RED
"Bat ba kasi ayaw mo akong makasabay maligo? Ayaw mo bang may magkukuskos ng likuran mo?"
"Bubulagin talaga kitang peste ka kapag sumilip ka!" pagbabanta ko kay Stanley. Kasalukan akong nakalublob sa ilog para linisin ang katawan kong halos isang linggo ng walang paligo.
Tatlong araw na simula ng magkahiwalay kami ni Torrence. Kamusta na kaya ang babaing 'yon? Sigurado si Stanley na kasama ni Torrernce ang kaibigan n'yang si Skyler pero kahit ganun ay wala akong tiwala sa kung sino man ang kasama nito ngayon.
Anong petsa at araw na kaya ngayon? Siguradong nag-aalala na sina mama, papa at kuya sa kakahanap sa akin. Wala 'ring kasiguraduhan kong makakalabas ako dito ng buhay.
Ilang oras na rin akong nakababad sa ilog kaya napagpasyahan ko na umahon na muna pero laking gulat ko ng makita ang mga lintang nakakapit sa hita ko. "AAHH!" sigaw ko pero agad kong itinikom ang bibig ko at napatingin sa direksyon ni Stanley na biglang napalingon sa akin.
"Bastos!" sigaw ko saka ibinato sa kanya ang nahawakan bato. Napatakip na lang ako ng bibig ng tumama ito sa noo n'ya.
"Aray! Ang brutal mo talaga! Bigla kang sumigaw kaya automatic ng lilingon ako para i-check ka."
"Inisip mo rin sanang wala akong saplot!" sigaw kong balik sa kanya.
"Eh wala naman akong nakita." sure akong nakanguso na naman s'ya.
"Pervert." bulong ko at saka nandidiring napatingin sa hita ko na may mga linta.
***
Tulad ng kinagawian ko ay sa taas pa rin ako ng puno pupwesto para matulog. Mas ligtas ako rito tuwing sasapit ang gabi. Ayoko nang maulit muli ang nangyari sa akin noong unang araw ko sa islang 'to. Doon ko unang naramdaman ang matinding takot para sa sarili ko. Pag-aaral lang ang laman lagi ng utak ko bago ako tumuntong sa islang 'to. Wala akong alam tungkol sa pakikipaglaban pero ng malagay sa alanganin ang buhay ko ay doon ko tinatagan ang loob ko. Kailangan kong pumatay sa gusto ko man o sa hindi kung gusto kong maka-survive sa larong 'to.
Isang kaluskos ang nagpaalerto sa akin mula sa ibaba. Dahil nasa taas ako ng puno ay kitang-kita ko ang ilang ilaw hindi kalayuan sa kinaroroonan namin ni Stanley. Kalagitnaan na ng gabi. Mahimbing ng natutulog si Stanley sa ibaba.
Bumaba ako ng puno saka sila maingat na sinundan. Tumambad sa akin ang mga lalaking nakaitim bitbit ang malalaki at itim na bodybag. Kung hindi ako nagkakamali katulad ng mga suot nila ang mga lalaking sapilitang dumampot sa akin bago ako ilaglag dito sa isla. Bitbit din nila ang kani-kanilang baril samantala yung iba naman ay mayroong malalaking armalite.
Ano kaya ang nasa loob ng mga bag?
Gusto ko pa sana silang sundan pero isang kamay ang biglang nagtakip sa bibig ko. Sa pagpupumiglas ko ay nakagawa ako ng ingay na s'yang dahilan para makuha namin ang attention ng mga lalaki.
"Sh*t!" bulaslas ni Stanley.
"S-Stanley." mabilis akong hinila ni Stanley palayo pero agad ding bumagsak ang katawan ko ng mapatid ako sa malaking ugat ng puno.
"Dapa!" sigaw n'ya kaya sinunuod ko na lang s'ya. Napatakip na lang ako ng tenga ng sunod-sunod ang putok ng baril ang narinig ko.
***
TORRENCE
Sunod-sunod na putok ng baril ang bumasag sa katahimikan ng buong isla. Hindi ko mapigilang kabahan pero si Red ang kaagad na pumasok sa isip ko. Sana ay maayos ang lagay n'ya. Ilang araw ko palang nakakasama si Red pero kahit ganun ay itinuring ko na s'yang kaibigan.
"Mukhang uulan." bulong ni Sky na nakatingala sa kalangitan. Unti-unting natakpan ng makapal na ulap ang mga bituin na sanang nagbibigay liwanag sa isla.
Ilang buhay pa ba ang masasayang dahil sa walang kabuluhang larong ito? Dapat ay nasa iskwelahan at nag-aaral kami ngayon. Dapat ay nasa bahay kami kasama ang mga pamilya namin. Dapat ay malaya kaming ginagawa ang gusto namin at wala sa impyernong islang ito para kontrolin at paglaruan lang ng mga mamayang demonyong 'yon.
Pinagkait nila sa amin ang kinabukasan namin.
"Maghanap na tayo ng mapagsisilungan. " saad ni Sky.
Natigil ako sa pag-iisip ng malalim ng may kamay na biglang sumulpot sa harap ko. "We better move." hinawakan ko ang kamay n'ya at saka n'ya ako hinila patayo.
Sa ilang araw kong nakasama si Sky ay hindi pa naman pumapasok sa isip ko na patayin sa sakal o saksak ang lalaking 'to habang tulog sa mga panahong bwisit na bwisit ako sa kanya. Wala pa akong lakas para iligtas ang sarili ko kaya kakailanganin ko rin si Sky.
Saktong pagtayo ko ay s'ya ring pagbagsak ng matinding ulan isabay pa ang malakas na ihip ng hangin. Para kaming binuhusan ng tubig na madaming yelo habang may aircon pang nakatutok sa amin.
"A-ang s-saya." sarkastiko kong saad habang nanginginig sa sobrang lamig.
Mabilis akong hinatak ni Sky papalapit sa kanya at saka n'ya ipinatong sa ulo ko ang blazer n'ya.
"Doon muna tayo." turo n'ya sa malaking puno na hindi kalayuan sa amin. Agad kaming tumakbo papunta 'run pero pagdating namin ay s'ya ring pagdating ng isa pang pares na katulad namin ay basang-basa rin dahil sa ulan.
"Torrence?" saad ng babae na dahilan para mapatitig ako sa kanya. She looks familiar.
Lalapitan na sana ako ng babae ng hilahin ito ng lalaking kasama n'ya papunta sa likuran nito. Ganun din ang ginawa sa' akin ni Sky. Masama ang titig ng dalawang lalaki sa isa't isa. Kung nakakamatay lang talaga ang titig ay baka isa na sa kanila ang patay.
"Kilala n'ya ako." bulong ko kay Sky.
Hinila ako ni Sky papalayo sa dalawa saka ako nito inakbayan at inipit sa pagitan ng braso't kili-kili n'ya. "Ano ba?" irita kong saad habang pilit na inaalis ang pagkakaipit n'ya pero masyado s'yang malakas.
"Kilala ka nga pero kilala mo ba?" Napaisip naman ako sa sinabi n'ya. Kinurot ko sa tagiliran si Sky na dahilan para mabitawan n'ya ako.
"Kailangan ko s'yang makausap!" saka ako nagsimulang maglakad palapit sa babae.
"Ang tigas talaga ng ulo mo." Narinig kung pahayag ni Sky pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Torrence!" sigaw ng babae at saka n'ya ako biglang yinakap. "Sabi na nga ba’t buhay ka pa. Salamat naman." dagdag pa nito.
"Sino ka naman? Pasensya na pero hindi kita matandaan." kunot noong tanong ko sa babaing may suot na salamin.
"Ako si Reina. Nagkakilala tayo nang araw na sapilitan tayong kunin ng mga tauhan ng DGC. Wala ka bang matandaan ng araw na dalhin nila tayo rito sa isla?" Tumango lang ako bilang sagot kay Reina. Napahawak naman s'ya sa baba n'ya na parang nag-iisip at saka ulit tumingin sa akin. "I think na overdose ka sa itinurok sayong druga."
"W-wait. May alam ka ba sa pagkawala ng alaala ko?" Gulat kong tanong kay Reina.
"Hindi ako sigurado pero 'yon lang ang nakikita kong dahilan. Limang beses ka kasi nilang tinurukan ng pampatulog sa kotse dahil hindi umepekto sayo ang isa hanggang apat na druga. Side effect ng drugs na ininject nila sayo ang pagkawala ng mga alaala mo." paliwanag n'ya.
Gusto kong sapakin ang naturok ng pampatulog sa' akin. Mga walanghiya sila!