Chapter 10 - The Lister

1397 Words
ASHER Naging napakabilis ng mga pangyayari. Mabilis naming napatay ang tatlo sa mga kasamahan ni Yvette pero hindi ko namalayan ang palaso na lumipad sa direksyon ko. Mabuti na lang at dumaplis lang ito sa pisngi ko dahil nagawa pang ilihis ni Eunice ang pana na hawak ng babae. Tatlo na lang ang natitira naming kalaban. Si Yvette at ang kasama nitong babae na may pana at kawit. Sa pagkakatanda ko ay isang kadena na may maliit na kawit sa magkabilang dulo ang sandatang mayroon si Yvette pero 'ni hindi minsan ay hindi ko pa ito nakikitang ginagamit n'ya. Mabilis akong napaiwas ng iwasiwas sa akin ng isang babae ang napakatalim nitong kawit. Kung hindi ako nakaiwas ay siguradong hati ang katawan ko sa dalawa. Tanging ang polo ko lang ang nasira nito na dahilan para tumambad sa kanya ang katawan ko. "Baby 'wag mong masyadong titigan ang katawan ko baka lamunin ka ng abs ko ng buhay." pagbibiro ko na dahilan para mamula ito hindi sa kilig kundi sa galit. Muli n'yang inihampas ang kawit n'ya pero agad ko ring iniharang ang sibat ko. Hindi n'ya magagawang hatiin ang sibat ko dahil hindi ito gawa sa kahoy. Gawa ito sa matibay na metal na sadyang ipinagawa para lang sa akin. Upang masiguradong mananalo ang mga pambato nila ay binigyan nila kami ng maganda at matitibay na armas. Kung tama ang pagkakaalala ko ay sina, Romeo, Stanley, Skyler, Victor, Heina, Emily at Yvette ang katulad kong napili na mga lister sa laro. Sila ang mga taong kailangan kong patayin sa larong 'to. Kung inaakala ng ibang kalahok na tungkol lang ang larong ito sa mga patapon na estudyante na s'yang sumisira sa imahe ng kani-kanilang eskwelahan ay 'dun sila nagkakamali. Bago pa man magsimula ang larong 'to ay pinag-isipan na ng comittee ng mabuti kung sino sa aming apatnapong kalahok ang may kakayahang manalo hanggang sa huli ng game na 'to at kaming walo nga ang may madaming boto. Kapag naipanalo ng pangbato ng mga mayayamang 'yon ang laro ay napakalaking katumbas na yaman ang makukuha nila. Hindi lang nila naalis ang tinik sa paaralan nila, maari pa silang manalo ng bilyon ng dahil sa amin. Masasabi kong kaming walo ang pinakaespisyal sa game na 'to dahil kami ang mayroong magagandang armas. Samantala, ang ibang natitirang estudyante ay parang palamuti lang sa larong 'to. Hindi ba't nakakalungkot? Ginagawa ng bawat isa ang makakaya nila para mabuhay pero hindi nila alam na pagtungtong palang nila sa larong ito ay ang islang ito na ang kanilang libingan dahil sa hindi patas na pagpapatakbo ng laro. Ang pananatili kong buhay ang nagpapahaba sa sungay ng mga demonyong 'yon. "Ops!" "Tch! Not bad." saad ko ng mahagip ng kawit n'ya ang kaliwang braso. "Asher Averilla, am I right?" "Ganun na ba talaga ako kasikat?" "By the way, I'm Heina Mary." Pagpapakilala nito na nagpaangat ng gilid ng labi ko. I see. Mukhang s'ya ang mauuna na mabubura sa mga lister. Hindi ko susundin ang pagpatay sa mga nasa listahan. Kung sino ang taong makakaharap ko at magtatangka sa buhay ko sa islang ito ang s'yang papatayin ko. Napasinghap ako ng mahagip ng kawit n'ya ang bandang tiyan. Mabuti na lang at nakaatras kaagad ako kaya hindi ganun kalalim ang naging hiwa sa tiyan ko. May ibubuga rin pala ang babaing 'to. Sabagay isa nga pala s'ya sa mga nasa listahan. Puro depensa lang ang ginagawa ko. Gusto kong makita ang pagbagsak ng katawan ng babaing 'to sa harap ko dahil sa kapaguran. Sa laki ng kawit na hawak n'ya ay siguradong maya-maya lang ay hihina na ang mga pag-atake nito sa akin. "Puro pag-iwas na lang ba ang gagawin mo! Hahaha! Magpakalalaki ka naman!" Pahayag nito. Hindi na ako sumagot bagkus ay ako naman ang gumawa ng hakbang para atakehin s'ya. Alam ko ang ganyang istilo. Kakausapin n'ya ako para magkaroon s'ya ng oras na makapagpahinga. Alam na alam ko 'yan dahil bago pa ako isalang sa islang 'to ay lagi na akong napapasabak sa larong buhay ko na mismo ang nakapusta. Ipinadala ako sa islang 'to dahil sa kakayahan ko at hindi dahil sa may masama akong record sa paaralang pinapasukan ko. Isang nabubuhay na kasangkapan. Simula pagkabata ay sinanay na ako ng ama ko na lumaban. Karate, taekwando, judo, boxing at iba pang galaw para manalo sa mga street fight. Ganyan ang buhay ko, puro sakit ng katawan maipanalo ang larong pansamantalang magbibigay sa amin ng pera. Ilang daplis sa katawan ang naibigay ko kay Heina. Akmang ibabaon ko na sana ang sibat ko sa katawan n'ya ng bigla akong makaramdam ng matinding pagkahilo. Napaluhod ako at napasapo sa noo dahil sa unti-unting panlalabo ng paningin ko. Tangina! Anong nangyayari? "Sa wakas! Tumalab din!" "L-lason!" Usal ko nang maalala ang palaso na dumaplis sa pisngi ko. "Correct! Ang lason na mula kay Penny ay ginamit ni Gemma para sa mga palaso n'ya. Hindi ko akalaing may utak din pala ang babaing 'yon. Hmm. Paano ba 'yan! Mukhang katapusan mo na...baby." Nakangising saad nito. Unti-unti nitong iniangat ang hawak nitong kawit para tirahin ang leeg ko. F*ck! *** EUNICE "Hanggang d'yan na lang ba ang kaya mo? Hahaha. Wala ka pala eh!" pagmamayabang ni Yvette habang pinapaikot ang kadena nitong may maliit na kawit sa magkabilang dulo. Simula ng ilabas n'ya kanina ang secret weapon n'ya ay mas naging lamang s'ya sa laban naming dalawa. Nakakainis ang kayabangan ng babaing 'to! Nabaling ang tingin ko sa sugatan kong balikat dahil sa ginawa n'yang pag-atake kanina. Nakita ko ang pagbulwak ng dugo dahil sa malaking hiwa na ginawa nito. Kitang-kita ko rin ang buto na lumalabas mula sa sugat. "Let me tell you a secret..." panimula ni Yvette habang nakaguhit sa labi n'ya ang nakakalokong ngiti. Ang sarap hambalusin ng pagmumukha n'ya. "Close ba tayo? Wala akong paki sa sekreto mo!" Bwisit kung pahayag dito na ikinataas ng kilay nito. Don't let your guard down! I smirked. Ibinaba ni Yvette ang sandata n'ya dahilan para makahanap ako ng butas. Mabilis kong ibinato sa kanya ang kutsilyo ko na bumaon sa tagiliran n'ya. Plano ko sanang sa bunganga n'ya ito patamain pero atleast nagawa ko na itong masugatan sa pangalawang pagkakataon. Bukod sa tagiliran ay may tama rin ito sa hita n'ya. "M-Mukhang naghihingalo na ang isa sa mga kasamahan mo." hirap n'yang sambit saka ito lumingon sa direksyon nila Asher na agad ko namang sinundan din ng tingin. Anong nangyari sa kay Asher? Don't tell me basta-basta na lang s'yang magpapatalo sa babaing kalaban n'ya. "H-He will die eventually." nakangising pahayag ni Yvette. "Sa ngayon ay dahan-dahan s'yang manghihina at kalauna'y mamamatay dahil sa lason na nanggaling sa palaso ni Gemma. How Ironic!" Lason? Kitang-kita ko kung paano bumwelo ang babaeng kalaban ni Asher para itarak ang kawit sa kanya. Napatakbo ako papunta sa kanila pero kahit anong bilis ng pagtakbo ang gawin ko ay alam kong hindi ako makakaabot para iligtas si Asher. Masyado s'yang malayo mula sa kinaroroonan ko. Subukan mo lang mamatay sa harap ko! Gagawin kitang double dead. Badtrip ka! Parang nagslow motion sa paningin ko ang mga pangyayari sa paligid ko. Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang pagdaan ng matalim na bagay mukha ko na mabilis tumama sa kamay ng babaing may hawak ng kawit dahilan para mabitawan nito ang sandata n'ya. Si Azer. Wala na akong sinayang na oras, ibinato ko ang isa ko pang kutsilyo na bumaon sa dibdib ng babae. Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ni Asher. Hindi ko na pinansin ang pagtakas ni Yvette at ang kasama nitong babaeng may pana. "Kailangan maalis ang lason sa katawan n'ya." pahayag ko ng makita ang kalagayan ni Asher. Nakita ko ang unti-unting paninilaw ng balat nito at paghina ng takbo ng pulso. Akmang tatakas na sana ang babaing kalaban ni Asher ng hilahin ito ni Azer sa buhok. Mula sa likuran ay pumulupot ang kamay ni Azer sa bewang ng babae saka nito ipinatong ang baba sa balikat ng babae. "Where do you think you're going?" Tanong ni Azer. Mula sa likuran ni Azer ay binunot nito ang dart n'ya. "Play with me." "Azer! Wala na tayong oras! Kailangan nating magamot si Asher!" Suway ko rito. Nakita ko ang mabilis na pagsimangot ni Azer. "Tsk!" Narinig kong usal nito bago ibaon sa sintido ng babae ang mahaba at matalim nitong dart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD