabuti ang paligid. Mahirap na baka may biglang sumulpot out of nowhere at gilitan ang mga leeg namin o di kaya tirahin kami ng kung anong matalim na bagay katulad ng ginawa noon ni Azer.
"What's that?" nandidiring tanong ni Azer habang nakaturosa kung saan na agad naman naming sinundan ng tingin ni Asher.
"Gross!" napatakip na lang ako ng ilong dahil sa masangsang na amoy galing sa bangkay na nakalambitin patiwarik mula sa puno. "Hey! Pwede bang umalis na ta--" hindi ko na naituloy ang sanang sasabihin ko ng bigla akong itulak ng malakas ni Asher na dahilan para mapaupo ako sa lupa. "Asshole! What's yo---F*ck!" Isang palaso ang mabilis na lumipad at tumama sa tiyan ng bangkay. Kung hindi siguro ako naitulak ni Asher ay baka ako ang natamaan ng palaso.
"Bulls eye!" sigaw ng isang babae na nakatayo hindi kalayuan mula sa amin kasama ang apat pa na babae na may bitbit na iba't ibang sandata.
"Hi Ladies!" bati ni Asher sa kanila with matching kindat pa. Gross! Kahit kailan talaga ang landi ng lalaking 'to mas malandi pa kesa sa akin.
Tumayo ako at saka pinagpag ang palda ko. Bwisit! Nakakabawas ng poise.
"Bulls eye? Eh hindi mo nga natamaan 'yong babae. Gaga!" sigaw ng katabi nitong babae na may hawak-hawak ng kadena. So ako pala ang target nila? Mali sila ng kinalaban.
I'm gonna rip their face off!
"Nagsalita ang talunan! Eh hindi mo nga napatay yung target mo kahapon eh! Ikaw pa ang tinira. Wahahah. Shut up weakling! Ikaw lang mismo ang nagpapahiya ng sar---" ganti ng may hawak ng palaso pero naputol ito sa pagsasalita ng may dumating na namang panibagong babae.
Mukhang s'ya ang leader ng mga palakang 'to. Paano ko nasabi? Dahil s'ya lang naman ang mukhang may ibubuga. Kulay ube ang naka pony tail nitong buhok and that makes her look cool. Anyway, gusto kong paslangin ang mga lapastangan nitong mga kagrupo dahil sa pagtarget nila sa akin kanina.
"Hindi ko palalampasin ang ginawa nila sa akin." inis kong sabi pero mahigpit akong hinawakan ni Ash sa braso.
"Easy, babe. Papatayin mo lang ang sarili mo. Hindi mo sila kilala."
"Damn! They almost kill me! Kung para sayo wala lang 'yon, well, sa akin that's a big deal!" pero imbis na bitawan n'ya ako ay mas lalo n'yang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
"But you're still alive because of me. So, kung gusto mo pang mabuhay ng matagal ay sundin mo ako. I know them! They are brutal. Nakikita mo naman ang sinapit ng bangkay sa likod mo di ba?"
Napapadyak na lang ako sa inis saka winakli ang pagkakahawak sa akin ni Asher. Hindi ako makakapayag na hindi makaganti sa mga bruhang 'yon. Maghintay lang sila! Iisa-isahin ko silang papatayin!
"Long time no see Yvette. Mas lalo ka atang gumaganda." Bati at papuri ni Asher sa ubeng babae. Kahit kelan talaga ay ang landi ng lalaking 'to.
So, Yvette ang pangalan n'ya.
"Still the same, Ashy. Malandi ka pa rin katulad ng dati." Parang sawa na pumulupot si Yvettes sa braso ni Asher na ikinataas ko ng kilay. May kalandian din palang tinatago ang isang 'to.
"Who's this girl Ashy? New toy?" tanong nito habang nakaturo ang hintuturo nito s'akin.
Mabilis akong lumapit kay Yvettes at mahigpit na hinawakan ang hintuturo nito. Unahin natin ang balian ng buto sa daliri. "A toy? Who? Me?" mataray kong tanong.
"You freak!" asik nito. Mabilis akong napaatras dahil ginawang pagsipa nito. Hmm. Mukhang magaling ito sa martial arts. Hindi basta-bastang sipa ang pinakawalan ni Yvette. Mukhang katulad ko ay isa rin itong black belter.
"Hey! Alam kong gwapo ako pero hindi n'yo ako kailangang pag-agawan."
"Shut up!" sigaw ko kay Asher. "At para sabihin ko sayo utak ube hindi ako laruan ng tukong 'yan!"
"Whatever! Hindi mo kailangang magsinungaling. Hahaha. So, Ashy wanna spend the night with me?"
What he heck! Tinalo pa n'ya ang pagiging b***h ko!
"Sorry pero taken na ako." saka ako biglang hinigit sa bewang ni Ash at idinikit sa katawan n'ya. p*****t!
This fool really knows how to unleashed my inner demon.
***
ASHER
"Your joking right? Ano ba namang utak ang meron ka? Hindi! A-YO-KO!" protesta ni Eunice. As what I expected. Hindi s'ya sasangayon sa plano ko.
"Your insane." kalmang saad ni Azer.
"See? Kahit s'ya hindi sangayon sa plano mo! Kung gusto mo ay ikaw na lang ang sumama sa mga palakang 'yon. 'yon naman ang gusto mo di ba? We don't need you! Aalis kami ni Azer ng wala ka!"
Ang hirap talagang pakiusapan ng babaing 'to! 'Bat nga ba hindi ko pa tinapos ang buhay n'ya noon pa man?
Masyadong tuso si Yvette. Alam kong hindi n'ya kami paaalisin ng basta-basta. Pangalawang araw sa isla ng makilala ko Yvette at si Penny pero dahil ayoko ng kinokontra lahat ng plano ko ay nagpasya akong lumayo sa kanila at magsarili. She even tried to kill me ng malaman n'ya ang plano kong pag-alis pero dahil malakas ako ay nagawa kong malampasan silang lahat. Hindi ako maaaring magkamali, bangkay ni Penny ang nakasabit sa puno.
"I have no choice..." itinapat ko sa dibdib ni Eunice ang talim ng sibat ko dahilan para unti-unting tumulo ang dugo sa maliit na hiwa sa dibdib n'ya pero ni bakas ng takot sa mukha n'ya ay wala akong nakita. "Susundin mo ang gusto ko o ako mismo ang tatapos ng buhay mo. Choose!" Pagbabanta ko.
"Isang malaking hukay na ang islang 'to pag-apak palang ng mga paa ko dito at alam kong imposible ng makalabas ako dito ng buhay. Hindi ako takot na mamatay Asher kung 'yan ang inaakala mo." mabilis nitong hinugot ang kutsilyo na nakatali sa kaliwang binti nito saka walang takot na umabanti dahilan para mas lalong lumalim ang talim na nakalapat sa dibdib nitong sibat.
Kung tama ang pagkakatanda ko ay meron pa s'yang nakatagong kutsilyo sa bewang n'ya at Swiss knife sa buhok n'ya. Ilan lang sa mga sandata na nakolekta namin sa nakalipas na araw dito sa isla. Napangisi na lang ako at saka iniwas sa kanya ang sibat ko.
"Oh ano na? Don't tell me natatakot ka sa akin?"
"Ang tigas ng ulo mo, babe! Fine! Aalis tayo bago dumilim pero sinasabi ko sa inyong hindi magiging madali ang pag-alis natin dito sa teritoryo ni Yvette."
"What do you mean?" tanong ni Azer.
Plano ko sanang magkaroon ng alyansa sa pagitan namin ni Yvette. Magiging madali ang planong pagpatay sa mga natitirang tao dito sa isla kong marami kaming magtutulungan. Sa madaling salita gagamitin lang namin ang grupo ni Yvette bago sila ang isunod naming patayin. Ewan ko ba sa dalawang 'to kung bakit ayaw nila pumayag na plano ko.
Maya-maya ay dumating na si Yvette kasama ang mga kasamahan nito. "Sorry to keep you waiting Ashy. May importante lang kaming pinag-usapan. As you can see, hindi mapakali 'tong mga kasamahan ko sa presensya n'yo. In other words, WE HAVE TO KILL YOU AND YOU AND YOU." nakangising saad nito habang isa-isa n'ya kaming tinuturo. " Gusto pa sana kitang tikman for the last time pero masyadong mga nerbiyosa 'tong kasamahan ko. Nag-iingat lang kami. Hope you'll understand." dagdag pa nito.
"Why did you kill Penny?" seryosong tanong ko kay Yvette.
"Ah that traitor! She deserved it! She tried to kill me. Linagyan n'ya ng lason ang pagkain ko. Good thing at nakita ito ng isa sa mga kasamahan ko bago ko pa man makain ang inihanda n'ya para sa' akin."
"Tss. Sayang!" Bulong ni Eunice sa tabi ko.
This girl is a trouble maker! Hindi n'ya talaga alam kong kailan dapat gamitin ang talas ng dila n'ya.
"I heard you b***h!"
"Then good! Congrats! "sarkastikong pahayag ni Eunice.
Mabilis kong ibinato ang sibat ko ng makita ang ginawang pagsenyas ni Yvette sa isa nitong kasamahan. Bumaon sa dibdib ng babae na may hawak ng kadena ang sibat ko na agad nitong ikinamatay.
Let's party!